MasukChapter 40 "Baka naman nag-iisip lang kayo ng sobra, Ma. Baka naman pinagbantay sila ng ospital dahil may nangyari ngang insidente." Nag-iisip ang nanay ni Aliyah pero halata sa mukha nito na hindi ito kumbinsido sa sinabi niya."Baka naman din galing ang mga 'yan sa boyfriend mo? Alam mo ba?! Napag-alaman ko na mahal pala ang bayad sa kuwarto kong ito! Five thousand pesos kada araw! At ang boyfriend mo lahat ang nagbabayad no'n?" Tanong ng kanyang ina sa kanya.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Aliyah sa sinabi ng ina pero hindi niya masyadong pinahalata ang reaksiyon nito sa kanya. Dahil maski siya ay nagulat din!Ano?! Kada araw ay gumagastos si Jacob ng limang libo para sa kuwarto lamang ng nanay niya?! Pwera pa ang mga check up at test na ginagawa roon.Ang akala ni Aliyah ay nasa mga dalawang libo lang ang bayad sa mga kuwarto rito o mababa pa roon! Hindi niya alam na nasa limang libo pala o baka mas higit pa nga doon! Lalo at may aircon sa tinutuluyang kuwarto ng kanyang ina
Chapter 39Bahagyang napangiti si Aliyah nang makita nakabalot na ngayon ng kumot si Jacob. Though, hindi naman sobrang balot dahil kalahati lang naman ng katawan niya ang binalutan nito, maayos na rin iyon dahil alam niya mababawasan na ang nararamdaman nitong lamig sa katawan.Dumeretso naman si Aliyah sa kusina para uminom ng isang basong tubig. Pabalik naman siya sa kuwarto nila nang marinigan niya ang sinabi ni Jacob."Wife..." Iyon na lamang ang naabutan niya sa pag-uusap ng mga ito.Kinukwento ba siya ni Jacob sa kausap? Siya kaya ang tinutukoy nito?Ipinagkibit balikat na lamang ni Aliyah ang narinig pagkatapos ay tinahak na ang kanilang kuwarto. Pagkarating naman sa loob ay hindi na siya dinadalaw ng antok kaya naman nag-ayos na lang siya ng ibang dokumento para sa trabaho.Makalipas din ang isang oras, nakita ni Aliyah na pumihit ang pinto ng kuwarto. Iniluwa noon si Jacob na pumanhik lang sa kuwarto na halos mag-uumaga na."Hindi ka pa natulog?" Tanong nito sa kanya.Bahagy
Chapter 38 Matapos maikuwento ni Jacob ang nangyari ay agaran na nagpatawag daw ng mga pulis ang namamahal sa ospital para ipaimbistiga ang nangyari. Kinausap si Aliyah ng mga rumespondeng pulis sa ospital at gustong gusto na sana nitong sumama sa police station para makapag report pero agaran din siyang pinigilan ni Jacob."You should eat first."Kumunot naman ang noo ni Aliyah sa sinabi ng binata pero agaran din na umiling."Huwag na. Ayos lang ako. Pupunta muna ako sa istasyon at sasama sa kanila para maayos ko na makapag report sa nangyari."Nag-usajg linya naman ang labi ng binata pagkatapos ay hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak ng kamay sa kanya."I know you have a stomach problem. Baka naman kung mapano ka. Eat first. The police will wait. Saka na lang tayo pumunta doon kapag nakakain ka na." She then heard him curse. "Paano ka ba inaalagaan ng ex boyfriend mo?" Tanong nito.Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Aliyah sa tanong nito at sa mga nauna nitong sinabi. Pa
Chapter 37 Mariin na tinitigan ni Aliyah ang ina. Tama nga naman ang sinasabi nito. Kahit siya, ganoon ang nararamdaman. Kung hindi dahil sa mga taong iyon, hindi sana siya naghihirap at ang kanyang ina. Ipinadala sa abroad ang anak sa labas ng kanyang ama pagkatapos ay binigyan ng sandamakmak na luho kasama ang kabit nito. Samantalang siya na totoong anak ay inabandona lamang ng ama at pinahirapan pa ang tunay na asawa. Walang iba kundi ang kanyang ina. Kaya hindi rin masisisi ni Aliyah ang ina kung bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi niya sa dalawang iyon."Nay... Alam mo bang gusto lang talaga nilang galitin ka pa lalo para makuha ang gusto nilang mamatay ka?! Gusto mo bang magdiwang sila at mangyari ang gusto nilang mangyari?" Sabi ni Aliyah sa kanyang ina."Hindi ako papayag!" Mariing sagot ng kanyang ina. Nakita niya ang pagkalukot ng kumot nito dahil sa matinding paghawak. "Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari! Kabit lang siya at mananatili siyang kabit hangga't nabub
Chapter 36Malalim ang iniisip ni Aliyah at hindi halos mahiwagaan kung ano ang nagpabagsak sa katawan ng kanyang ina. Sa malamang may nagpa-trigger ng isip nito na isang bagay, hindi siya mapalagay sa bagay na iyon."Ano 'yon?" Tanong niya sa nurse na nagsabi sa kanyang may hawak na isang bagay ang kanyang ina bago mahimatay."Hindi ko po alam. Hindi naman isang matalim na bagay iyon o kung ano man na makakasakit sa isang tao kaya hinayaan ko na lang. Pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano ang hawak niya dahil hindi naman iyon matalim." Sagot ng nurse.Napatiim bagang na lamang si Aliyah at nagbuga ng kanyang hininga. Napansin niya ang doktor ng kanyang ina kaya sinalubong na niya ito."Doc, kumusta po ang nanay ko?" Tanong ni Aliyah sa nag-aalala na boses.Napabuntong hininga ang doktor."Hindi naman malala ang kalagayan niya ngayon. Nasa maayos na siyang sitwasyon. Malamang ay may naalala na naman siyang masakit na bagay kaya biglang inatake sa puso at nawalan ng malay." Tumin
Chapter 35 Nagkagusto talaga si Jacob sa kanya?Hindi niya masyadong inalala yon hanggang sa may tumawag ng kanyang pansin.Bigla na lamang tumunog at umilaw ang monitor sa kanyang desk. Tinignan niya kung ano iyon at nakitang mag nag-email sa kanyang mensahe. Sinasaad dito na natanggap ang proposal niya at gusto siyang kausapin pa ng masinsinan tungkol doon. Bahagya naman nang napangiti si Aliyah sa nakitang mensahe at sumagot kaagad ng reply para doon. Hiningi nito ang contact information niya na agad din naman niyang ibinigay sa secretary ng kumpanyang nagcontact sa kanya.Pagkaraan lang din ng ilang oras, napag-usapan ni Aliyah kasama ang secretary na kumontak sa kanya kung ano-ano ang mga maaaring proposal na gagawin nila na pwede niyang sabihin sa kanyang boss. Panigurado naman na papayag sa kanya si Mr. President dahil matagal na rin nilang tinatrabaho ang kanilang project.Marami pang mga butas ang iniisip nila kaya naman mas pinaplano pa ni Aliyah na ayusin ng mabuti ang na
Chapter 30 "Mr. P-President..." mahinang tawag ni Aliyah sa lalaki. "Bukas na iyan, Aliyah." awat nito sa kanya. "Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka." dugtong pa nito pagkatapos ay iniabot ang kumot at nagtalukbong ito. Napabuntong hininga na lamang si Aliyah pagkatapos ay humiga na. Pinilit
Chapter 26 Sa mga nagdaang taon, inakala ni Troy na maangas, isnabero, at mayabang si Jacob dahil kahit gaano pa siya kaganda o katalino, beauty queen man o model, ay hindi siya nito pinapansin. Pero nagkakamali pala siya. Hindi naman pala ganoon katigas na parang bato ang damdamin nito. Talagang ib
Chapter 25 "I still do want to pursue Hans project." sagot ni Aliyah kay Jacob nang tanungin siya nito kung gusto pa ba nitong ipagpatuloy ang proyektong ginagawa nito."I may see opportunity in this project. Kaya gusto ko pa ring ituloy 'yon kahit anong mangyari." dugtong pa niya.Humigpit bigla ang
Chapter 24 Nakatingin lamang sa labas ng pinto ng kotse si Aliyah habang binabaybay nila ang daan papunta sa bahay ni Jacob. Sa likod sila ng kotse nakasakay habang nagmamaneho sa harapan ang assistant nito.Bumaling ang tingin ni Aliyah sa katabi. Diretso ang tingin nito sa harapan habang nakahawak







