LOGINWala nang nagawa si Barbara kundi ang sumabay na lang sa biyahe pauwi sa bahay. Sa buong biyahe, isinaksak ng dalaga ang kaniyang AirPods sa kaniyang mga tainga, inilakas nang husto ang musika, at isinandal ang ulo sa pinto sa kaniyang tabi. Ayaw na ayaw niyang kausapin o makipagpalitan man lang ng kahit anong salita kay Hector.Sa hating-gabi ng biyahe, huminto si Hector sa isang coffee shop tulad ng dati. Inabot nito sa kaniya ang paborito niyang kape habang ang isa pang kamay nito ay may hawak na bag ng pastry at tsokolate, halatang ibibili at ipapasalubong nito para kay Caroline.Isang sulyap pa lang ay alam na niyang ang pinakamasarap at pinakamagandang balot ng pastry ang pinili nito para sa ate niya."Kausapin mo muna ako, Barbara." Biglang itinanggal ni Hector ang AirPods mula sa tainga ng dalaga nang walang paalam. Inis na sinulyapan ni Barbara ang gawi nito, pero wala namang pakialam ang lalaki sa kaniyang inis."Kumusta ang pag-aaral mo?" Maunang nagtanong si Hector dahil m
"Ibig sabihin, kailangan kong maghintay hanggang sa makuha mo ang gusto mo, ganun ba?"Ang selfish ng pag-iisip ni Hector!Halos isumpa na ni Barbara ang lalaki sa kaniyang isip, pero wala na siyang magagawa pa bukod doon. Ayaw na niyang pahabain pa ang nakairitang usapang ito, ang pagpapatalo sa away na ito ay aksaya lang sa oras."Kung sabagay, ikaw na ang bahala, Kuya Hector. Wala naman akong karapatang mamili mula't sapul.""Kung aalisin mo 'yung pagkakamali ko sa'yo nung gabing 'yon, anong masama sa akin? Hindi ba ako bagay para sa ate mo?” pabalang na sagot nito pabalik."Sinabi ko na sa'yo, pumunta ka kay Ate Caroline at sa kaniya ka makipag-usap. Walang kinalaman ang buhay mo sa akin.""May kinalaman, Barbara! Kung tutulungan mo ako at kakausapin mo si Caroline, mas madali siyang makakapagdesisyon! Mahal na mahal ka ng ate mo. Kapag tinulungan mo ako, mas madali siyang papayag na magpakasal sa akin.""Nasa sa'yo na 'yon. Kung totoo kang mabait at maayos, kusa ka namang pipilii
"Ganoon ba ang gusto mong mangyari, Kuya Hector? Gusto mo lang akong makitang itinatapon, walang nagmamahal, at walang nag-aasikaso sa akin? Ganoon ba?"Itinaas ni Barbara ang kaniyang mga braso at nag-krus ang mga ito sa dibdib habang nakatitig sa lalaki. Hindi niya alam kung paano napadpad si Hector sa lugar na iyon sa oras na ito. Kung si Harris iyon, hindi na siya magtataka kahit kailan. Pero si Hector? Hindi naman ito pumupunta sa lugar na ganito."Sa pinaggagagawa mo, sa tingin mo ba nararapat ka pa ring mahalin at kaawaan ni Lola?""Hindi ba't si Lola mismo ang dapat magdesisyon niyan at hindi ikaw, Kuya Hector?""Ayan! 'Yang ganyang ugali mo! Paano mo ie-expect na magugustuhan kita?!" Inis na asik ni Hector. Nagpadala lang siya sa kaniyang emosyon at nagsalita nang walang pag-iisip, pero mukhang tumagos iyon sa puso ng dalaga."Wala naman akong sinabing magustuhan mo ako, Kuya Hector. Kung ayaw mo sa akin, edi sige. Layuan natin ang isa't-isa. Huwag kang manghimasok at huwag k
Bumaba mula sa kaniyang mamahaling kotse ang matangkad na si Harris, nakasuot ng puting polo na may dalawa hanggang tatlong nakabukas na pindutan sa itaas at paboritong kupas na jeans. Nakita niyang nakarating na sa harap ng condo ang kaniyang kikitain.Nakatayo si Harris habang nakakrus ang mga braso at nakasandal sa kotse. Ang matatalim niyang mata ay nakatutok kay Barbara na nagbubukas ng pitaka para magbayad sa Grab driver na naghatid sa kaniya. Naghintay siya hanggang sa makalapit ang dalaga sa kinaroroonan niya."Matagal ka bang naghintay, Kuya Harris?" Ang simpleng ngiti sa magandang mukha ni Barbara ay kahit paano'y nakabawas sa init ng ulo ni Harris, pero pinanatili pa rin niya ang seryosong mukha."Bakit hindi ka naghintay sa akin?""Huh?""Nag-usap tayo na sabay tayong aalis sa bahay, 'di ba? Bakit hindi mo ako hinintay at nauna nang umalis nang hindi ako kasama?" Pagkagising niya para maligo at mag-ayos, wala na pala si Barbara. Nagtaka talaga siya. Kahit gaano pa ito nagm
"Talagang galit na galit ka sa akin, ha, Kuya Hector?" Tanong ni Barbara habang bahagyang ngumingiti nang mapait. Kahit pilit niyang ipinapakita na wala siyang pakialam, kabaligtaran naman 'yon ng tunay na nararamdaman ng kaniyang dibdib."Pagtiisan mo na lang. Ilang araw na lang naman tayong magkikita rito bago ako tuluyang umalis.""Sana nga totoo 'yang sinasabi mo. 'Wag kang puro salita.""Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, baka mamaya ay mauna pa akong magka-boyfriend na mas hihigit pa sa'yo!" Pabalang na tinulak ni Barbara ang dibdib ni Hector para palayuin ito. Noon naman ay hindi naman ganoon kainit ang ulo nito sa kaniya. Pero simula nung gabing 'yon, noong gabing nagkamali ito at inakalang si Caroline siya, lalong lumala ang pakikitungo nito sa kaniya araw-araw.Bakit ba siya lang ang sinisisi nito? Hindi ba't pareho lang naman silang nagkamali? Bakit tila ba siya ang nag-iisang may kasalanan sa lahat?"Sana nga! At sana huwag na huwag mong hayaang masira ang relasyon ninyo ni
Tinitigan ni Hector ang screen ng kaniyang cellphone na walang kagalaw-galaw bago niya napagtantong na-block na pala siya ng dalaga. Sinabi ni Barbara na ayaw na nitong makita ang mukha niya, at ang dahilan kaya ito lilipat sa city ay para hindi na sila kailanman magkaharap. Kung sa bagay, mas mabuti na rin 'yon. Iyon din naman ang gusto niya. Ayaw rin niyang makita ang mukha nito."Hector? Kanina ka pa ba nakauwi?"Ibinulsa ni Hector ang kaniyang cellphone bago tumingala sa nagtanong. Sa kabila ng lahat, ang maamong mukha ni Caroline ang nakapagpapawala sa kaniyang inis at galit."Kadarating ko lang. Nakita ko ang kotse ni Harris sa labas, nakauwi na ba siya?" tanong niya sabay lingon sa labas bago ibinalik ang tingin kay Caroline."Oo, nakauwi na sila. Kasama niya si Barbara at si Lola.""Nakauwi na si Lola?""Oo. Sabi ni Harris, nakiusap daw si Lola na makalabas na ng ospital dahil pakiramdam niya ay maayos na siya. Nasa kwarto na siya ngayon at nagpapahinga. Si Barbara rin.” malum







