Share

30

Katabi ko ang mga bata na natulog pero si Gracel ay hindi, ang sabi ni Chriscelle ay sa sofa raw natulog ang Mommy nya. Hindi naman na ako nagpumilit na tumabi s'ya sa'kin dahil baka palayasin nya pa ako rito at hindi ako magkaroon ng time para sa mga anak ko, naramdaman kong may naupo sa dulo ng kama kaya awtumatiko kong naimulat ang mga mata ko. Nakita ko naman si Gracel na na sa paahan ni Chriscelle, na sa gitna ako ng mga bata. Na sa kanan si Chriscelle at na sa kaliwa naman si Austine, parehas silang nakaunan sa braso ko kaya halos wala nang pakiramdam ang mga ito.

"Aalis ka na?" Tanong ko, napalingon naman agad sa'kin si Gracel at tumango. Hinalikan nya si Chriscelle at ilang sandali lang ay lumapit s'ya kay Austine para humalik din, ngumuso pa ako ng magtama ang paningin naming dalawa "How about me?" Tanong ko pa habang nakanguso at ready nang magpa-halik sa kanya.

"Sorry, hindi kita kilala." Sambit nya, bahagya na lang akong natawa nang umirap s'ya. Nakayuko s'ya ngayon at der
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status