Share

Chapter 7

ISANG buwan na simula nang mailibing si Niko. Masakit man ay kinakailangan kong tanggapin ang katotohanang wala na siya sa isang iglap lang. Nanubig ang gilid ng mga mata ko habang matamang tinitigan ang mga naiwan niyang letrato kasama ako. Kuha pa namin ang mga ito sa bukid nila.

Mapait akong napangiti. Ang pinapangarap kong masaya at matiwasay na pamumuhay ay hinaharangan ng kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay nabigo na naman akong makasama ang taong mahal ko.

“Jessy, may naghahanap sa iyo.”

Napalingon ako sa nagsalita. Pinahid ko muna ang natuyong luha sa aking pisngi bago nagpasyang tumayo. Nakangiti kong nilapitan ang biyenan kong babae habang nakatayo sa bukana ng pinto.

Nasa poder pa rin ako ng mga magulang ni Niko. Gustong-gusto ko na sanang umalis pero hindi nila ako pinapayagan. Nahihiya man ay pinagkibit-balikat ko na lamang iyon.

Pagdating ko sa sala, naabutan kong nakaupo si Merry sa sopa habang hawak ang kanyang cellphone. Mabilis siyang tumayo upang salubungin ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
nagkanak pala sila ni Phillip at sino siCholo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status