Home / Romance / One Night with Don, Two Heirs / CHAPTER 2. “Calling Card”

Share

CHAPTER 2. “Calling Card”

last update publish date: 2026-08-24 14:26:18

Tumayo si Oliver. Niyakap si Andrea. Parang pagmamay-ari.

“Tama na. Nakakahiya ka.”

“Ako pa ang nakakahiya?!”

“Oo!” sigaw ni Oliver. “Tapos na tayo, Bella! Tinatapos ko na! Kaya kung ano man ang mga narinig at nakikita mo ngayon, totoo ‘yon! 4 years na kami!”

Napatigil ang mundo ni Bella.

Huminga si Oliver. Tiningnan siya na parang wala lang. Na parang siya pa may sala.

“Simula 1st year ko sa Law school oo mahal kita noon, Bella. Pero pakipot ka. Walang time. Laging trabaho, ni hindi ka nga marunong mag ayos ng sarili! Tignan mo ‘yang sarili mo sa salamin sinong matinong lalaki ang gaganahan? Tapos 5 years na tayo pero hindi mo man lang mabigay sarili mo sakin. Laging kasal muna!”.

Tumawa siya ng mapait.

“Pero si Andrea? Nandyan. Natatakbuhan ko pag stress. Binibigay niya lahat ng kailangan ng lalaki. Hindi gaya mo.”

Gumuhit ang nakalalasong ngiti sa labi ni Andrea habang nakayakap kay Oliver. Tumingin kay Bella.

“Sorry, bestie. Naunahan lang kita, ikaw naman kasi e wala kang pakiramdam, masyado kang pakipot”.

Doon na tuluyang nadurog si Bella. Hindi parin siya makapaniwalang niloko at pinagsamantalahan ng dalawa ang pagkatao niya.

Pakiramdam niya’y mapait ang bawat paglunok niya at may parang punyal na paulit-ulit ibinabaon sa dibdib niya.

Hindi siya sumigaw.

Hindi siya nagmakaawa. Madami siyang gustong sabihin at isumbat ngunit hindi na niya kaya ang bigat ng nararamdaman.

Umatras siya at tumalikod. Habang naririnig niya sa likod ang huling sinabi ni Oliver “Wag mo na kaming guluhin, Hindi na kita kailangan”.

Paglabas niya ng p***o, matigas lang ang anyo niya. Para siyang lumulutang sa sahig dahil hindi niya maramdaman ang pagtapak niya sa simento.

Mabilis siyang nakalayo sa Apartment ni Oliver ng hindi alam kung san patungo.

Basang-basa si Bella.

Hindi lang ng ulan.

Pati ng sarili niyang luha.

Nakatulala siyang naglalakad. Walang direksyon.

Yung sandals niya sumisigaw sa simento kada hakbang, basang-basa ito at parang bibigay na dahil na rin sa kalumaan.

Kasabay ng iyak niya, ay wala ring tigil ang ulan.

Parang ang langit na mismo yung nakikiramay para sa kanya.

“4 years na kami…”

“Ginagamit lang kita…”

“Binibigay niya lahat ng kailangan ng lalaki…”

Paulit-ulit yun sa utak niya.

Limang taon. Limang taon na pagtitiis. Limang taon na akala niya may patutunguhan.

Tumigil siya sa gitna ng pedestrian. Pinikit ang mata.

Gusto niyang isigaw. Gusto niyang magwala.

Pero wala. Pagod na siya.

*PEEEEP!!!*

Malakas na busina. Nalaglag ang bag niya sa gulat. Napamulat siya bigla ng mata kasabay ng pag sakit ng tainga niya dahil sa alingawngaw ng busina.

*PEEP PEEEP!!!*

Dun lang siya nagising. Nasa gitna na pala siya ng kalsada, Wala sa sarili. Tumatawid na hindi tumitingin.

Biglang nanghina ang tuhod niya. Bumagsak siya sa basang aspalto.

Hindi siya tinamaan ng malakas. Pero yung tuhod niya sumayad. Mainit. Makirot.

Inangat niya ang tingin kahit nasisilaw sa malakas na ilaw ng sasakyan. Isang kotseng kulay itim. Magara. Huminto ng biglaan ilang pulgada lang sa harap niya.

Bumukas ang p***o. Bumaba ang isang babae, mga nasa 50’s ang edad. Naka-blazer at may payong. Maamo ang mukha pero bakas yung pag-aalala habang papalapit sakanya.

“Okay ka lang ba iha?!” takbo nito papalapit. “Pasensya ka na! Bigla ka kasing tumawid! Mabuti at nakahinto agad ang driver ko!”

“A-ah... o-oo okay lang po ako..” wala sa isip na sagot ni Bella.

Nanginginig ang boses. Nanginginig buong katawan. Hindi sa lamig. Hindi sa pagka gulat kundi sa sakit.

Nilinga-linga niya ang paligid. Busina ng busina ang mga sumunod na sasakyan. Nakakaabala na pala siya. Nagkakagulo na dahil sa kanya.

“Mukhang hindi ka okay, may sugat ka! Dadalhin kita sa ospital” hinawakan siya ng ginang sa braso para alalayan tumayo.

May munting kirot. Paglingon niya, may maliit na galos pala siya sa siko bukod sa tuhod. Dugo. Nahalo sa ulan, marahil ay nagasgas iyon sa simento nung bumagsak siya.

“H-hindi na ho.” umiling si Bella. Binawi dahan-dahan ang braso. “Maliit lang po ito. Pa-pasensya na po sa abala ma’am.”

Nakita niya yung awa sa mata ng ginang.

Yung tipong awa na hindi niya kailangan. Awa na parang sinasabing “Kawawa ka naman.”

Lalo siyang nahiya. Basang-basa siya. Magulo ang buhok. Namumutla, Mukhang pulubi. At oo, dama niya na rin ang kumakalam na sikmura kasi wala pa siyang kain mula kaninang umaga sa kakatipid ng natitirang pera.

“Okay sige.” tumango yung ginang. Kinuha sa suot na blazer ang wallet. “Pero tanggapin mo to. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka ha? Kahit ano, iha. Mag-iingat ka sa susunod ah.”

Iniabot yung calling card. Makintab. May pangalang naka ukit.

"- CEO, Divina El Fuego. The El Fuego Group of Companies"

Nahiya si Bella tumanggi. Ramdam niya ang sensiridad ng ginang. Bukod pa do’on ay labis nang naaabala ang mga sasakyan sa paligid dahil sakanya.

“S-salamat po…” bulong niya.

Mabilis na bumalik ang ginang sa kotse at bago ito tuluyang pumasok ay binigyan ulit siya ng saglit na titig.

Naiwan si Bella. Nakatayo sa gitna ng ulan sa madilim sa kalsada, Hawak-hawak yung calling card.

Tumulo ulit ang luha niya. Hindi niya alam kung sa awa o sa galit sa sarili, kung bakit nauto siya at hinayaang umabot sa ganito ang sinapit sa huli.

“Ano ka ba naman, Isabella.” mapait niyang bulong sa sarili. “Walang kwentang lalaki yung iniiyakan mo.”

Pinunasan niya ang kanyang mukha. Hindi alam kung ulan o luha yung pinupunasan. Huminga siya ng malalim. Amoy ulan. Amoy pagod. Amoy pagkatalo.

May dumaan na jeep. Pinara niya. Siya lang pasahero dahil hating gabi na at hindi na niya namalayan ang oras.

“San ka iha?” tanong ni manong driver.

“...Uuwi na po.”

---

Makalipas ang mahigit trenta minuto, Bumaba na siya sa babaan ng jeep sa kanto. Dalawang liko sa iskenita at nakarating din agad siya sa isang maliit, masikip at madilim na apartment niya.

Bumagsak siya sa papag na mayroong manipis na kutson.

Madilim, Walang ilaw. Tipid sa kuryente.

Tiningnan niya ang kisame. May tulo-tulo. Lalo siyang binalot ng lungkot at kabiguan. Hindi niya namalayang ito ang kahihinatnan ng labis na pagmamahal niya kay Oliver.

Binuksan niya ang basang bag. Nandun pa rin ang calling card ng babae.

Ngumiti siya. Mapait.

“Hindi ko kailangan ng tulong na may awa, ayoko nang kaawaan..”.

Isinilid niya ang calling card sa kanyang drawer.

Pero may kumislot sa dibdib niya. Yung kamay ng ginang kanina sa braso niya, Mahigpit pero maalaga.

Yung boses “Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka, kahit ano..”

Naalala niya bigla si Oliver.

Nung nagkasakit siya dati, sinong nag-alaga? Siya.

Nung walang pera si Oliver, sino sumalo? Siya.

Nung bumagsak si Oliver sa exam, sino nagpalakas? Siya.

Tapos ngayon?

Inalis siya sa buhay ng ganun-ganun nalang. Iniwan na parang basurang hindi pinakinabangan at higit sa lahat ipinag palit sa akala niya’y matalik niyang kaibigan.

“Kasi hindi mo mabigay lahat ng kailangan ng lalaki.”

Napapikit siya sa naisip na sinabi ng lalaki. Kumuyom ang kamao.

Tumayo siya. Basang-basa pa rin. Pero pumunta siya sa banyo. Nagbuhos ng isang timba. Malamig. Para magising.

Habang naliligo, binalikan niya lahat.

Yung unang beses na nilibre siya ni Oliver ng 20 pesos na fishball. Yung pangako: “Magpapakasal tayo, Bella.” Yung gabi na umiyak siya kasi na-approve loan niya para sa tuition ni Oliver.

Yung pagod. Gutom. Puyat.

Tapos yung ngayon…

Nahuli niyang n*******d at kasama ang bestfriend niya..

Napahagulgol siya ulit. Yakap yakap niya ang sarili, Hinayaan niyang lamunin siya ng kalungkutan nang sa gayon ay maibsan ang sakit na nararamdaman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
DEO TAMBALQUE
Ganda ...............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 71. “Mr. Clone”

    Nakita niya ang isang maliit na bata. Babae. Cute, Naka- sunflower yellow dress. Medyo kulot ang dark brown na buhok, Umiiyak, takot bumaba. Biglang parang may humila sa dibdib ni Devlin. Hindi niya alam kung bakit. “Wait here, Mr. Trinidad” sabi niya sa lalaking kausap at saka umikot sa kabilang escalator paakyat, halos takbuhin niya na iyon upang mabilis makarating sa itaas kung nasaan ang batang babae. "Hey! Little girl! It's okay! Don't move!" Sigaw ni Devlin. Habang bahagyang naka taas pa ang isang kamay upang pigilin sa pag galaw ang bata. Umiiyak si Luna, hindi maialis ang tingin sa escalator. "I can't! I'm scared!" Nakarating si Devlin sa taas. Mabilis at hingal pero hindi niya pinansin. Lumuhod siya para pumantay sa bata at walang pag-aalinlangan na binuhat ito. Isang buhat lang, nasa bisig na niya agad si Luna. "Got you. I got you. Shhhh” marahang tapik niya sa likod nito. Karga niya si Luna at sabay silang bumaba sa escalator. Maingat. Napakapit naman si Lun

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 70. “Look-alike”

    11:14 PM | OUTSIDE EL FUEGO MANSION | SAME NIGHT "SSSH_T!!" Sa loob ng sasakyan, halos mabali ang binoculars sa higpit ng hawak ni Devlin. Pawis ang noo. Yung puting panyo na may amoy pa ni Isabella, hawak-hawak niya pa rin. "F*ck!!" Inalis niya ang binoculars at sumandal sa upuan. Pumikit. Huminga ng malalim. Pero kahit nakapikit, kita pa rin niya — yung white lingerie ni Isabella sa veranda, walang bra, bakat ang dibdib, yung buhok na nililipad ng hangin, umiiyak habang umiinom ng wine. Gusto niyang akyatin. Pero hindi niya magawa. Hindi pa panahon. Matapos paraus*n ang sarili, sinandal niya ang ulo sa upuan ng sasakyan, pawis at hinihingal na napakagat sa labi. Sa di kalayuan, medyo malayo sa sasakyan ni Devlin, may isang matte black Toyota Hilux na nakaparada. Bukas ang bintana sa driver side. May usok na lumalabas. Nandoon si Caleb Nostrad. Pinsan niya. Nakangiti habang nagsisigarilyo. Hawak ang phone, nagvi-video. Gamit niya ang totoo niyang sasakyan. "Huli ka, insa

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 69. “In Heat”

    Halos mabuwal siya sa lakas ng pagkakabitaw nito sa braso niya. Hilot hilot niya iyon habang palinga-linga sa paligid kahit na wala naman siyang naaaninag. Wala na ang lalaki sa paligid niya. “The lights will return in 3..2..1” Dinig niyang announce ng event host na babae. Dali-dali niyang inayos ang sarili. Ayaw niyang may makakita sakanya na ganoon ang itshura. Sya si Atasha Walton at hindi pwedeng mawala ang poise niya lalo na sa mga ganitong kalaking event. Iwinaksi niya ang takot at pangamba sa nangyari kanina. Tumunog ang ilaw, lumiwanag muli ang paligid. Lahat ng tao ay watak watak at halata ang kasiyahan sa mga naganap. Nasa gitna na pala siya ng ballroom. Inikot niya ang paningin, walang pamilyar na mukha siyang nakita sa paligid. “Kung sino ka mang lalaki ka, Prepare yourself when I find out who you are.” Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa braso niyang namumula at bakat ang limang daliri mula sa lalaki kanina. “Get ready, Ihahatid na kita pauwi.” Napali

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 68. “Unknown”

    Boses ni Mara. Malayo. Tarantang-taranta sa kakahanap. Narinig ni Isabella pero hindi siya makasagot. Nasa pader pa rin siya, nakasandal, yakap parin ni Devlin ng mahigpit. Parang ayaw kumawala. Dama niya ang sunod sunod na pag hugot nito ng malalalim na buntong hininga. Nasa ganoong posisyon sila nang biglang bumalik ang boses ng host sa microphone, mas malakas na kaysa sa love song. "Okay partners! Time's up! Light will return once the 3-second countdown is over.” Nagsimula ng magbilang ang host. “In.. 3...” Napatigil si Devlin. Narinig niya. Alam niyang kailangan niya nang bumitaw kahit ayaw pa niya. "2..." Tumingin siya kay Isabella. Yung mukha ni Isabella sa dilim, hindi niya makita ng maliwanag pero alam niyang umiiyak ito dahil naramdaman niya ang mga pigil na pag yugyog ng balikat nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot at guilt. Hindi pa rin bumibitaw si Devlin. Sa halip, mas hinigpitan pa ang yakap sa babae bago kumalas at hinawakan ulit ito sa mukha. Mag

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 67. “Moan in the Dark”

    ~(Do you ever think about me? Do you ever cry yourself to sleep? In the middle of the night when you awake Are you calling out for me? Do you ever reminisce? I can't believe I'm acting like this Know it's crazy How I still can feel your kiss)~ Kasunod ng pag tugtog ng love song ni Bryan Mc’Night. Gumagalaw ang labi ni Devlin, parang nagmamadali. Parang pinagihiwatig nito ang pagkasabik. Marahas iyon at naramdaman niyang lumakad sila ng konti habang magkasugpon parin ang kanilang mga labi. Naramdaman niyang huminto sila sa malamig na pader sa sulok, dama niya iyon ng idiin siya don ni Devlin. ~(It's been six months, eight days, twelve hours Since you went away, yeah I miss you so much and I don't know what to say I should be over you, I should know better But it's just not the case It's been six months, eight days, twelve hours Since you went away)~ Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit tutol ang isip niya sa ginagawa ng lalaki sakanya pero ang ka

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 66. “Moonlight”

    Hindi dahan-dahan. Biglaan. Buong Grand Ballroom — blackout. "Ohhh!!" Sigawan ng mga tao, may halong kilig at gulat. May ilan siyang mga narinig na kaluskos at takbuhan. Totoong blackout. Walang LED, walang spotlight. Ang tanging liwanag lang ay yung bilog na buwan sa open roof ng Blue Mansion Place. Maputi, malamig, mahina. Kita lang ang anino ng mga tao, pero hindi ang mukha. Hindi mo alam kung sino ang nasa harap mo. At kasabay ng pagpatay ng ilaw, tumugtog ang malamyos na love song — piano, mabagal, yung tipong love song na masakit ang pahayag sa nakikinig. "Mara?" Tawag ni Isabella sa dilim. Hinawakan niya yung upuan, hinahanap si Mara. "Mara, nasan ka?" Hindi sumagot si Mara parang wala na siyang katabi. "I’m here!," narinig niya si Adam. Pero malayo ng konti ang boses nito "Isabella, dito —" Inabot ni Isabella ang kamay sa direksyon ng boses ni Adam. Pero bago pa man niya mahawakan si Adam, may isang kamay na mas mabilis humatak sakanya mula sa likuran niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status