Home / Romance / One Night with the CEO / Kabanata 20: Ang Pader sa Likod ng Yaman

Share

Kabanata 20: Ang Pader sa Likod ng Yaman

Author: Author Bhelle
last update publish date: 2026-10-26 19:37:39

Bago pa man kami tuluyang makalabas ng dambuhalang bulwagan ni Ethan, mabilis kaming nahabol ng kaniyang ina. "Serena, hija!" magiliw na tawag nito, bakas pa rin ang labis na kagalakan sa kaniyang mga mata habang nakahawak sa aking braso. "Tomorrow, okay? We should definitely meet up again. I want to take you shopping! Gusto kong bilhan ka ng mga bagong damit at mga eleganteng piraso na babagay sa susunod na manugang ko. Oh, I just can't wait!"

Naramdaman ko ang biglang pagsikip ng aking dibdib
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Night with the CEO   Kabanata 41

    Ang marangyang itim na sasakyan ni Joshua ay huminto sa tapat ng simpleng gate ng tahanan nina Serena. Habang nakatingin siya sa lumang bahay, isang mapanganib at tusong ngiti ang unt-unting sumilay sa kaniyang mga labi. Naipangako na sa kaniya ni Rebecca ang isang milyong piso, at upang masigurado na makukuha niya ito, kailangan niyang gampanan nang perpekto ang papel ng isang nagsisisi at nagmamahal na ama.Huminga siya nang malalim, pilit na pinaamo ang kaniyang mukha, bago bumaba at marahang kumatok sa gate.Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at lumabas ang nanay ni Serena na si Aling Rosa, kasunod ang batang si Enzo na kakauwi lang mula sa paaralan at abala sa pagkain ng biskwit. Nang makita ni Aling Rosa si Joshua, agad na kumunot ang kaniyang noo, pilit na inaalala ang pamilyar na mukha ng lalaki mula sa nakaraan ng kaniyang anak."Sino po sila? Wala rito si Serena, nasa trabaho pa po," magalang ngunit may halong pag-iingat na tanong ni Aling Rosa.Hindi sumagot si Joshua. Ang

  • One Night with the CEO   Kabanata 40

    "Hello, Ethan? I’m boarding my flight back to Manila in an hour," ang boses ng kaniyang ina na si Donya Eleanor ang bumasag sa katahimikan ng opisina ni Ethan sa kabilang linya. "I can’t wait any longer. I want to meet my grandson the moment I land."Napasandal si Ethan sa kaniyang swivel chair, habang pilit na pinapakalma ang kaniyang sariling boses. "Everything is ready, Mom. Don't worry, your grandson is prepared for your return. Magpahinga ka muna sa biyahe.""Good. Alam mo kung gaano ko katagal naisip ang sandaling ito. Make sure everything is perfect," mariing paalala ng kaniyang ina bago patayin ang tawag.Ibinaba ni Ethan ang telepono at napabuntong-hininga. Hindi alam ng kaniyang ina ang buong detalye ng sitwasyon, o kung sinong bata ang nakatakda nitong makilala. Sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang personal assistant na si Jake na may dalang selyadong puting envelope. Seryoso ang mukha nito."Sir, ito na ang resulta ng DNA test mula sa labora

  • One Night with the CEO   Kabanata 39

    Ang gabi ay hindi nagdala ng kapayapaan para sa mga taong nabubuhay sa kasinungalingan. Sa loob ng kaniyang marangyang kuwarto sa mansyon ng pamilya Storm, pabalik-balik sa paglakad si Rebecca habang hawak ang isang baso ng alak. Kahit gaano karami ang inumin niya, hindi nito mapawi ang malamig na pawis na kanina pa dumadaloy sa kaniyang likod. May kung anong mabigat na kaba ang lumalamon sa kaniyang dibdib simula nang makita niya si Joshua sa bar.Biglang umalingawngaw ang tunog ng kaniyang telepono. Agad niya itong sinagot nang makita ang pangalan ng kaniyang espiya—isang tiwaling tauhan sa loob ng IT at security department ng Storm Enterprises."Ma'am Rebecca," bulong ng boses sa kabilang linya, halatang natatakot na may makarinig. "May nakuha akong impormasyon mula sa log ng personal assistant ni Sir Ethan. Kaninang hapon, palihim na nakipag-ugnayan si Jake sa isang pribadong laboratoryo sa labas ng siyudad. Nagpa-book sila ng appointment para sa isang DNA paternity test bukas na

  • One Night with the CEO   Kabanata 38

    Ilang minuto na ang nakalipas nang umalis si Ethan sa bahay ni Serena, ngunit bakas pa rin sa kaniyang mukha ang matinding pagkalito at malalim na pag-iisip. Nakasandal siya sa backseat ng marangyang SUV, habang si Jake, na kaniyang personal assistant, ay hindi mapakali sa tabi ng driver at panay ang sulyap sa kaniya sa salamin ng sasakyan. Dahil kilala sa pagiging prangka at walang preno kung magsalita, hindi na nakatiis si Jake. "Sir, tama ako 'di ba? Kamukha mo ang anak ni Serena..." basag ni Jake sa katahimikan. Napatitig si Ethan kay Jake sa pamamagitan ng rearview mirror, madilim ang mga mata. "That is a coincidence, Jake." Napakibit-balikat si Jake, halatang hindi satisfied sa naging tugon ng kaniyang boss. Ayaw niyang magpatalo dahil malakas ang kaniyang kutob. "Mas kamukha mo pa si Enzo, Sir, kaysa kay Elliot na anak mo kay Ma'am Rebecca." "Don't talk too much, Jake! I don't need your opinion," mariing saway ni Ethan, pigil ang galit sa kaniyang boses. Natahimik si Jake

  • One Night with the CEO   Kabanata 37

    Pagbaba ko galing sa pinakatuktok na palapag ng gusali ay parang lumulutang ang aking mga paa. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tray nang pumasok ako sa kusina ng cafeteria. Ang aking mga kamay ay nanginginig pa rin, at ang aking mukha ay tiyak kong singputla ng papel. Ang isang daang libong pisong danyos na sinabi ni Ethan ay parang isang malaking lubid na nakatali sa aking leeg, unti-unting humihigpit sa bawat segundong lumilipas. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera kung pipiliin kong talikuran ang kontratang ito?"Chef Serena! Oh my god, anong nangyari?" Ang nag-aalalang boses ni Janet ang bumasag sa aking pagkatulala. Mabilis siyang lumapit sa akin, bitbit ang isang baso ng malamig na tubig na agad niyang iniabot. "Uminom ka muna. Para kang nakakita ng multo riyan."Tinanggap ko ang baso at mabilis na nilagok ang tubig, ngunit hindi pa rin niyan mapakalma ang nagwawalang pintig ng aking dibdib. Sa isang saglit lang, ang iba pa naming mga katrabaho sa kusina ay nagsimul

  • One Night with the CEO   Kabanata 36: Ang Bitag ng Kontrata

    Parang namutla ako nang makita ko ang mismong CEO na bigla na lamang sumulpot sa cafeteria. Sa tindi ng kaba, pakiramdam ko ay biglang umurong ang lahat ng dugo sa aking mukha. Si Ethan, na may dalang malamig at nakatatakot na awra, ay dahan-dahang naglakad palapit sa amin. Madilim ang kaniyang mga mata, at halatang hindi niya nagustuhan ang malaking pumpon ng pulang rosas na dala ni Joshua."Flirting during office hours, Ms. Salazar?" malamig at mariing tanong ni Ethan. Ang kaniyang boses ay malalim at puno ng awtoridad, dahilan upang agad na manahimik ang lahat ng tao sa paligid."Sir, mali po ang iniisip ninyo. Hindi ko po—"Natigil ako sa pagpapaliwanag nang bigla niyang itaas ang kaniyang kanang kamay. Isang pamilyar na galaw na tila nagsasabing hindi niya kailangan ang anumang paliwanag mula sa akin."Just get back to work," seryoso niyang utos bago tumalikod at naglakad palayo.Kasabay ng pag-alis ni Ethan, agad namang kumilos si Jake. Sumenyas siya sa mga security guard na lum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status