FORBIDDEN DADDIES #4: Be Gentle, Daddy Silas!

FORBIDDEN DADDIES #4: Be Gentle, Daddy Silas!

last updateLast Updated : 2026-11-02
By:  MirOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“M*an my name, sister-in-law.” Mali. Maling-mali, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakakabaliw ang haplos ng mga palad niya at ang mainit na hagod ng labi niya sa balat ko. “Please be gentle… Daddy Silas.” Isang gabi ng kasalanan ang nangyari sa pagitan ni Isabela at ng isang estrangherong nagngangalang Silas. Dahil sa kagustuhang makaganti sa paulit-ulit na pambabae at pananakit ng asawa niyang si Enrique, naisipan niyang gumanti. Pero hindi pala basta isang estranghero ang lalakeng ito dahil ito mismo ang long lost brother ng asawa niya. Nang malaman niya ang buong katotohanan ay pinili niyang umiwas kay Silas. Pero ayaw siyang pakawalan ng lalake. Sa patuloy na pag-angkin sa kanya ng brother-in-law niya ay ang pagsisimulang magselos at magsisi ng asawa niya. Sa lahat ng sinapit niyang pangmamaliit at pang-aalipusta, naging katulong siya ng pamilya ni Enrique sa loob ng limang taon. Pero sa tulong ni Silas at sa determinasyon niya, ngayon siya na nag boss ni Enrique at ng kabit nito. Anong gagawin niya para makaganti sa kanila? Sa pagsuyo sa kanya ni Enrique, muli ba niyang pagbibigyan ang asawa lalo pa dahil magkakaanak sila? O mas pipiliin niyang makasama si Silas kahit pa ipinagbabawal ang pag-ibig nila?

View More

Chapter 1

1

TEASER:

“Hmmhh~~~” 

Nababaliw na nga siguro ako pero wala na akong pakialam. Gusto kong makalimot.

Hinaplos ko ang batok niya at marahan siyang sinabunutan habang patuloy kong nilalaliman ang paghalik sa kanya.

“Hngghh~~~” Ang sarap sa tainga ng ung*l niya. Ramdam na ramdam ko ang pagpipigil niya na lalo pang nagpapainit sa katawan ko.

All my life, I’ve been that perfect daughter na laging sumusunod sa gusto ng mga tao sa paligid ko. Pero sa pagkakataong ito, wala akong pakialam. Pumatong ako sa lalakeng ni hindi ko alam kung ano ang buong pangalan. 

Kung si Enrique nga paulit-ulit na nagpapakasarap kasama ang Viviene na iyon, kaya dapat ako rin.

“S-Stop!” hingal niyang sabi. Buong lakas siyang humiwalay sa mga labi ko pero pilit pa rin akong lumalapit sa kanya. 

“Bakit? Takot ka? Natatakot ka ba sa asawa ko?” 

Umiikot na ang paningin ko pero pilit ko pa ring inaabot ang mga labi niya. Paulit-ulit ko ring idinidikit ang pagkababae ko sa naninigas niyang pagkalalake. 

“The hell I care about Enrique?” Tumawa siya na para bang walang kwentang tao ang asawa ko, “Ikaw ang iniisip ko. Dahil kapag pilit mo pa akong hinalikan, hindi na ako makakapagpigil. Just so you know, I’m not a gentleman.”

Nginitian ko siya habang nakatitig sa mga mata niya. Mapang-akit, malandi. 

“Then show me how bad you can be, make me forget my miserable life is.”

“You sure you won’t regret this, baby girl?”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang tawagin niya ako non.

“I won’t. But please be gentle… Daddy Silas.” 

CHAPTER 1

ISABELA’s POV

Matagal ko ring hinihintay ang araw na ito. At kung magpapakatotoo lang ako, hindi na dapat ako magulat sa nakikita ko ngayon. 

Viviene. Ang leading lady ng asawa kong si Enrique sa halos lahat ng mga projects niya bilang artista. Nakatayo siya sa nakabukas na bintana ng kwarto naming mag-asawa, walang damit habang nasa likod niya si Enrique na nakahawak sa mga dibdib niya.

My husband was so busy pl*asuring that woman that he didn’t even notice that I was watching them. Sadya ko pang itinigil ang kotse ko sa gitna ng driveway kung saan siguradong makikita nila ako, pero parang wala lang sa kanila iyon. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang magtama ang mga mata namin ni Viviene at nginisihan niya ako.

Sa mga pelikula, ang mga babaeng niloloko napakabilis sumugod. Napakabilis mag-eskandalo at makipag-away. Pero ang totoo? Kapag harap-harapan mo nang nakikita ang katarantaduhan ng asawa mo, nakakapanghina.

Pakiramdam ko bumabaligtad ang sikmura ko at gusto kong masuka. Gusto ko silang puntahan at kaladkarin palabas ng bahay gaya sa pelikula. Pero natatakot ako… natatakot ako sa posibleng mangyari kapag kinompronta ko sila. Natatakot akong harapin ang katotohanan dahil alam kong hindi naman ako ang mahal niya.

Tahimik akong nagpunta sa kusina. Kinuha ko ang kutsilyo at matagal iyong tinitigan. Napakaraming tumatakbo sa isip ko habang nakatitig doon. Pero mas pinili kong maghanda ng hapunan para sa aming dalawa, o baka pati na rin para sa kabit niya. Depende sa kapal ng mukha ng babaeng retokada na iyon.

“I’m gonna drive you home. Let me just get my keys.”

Dinig ko ang mga yapak nilang pababa ng hagdan habang inihahanda ko ang lamesa. Hindi ako nagtaas ng tingin, at pilit ko silang hindi pinapansin. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil nanlalabo na ang paningin ko sa mga luhang nag-uunahan nang tumulo.

“Uiy hindi na, ano ka ba? Okay lang ako. Ang sweet-sweet mo talaga.” 

Timbre pa lang ng boses niya, malandi at nakakairita na. 

“Saka look oh, your wife is here! Hi, Isabela!” 

Nakita ko pa sa peripheral vision ko na kinawayan niya ako, pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paghahanda. Ito na ang huling beses na maghahapunan ako sa bahay na ito.

“Isa, h-how long have you been here?” bakas ang kaba sa boses ni Enrique.

Hindi ako sumagot.

Hinatid niya si Viviene sa labas. Pagbalik niya, hindi pa man siya nakakaupo ay nagsimula na akong kumain.

“Kanina ka pa ba umuwi? Bakit hindi mo ako tinawag?”

Malamig at maotoridad ang boses niya. Hindi niya ako tinatanong dahil takot siya. Tinatanong niya ako dahil naiirita siya. 

“Kanina pa,” maikli kong sagot at saka isinubo ang malaking hiwa ng karneng baboy. Pilit gumagawa ng paraan para hindi kami mag-usap. 

Pero sadyang mapilit siya.

“Kanina ka pa pala, bakit hindi mo ako tinawag?”

Salubong na ang mga kilay niya at nagdidilim ang paningin.

“You’re busy fvcking that woman in our bedroom, ayokong mang-istorbo.”

Pilit kong tinatagan at tinapangan pero nabasag pa rin ang boses ko pagkasabi non. May kung anong biglang gumuhit sa mukha niya. Pagkagulat? Guilt? Hindi ko alam. 

Pero imbis na magpaliwanag at humingi ng tawad, sumandok siya ng kanin at ulam na parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Nakakapanlumo… nakakapanliit!

“Ayan ka na naman sa kapraningan mo, Isabela. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo that Viviene is just a workmate and a business partner? Nandoon lang kami sa kwarto para magrehearse ng mga linya para sa sunod naming  pelikula—”

“Ah, anong klaseng pelikula ba iyan?! Bold?! Na kailagan hubo’t hubad kayo at hawak mo ang s*so niya?!”

Ang traydor kong mga luha, paulit-ulit ko silang pinakiusapang huwag tumulo. Pero heto ako, humihikbi na naman sa harapan niya.

“Gagawa at gagawa ka talaga ng problema ano?!” singhal niya. Napaigtad ako nang hampasin niya nang malakas ang lamesa habang nakatiim-bagang siya. “Palagi mo na lang pinagdidiskitahan si Viviene. Palagi mong pinaniniwala yang sarili mo na kami ang masama at ikaw ang mabuti. Alam mo? Minsan napapaisip na lang ako kung may sira na talaga yang utak mo. Viviene was such a blessing in my life—”

“Eh ako?” hikbi ko. “Ano ako sa buhay mo?”

Napakuyom ang kamao niya at saka siya nag-iwas ng tingin.

“Nababaliw ako? Enrique, paulit-ulit akong nagtanong kung anong meron sa inyong dalawa. Umpisa pa lang ng kasal natin pinagseselosan ko na siya. Halos ikabaliw ko ang mga ginagawa niyong dalawa. Iyong mga regalong ipinapadala niya sa iyo, ang mga bulaklak na binibigay mo sa kanya, yung mga bakas ng lipstick sa damit mo, iyong mga text messages niyo sa isa’t-isa.”

“Ano?! Tinitignan mo ang cellphone ko? Anong karapatan mong pakialaman ang gamit ko?!”

“Asawa mo ako! Hanggang kailan ba ako magmamakaawa sa iyo? Kahit konting respeto lang, Quen! Konting respeto lang ang hinihingi ko sa iyo pero hindi mo pa maibigay! Hanggang kailan mo ba ako balak pagmukhaing tanga?!”

Sa tagal ng pagsasama namin ay ngayon ko lang siya nagawang pagtaasan ng boses. Hindi ko na mapigilan. Pagod na pagod na ako. Ubos na ubos na ako.

“Ikinasal lang naman tayo dahil sa pesteng kontrata niyo ni Daddy hindi ba?” Inilapag ko ang mga kubyertos saka tumayo. “Maghiwalay na tayo.”

“Ano?!” Mabilis siyang humabol sa akin at hinawakan ako sa braso, “Ano bang pinagsasabi mo?! Malapit na ang eleksyon. Bakit naman ngayon ka pa talaga gagawa ng eskandalo.”

Mapait akong napangiti at saka pilit inalis ang pagkakahawak niya sa akin, “Oo nga pala, politiko ka nga pala ano? Guess what? I don’t care. Problema mo na iyan!” bwelta ko saka umakyat sa kwarto namin at sinimulang mag-impake.

“So sisirain mo ang image naming pareho ng Daddy mo? Nahihibang ka na ba talaga? Siguradong magagalit—”

“Magalit na silang lahat! Ayoko na, Quen! Ayoko na…” Napaupo ako sa kama habang umiiyak. Diring diri ang pakiramdam ko habang iniisip na nags*x sila dito kanina, “Hayop ka. May nangyayari sa atin sa kwartong ito tapos dito mo rin siya kinalantari. Nakakadiri ka.”

“Can you shut up? Hindi na importante iyan ngayon!” Idinuro niya ako, “Saan ka naman pupunta ha? Ni wala ka ngang sariling trabaho. You’re just a housewife na walang ibang alam gawin kung hindi maglinis at magluto. Tapos kung magmalaki ka akala mo kung sino ka?!”

Mariin akong napahawak sa dibdib ko. Hindi ko akalaing ganon kababa ang tingin niya sa akin.

“Oo! Housewife lang ako. Asawa mo lang ako, pero patutunayan ko sa iyong kaya ko!”

Nginisihan niya ako. Iyong nakakaasar at nakakainsulto, “Tignan lang natin. You can survive one week at most. Pagkatapos non, we both know you’ll come crawling back to me. Kaya kung ako sa iyo, ngayon pa lang tigilan mo na iyang pantasya mo.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status