NATASHANapanganga ako dahil sa sinabi niya at awtomatiko kong tinakip ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.Kung pwede lang sanang bumuka ang sementong kinatatayuan ko ngayon at kainin ako ay ipagpapasalamat ko pa.Bakit ba nakalimutan ko mag-bra bago ko buksan ang pinto? Sanay akong matulog na walang bra at nakalimutan kong magsuot bago buksan ang pinto dahil sa katok nito na akala mo ay may sunog."Ang manyak mo!" sigaw ko para itago ang pagkapahiya."It's not my fault that your breast is waving at me. I have eyes. And why are you fucking wearing a thin shirt? What if I was not the one outside awhile ago."Tila ito pa ang galit. Ako na nga nakita, siya pa may ganang magalit."Pwede ka namang sa mukha ko tumingin. Hindi iyong kung saan-saan mo itinitingin iyang makasalan mong mga mata," giit ko pero gumalaw lang muli ang panga nito."Change now or you want me to change you?"Wala akong nagawa kundi ang talikuran siya para m
NATASHAKulang na lang ay ibato ko ang alarm clock na nasa tabi ng kama ko dahil sa paulit-ulit na pagtunog nito. Hindi naman ako puyat pero pakiramdam ko antok na antok ako. Tinatamad rin akong bumangon kahit na alam kong kailangan ko nang bumangon dahil maagap pa akong magtutungo sa palengke. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Tinatamad akong kumilos kahit dapat sa mga oras na ito ay nakapaligo na ako.Pinilit kong bumangon pero muli kong ibinagsak ang katawan ko sa maliit kong kama. Wala naman akong sakit pero parang hinang-hina ako. Tamad day ko ba ngayon?Parang gusto ko na lang humilata sa kama buong araw. Kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko na bumangon. Sayang din ang kikitain ko ngayong araw pero dahil pakiramdam ko talaga ay tinatamad akong kumilos pagbibigyan ko na lang ang katawan ko.Muli kong pinikit ang aking mga mata. Inaantok pa talaga ako. Daig ko pa ang napuyat ng husto kagabi. Hindi ko naman ito nararamdaman dati, ngayon lang talaga.Pakiramdam ko napak
NATASHATumayo ako para maghanda ng hapunan. Tinatamad akong magluto kaya nag-init na lang ako ng tubig at kumuha ng cup noodles. Pakiramdam ko pagod ang katawan ko para magluto.Naupo muna ako habang iniintay uminit ang tubig na nasa electric kettle nang tumunog ang selpon ko.Kunot ang noong kinuha ko ito. Sino naman kaya ito? Wala naman akong inaasahang text dahil madalang ko nga lang gamitin ang selpon ko dahil wala naman akong itetext o tatawagan. Wala rin akong social media, abala lang ang mga iyon. Sayang sa oras. Lalo na at busy ako a pagtitinda.'Hello'Numero lang ang nagtext kaya hindi ko na iyon pinansin. Baka kung sino ang na na-wrong send o baka naman nantitrip. Wala akong oras makipag chitchat sa kung sino man iyon.Nang tumunog ang electric kettle senyales na mainit na ang tubig ay tumayo na ako. Nilagyan ko ng tubig ang cup noodles at muling bumalik sa sala. Ipinatong ko sa maliit na center table ang cup noodles kalapit ang selpon ko at muling naupo sa sofa habang hin
NATASHAGabi na. Buti na lang at nawala ang pagkahilo ko matapos kong kumain ng almusal. Salamat rin kay Poldo kahit na parang ang weird niya kanina. O baka nasanay lang ako sa unang impresyon ko sa kanya na pasaway siya kaya nabigla ako ng makita ang seryosong mukha niya.Hindi ko naman alam ang ikinagagalit niya kaya, wala na akong pakialam doon kahit pa curious ako. Ayoko naman magtanong, baka mamaya isipin pa niya tsismosa ako.Nakarating ako sa may amin na walang bumubuntot na Anton. Siguro nga tatantanan na ako noon matapos ang nangyari kagabi. Siguro nga tama si Poldo, kailangan ko lang magpakita dito na may boyfriend na ako para tantanan na ako. Pero tama bang halikan ako para lang ipamukha kay Anton na boyfriend ko siya kuno? Kapag naalala ko tuloy iyon bumabalik ang inis ko.Pagliko ko sa huling kanto bago makarating sa bahay ay nakita ko ang grupo ni Kaloy. Nasa pwesto na naman nila ang mga ito."Hi, Tasyang!"masayang bati sa akin ni Kaloy ng mapadaan ako sa lugar kung saan
NATASHA"Sana all!" saad ni Klay ng makalayo na si Poldo. "Ang gwapo talaga niya, Tasyang. Sure ka walang something sa inyo?" nagdududang tanong pa nito. Masyado talaga silang malisyoso. Tumulang 'yung tao, iba na nasa utak nila.Ayoko talaga sa mga gwapo, sakit lang sila sa ulo. Lalo na kung gaya ni Poldo na sobrang gwapo, 'yung tipong kahit saan pumunta magkakaroon ka ng karibal dahil masyado siyang agaw pansin. Ayokong mag-overthink palagi, paranoid pa naman ako minsan kaya ayaw ko sa mga gaya niya.Aminado naman akong gwapo talaga iyon, hindi naman ako bulag pero para sa akin siya iyong tipo ng lalaki na dapat iwasan. Sakit lang sa puso ang dala ng gaya niya para sa akin."Bagong salta pa lang siya dito sa atin. Nagmagandang loob lang na tulungan ako pero walang ibang ibig sabihin iyon," paliwanag ko habang nagsisimula ng ayusin ang mga gulay na ititinda ko.Wala naman talaga akong dapat ipaliwanag sa kanila. Sila lang itong nag-iisip agad ng kung ano-ano. Kung trabaho lang pagigi
NATASHABubuhatin ko na sana ang isang bundle ng mga gulay na binili ko para itinda pero may naunang gumawa noon sa akin. Isang nakangiting mukha ang nakita ko ng iangat ko ang aking tingin. Biglang naningkit ang aking mga mata ng makilala ko siya."Anong ginagawa mo?" mataray na tanong ko."Helping you?" inosenteng sagot nito, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. Para siyang may sayad sa ngiti niya."Hinihingi ko ba tulong mo?"Nandito na naman siya sa helping helping na iyan. Kasasabi ko lang kagabi na huwag na siyang magpapakita sa akin pero siya agad ang bumungad sa araw ko. Kapag minamalas ka nga naman.Isa pa, hindi naman kami close. Naging customer ko lang siya ng ilang araw pero ngayon akala mo friends na kami.Kaya ko namang buhatin ang mga iyon. Hindi nga lang gaya niya na sabay nabuhat ako kasi iniisa-isa ko pa. Kaya nagpapabalik balik pa ako. Pero kaya ko, at hindi ko kailangan ng tulong niya.Isa pa masyado pang maaga, pero bakit nandito na agad ang lalaking ito?