Share

Chapter 4

Author: rain
last update Last Updated: 2024-10-13 12:30:23

Chapter 4

Aliyah knows that being in public relations is good for investments banks. ANg kaso nga lang, gaya ng nakararami, ito ay para sa entertainment purposes lamang.

Bahagyang napaisip si Aliyah. Ganoon ba ang iniisip ni President Dela Fuente tungkol sa kanya? O baka naman iniisip niya na pakana ni Manager Lim ang nangyari sa kanila kagabi kaya gano’n na lamang itong magtanong ngayon?

Thinking of last night, bahagyang namula ang mga pisngi ni Aliyah. Itinago niya agad ang sensasyong iyon dahil maraming tao ang nakapaligid sa kanila at hindi lang basta ang Presidente ang kaharap niya ngayon.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa kanila dahil halos nagkakatinginan lamang ang dalawa. Nang mapansin siguro ni Manager Lim na medyo lumalamig na ang paligid nila, bigla itong nagsalita.

“She has always been an assistant, Mr. Dela Fuente. I just thought that she may have common topics with you since pareho naman kayo ng paaralan na pinasukan noon kaya inimbita ko siya rito. But… if you are unhappy about her, she can leave and I will let her go back to her room.”

Nang marinig ni Aliyah ang mga salitang iyon na sinabi ni Manager Lim ngayon-ngayon lang, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. May parte sa kanya na nasisiyahan dahil pwede na siyang bumalik sa kuwarto niya at huminga ng malalim dahil hindi na niya makakaharap ang lalaking nakasaluhan niya ng sarap buong gabi kanina. At ang isang parte naman na nararamdman niya ay ang bahagyang pagkadismaya sa sinabi nito kanina at tila ba ayaw siya nitong makita.

In the end, Aliyah decided to stand up and ready to leave when suddenly he hear the President’s voice.

“Stay. Sit down.” he said in a cold tone.

Bumaling sa harapan si Aliyah at nahuli niya itong nakatitig sa kanya.

Ilang segundo ang lumipas at nakatayo pa rin si Aliyah. Pinapakiramdaman kung tama ba ang narinig niya mula sa lalaki.

Not until she heard the Manager’s spoke, “Aliyah! Hindi mo ba narining si  President? Mr. Dela Fuente ask you to sit down. Sit down now!” sabi nito sa mahina pero matigas na boses.

Wala nang nagawa si Aliyah at sumunod na lamang. Umupo siyang muli sa kanyang upuan katabi ng kay Manager Lim. Habang katapat naman nito ay si Mr. Dela Fuente.

Pagkaupong pakaupo naman ni Aliyah ay naramdaman niya ang masamang tingin sa kanya ni Manager Lim. Bahagya itong lumunok dahil sa tensiyong nararamdaman niya sa ngayon. Inudyukan din siya nito na magsalin ng alak sa baso ng Presidente.

Kinuha naman ni Aliyah ang bote ng wine at nagsalin ng alak sa baso nito.

“Manager Lim, kung gusto mong tumagal sa kumpanya, huwag kang gumawa ng bagay na hindi ko ikakasaya. I’m focusing on this project. Ayaw kong pumalpak. So hurry up and submit your form for replenishment and try your best to recover the losses.”

Sa sinabing iyon ni Mr. Dela Fuente ay tila ba binibigyan niya ng ultimatum si Manager Lim sa ginawa nitong kamalian.

“Yes, yes, Yes, I know Mr. President. I know that it is my fault. I will try to fix it. Don’t worry, next time--”

“There will be no next time.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Aliyah nang biglang sumingit sa pagsasalita si President kay Manager Lim. Kita niya sa mukha ni Manager ang pagkapahiya at tahimik na tumango na lamang.

“Ano bang ginagawa mo? Hindi ka man lang kumibo o kinausap si President. Hindi kita dinala doon para maging palamuti lang! I told you to entertain him! And yet hindi mo man lang makuhang ngumiti!” pabulong pero matigas na sabi sa kanya ni Manager Lim nang makaalis na sila sa restaurant.

“Pasensiya na po Manager Lim, pero hindi po kasali sa trabaho ko ang makipag inuman sa Presidente.”

“At sumasagot ka pa talaga?! Alam mo ba kung anong klaseng hirap ang ginawa ko para lang mapapayag na makipag dinner sa atin si President Dela Fuente? I even thought that you are pretty and smart pero wala ring nangyari!” pagalit na sabi nito sa kanya.

Dala ang masamang tingin, nakuha pa nitong sipain ang katabing upuan sa lobby kung saan sila nag-usap pagkatapos ay galit na umalis. Bahagya pang lumingon sa paligid si Aliyah, tinitignan kung may nakakita ba sa nangyari pero mabuti na lang ay wala naman dahil kaunti na lang ang mga tao sa hotel.

Habang pabalik sa kanyang hotel room, pinapakiramdaman ni Aliyah ang sarili. Gustuhin man niyang umiyak dahil sa nangyari, wala nang luhang tumutulo mula sa mga mata. Dahil alam niya na sa simula pa lang na pumasok siya sa trabahong ito, marami nang kapalpakan ang pwede niyang magawa. Dahil gano’n naman talaga. The lower the level you are in the industry, the lower the head should be.

Pero sa isang banda, hindi halos maisip ni Aliyah na magiging ganoon kalamig ang trato sa kanya ni Jacob. Ang buong akala niya dahil may pinagsamahan sila kagabi ay makikilala na siya nito pero hindi pala mali ang akala niya.

Totoo rin siguro ang mga sabi-sabi tungkol sa lalaki na wala itong awa.

Binuksan ni Aliyah ang pinto gamit ang card key ng hotel. Nang makaupo sa kanyang kama ay sakto namang tumawag ang kaibigan niyang si Rina. Sinagot niya ito kaagad.

“O ano kamusta? Nabalitaan kong inalis ka sa grupo. Bakit anong nangyari?” bungad na tanong sa kanya ng kaibigan.

“Hindi ba umubra? Sabi ko na eh, hindi uubra ang beauty trick niyo sa kanya.”

“Ano?” tanging naisagot ni Aliyah.

“Iyon lang ang alam ko! Dahil ang alam ko, may minamahal yang iba kaya hindi talaga ‘yan mag-e-entertain ng iba!”

Sa sinabing iyon ni Rina. Bigla ngang naalala ni Aliyah ang numerong nasa collarbone ni jacob.

0825

It was a date that tattooed on his collarbone.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night with My Billionaire Boss   Chapter 39

    Chapter 39Bahagyang napangiti si Aliyah nang makita nakabalot na ngayon ng kumot si Jacob. Though, hindi naman sobrang balot dahil kalahati lang naman ng katawan niya ang binalutan nito, maayos na rin iyon dahil alam niya mababawasan na ang nararamdaman nitong lamig sa katawan.Dumeretso naman si Aliyah sa kusina para uminom ng isang basong tubig. Pabalik naman siya sa kuwarto nila nang marinigan niya ang sinabi ni Jacob."Wife..." Iyon na lamang ang naabutan niya sa pag-uusap ng mga ito.Kinukwento ba siya ni Jacob sa kausap? Siya kaya ang tinutukoy nito?Ipinagkibit balikat na lamang ni Aliyah ang narinig pagkatapos ay tinahak na ang kanilang kuwarto. Pagkarating naman sa loob ay hindi na siya dinadalaw ng antok kaya naman nag-ayos na lang siya ng ibang dokumento para sa trabaho.Makalipas din ang isang oras, nakita ni Aliyah na pumihit ang pinto ng kuwarto. Iniluwa noon si Jacob na pumanhik lang sa kuwarto na halos mag-uumaga na."Hindi ka pa natulog?" Tanong nito sa kanya.Bahagy

  • One Night with My Billionaire Boss   Chapter 38

    Chapter 38 Matapos maikuwento ni Jacob ang nangyari ay agaran na nagpatawag daw ng mga pulis ang namamahal sa ospital para ipaimbistiga ang nangyari. Kinausap si Aliyah ng mga rumespondeng pulis sa ospital at gustong gusto na sana nitong sumama sa police station para makapag report pero agaran din siyang pinigilan ni Jacob."You should eat first."Kumunot naman ang noo ni Aliyah sa sinabi ng binata pero agaran din na umiling."Huwag na. Ayos lang ako. Pupunta muna ako sa istasyon at sasama sa kanila para maayos ko na makapag report sa nangyari."Nag-usajg linya naman ang labi ng binata pagkatapos ay hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak ng kamay sa kanya."I know you have a stomach problem. Baka naman kung mapano ka. Eat first. The police will wait. Saka na lang tayo pumunta doon kapag nakakain ka na." She then heard him curse. "Paano ka ba inaalagaan ng ex boyfriend mo?" Tanong nito.Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Aliyah sa tanong nito at sa mga nauna nitong sinabi. Pa

  • One Night with My Billionaire Boss   Chapter 37

    Chapter 37 Mariin na tinitigan ni Aliyah ang ina. Tama nga naman ang sinasabi nito. Kahit siya, ganoon ang nararamdaman. Kung hindi dahil sa mga taong iyon, hindi sana siya naghihirap at ang kanyang ina. Ipinadala sa abroad ang anak sa labas ng kanyang ama pagkatapos ay binigyan ng sandamakmak na luho kasama ang kabit nito. Samantalang siya na totoong anak ay inabandona lamang ng ama at pinahirapan pa ang tunay na asawa. Walang iba kundi ang kanyang ina. Kaya hindi rin masisisi ni Aliyah ang ina kung bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi niya sa dalawang iyon."Nay... Alam mo bang gusto lang talaga nilang galitin ka pa lalo para makuha ang gusto nilang mamatay ka?! Gusto mo bang magdiwang sila at mangyari ang gusto nilang mangyari?" Sabi ni Aliyah sa kanyang ina."Hindi ako papayag!" Mariing sagot ng kanyang ina. Nakita niya ang pagkalukot ng kumot nito dahil sa matinding paghawak. "Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari! Kabit lang siya at mananatili siyang kabit hangga't nabub

  • One Night with My Billionaire Boss   Chapter 36

    Chapter 36Malalim ang iniisip ni Aliyah at hindi halos mahiwagaan kung ano ang nagpabagsak sa katawan ng kanyang ina. Sa malamang may nagpa-trigger ng isip nito na isang bagay, hindi siya mapalagay sa bagay na iyon."Ano 'yon?" Tanong niya sa nurse na nagsabi sa kanyang may hawak na isang bagay ang kanyang ina bago mahimatay."Hindi ko po alam. Hindi naman isang matalim na bagay iyon o kung ano man na makakasakit sa isang tao kaya hinayaan ko na lang. Pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano ang hawak niya dahil hindi naman iyon matalim." Sagot ng nurse.Napatiim bagang na lamang si Aliyah at nagbuga ng kanyang hininga. Napansin niya ang doktor ng kanyang ina kaya sinalubong na niya ito."Doc, kumusta po ang nanay ko?" Tanong ni Aliyah sa nag-aalala na boses.Napabuntong hininga ang doktor."Hindi naman malala ang kalagayan niya ngayon. Nasa maayos na siyang sitwasyon. Malamang ay may naalala na naman siyang masakit na bagay kaya biglang inatake sa puso at nawalan ng malay." Tumin

  • One Night with My Billionaire Boss   Chapter 35

    Chapter 35 Nagkagusto talaga si Jacob sa kanya?Hindi niya masyadong inalala yon hanggang sa may tumawag ng kanyang pansin.Bigla na lamang tumunog at umilaw ang monitor sa kanyang desk. Tinignan niya kung ano iyon at nakitang mag nag-email sa kanyang mensahe. Sinasaad dito na natanggap ang proposal niya at gusto siyang kausapin pa ng masinsinan tungkol doon. Bahagya naman nang napangiti si Aliyah sa nakitang mensahe at sumagot kaagad ng reply para doon. Hiningi nito ang contact information niya na agad din naman niyang ibinigay sa secretary ng kumpanyang nagcontact sa kanya.Pagkaraan lang din ng ilang oras, napag-usapan ni Aliyah kasama ang secretary na kumontak sa kanya kung ano-ano ang mga maaaring proposal na gagawin nila na pwede niyang sabihin sa kanyang boss. Panigurado naman na papayag sa kanya si Mr. President dahil matagal na rin nilang tinatrabaho ang kanilang project.Marami pang mga butas ang iniisip nila kaya naman mas pinaplano pa ni Aliyah na ayusin ng mabuti ang na

  • One Night with My Billionaire Boss   chapter 34

    Chapter 34 tagalog"B-Bakit? May problema na naman ba sa pagtawag ko sa pangalanan mo?""Why would you keep on calling me Mr. President? I told you right, don't call me like that when we are together." Naririnig ni Aliyah ang bahagyang pagka-irita sa boses ng lalaki nang magsalita ito."Ang corny kasi kung tatawagin kitang Jacob lang, di ba? Parang... Hindi kasi ako kumportable sa ganoon." Kinagat ni Aliyah ang pang-ibabang labi at bahagyang napapikit dahil sa kanyang mga sinabi. Napasinungaling talaga niya! Anong hindi siya kumportable na tawagin ito sa pangalan niya eh pag naiisip niya nga ang lalaki ay Jacob ang nababanggit ng utak niya. Ay ano ba 'yan! Ipiniling ni Aliyah ang mga nasa utak niya. Ano ba itong naisip niya!"Isa pa..." Dugtong ni Aliyah habang pasimpleng sinilip ang lalaki na busy pa rin sa pagmamaneho. "Mas pangit naman tignan kung Jacob Dela Fuente ang itatawag ko diba? Kung ayaw mo naman no'n, eh Mr. Dela fuente na lang ulit itatawag ko sa 'yo kagaya kung paano k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status