LOGINSa isang gabi na puno ng katahimikan, biglang kumatok sa kuwarto ni Aliyah ang isang lalaking hindi niya inaasahan na makikita niya. Nang matapos nilang magsalo ng isang gabi, bigla na lang siya nitong hindi kilala kinabukasan. Sa mga lumipas pa na mga araw, magagawa naman niya kaya itong tanggihan ngayong ang lalaki na mismo ang lumalapit sa kanya na inaalok siya ng kasal? Tatanggapin niya kaya ito alang-alang sa kanyang ina? O baka naman... may iba pa siyang binabalak?
View MoreChapter 1
“Have you ever done it with a man?”
Sa isang gabing puno ng katahimikan, si Aliyah na kagagaling lamang sa isang business trip ay malapit na sanang matulog dahil sa kanyang kalasingan. Ngunit naudlot iyon nang makita ang mensahe sa kanya ng kanyang best friend na si Rina sa chat.
“Hurry up and hook up with a handsome guy while you are still young! Paano mo mararamdaman ang ganoong feeling kung hindi mo gagawin? Trust me, you can just describe it in one word! Huwag ka nang mahiya. I have all kinds of videos that can help you open the door to a new world!”
Napahiga na lamang sa kama ng hotel room niya si Aliyah.
Ano bang sinabi ko sa kanya dati? Hindi ko na matandaan.
Bagsak ang mukha ni Aliyah dahil sa sobrang kalasingan sabay pa na nakabuhaghag ngayon ang mahaba at makapal niyang buhok nang mahiga siya sa kama.
Sa susunod na buwan ay 26 years old na siya. Sobrang tanda na at hindi pa nagkakaroon ng nobyo kahit kailan. Kaya rin siguro kinukulit na siya ni Rina dahil matanda na siya. Pero sa isang banda, ganoon naman na talaga si Rina kahit noon pa. Madalas itong magbiro ng mga bagay-bagay at mag dirty talks. Pero parang iba ang pakiramdam niya ngayon.
Parang may nag-uudyok sa katawan ni Aliyah na sumubok ng ganoong bagay at tila ba nag-aapoy sa mainit na sensasyon ang katawan niya, ni hindi rin siya makatulog dahil sa epekto ng alcohol.
Dumapa si Aliyah sa kama, pakiramdam niya ay tila may lalabas sa kanya kaya umupo na lamang siya at sumandal sa headboard ng kama ng hotel.
Unconciously licking her dry lips, kinuha niya ang cellphone niya at sinubukang magtipa ng mensahe kay Rina. At dahil tinanggal na niya ang contact lenses niya kanina, hindi na gaanong malinaw ang nakikita niya sa screen ng kanyang cellphone. Pero kahit ganoon ay nagtipa pa rin ito ng mensahe sa kaibigan.
“Send me some videos. I want to see them.”
Hindi pa man naibababa ni Aliyah ang kanyang cellphone ay bigla itong may natanggap na reply. Pero nagtaka siya nang makitang isang question mark lamang ang ipinadala nito sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa nakita. At dahil sa kalasingan, nag-reply na lamang siya ulit dito.
“Huwag ka nang magpanggap! Magpapadala ka ng videos o ng isang lalaki? Pumili ka lang. Nandito ako sa room 1501.”
Pilyang bahagyang napangiti si Aliyah dahil sa kanyang pabirong reply. Dinagdagan pa nito iyon ng isang kiss mark sa dulo bago I-send.
Lumipas ang ilang minuto na paghihintay, hindi na siya muling nakatanggap pa ng reply mula dito. Bumangon at si Aliyah at handa na sanang pumunta sa kusina para uminom ng tubig ngunit naudlot iyon nang biglaang may nagdoorbell.
She walked over without thinking too much. Isa pa, hindi na nga nag-reply si Rina, hindi rin pala nito kayang magdala ng lalaki sa kanya!
Without any hesitation, she opened the door. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita kung sino ang taong nasa harapan niya. Totoo ba ito? O nagsisimula na akong managinip?
“Mr… Dela Fuente?”
Bahagyang kinagat ni Aliyah ang ibabang labi niya nang makita ang hitsura ng kaharap. Mukhang bagong shower ito at nakasuot pa ng silk na robe. Pinagmasdan niya ang tubig na tumulo galing sa kanyang buhok papunta sa bahagyang naka-exposed nitong pang-itaas na katawan.
Lumunok ang laway niya sa nakita at unti-unting ibinaba niya ang kanyang mga mata hanggang sa ibaba nitong katawan. Agad namang inalis ni Aliyah ang isiping iyon sa kanya at ibinalik ang mga mata nito sa mukha niya.
Dahil sa sobrang tangkad nito at sa matipuno nitong katawan, halos nahaharangan na nito ang buong pinto ng kanyang hotel room.
“Ako ba ang hinahanap---”
Bago pa niya matuloy ang kanyang sasabihin, biglang may humawak ng kanyang ulo sa likod at sinunggaban siya ng halik. Namalayan na lamang niya na nakakatikim na siya ng isang lasa ng alak.Hindi lang ng sa kanya kundi halo na rin ng lasa ng alak ng lalaking nasa harapan niya.
Dahil sa patuloy na pagsasalo ng kanilang mainit na halik, naramdaman na lamang ni Aliyah ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama. Nakayakap siya dito habang unti-unting bumababa ang halik ng lalaki mula sa kanyang labi papunta sa kanyang leeg.
He must be very drunk. Iyan ang nasa isip ni Aliyah habang patuloy siya niroromansa ng lalaki. Dahil bakit naman hindi? Kung hindi lasing ang lalaki, bakit naman ito mag-aaksaya pa ng panahon na makisiping sa kanya gayong isa lamang siyang empleyado?
Panandaliaang napahinto si Aliyah dahil sa naisip. Pero sa kabilang banda, bakit hindi? Hindi naman kawalan kung ibibigay niya ang una niya sa isang lalaking guwapo, matipuno, at ubod ng yaman.
Hindi rin naman niya matatadaan kung sino ang nakasiping niya ngayon gabi. It’s just a one night stand. Ni hindi nga nito matandaan na siya ang classmates niya noong junior high school pa sila kaya hindi rin nito paniguradong matatandaan ang pangyayararing ito ngayong gabi.
Pagkatapos ni Aliyah mag-isip ng ilang segundo, iminulat niya ang mga mata at naaninag ang lalaking natatamaan lamang ng ilaw mula sa buwan na nanggagaling sa bintana. Saka siya naglakas ng loob na hilahin ang batok ng lalaki papunta sa kanya.
Chapter 39Bahagyang napangiti si Aliyah nang makita nakabalot na ngayon ng kumot si Jacob. Though, hindi naman sobrang balot dahil kalahati lang naman ng katawan niya ang binalutan nito, maayos na rin iyon dahil alam niya mababawasan na ang nararamdaman nitong lamig sa katawan.Dumeretso naman si Aliyah sa kusina para uminom ng isang basong tubig. Pabalik naman siya sa kuwarto nila nang marinigan niya ang sinabi ni Jacob."Wife..." Iyon na lamang ang naabutan niya sa pag-uusap ng mga ito.Kinukwento ba siya ni Jacob sa kausap? Siya kaya ang tinutukoy nito?Ipinagkibit balikat na lamang ni Aliyah ang narinig pagkatapos ay tinahak na ang kanilang kuwarto. Pagkarating naman sa loob ay hindi na siya dinadalaw ng antok kaya naman nag-ayos na lang siya ng ibang dokumento para sa trabaho.Makalipas din ang isang oras, nakita ni Aliyah na pumihit ang pinto ng kuwarto. Iniluwa noon si Jacob na pumanhik lang sa kuwarto na halos mag-uumaga na."Hindi ka pa natulog?" Tanong nito sa kanya.Bahagy
Chapter 38 Matapos maikuwento ni Jacob ang nangyari ay agaran na nagpatawag daw ng mga pulis ang namamahal sa ospital para ipaimbistiga ang nangyari. Kinausap si Aliyah ng mga rumespondeng pulis sa ospital at gustong gusto na sana nitong sumama sa police station para makapag report pero agaran din siyang pinigilan ni Jacob."You should eat first."Kumunot naman ang noo ni Aliyah sa sinabi ng binata pero agaran din na umiling."Huwag na. Ayos lang ako. Pupunta muna ako sa istasyon at sasama sa kanila para maayos ko na makapag report sa nangyari."Nag-usajg linya naman ang labi ng binata pagkatapos ay hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak ng kamay sa kanya."I know you have a stomach problem. Baka naman kung mapano ka. Eat first. The police will wait. Saka na lang tayo pumunta doon kapag nakakain ka na." She then heard him curse. "Paano ka ba inaalagaan ng ex boyfriend mo?" Tanong nito.Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Aliyah sa tanong nito at sa mga nauna nitong sinabi. Pa
Chapter 37 Mariin na tinitigan ni Aliyah ang ina. Tama nga naman ang sinasabi nito. Kahit siya, ganoon ang nararamdaman. Kung hindi dahil sa mga taong iyon, hindi sana siya naghihirap at ang kanyang ina. Ipinadala sa abroad ang anak sa labas ng kanyang ama pagkatapos ay binigyan ng sandamakmak na luho kasama ang kabit nito. Samantalang siya na totoong anak ay inabandona lamang ng ama at pinahirapan pa ang tunay na asawa. Walang iba kundi ang kanyang ina. Kaya hindi rin masisisi ni Aliyah ang ina kung bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi niya sa dalawang iyon."Nay... Alam mo bang gusto lang talaga nilang galitin ka pa lalo para makuha ang gusto nilang mamatay ka?! Gusto mo bang magdiwang sila at mangyari ang gusto nilang mangyari?" Sabi ni Aliyah sa kanyang ina."Hindi ako papayag!" Mariing sagot ng kanyang ina. Nakita niya ang pagkalukot ng kumot nito dahil sa matinding paghawak. "Hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari! Kabit lang siya at mananatili siyang kabit hangga't nabub
Chapter 36Malalim ang iniisip ni Aliyah at hindi halos mahiwagaan kung ano ang nagpabagsak sa katawan ng kanyang ina. Sa malamang may nagpa-trigger ng isip nito na isang bagay, hindi siya mapalagay sa bagay na iyon."Ano 'yon?" Tanong niya sa nurse na nagsabi sa kanyang may hawak na isang bagay ang kanyang ina bago mahimatay."Hindi ko po alam. Hindi naman isang matalim na bagay iyon o kung ano man na makakasakit sa isang tao kaya hinayaan ko na lang. Pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano ang hawak niya dahil hindi naman iyon matalim." Sagot ng nurse.Napatiim bagang na lamang si Aliyah at nagbuga ng kanyang hininga. Napansin niya ang doktor ng kanyang ina kaya sinalubong na niya ito."Doc, kumusta po ang nanay ko?" Tanong ni Aliyah sa nag-aalala na boses.Napabuntong hininga ang doktor."Hindi naman malala ang kalagayan niya ngayon. Nasa maayos na siyang sitwasyon. Malamang ay may naalala na naman siyang masakit na bagay kaya biglang inatake sa puso at nawalan ng malay." Tumin











![MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





![Chasing Mr. Billionaire [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.