Inicio / Romance / One Night with Don, Two Heirs / CHAPTER 74. “Aurelius Eltrad Capital”

Compartir

CHAPTER 74. “Aurelius Eltrad Capital”

last update Fecha de publicación: 2026-10-16 22:03:00

CLARK, PAMPANGA | NOSTRAD - EL FUEGO JOINT SITE | 9:42 AM | 2 WEEKS BEFORE THE WEDDING

Mainit ang araw sa Clark pero hindi kasing init ng tibok ng dibdib ni Devlin.

Nasa tuktok siya ng temporary viewing deck, 15th floor ng scaffolding, nakatanaw sa buong site. Sa ibaba, maalikabok pa, may mga crane na gumagalaw, may mga welder na nagsa-spark, pero yung building — halos buo na. Kaunti nalang malapit nang matapos.

Hindi ito basta building lang.

Ito yung first joint project nila ni Isabell
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 76. “Enraged”

    Si Atty. Valdez at Atty. Montes nagkatinginan. Kapwa nagkibit balikat. Obvious na may something. "Are you both okay? Do you want a break?" Tanong ni Atty. Montes. "No, I'm fine," sabi ni Isabella agad, binuksan ang water bottle at uminom, pakiramdam niya natutuyuan siya. “Let's continue please.” "Okay. Third clause," tuloy ni Atty. Valdez. "In case of future sale, right of first refusal goes to the other party. If Nostrad wants to sell its 50%, El Fuego has 60 days to match the offer. Same vice versa." Malumanay na saad ng matandang abugado. "Agreed," sabi ni Isabella. "Agreed," sabi ni Devlin. "Fourth, and most important," sabi ni Atty. Valdez, tumingin kay Devlin. Makahulugan. “After marriage, Mr. Nostrad's shares will still remain under Nostrad Empire, not under conjugal property. So this joint venture remains between El Fuego Group and Nostrad Empire, not with Walton family." Natahimik ang table. Parang may dumaang anghel. Si Isabella, biglang kinabahan sa salitang

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 75. “Ballpen”

    THE NEXT DAY | CLARK SITE | 10:03 AM Maalikabok. Mainit. Pero yung ground floor ng Aurelius Eltrad Capital, malinis na. Sinadyang ipalinis kung saan magaganap ang contract signing. Nilagyan ng temporary aircon, may mahabang table sa gitna, may blueprint na nakalatag, at ilang mga folder at ballpen. Naroroon na sina Devlin at Isabella. May dalawang abugado sa magkabilang side. Naroroon din sina Mara at Liza. Si Devlin, naka-white hard hat ulit, pero ngayon naka-white long sleeves na nakatupi hanggang siko, black slacks. Nakatayo, nakatingin sa building. Seryoso lang. Sa kabilang side Si Isabella. Naka-white hard hat din, pero naka-beige linen pantsuit, white inner, black sunglasses at white sneakers. Simple pero halatang CEO pa rin. Kasama niya si Atty. Montes 45 years old, babae, matalim magsalita, lawyer ng El Fuego Group. Pinagkakatiwalaan ng inang si Divina. At si Mara, may hawak na water bottle at tablet. Ilang na ilang si Isabella. Sinadya niyang mag suot ng Black sha

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 74. “Aurelius Eltrad Capital”

    CLARK, PAMPANGA | NOSTRAD - EL FUEGO JOINT SITE | 9:42 AM | 2 WEEKS BEFORE THE WEDDING Mainit ang araw sa Clark pero hindi kasing init ng tibok ng dibdib ni Devlin. Nasa tuktok siya ng temporary viewing deck, 15th floor ng scaffolding, nakatanaw sa buong site. Sa ibaba, maalikabok pa, may mga crane na gumagalaw, may mga welder na nagsa-spark, pero yung building — halos buo na. Kaunti nalang malapit nang matapos. Hindi ito basta building lang. Ito yung first joint project nila ni Isabella. Sinigurado niyang masunod ang lahat ng pinagsamang ideya nilang dalawa at hindi nanghinayang sa malaking perang inilabas. 30 floors. Glass and steel. Pero hindi yung typical na cold na glass tower ng mga ibang buildings na makikita. Ito, unang kita palang alam mo nang hindi basta basta ang mga materyal na ginamit at higit sa lahat, may puso. Yung base ng building, matte black steel, matalim, parang kay Devlin — cold, dominant, "Nostrad" ang dating. Pero habang tumataas, unti-unting nagigi

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 73. “Intuition”

    "Ma'am, okay na po ba si baby? Need pa po ba namin i-log sa incident report?" Singit naman na tanong ng isang gwardiya sa likuran nila. "Okay na po, chief. maraming salamat din pala sainyo sa agarang pag aksyon kanina. Uuwi na kami. Hindi na kami mamamasyal." Palihim na nag abot si Isabella ng cash sa mga ito dahil alam niyang bawal iyon, pero bukal sa loob niya ang pag bibigay lalo na at nahanap na niya ang anak."Ah— eh yes Ma'am, salamat din po.” Pakamot-kamot pa sa batok ang gwardiya ng matanggap iyon tila nahihiya. “Next time po, bantayan po maigi mga bata, lalo na po sa escalator." Umalis na ang mga gwardiya kaya naman nag handa narin sila para umalis."Sige po mister. thank you ulit!" Nakangiting sabi ni Isabella at saka hinawakan ang kamay ng mga anak at tumalikod.Hinila na ni Isabella si Luna at Liam paalis. Si Manang Lita dumating na rin galing sa lost and found, umiiyak na humihingi ng sorry kay Luna. “No yaya Lita, It is my fault, I should be the one apologizing to you

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 72. “Missed Encounter”

    SHANGRI-LA MALL | SECURITY POST | 2ND FLOOR Halos takbuhin na ni Isabella ang security post sa gitna ng mall. Hawak parin niya ang kamay ni Liam na tahimik pero mahigpit rin ang hawak sa kamay ng mommy niya. "Guard! Guard! My child is missing, please help us find her. Please tulungan niyo po kami!" Halos hingal at maiyak-iyak na pakiusap ni Isabella ng marating ang security posting. Napatingin ang tatlong guard na naka-duty sa rounding. Naka-uniporme ng white, may radyo sa balikat. "Ma'am kalma lang po, anong nangyari?" Tanong ng isang gwardiya. "Yung anak ko nawawala, 5 years old lang, babae, kanina lang nawala sa table namin sa restaurant! Hindi namin namalayang umalis!" Agad paliwanag ni Isabella at hindi na nag aksaya pa ng oras. "Anong pangalan at anong suot niya Ma'am para ma-radio namin?" Tanong nung mas matandang guard, hinawakan na agad ang radyo sa balikat. "Luna! Luna ang pangalan! Long wavy dark brown hair, dark brown eyes, maputi, mga 3 feet lang ang tangka

  • One Night with Don, Two Heirs   CHAPTER 71. “Mr. Clone”

    Nakita niya ang isang maliit na bata. Babae. Cute, Naka- sunflower yellow dress. Medyo kulot ang dark brown na buhok, Umiiyak, takot bumaba. Biglang parang may humila sa dibdib ni Devlin. Hindi niya alam kung bakit. “Wait here, Mr. Trinidad” sabi niya sa lalaking kausap at saka umikot sa kabilang escalator paakyat, halos takbuhin niya na iyon upang mabilis makarating sa itaas kung nasaan ang batang babae. "Hey! Little girl! It's okay! Don't move!" Sigaw ni Devlin. Habang bahagyang naka taas pa ang isang kamay upang pigilin sa pag galaw ang bata. Umiiyak si Luna, hindi maialis ang tingin sa escalator. "I can't! I'm scared!" Nakarating si Devlin sa taas. Mabilis at hingal pero hindi niya pinansin. Lumuhod siya para pumantay sa bata at walang pag-aalinlangan na binuhat ito. Isang buhat lang, nasa bisig na niya agad si Luna. "Got you. I got you. Shhhh” marahang tapik niya sa likod nito. Karga niya si Luna at sabay silang bumaba sa escalator. Maingat. Napakapit naman si Lun

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status