Home / Romance / One Night with Don, Two Heirs / CHAPTER 3. “Move On”

Share

CHAPTER 3. “Move On”

last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-24 14:26:24

Halos isang oras din siyang nag babad sa tubig. Hindi niya alintana ang ginaw. Gusto niyang mahimasmasan baka sakaling gumaan ang bigat na nararamdaman niya.

Paglabas niya ng banyo, kinuha niya agad ang kanyang cellphone. Nakapatay ito. Lowbat.

Chinarge niya muna ‘yon, gusto niyang burahin ang mga pictures at palitan nila ng sweet messages ni Oliver, lalong-lalo na ang numero nito na gusto niyang i-block.

Ilang minuto pa, nagbukas ‘yon ,47 missed calls. Lahat kay Oliver.

Last message 10 minutes ago..

~Oliver Lopez: Bella, Wag ka magpapakamatay. Nagpadala ako sayo 2k. Pang-abala lang. Move on na tayo.

Mahigpit niyang nahawakan ang telepono. Hindi niya alam ang mararamdaman sa sobrang kapal ng pagmumukha ng lalaki.

“Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha Oliver? Sana nung una palang nakilala ko na ang tunay na ugali mo! Apat na taon akong nagpakahirap tapos papalitan mo lang ng 2k?”

Napalakas ang mapait na tawa ni Bella. Tumulo ulit ang masasaganang luha niya sa mga mata na parang hindi nauubos.

*Blocked.*

Tinapon niya ang cellphone sa kama matapos i-block ang numero at burahin ang lahat ng litrato nila ni Oliver.

Nagtalukbong siya ng kumot at doon umiyak ng umiyak, hindi niya kayang pigilan. Hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala.

Nakatulog na lamang siya sa labis na pagtangis at sama ng loob.

—

Isang linggo na ang nakalipas..

Isang linggong puro dilim.

Isang linggong puro iyak.

Isang linggong walang matinong kain. Walang payapang tulog. Walang kausap.

Nanghihina ang katawan ni Bella. Nasa sahig lang siya. Nakayakap sa sarili. Nakapikit pero gising ang diwa.

Amoy lumang kape yung kwarto. Amoy luha.

Yung ref niya, tubig na lang ang laman. Gutom siya pero walang gana. Manhid na ang katawan.

“Bakit?” paulit-ulit sa isip. “Anong kulang sakin? Paano na ako ngayon? Kaya ko ba to?”.. bulong niya sa isip bago muling agawin ng antok ang pagkatao.

(Isabella.. apo.. tumayo ka na diyan, tanghali na.. kaya mo yan.. bumangon ka!..”)

“LOLAAA!”

Napabangon si Bella sa malamig na sahig at hilam sa luha ang kanyang namamagang mga mata, pawis na pawis ang noo at leeg.

Napanaginipan niya ang kanyang Lola Rosa na siyang kinagisnan niyang magulang. Ito ang nagpalaki at nag alaga sakanya magmula ng mamatay ang kanyang ina.

“Lola.. nasasaktan ako.. tulungan mo po ako na alisin itong sakit..”

*Hik.Hik.*

Impit na impit ang kanyang mga hikbi.

Kumalam ang sikmura niya sa kakaiyak, halos hapon na pero wala paring laman ang tiyan niya sa araw na ‘yon.

*Tok. Tok.*

Napalingon siya sa pintuan ng biglang may kumatok. Lumapit siya doon at inantay na magsalita kung sino ang taong nasa labas.

“Bella! Bella! Nandyan ka ba? Magda-dalawang buwan ka nang hindi nagbabayad ng upa. Pasenya ka na pero kung hindi ka pa makakapag abot ngayong linggo ay mapipilitan akong paalisin ka!.”

Bumalik siya sa higaan at kinapa ang wallet niya sa lumang bag. Inilabas ang 1,200 pesos na perang natitira sakanya.

Huminga siya ng malalim at kinuha iyon. Binuksan niya ang pintuan at kinausap ng mabuti ang may-ari ng upahan.

“Pasensya na po kayo Aling beth, kalahati po muna ang maibibigay ko ngayon.. pero promise po bukas ay papasok na ako sa trabaho, gagawan ko po ng paraan para makapag bayad ng buo. pasensya na po ulit.”

Nakayuko niyang saad sa Ginang habang inaabot dito ang Perang natitira sakanya.

“Sige na nga! Kung hindi ka lang mabait iha hindi ko tatanggapin ito. Pero gawan mo ng paraan ang balanse ha! Aalis na ako!”.

Tinanggap nito ang pera at tuluyang umalis sa harap niya. Isinara niya ang p***o, pilit pinipigilan ang lungkot at luha.

Nag vibrate ang Cellphone niya, naagaw nun ang atensyon niya kaya kinuha niya ito.

Isang text.

From: Batch 2019 GC

“HELLO BATCHMATES!!! CLASS REUNION NA NATIN SA SEPTEMBER 15!!! @D’ YOUNG DON’s BAR, QC!!! 7PM!!! SEE YOU ALL!!! -Hosted by Andrea Mendoza 💖”

Napahigpit ang hawak ni Bella sa phone. Sa isip-isip niya ay talagang hindi parin siya tinitigilan ni Andrea, alam niyang sinasadya nito siyang imbitahan sa Class Reunion para ipamukha sakanya na siya na ngayon ang girlfriend ni Oliver at para narin siguro mapahiya siya sa mga batchmates nila, dahil ang honor student noon ay isa nalang hamak na tutor at walang narating sa buhay, higit pa roon ay uto-uto at tatanga-tanga.

Tumawa siya. Walang tunog. Mapait.

Labing walong taong gulang siya nung sinagot niya si Oliver.

Siya ang pinakamaraming manliligaw nung senior high dahil bukod sa maganda ay matalino din siya. Pero si Oliver lang ang hindi sumuko.

Araw-araw may sulat. Araw-araw hatid sundo.

Tapos nung field trip sa dagat. Nalunod siya. Nahila ng alon. Akala niya katapusan na niya pero si Oliver tumalon, Hindi alintana ang lalim ng dagat at laki ng alon, Iniligtas siya at isinugod sa hospital. Dahil doon, napatunayan niyang seryoso talaga ito sa panliligaw kaya binigay niya na ang buong tiwala at sinagot ang lalaki.

“Oo, Dahil sayo buhay pa ko ngayon.. Pero Amanos na tayo dahil binuhay din kita ng limang taon” bulong niya sa hangin.

Hindi niya man lang nahalata.

Pailalim pala. Habang kinakamusta siya ni Andrea: “kamusta kayo ni Oliver?”

Habang humihingi ng advice: “Paano ba maging katulad mo, Bella? Swerte mo kay Oliver.”

Lahat pala kasinungalingan.

“Bakit?” pabulong niya. Lalong lumakas. “BAKIT NIYO TO GINAWA SAKIN?!”

Sigaw niya. Walang sumasagot. Pader lang.

23 na siya ngayon. Limang taon ang nasayang.

Bumalik ang alaala niya kay Lola Rosa. Yung Lola niyang nagtitiyagang magtinda ng gulay para lang maigapang, mapag aral at mabuhay siya.

“Apo, mag-aral ka. Para pag dating ng araw, hindi ka aasa sa lalaki.”

Pero anong ginawa niya? Huminto siya sa pag-aaral para kay Oliver.

“Mauna ka muna, mahal. Akong bahala sayo. Akong bahala saatin.”

Nung namatay ang Lola, siya lahat. Upa, kuryente, tubig, pagkain.. Para sa dalawa. Lalo na kay Oliver na nag-aaral para sa future nila.

At ito pala yun. Iniwan. Pinagpalit. Itinapon.

Napahagulhol ulit siya. Pero may huminto sakanya.

“Mabuti na lang…”

Naalala niya ang habilin ni Lola nung nasa hospital:

“Isabella, ipangako mo sakin. Ibibigay mo lang sarili mo sa lalaking mahal mo pag kasal na kayo. Panghawakan mo ang dignidad mo, apo.”

Hinawakan niya ang dibdib niya. Wala. Hindi nakuha ni Oliver. Iyon na lang ang natira sakanya.

“Salamat, Lola…” iyak niya. “Mabuti at nakinig ako sayo...”

Biglang kumalam ang sikmura niya. Guminhawa kahit papaano ang saloobin niya dahil sa isiping hindi pa pala siya lubusang nauto at natalo. Bagkus natira sakanya ang pinaka importanteng bagay. Ang Dignidad..

Dahan-dahan siyang bumangon. Nanghihina.

Nagligpit. Nagtapon ng basag na Tupperware.

Nagluto ng sinangag. Isang itlog. Walang ibang ulam. Pero kinain niya nang pilit.

Pagkatapos, naligo. Matagal. Para mahugasan lahat.

Humarap sa salamin.

Gulat siya sa nakita. Payat. Maputla. Maitim ang ilalim ng mga mata. Parang multo.

“Tama na, Isabella Ferreira.” matigas na sabi niya sa refleksyon.

“Hindi deserve ng mga taong yan ang luha mo. Bumangon ka. Simula ngayon, sarili mo lang ang kakampi mo.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 71. “Mr. Clone”

    Nakita niya ang isang maliit na bata. Babae. Cute, Naka- sunflower yellow dress. Medyo kulot ang dark brown na buhok, Umiiyak, takot bumaba. Biglang parang may humila sa dibdib ni Devlin. Hindi niya alam kung bakit. “Wait here, Mr. Trinidad” sabi niya sa lalaking kausap at saka umikot sa kabilang escalator paakyat, halos takbuhin niya na iyon upang mabilis makarating sa itaas kung nasaan ang batang babae. "Hey! Little girl! It's okay! Don't move!" Sigaw ni Devlin. Habang bahagyang naka taas pa ang isang kamay upang pigilin sa pag galaw ang bata. Umiiyak si Luna, hindi maialis ang tingin sa escalator. "I can't! I'm scared!" Nakarating si Devlin sa taas. Mabilis at hingal pero hindi niya pinansin. Lumuhod siya para pumantay sa bata at walang pag-aalinlangan na binuhat ito. Isang buhat lang, nasa bisig na niya agad si Luna. "Got you. I got you. Shhhh” marahang tapik niya sa likod nito. Karga niya si Luna at sabay silang bumaba sa escalator. Maingat. Napakapit naman si Lun

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 70. “Look-alike”

    11:14 PM | OUTSIDE EL FUEGO MANSION | SAME NIGHT "SSSH_T!!" Sa loob ng sasakyan, halos mabali ang binoculars sa higpit ng hawak ni Devlin. Pawis ang noo. Yung puting panyo na may amoy pa ni Isabella, hawak-hawak niya pa rin. "F*ck!!" Inalis niya ang binoculars at sumandal sa upuan. Pumikit. Huminga ng malalim. Pero kahit nakapikit, kita pa rin niya — yung white lingerie ni Isabella sa veranda, walang bra, bakat ang dibdib, yung buhok na nililipad ng hangin, umiiyak habang umiinom ng wine. Gusto niyang akyatin. Pero hindi niya magawa. Hindi pa panahon. Matapos paraus*n ang sarili, sinandal niya ang ulo sa upuan ng sasakyan, pawis at hinihingal na napakagat sa labi. Sa di kalayuan, medyo malayo sa sasakyan ni Devlin, may isang matte black Toyota Hilux na nakaparada. Bukas ang bintana sa driver side. May usok na lumalabas. Nandoon si Caleb Nostrad. Pinsan niya. Nakangiti habang nagsisigarilyo. Hawak ang phone, nagvi-video. Gamit niya ang totoo niyang sasakyan. "Huli ka, insa

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 69. “In Heat”

    Halos mabuwal siya sa lakas ng pagkakabitaw nito sa braso niya. Hilot hilot niya iyon habang palinga-linga sa paligid kahit na wala naman siyang naaaninag. Wala na ang lalaki sa paligid niya. “The lights will return in 3..2..1” Dinig niyang announce ng event host na babae. Dali-dali niyang inayos ang sarili. Ayaw niyang may makakita sakanya na ganoon ang itshura. Sya si Atasha Walton at hindi pwedeng mawala ang poise niya lalo na sa mga ganitong kalaking event. Iwinaksi niya ang takot at pangamba sa nangyari kanina. Tumunog ang ilaw, lumiwanag muli ang paligid. Lahat ng tao ay watak watak at halata ang kasiyahan sa mga naganap. Nasa gitna na pala siya ng ballroom. Inikot niya ang paningin, walang pamilyar na mukha siyang nakita sa paligid. “Kung sino ka mang lalaki ka, Prepare yourself when I find out who you are.” Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa braso niyang namumula at bakat ang limang daliri mula sa lalaki kanina. “Get ready, Ihahatid na kita pauwi.” Napali

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 68. “Unknown”

    Boses ni Mara. Malayo. Tarantang-taranta sa kakahanap. Narinig ni Isabella pero hindi siya makasagot. Nasa pader pa rin siya, nakasandal, yakap parin ni Devlin ng mahigpit. Parang ayaw kumawala. Dama niya ang sunod sunod na pag hugot nito ng malalalim na buntong hininga. Nasa ganoong posisyon sila nang biglang bumalik ang boses ng host sa microphone, mas malakas na kaysa sa love song. "Okay partners! Time's up! Light will return once the 3-second countdown is over.” Nagsimula ng magbilang ang host. “In.. 3...” Napatigil si Devlin. Narinig niya. Alam niyang kailangan niya nang bumitaw kahit ayaw pa niya. "2..." Tumingin siya kay Isabella. Yung mukha ni Isabella sa dilim, hindi niya makita ng maliwanag pero alam niyang umiiyak ito dahil naramdaman niya ang mga pigil na pag yugyog ng balikat nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot at guilt. Hindi pa rin bumibitaw si Devlin. Sa halip, mas hinigpitan pa ang yakap sa babae bago kumalas at hinawakan ulit ito sa mukha. Mag

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 67. “Moan in the Dark”

    ~(Do you ever think about me? Do you ever cry yourself to sleep? In the middle of the night when you awake Are you calling out for me? Do you ever reminisce? I can't believe I'm acting like this Know it's crazy How I still can feel your kiss)~ Kasunod ng pag tugtog ng love song ni Bryan Mc’Night. Gumagalaw ang labi ni Devlin, parang nagmamadali. Parang pinagihiwatig nito ang pagkasabik. Marahas iyon at naramdaman niyang lumakad sila ng konti habang magkasugpon parin ang kanilang mga labi. Naramdaman niyang huminto sila sa malamig na pader sa sulok, dama niya iyon ng idiin siya don ni Devlin. ~(It's been six months, eight days, twelve hours Since you went away, yeah I miss you so much and I don't know what to say I should be over you, I should know better But it's just not the case It's been six months, eight days, twelve hours Since you went away)~ Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit tutol ang isip niya sa ginagawa ng lalaki sakanya pero ang ka

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 66. “Moonlight”

    Hindi dahan-dahan. Biglaan. Buong Grand Ballroom — blackout. "Ohhh!!" Sigawan ng mga tao, may halong kilig at gulat. May ilan siyang mga narinig na kaluskos at takbuhan. Totoong blackout. Walang LED, walang spotlight. Ang tanging liwanag lang ay yung bilog na buwan sa open roof ng Blue Mansion Place. Maputi, malamig, mahina. Kita lang ang anino ng mga tao, pero hindi ang mukha. Hindi mo alam kung sino ang nasa harap mo. At kasabay ng pagpatay ng ilaw, tumugtog ang malamyos na love song — piano, mabagal, yung tipong love song na masakit ang pahayag sa nakikinig. "Mara?" Tawag ni Isabella sa dilim. Hinawakan niya yung upuan, hinahanap si Mara. "Mara, nasan ka?" Hindi sumagot si Mara parang wala na siyang katabi. "I’m here!," narinig niya si Adam. Pero malayo ng konti ang boses nito "Isabella, dito —" Inabot ni Isabella ang kamay sa direksyon ng boses ni Adam. Pero bago pa man niya mahawakan si Adam, may isang kamay na mas mabilis humatak sakanya mula sa likuran niya.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status