Share

Kabanata 3

Author: Vengeance
last update Last Updated: 2026-01-20 15:17:03

Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View

  Napahilamos na lang ako ng aking mukha. Nasa living room ako ngayon ng kaniyang mansion. Binuhat kasi ako no’n papunta rito, kahit ang tutuusin ay kaya ko namang magpunta rito nang hindi kinakailangan ang kaniyang tulong.

  “Shit!” malutong kong mura nang tuluyan na talagang mawala ang alak sa aking katawan.

  Unti-unting sumagi sa aking isipan kung saan nga ba talaga ako. Kahit na hindi naman ako pumayag, o tumanggi, dahil nga sa gulat, wala na akong magawa. Fuck! Nandito na ako!

  “What are you doing?” tanong nang isang boses nang bumukas ang pinto.

  Inis akong napalingon sa kaniya, at sinamaan siya nang tingin. Kalmado lang naman ‘tong sinalubong ang aking mga mata na para bang wala siyang ginagawang masama.

  May bitbit siyang gatas. Mukhang maligamgam pa ‘yon, at para bang gusto lang akong antukin. Kaya lang ay nang maalala ko ang kaniyang sinabi, biglang nag-init ang aking mga pisngi.

“I want you on my bed—begging for me to wreck you.”

  That sentence made me think if he was just being kind to me just to take me to his bed.  Siguro ay tinulungan lang ako nito, dahil nakita niyang lasing ako, at nasasaktan. Inisip ko pa man ding hindi siya kagaya ng mga lalaking sinasabi niya, pero mali ako.

  “Ano ang inilagay mo riyan?” masungit kong tanong nang mahanap ko ang aking boses.

  Hindi naman sa pinagbibintangan ko siya, pero siyempre, nang sabihin niya ang katagang ‘yon, paano na lang kung may gawin siya sa aking masama?

  Dapat lang talagang maging doubtful ako sa mga ginagawa niya. Ni hindi ko nga alam kung mapagkatitiwalaan ko ‘tong lalaking ‘to, eh. Guwapo naman siya, pero mabigat kasi ang awra niya. Kaya hindi ko talaga masiguro.

  “Water. Milk powder.”

  Ngumiwi naman ako, dahil hindi ako naniniwala sa kaniyang sinabi. Bakit naman siya mamimigay nang ganoon kung wala siyang balak, hindi ba?

  Kasasabi niya lamang kanina sa akin ‘yon. Kaya sobrang labo kung ikaiila niya bigla sa akin ang mga binitawan niyang salita kanina.

“Liar!” I hissed.

  He just shook his head as if he was already done with our topic. Parang wala na siyang pakialam kung ano man ang isipin ko, at basta na lang ibinaba ang kaniyang dala sa center table.

  Inayos niya ang kaniyang suot na long sleeves. Tinanggal niya ang pagkabutones nito sa kaniyang pulsuhan, at basta na lang itinupi ‘yon hanggang sa kaniyang siko.

  Napadako naman ang aking mga mata sa kaniyang bisig, dahil litaw na litaw ang mga ugat doon. I’ve seen those from other men, but his veins are kinda different. Siguro ay dahil na naman ‘to sa alak kaya ganoon.

  Kaya bago pa niya ako mapansing nakatingin doon ay kaagad kong ibinalik ang aking mga mata sa basong nasa center table.

  Napalunok na lamang ako ng aking laway, at bahagyang ipinilig ang aking ulo sa kanan nag kanti lalo nang mapansin kong umuusok pa ang gatas nang kaunti.

  “Just drink it. It’ll sober you up if the coffee wasn’t enough,” he said in a low-toned voice.

  Tumikhim ako, dahil sa totoo lang ay parang nagangati akong inumin ‘yon. Hindi naman ako palaging umiinom ng gatas bago matulog, eh. Sadyang parang gusto ko ‘yong inumin, dahil first time kong maka-encounter ng lalaking maasikaso.

  Kung ibang lalaki na kasi ‘to, baka kung saan na napunta. Marami pa namang ganoong lalaki. Talagang mabibilang na lang sa kamay ang mga matitino.

  Napailing ako, at inabot na lamang ‘yon nang tahimik. Kahit ramdam ko ang kaniyang mga mata sa aking gawi, pinili kong hindi ‘yon salubungin.

  Hindi rin naman kami nagtagal doon sa living room, dahil matapos kong uminom ng gatas, hinatid na niya ako mismo sa kuwartong tutuluyan ko.

  “Good morning,” bati nang isang maid nang mamulat ako ng aking mga mata.

  Napakurap ako, at marahang kinusot ang talukap ng aking mata.

  “Why are you here?” namamaos kong tanong, dahil hindi siya pamilyar sa akin.

  Hindi ko matandaan kung may mga maid ba akong nakita kagabi. Parang mag-isa lang kasi siya kagabi rito, eh. Kaya medyo nakaiilang kung bakit may nakapasok sa kuwarto ko—kahit pa sabihing may susi naman sila.

  “Hinihintay ka na po ni sir sa hapag,” anunsyo nito na ikinatigil ko naman.

He’s waiting for me?

  Hindi naman dapat niya ako hintayin kung tutuusin. Alam kong may trabaho siyang dapat gawin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niya akong hintayin kahit bisita naman niya ako, at hindi naman kami magkakilala talaga.

  “Susunod ako,” wika ko.

  Kaya naman lumabas kaagad ang maid sa kuwartong tinutuluyan ko, habang ako ay tila pinoproseso pa ang nangyari.

  Pagdating ko sa dining area, nakita ko siyang nakasuot lamang ng itim na shirt. Nakatingin siya sa akin, at parang inaasahan na ang pagdating ko.

  Bahagya tuloy akong nahiya nang pasimple nitong tingnan ang aking suot. Kaya naman mabilis akong naupo nang makarating ako sa upuan na malapit sa kaniya.

  “You look good in your dress.”

  Napalunok ako, dahil hindi ko inaasahan ang papuri niya. Since wala akong dalang damit, hindi ko alam kung saan nanggaling ang suot ko.

  Though, mamahalin naman, dahil pamilyar ako sa brand. Kaya kahit hindi na ako magtanong, alam ko na kung sino ang pumili nito.

  “Thanks,” bulong ko naman.

  Hindi naman revealing ang dress na napili niya. Medyo nakaiilang lang, dahil halata ang hubog ng aking katawan. Corset kasi ang top ng dress ko. Kaya halata ang hubog ng katawan ko.

  Nagsimula kaming kumain matapos ang maikling usapan. Wala ni isa sa amin ang may balak bumasag no’n hanggang sa sumagi sa aking isipan na kailangan ko nga pa lang umuwi ngayon. Baka mag-alala sina Mommy kung bakit hindi paako umuuwi.

  “Uuwi ako ngayon.”

  “I’ll drive you home,” presinta nito, pero umiling lamang ako bilang sagot.

  “It’s fine. Magpapasundo na lang ako. Mukhang may pupuntahan ka pa yata—”

  “Wala. I actually made myself available today so I could drive you home.”

  Hindi naman ako nakapagsalita, at bahagyang natulala na lamang sa platong nasa aking harapan.

  “Kaya kung magpapasundo ka, huwag na. Ako na ang bahala,” aniya na para bang kailangang sundin ko talaga siya, at hayaan sa kaniyang kagustuhan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night with the Ruthless Billionaire   Kabanata 17

    Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNang hindi na ako mapakali, kaagad akong sumunod sa kaniya sa bathroom. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sumunod sa kaniya, pero isa lang ang masasabi ko, para akong binuhusan nang malamig na tubig lalo na nang makita kong bumabakat ang muscles niya mula sa kaniyang suot na damit.Napakurap ako, at nanuyo ang aking lalamunan. Parang hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan lalo na nang mag-init ang aking mga pisngi. Paniguradong namula na ang aking mukha lalo na nang lumingon siya sa aking gawi.Seryoso ang kaniyang mga mata, at tila alam na nitong sumunod ako sa kaniya. Parang nagsisi tuloy ako, at hindi maiwasang mapasinghap na lang.Sa sobrang dami kong nakitang kagaya ng kaniyang katawan, bakit iba pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit sa kaniya lang ako naging ganito?“Ayos na,” aniya.Tumikhim naman ako, at umayos ng pakatatayo. Pinanood ko rin siyang patayin ang shower, at bahagyang lumapit sa aking puwesto.Gumilid naman

  • One Night with the Ruthless Billionaire   Kabanata 16

    Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewTulala ako buong biyahe, dahil kahit hindi niya linawin ang kaniyang sinabi, alam ko kung ano ang kaniyang ibig sabihin. We’ll do it in his place.Hindi ko alam kung tuluyan na ba siyang napuno sa akin, at kinailangan naming mapunta sa ganito. Pero imbis na matakot, parang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong kaba, at hindi maipaliwanag na emosyon kasi ang nararamdaman ko ngayon. Ni hindi ako sigurado kung masaya ba ako, o natatakot sa mangyayari sa amin.Hindi ba, ito naman kasi talaga ang gusto ko? Para matapos na, at hindi na niya ako guluhin pa. Pero bakit parang sumasama ang pakiramdam ko sa naiisip ko? Bakit parang kumakalat ang pait?Napalunok ako, at piniling tumingin na lamang sa bintana. Nililibang ang aking sarili sa mga nadadaanan naming mga building. Pero kahit yata ano ang aking gawin, nanatiling mabigat ang dibdib ko. Ni hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-iba ang mood ko?“Are you okay?” tanong ni K

  • One Night with the Ruthless Billionaire   Kabanata 15

    Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Bodyguard ba kita?” tanong ko sa kaniya, naghihina, at parang unti-unti na talagang natutunaw ang aking inis. “Bakit mo naman ako babantayan?”He smirked. Gumalaw siya, at parang itinapon ang kaniyang sigarilyo, habang ako ay nanatili lamang nakatitig sa kaniya. Hindi inaalis ang aking mga mata sa kaniya para lang subukang titigan siya, kagaya ng pagtitig niya sa akin.“No, but it feels like I need to protect you from those assholes,” he mumbled, enough for me to hear it.Tumama sa akin ang pinaghalong usok ng sigarilyo, at mint sa kaniyang hininga. Kaya nanuyo ang aking lalamunan. Ni hindi alam kung bakit iba ang naging epekto nito sa akin.Humugot ako nang malalim na hininga, tinanggal ang nakabara sa aking lalamunan, at nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib. Matapang ko siyang nginisihan, at hindi ipinahalata sa kaniya kung ano nga ba talaga ang epekto niya sa akin.Hindi sa natatakot ako, pero gusto ko lang namang ipakita sa kaniya n

  • One Night with the Ruthless Billionaire   Kabanata 14

    Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“More than that?” ulit ko sa kaniyang sinabi.Natawa ako nang bahagya, at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Paanong magiging ganoon ‘yon kung alam naman naming pareho na ilang beses lang kaming nagkita?Hindi ko siya kilala. Saka ko lang siya nakilala nang magtagpo ang landas namin sa bar. Bukod doon? Wala na.I’m not even aware that he actually exists. Kaya paano niya sinasabing mas higit pa ang nararamdaman niya ngayon? Maniniwala lang siguro ako kung ilang beses na kaming nagkakilala sa mga event. Ang kaso lang ay wala talaga.“You’re just joking, Killian,” saad ko, at ngumiti sa kaniya nang tipid. “That’s impossible. Alam naman kasi nating pareho na ilang beses lang tayong nagkita. Kaya sobrang labo niyan.”Inilihis ko ang aking mga mata, at mabilis na inabot ang takeout na para sa akin.“Thanks.”Hinintay ko siyang magsalita, pero wala siyang sinasabi, at nanatili lamang siyang tahimik. Kaya tumango na lamang ako, at kinuha ang pagkatat

  • One Night with the Ruthless Billionaire   Kabanata 13

    Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewPasimple kong kinagat ang aking ibabang labi nang mapansin na nakatingin pa rin sa akin si Killian. Nasa harapan ko kasi siya, at hindi man lang niya inililihis ang kaniyang mga mata magmula nang umupo siya sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.Kahit siguro ibaling ko ang aking atensyon sa ibang bagay, hindi pa rin talaga ako makakakalma, dahil ramdam ko pa rin ang kaniyang mga mata.Bakit kasi kailangang magtagpo muli ang landas namin? Hindi ko alam kung sadyang maliit lang ba ang mundo, o pinaglalaruan lang talaga kami ng tadhana ngayon.“Bakit ‘yon ang sinabi mo?” nagtataka kong tanong nang hindi na talaga ako makapagpigil. “Really? Mrs. Rivanov?”Ang daming puwedeng sabihin na pangalan. Puwede nga ring pangalan ko na lang, pero apelyido niya ang gusto niyang sabihin? Kung ‘yon lang naman pala ang gagawin niya, sana ako na lang ang nagbayad.Sana hindi ko na siya hinayaan na siya ang magbayad ng order ko. Ganoon din naman pala ang kapalit,

  • One Night with the Ruthless Billionaire   Kabanata 12

    Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewSa totoo lang, hindi ko inaasahan na sasabihin ‘yon ni Daddy. Malaki ang galit niya sa ex-boyfriend ko, at ramdam ko rin naman ‘yon.Sadyang hindi ko lang kasi alam na sasabihin mismo ulit sa akin ni Daddy ‘yon.Napahugot na lang tuloy ako nang malalim na hininga, at wala sa sariling dumiretso sa aking kuwarto. Kailangan ko kasing maligo, at magpalit ng damit, dahil pakiramdam ko ay magulo nag isipan ko.Ang tanging nasa isipan ko lamang sa ngayon ay ang maligo, at umaasang mapakakalma nito ang aking isipan.Kaya lang ay nang sumapit na alas-diyes, magulo pa rin ang isipan ko. Parang kinakailangan ko pa yatang lumabas ng kuwarto, at magmuni-muni sa labas ng bahay namin.“Kapag mag-isa yata ako, mas lalo lang akong mapapaisip,” bulong ko sa aking sarili.Wala sa sarili akong napalingon sa nightstand na nasa tabi lang ng aking kama. Nandoon kasi ang susi ng sasakyan ko. Kaya parang napaisip ako kung kinakailangan ko bang magpunta sa coffee shop pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status