LOGINRavenna Ylianna Ocampo’s Point of View
“You don’t have to—”
“And what if I wanted to?” putol nito sa sasabihin ko.
Hindi naman ako nakapagsalita, at parang unti-unti nang nawawala ang alak sa aking sistema. Ramdam ko na ang pag-iinit ng aking mga pisngi, habang nakatingin sa kaniyang mga mata na ngayon ay tila inaakit ako.
I know I shouldn’t be trusting someone whom I don’t even know. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit tila kalmado ako, habang kasama ko siya.
Akala ko kanina ay dahil lamang dala ng alak, pero mukhang mali ako. Talagang may humahatak sa akin na manatili pa rin dito sa kaniyang tabi.
“You can’t,” I whispered.
Halos hindi ko na nga marinig ang boses ko, dahil parang walang boses na lumabas doon. ‘Yong paraan ng pagkabulong ko, halos hindi na maintindihan. Kaya hindi ako sigurado kung naintindihan ba niya ‘yon, o kung ano.
I cleared my throat and shook my head in disagreement. “You don’t even know me.”
“Do I need to know who you are before lending you a hand?”
Natigilan ako sa pagkaseryoso ng kaniyang boses. I even saw how his eyes flickered before the side of his lips curved.
“Someone broke your heart and I’m just doing what is right, but if you feel guilty about it, you can pay me.”
Alam kong guilt talaga ang nararamdaman ko, dahil sa sobrang pagtulong nito sa akin. Pero naiintindihan ko rin kung bakit niya ‘to sinasabi para hindi ako ma-guilty.
He’s trying to make me feel better. Na kahit hindi naman dapat binabayaran ang pagtulong, sinabi niya pa rin ‘yon bilang offer.
“How much?”
Natawa naman siya sa naging tanong ko, at napailing na lamang. Inilihis niya ang kaniyang mga mata, at piniling tumingin na lamang sa harapan, saka sumimsim sa kapeng hawak niya.
“I don’t need your money,” arogante nitong sagot.
“Kung hindi ‘yon, ano?”
“Be with me tonight, and I’ll show you what I need from you.”
My breath hitched. Bakit kailangan ko pang sumama sa kaniya kung puwede naman kasing sabihin niya sa akin ngayon kung ano ang kailangan niya, hindi ba?
Hindi ko siya maintindihan. Dala na rin siguro ng alak, dahil kahit unti-unting nawawala ang alak sa aking sistema, nandoon pa rin.
“Nagpapatawa ka ba?” tanong ko sa kaniya sa kabila ng gulat na aking nararamdaman. “Ni hindi nga kita kilala—”
“Killian Adler Rivanov,” he said as he slowly turned his head in my direction, meeting my gaze, “That’s my name if that’s what you’re trying to imply.”
My mouth parted in shock as my eyes widened. Did he just introduce himself when I mentioned that I don’t even know him?
Hindi ako makapaniwala. I don’t know if he’s mocking me or what but damn! Seryoso talaga siya sa lagay na ‘yon?
“That’s not what I mean,” I said, insisting on what I was trying to say. “Alam mo naman ang ibig kong sabihin. We just met because you lent me a hand.”
Shit! Clearly, he’s doing it on purpose. Hindi ko alam kung dahil ba lasing lang ako, o kung ano, pero halata naman talaga sa kung ano ang kaniyang ginagawa. Hind nga lang tumatalab sa akin ‘yon.
“Look,” he said, trying to assure me. “I’m just trying to be nice.”
Pero hindi naman siya mukhang mabait. Hindi naman sa nagiging mapanghusga ako, pero ‘yong awra kasi niya, hindi ganoon. Based on how he stare at me, it feels like he’s ruthless—a ruthless and dangerous man.
Kahit ngayon ko pa lang siya nakita, at nakilala, pakiramdam ko talaga ay tama ang hinala ko. Never naman akong nagkamali kung tutuusin, eh.
Kaya nga kahit sabihin niyang gusto lang naman niyang maging mabait, parang hindi ako naniniwala. Parang may gusto siyang ipahiwatig sa akin na hindi ko malaman.
Dapat naman talaga ay hindi ko na siya pinansin, eh. Ang problema ay hindi nakinig ang aking sarili. Bagkus ay hinayaan ko lamang na mag-enjoy ako sa kaniyang presensya na dapat ay hindi.
Ano nga ba ang magagawa ko kung ‘yon ang gusto ko? Wala. Kaya hindi dapat ako magsisi kung sakali man na maningil siya para lang matahimik ako.
“If you still insist that you should pay me, I’ll let you. But I won’t accept it if it’s money.”
My mouth parted in shock. Base pa lang naman sa sasakyan niya, alam ko naman na kasing mayaman siya. Kaya bakit gulat na gulat pa rin ako?
Mayaman ako kaya pamilyar na ako sa mga sasakyan na alam kong mamahalin. Kaya nga ‘yong mga napupunta sa aking mga lalaki, ang habol lang sa akin ay ang pangalan, at pera na mayroon kami.
Kung sana nakinig na lang ako sa mga magulang ko no’n, baka hindi ako magsisi ngayon.
Damn! Nasa huli pala talaga ang pagsisisi. Buong akala ko pa man din ay hindi na ako lolokohin nag paghuli, pero nagkamali ako. Ngayon naman, mukhang hindi na pera, at pangalan ang habol sa akin.
“Ano ang tatanggapin mo?” matapang na tanong ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas, pero wala na akong pakialam kung ano man ang magiging kabayaran ng pagtulong niya sa akin.
Natawa naman siya nang mahina, at hindi ko alam kung may bahid ba ‘yon nang pang-aasar, o ano. Ngunit imbis na maasar, hinayaan ko lang siya.
Nanatili ang aking mga mata sa kaniyang gawi, at kahit hindi siya nakatingin sa akin, nanglalambot pa rin ang aking mga hita. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa presensya niya, pero halos hindi rin kasi ako makahinga nang maayos. Dala na rin siguro ng kaba.
Nang lumingon siya sa akin, tuluyang tumigil ang aking paghinga. Ultimo ang aking puso, tumigil din yata saglit sa pagtibok. Hindi ko kasi inaasahan ang kaniyang paglingon sa aking gawi. Akala ko ay mananatili siyang nakatingin sa harapan, habang ako ay nakatitig lang sa kaniya—hinahayaan akong titigan siya.
“You really wanted to know, huh?”
Hindi ako nakapagsalita. Gulat na gulat kasi ako sa nangyari, dahil sobrang bilis niyang nahanap ang aking mga mata nag lumingon siya sa aking gawi.
“I want you on my bed—begging for me to wreck you.”
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNang hindi na ako mapakali, kaagad akong sumunod sa kaniya sa bathroom. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sumunod sa kaniya, pero isa lang ang masasabi ko, para akong binuhusan nang malamig na tubig lalo na nang makita kong bumabakat ang muscles niya mula sa kaniyang suot na damit.Napakurap ako, at nanuyo ang aking lalamunan. Parang hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan lalo na nang mag-init ang aking mga pisngi. Paniguradong namula na ang aking mukha lalo na nang lumingon siya sa aking gawi.Seryoso ang kaniyang mga mata, at tila alam na nitong sumunod ako sa kaniya. Parang nagsisi tuloy ako, at hindi maiwasang mapasinghap na lang.Sa sobrang dami kong nakitang kagaya ng kaniyang katawan, bakit iba pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit sa kaniya lang ako naging ganito?“Ayos na,” aniya.Tumikhim naman ako, at umayos ng pakatatayo. Pinanood ko rin siyang patayin ang shower, at bahagyang lumapit sa aking puwesto.Gumilid naman
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewTulala ako buong biyahe, dahil kahit hindi niya linawin ang kaniyang sinabi, alam ko kung ano ang kaniyang ibig sabihin. We’ll do it in his place.Hindi ko alam kung tuluyan na ba siyang napuno sa akin, at kinailangan naming mapunta sa ganito. Pero imbis na matakot, parang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong kaba, at hindi maipaliwanag na emosyon kasi ang nararamdaman ko ngayon. Ni hindi ako sigurado kung masaya ba ako, o natatakot sa mangyayari sa amin.Hindi ba, ito naman kasi talaga ang gusto ko? Para matapos na, at hindi na niya ako guluhin pa. Pero bakit parang sumasama ang pakiramdam ko sa naiisip ko? Bakit parang kumakalat ang pait?Napalunok ako, at piniling tumingin na lamang sa bintana. Nililibang ang aking sarili sa mga nadadaanan naming mga building. Pero kahit yata ano ang aking gawin, nanatiling mabigat ang dibdib ko. Ni hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-iba ang mood ko?“Are you okay?” tanong ni K
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Bodyguard ba kita?” tanong ko sa kaniya, naghihina, at parang unti-unti na talagang natutunaw ang aking inis. “Bakit mo naman ako babantayan?”He smirked. Gumalaw siya, at parang itinapon ang kaniyang sigarilyo, habang ako ay nanatili lamang nakatitig sa kaniya. Hindi inaalis ang aking mga mata sa kaniya para lang subukang titigan siya, kagaya ng pagtitig niya sa akin.“No, but it feels like I need to protect you from those assholes,” he mumbled, enough for me to hear it.Tumama sa akin ang pinaghalong usok ng sigarilyo, at mint sa kaniyang hininga. Kaya nanuyo ang aking lalamunan. Ni hindi alam kung bakit iba ang naging epekto nito sa akin.Humugot ako nang malalim na hininga, tinanggal ang nakabara sa aking lalamunan, at nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib. Matapang ko siyang nginisihan, at hindi ipinahalata sa kaniya kung ano nga ba talaga ang epekto niya sa akin.Hindi sa natatakot ako, pero gusto ko lang namang ipakita sa kaniya n
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“More than that?” ulit ko sa kaniyang sinabi.Natawa ako nang bahagya, at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Paanong magiging ganoon ‘yon kung alam naman naming pareho na ilang beses lang kaming nagkita?Hindi ko siya kilala. Saka ko lang siya nakilala nang magtagpo ang landas namin sa bar. Bukod doon? Wala na.I’m not even aware that he actually exists. Kaya paano niya sinasabing mas higit pa ang nararamdaman niya ngayon? Maniniwala lang siguro ako kung ilang beses na kaming nagkakilala sa mga event. Ang kaso lang ay wala talaga.“You’re just joking, Killian,” saad ko, at ngumiti sa kaniya nang tipid. “That’s impossible. Alam naman kasi nating pareho na ilang beses lang tayong nagkita. Kaya sobrang labo niyan.”Inilihis ko ang aking mga mata, at mabilis na inabot ang takeout na para sa akin.“Thanks.”Hinintay ko siyang magsalita, pero wala siyang sinasabi, at nanatili lamang siyang tahimik. Kaya tumango na lamang ako, at kinuha ang pagkatat
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewPasimple kong kinagat ang aking ibabang labi nang mapansin na nakatingin pa rin sa akin si Killian. Nasa harapan ko kasi siya, at hindi man lang niya inililihis ang kaniyang mga mata magmula nang umupo siya sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.Kahit siguro ibaling ko ang aking atensyon sa ibang bagay, hindi pa rin talaga ako makakakalma, dahil ramdam ko pa rin ang kaniyang mga mata.Bakit kasi kailangang magtagpo muli ang landas namin? Hindi ko alam kung sadyang maliit lang ba ang mundo, o pinaglalaruan lang talaga kami ng tadhana ngayon.“Bakit ‘yon ang sinabi mo?” nagtataka kong tanong nang hindi na talaga ako makapagpigil. “Really? Mrs. Rivanov?”Ang daming puwedeng sabihin na pangalan. Puwede nga ring pangalan ko na lang, pero apelyido niya ang gusto niyang sabihin? Kung ‘yon lang naman pala ang gagawin niya, sana ako na lang ang nagbayad.Sana hindi ko na siya hinayaan na siya ang magbayad ng order ko. Ganoon din naman pala ang kapalit,
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewSa totoo lang, hindi ko inaasahan na sasabihin ‘yon ni Daddy. Malaki ang galit niya sa ex-boyfriend ko, at ramdam ko rin naman ‘yon.Sadyang hindi ko lang kasi alam na sasabihin mismo ulit sa akin ni Daddy ‘yon.Napahugot na lang tuloy ako nang malalim na hininga, at wala sa sariling dumiretso sa aking kuwarto. Kailangan ko kasing maligo, at magpalit ng damit, dahil pakiramdam ko ay magulo nag isipan ko.Ang tanging nasa isipan ko lamang sa ngayon ay ang maligo, at umaasang mapakakalma nito ang aking isipan.Kaya lang ay nang sumapit na alas-diyes, magulo pa rin ang isipan ko. Parang kinakailangan ko pa yatang lumabas ng kuwarto, at magmuni-muni sa labas ng bahay namin.“Kapag mag-isa yata ako, mas lalo lang akong mapapaisip,” bulong ko sa aking sarili.Wala sa sarili akong napalingon sa nightstand na nasa tabi lang ng aking kama. Nandoon kasi ang susi ng sasakyan ko. Kaya parang napaisip ako kung kinakailangan ko bang magpunta sa coffee shop pa







