"Hindi mo naman na ako kailangang ihatid dahil wala namang mangyayaring masama sa akin" Ani ni Carmela ng mapansin nyang sinusundan sya ng lalaki sa hallway ng Mansion papunta sa kanyang kwarto. Walang imik si Axcel na tahimik lang na sinusundan sya. Nakakalunod ata ang iniisip ngayon ni Axcel at tila ba wala na ito sa sariling katinuan. Napahinto sya sa pag lalakad nang makarating na sila sa tapat ng kanyang kwarto. Hinarap nya si Axcel at tipid na ngumiti. "Hindi mo naman siguro ako ihahatid hanggang sa loob ng kwarto ko, noh?" sinusubukan nyang lagyan ng pang aasar sa kanyang tono para kahit papaano ay mawala ang mabigat na tensyon. "Salamat sa araw ngayon. Nag enjoy ako at hindi ko makakalimutan ang araw na ito. I'm sure just like me you're also tired. Mag pahinga na tayong dalawa para may lakas tayo para bukas."Humakbang palapit sa kanya si Axcel, this time ay hindi sya gumalaw. Nanatili lang syang nakatayo na para bang napako sya sa kanyang kinatatayuan.Pakiramdam nya ay ma
Almost: she almost know the truth. "I should be very careful next time..." Pagkaka usap nya sa kanyang sarili. Nararamdaman nya ang init ng kanyang katawan dahil sa tensyon na namuo kaganina. He loosen up his necktie at pinunasan ang kanyang mga pawis. Patuloy pa rin sa pag tibok ng mabilis ang kanyang puso. Binuksan nya ang isang bottled of water syaka ito ininom. Matapos nyang maubos ay piniga nya ito ng mariin dahilan ng pagkaka tupi ng plastic. "Did I sound obvious? Fvck..." Malutong nyang mura at napa hilamos sa kanyang namumulang mukha. Was it about his parents? kaya nagawang mag tanong ni Carmela ng mga ganoon? dahil pinag dududahan na sya nito? Kung ganoon ano ang pwede nyang gawin para hindi malaman ni Carmela ang totoo? It's easy to defuse a bomb but what if the bomb is your own parent? Napahilot sya sa kanyang sintido, puputok na ata ang ugat sa kanyang utak sa dami ng kanyang iniisip. Should he team up with his parents? pero once na ginawa nya 'yon ay pare-pareho na
Bingi...Ganyan kung ilalarawan ni Carmela ang kanyang nararamdaman ngayon. Nakaka bingi ang katahimikan ng paligid ngunit ang matinis na boses ni Aegin ay patuloy syang sinisigawan. "Sulitin mo na ngayon Carmela! Tignan lang natin kung hanggang saan aabot ang pagiging tanyag mo na 'yan!" Iyan ang huling sinabi nito sa kanya. Hanggang saan nga ba aabot ang pagiging tanyag nya? Pagiging tanyag ba ang hindi paniwalaan ang kanilang mga sinasabi? Ipinilig nya ang kanyang ulo. Kung patuloy nya lang yon na iisipin tiyak na mas lalo lang itong iingay, parang lata na walang laman. Napasabunot sya sa kanyang buhok at pagod na humugot ng malalim na buntong hininga. Umagang umaga pa lang ay stress na stress na sya sa lahat ng ito. "Bakit ang hirap?" Reklamo nya, "Ang sakit sa ulo kung iisipin pero kapag hindi naman iniisip ay pilit itong dumadapo sa isip ko. Normal pa ba 'to?" Paano kung totoo nga ang sinasabi nina Aegin sa kanya? "What if this time they're telling the truth?" Pang ku-que
Nakapalit na si Axcel at nag hahanda na rin papuntang company nang maisipan nyang silipin si Carmela sa kanyang kwarto kung nandoon pa ba ang Babae. Isasabay nya na sana ito pero noong nakita nyang wala sya duon ay na excite syang pumasok ngayong araw para makita si Carmela. Bumalik ata sya ng pagka highschool na sabik pumasok upang makita ang crush nya na sa isang tingin pa lang ay halos mangisay na sya gawa ng kilig. Sino pa bang hindi Kaninang alas kwatro pa sya gising at pabalik balik sya upang silipin si Carmela sa kwarto kung gising na ba ito para sana mag sabay silang dalawa. Sa hindi lang inaasahang pagkakataon ay bumalik sya sa pagkaka higa ng dalawin sya ng antok at ang sinabi nyang iglip lang ay biglang naging mahabang tulog. Pababa na sya ng Mansion ng makita nya ang kanyang Ina at si Pearlyn na pinapanood sya pababa. Mahahalatang sadya syang hinihintay ng dalawa. Gusto nya sanang mag panggap na para bang wala syang nakita at deretso labas nalang ng Mansion pero ang kan
Napatayo si Aegin sa kanyang pagkaka upo sa narinig, "T-talaga ba?!" Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat. Ilang minuto pa syang natahimik at pakurap-kurap. Sabay tawa ng malakas na para bang wala na ito sa katinuan. Humagikgik si Pearlyn sa naging reaction nito, "Told you, kaya kong pabalikin ang memorya ni Axcel. I just need sometime para pag isipan ang mga magiging plano para hindi na ito muling pumalpak" "Eh kung ganoon ano naman ang susunod mong magiging hakbang? Sisirain mo na ba sila? We need to move faster! Sabihin mo na ang katotohan ngayon kay Carmela —" Sabik na wika ng Mama ni Axcel na pinutol ni Pearlyn. "Ayaw nyo muna bang paglaruan si Axcel?" "What do you mean by that? Wala na tayong oras para makipag laro. Paalisin na natin si Carmela sa Mansion ngayon din!""Think about it Ma, kapag pina alis natin si Carmela we can't get any benefits. Aalis lang sya at ang mas mahirap ay kusa syang aalis. So why not gawin natin syang instrument in some ways na mas lalo pa tay
Nagising si Carmela dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Umupo sya sa kama at kinusot ang kanyang mga mata. Inaantok pa sya at gusto nya pa sanang bumalik sa pagkakahiga ng makita nya ang orasan. "Malabo ba mata ko? O totoong 1:40 ang nakikita ko ngayon?" Muli nyang kinusot ang kanyang mata. "Halla!" Tili nya nang makitang 1:40. Hindi madaling araw kundi ng hapon. "Napasarap ata ang tulog ko!" Sino ba namang hindi mapapa sarap kung ganoon ang ginawa sa kanya ni Axcel kagabi? Napatayo na sya ng kama. Tatakbo na sana sya papuntang banyo para mag ayos para mag trabaho ng mapansing iba ang kanyang suot dahil nakasuot sya nang pang tulog. Napakunot ang kanyang nuo, "Huh? Nag palit ba ako kagabi? At..." Napa isip sya, "Hindi bat sa coach ako ng opisina nakatulog? Paanong?" Nahagip ng kanyang mata ang isang note sa kanyang side table. Sulat kamay 'yon ni Axcel. "Hey, Baby. I didn't wake you up cause I know you're tired and I don't want to disturb your sleep. You should