Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewKagaya ng napag-usapan namin ni Killian, inihatid niya ako. Mabuti na lang, dahil hindi kami nakita nang kung sino kagabi. Wala pa man din ako sa mood para makipag-usap sa kung kanino, dahil sumagi na naman sa isipan ko kung gaano kasakit maloko, at maiwan.“Yana!” singhal ni Daddy nang ako ay makababa ng hagdan.Napapikit na lamang ako, dahil ramdam ko ang galit ni Daddy sa paraan pa lang ng pagtawag niya. Na kahit wala akong sinabi, sumabog na talaga siya sa galit.“Ano ‘yong narinig ko tungkol sa lalaking ‘yon?!” nanggagalaiting tanong nito sa akin.Hindi naman ako makapagsalita, at piniling itikom ang aking bibig, dahil kapag sinagot ko siya, baka mas lalo lang siyang magalit.“Iniwan ka niya?!”“Sweetheart,” paglalambing naman ni Mommy, at sumulyap sa akin na tila gusto akong umalis na lang ng bahay para lang hindi na magalit si Daddy.Kaya lang ay hindi ko yata alam kung paano ‘yon gagawin lalo pa’t gusto ko rin talagang sabihin sa kanila a
Last Updated : 2026-01-20 Read more