Share

Chapter 4

Chapter 4: “Prove to me”

"Hey," muntik na akong mapatalon dahil sa gulat noong may marinig akong boses galing sa likuran ko. Agad ko na niyakap ang sarili ko at pinukol siya ng isang masamang tingin. Naka-bathrobe lang kasi ako at kakalabas lang sa cr, kakatapos lang maligo. "Did I startled you?"

"Hindi halata?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakatingin sa'kin.

"Halata— could you please control your voice? H'wag ka magpaka-bossy. I am the boss here." Pinagkrus ko ang kamay ko sa harapan ng dibdib ko at nakataas parin ang kilay ko sakanya pagkatapos niya na sabihin iyon.

"I am the wife here, duh? Ako yung babae, asawa mo ako, ako yung boss."

Pagbibiro ko lang naman iyon at mukhang umepekto naman ang biro ko sakanya dahil sa natawa siya. Ang kaso ngalang iba yung tawa niya, hindi iyon basta-basta na tawa lang, parang may ibang ibig sabihin ba. Sarkastiko ang tawa niya. Nagsimula siyang maglakad papunta sa'kin kaya napaatras ako.

"Nagbibiro lang naman ako Khalil! Ano ka ba, hindi ka naman mabiro," pilit akong tumawa at humahakbang parin paatras kasi tuloy siya sa paglalakad papunta sa'kin. "Itlog!" Nagulat ako noong wala na akong maatrasan pa.

Tumama ang paa ko sa kama ko dahilan para mapaupo ako sa kama. Tumigil naman siya sa paglalakad noong nasa harapan ko na siya. Medyo ang awkward ng posisyon ko kaya itinagilid ko ang ulo ko at napalunok. Nakaupo ako sa kama at nakatayo siya sa harapan ko, ang ulo ko ay nasa harapan ng pants niya. 

Hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon. Nagtama ang mga mata namin at isang ngisi ang lumitaw sa labi niya bago siya yumuko ng kaonti.

"I am that serious kind of person, I take joke seriously, Sol." Mahinang sabi niya. "You're the boss huh?" 

"Joke lang ano ka ba!" Agad ko siya na itinulak palayo sa'kin bago kabado na tumawa. Tumayo narin ako at tinulak siya palabas ng kwarto ko. "Umalis ka na! Magbibihis pa ako!"

"Why don't you let your husband watch you?" Ginamit niya ang kamay niya pangharang sa pintuan.

"Siraulo ka Khalil! Sabi ko nagbibiro lang ako, e! Tigilan mo nga ako!" Naramdaman ko ang pamumula ng pisnge ko.

Malakas siyang tumawa. "Let your husband watch you Solene— ouch! Okay, okay, tama na 'yan! My arm, Sol,  masakit!"

Noong kinuha niya ang kamay niya na nakaharang sa pintuan at maisara ko iyon ay doon palang ako nakahinga. Napahawak ako sa puso ko. Ramdam ko ang pawis ko at ang pamamasa ng kamay ko dahil sa kaba. Gusto ko lang naman kasi magbiro, gusto ko lang naman makita ang ekspresyon niya at dahil sa nakita ko na at nalaman ay mukhang hindi na ako magbibiro pa sakanya. Hindi ko alam na seseryosohin niya ang sinabi ko o kaya baka pinagtitripan lang din ako? Gumaganti lang siya, ganon?

Mahina akong natawa pero andoon parin ang kaba sa loob. Nagbihis ako at nag-ayos, hanggang sa pagbaba ko ay nararamdaman ko parin ang kaba. 

Nakita ko siya na nakaupo sa baba, may hawak na magazine at doon nakatutok ang mga mata niya. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagsimulang maglakad paibaba. Bawat hakbang ko ay andoon ang kaba. Ang tunog ng heels ko umagaw ng atensyon niya, nakita ko kung paano niya itinagilid ang ulo niya para tignan ako.

"You look good in that dress." Hindi ko alam kung compliment ba iyon o nagbibiro lang siya katulad ng kanina.

"Yung light make-up ko maayos ba?" Tanong ko sakanya noong makababa na ako. "Sure ka maayos itong damit ha? Wala akong kasalanan mamaya kung ano ang sasabihin ng nanay mo sa damit ko kasi ikaw naman ang namili at bumili nito," dagdag ko pa.

"Come here," niyakap ko kaagad ang sarili ko. "What? Your make-up, Solene, your make-up, iyon ang titignan ko kung maayos! Ano na naman ang iniisip mo?"

"May sinabi ba ako na may iniisip ako? Niyakap ko lang ang sarili ko kasi... kasi ano... mahal na mahal ko ang sarili ko! Ikaw ata yung may ibang iniisip d'yan, e." Palusot ko naman.

"Really huh?" Ayan na naman tayo sa evil smile niya. Tumayo ito at naglakad patungo sa'kin. 

Sinubukan ko na h'wag umatras o humakbang patalikod pero hindi ko nagawa. Mabilis kasi siya na naglakad patungo sa'kin dahilan para mabuhay na naman ang kaba na nararamdaman ko— hindi nabuhay, nadagdagan iyon!

Hinuli niya ang mukha ko at inilapit ang mukha niya sa'kin. Nakita ko kung paano niya isinuri ang mukha ko. Nakasunod ang mga mata ko sa galaw ng mga mata niya.

"Okay, let's go, the dress suits you.  Maayos din ang make-up." Aniya. "Let's go baby." Nauna na siyang maglakad palabas.

Gusto kong sampalin ang mukha ko at tumili ng malakas. Tama ba talaga na pumayag ako rito? Baby pa nga?! 

Sumunod ako sakanya at napairap pa nga noong mauna siya na pumasok sa sasakyan. Akala ko pa man din pagbubuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan pero akala ko nga lang. Hindi siya gentleman, gentledog oo.

"H'wag ka masyadong madakdak mamaya. Kapag hindi ka tinatanong, h'wag ka sumagot. H'wag ka rin makisali sa usapan. You can talk if my Mom will asked you something but you're not allowed to speak if you're not the one who's talking with," iyon ang sinabi niya pagpasok ko sa loob ng sasakyan. 

"Sige," maikling sagot ko.

"You wearing the ring?" Tanong niya kaya inangat ko ang kamay ko at pinakita sakanya na suot ko iyon. "Good, always wear that until our agreement end. Suot ko rin yung sa'kin."

"Share mo lang." Pabulong ko nalang na sinabi ko iyon.

"I can hear you Solene." 

"Syempre may tenga ka," pangbabara ko sakanya. "Kabahan ka kapag hindi mo na naririnig yung sinasabi ko." Dugtong ko pa bago mahinang natawa at tinignan siya.

Nakatingin ito sa'kin na parang hindi natuwa sa sinabi ko kaya ngumisi ako. Inikutan niya lang ako ng mata bago inilapit ang mukha na siyang dahilan bakit nawala ang ngisi ko. 

"Seatbelt, boss." Aniya bago ikinabit sa'kin 'yon.

"Yeah, right! Tama! Safety first?" Kabado akong tumawa bago napalunok at napa-iwas nang tingin.

Napa-iling-iling nalang siya. Tinahak namin ang daan papunta sa bahay ng mother niya. Tahimik lang kami. Walang kung anong ingay, ang tanging maririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba. Paano kung makuha kaagad ng mama niya mamaya na pinakasalan lang ako nito para makuha ang anak niya? Huwag naman sana 'no. Kung hindi niya makukuha ang anak niya ay tsak, wala rin akong makukuha at hindi naman puwede iyon 'no!

Mahigit 20 minutes ang byahe namin bago kami nakarating sa isang malaking bahay. Malayo palang ay halos malaglag na ang panga ko dahil sa laki ng bahay at noong tuluyan na huminto ang sasakyan, doon ko napagtanto na sobrang laki nga ng bahay.

"Ang ganda rito," komento ko.

"Yeah, it was my parents house." Sagot niya bago bumaba. Sumunod narin ako at ganoon parin, namamangha sa bahay. "Dalawa lang sila ni Mommy at ni Jana ang nakatira rito dahil sa nasa Russia si Dad, taking care of our other businesses there."

"Bakit ayaw mo tumira rito?" Tanong ko.

"May sinabi ba ako na ayaw ko tumira rito?" 

"Sabi ko nga wala kang sinabi Khalil." Napahiya ako roon ah.

"I just don't want to live here because for some bad memories. Ugh! Tara na nga." Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. May maids na ngumiti sa'min noong pagpasok namin at malalaman mo talaga na mayaman ang isang tao kapag yung maids nila ay pare-pareho ang mga suot, parang uniform ba ganoon.

"Don't smile at them." Bulong niya noong makita akong ngumiti pabalik sa maids.

"Aba bakit naman?" Tanong ko pabalik.

"Just don't, okay? They're just maids here, you're not allowed to smile, speak and to be friends with them." Napanguso ako roon sa sinabi niya.

Ang sama naman ng ugali nito. Porket masama ang ugali niya e dapat maging masama rin ang ugali ko? Ngumingiti lang naman ako sa maids dito wala namang masama roon. 

Nakuha ang atensyon ko roon sa isang babae sa taas. Sa tingin ko ay nasa 50's or 60's ata siya pero sobrang ganda parin. Elegante siya maglakad pababa habang hawak ang isang bata na maputi at may pagkasingkit ang mga mata. Mayaman na mayaman talaga siya maglakad. Nakakatakot din siya makatingin, sobra. Parang hindi siya marunong ngumiti.

"Daddy!" Agad na tumakbo yung bata na hawak niya kay Khalil at niyakap iyon. "I missed you! I have lots of chika!"

"Where did you get that word, Jana?" Tanong ni Khalil sa anak niya habang karga-karga nito.

"From Mama's Charlotte amigas." Sagot nung bata.

"Oh," tumango-tango lang si Khalil bago ako tinignan sa mata, sinusubukan niya akong kausapin gamit ang tinginan namin. Naglahad ulit siya ng kamay niya at tinanggap ko naman iyon. "Mom—"

"Khalil," ma-awtoridad na pagbanggit niya sa pangalan ni Khalil. "Hello, are you Khalil's girlfriend?"

"Hindi po," pinisil ni Khalil ang kamay ko. "I am Khalil's wife." 

Khalil's wife. Medyo hindi ako sanay roon. Hindi ako komportable. 

Ngumiti sa'kin 'yong mother ni Khalil kaya tipid at kabado rin akong ngumiti. Pagkatapos niyang ngumiti ay hinagod niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa bago napatango-tango ulit. 

"Let's go to the dining table? Let's have a dinner, I'm pretty sure that both of you haven't eaten yet." Nauna siyang maglakad at kami naman ni Khalil ay nagkatinginan.

"Khalil's wife huh?" Ngumisi siya.

Binaba niya ang anak niya at kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagtataka. Nagtataka siya at parang sinusuri ako kaya ngumiti ako sakanya.

"Hi! I am Jana Alegro," pagpapakilala niya sa sarili niya bago hinawakan ang kamay ko.

Bago pa man ako magpakilala sakanya ay naglakad na si Khalil at dahil hawak niya ang anak niya at hawak din ni Jana ang kamay ko ay sumunod din ako sakanila. Nagmukha kaming isang pamilya.

Sobrang lambot ng kamay nung anak niya at sobrang kinis din. Maganda siya na sigurado akong nakuha niya sa nanay niya. Tanging pagkatangos ng ilong at shape ng mukha lang ng mukha ang nakuha niya kay Khalil. Ang maikli niyang buhok at bangs nito ay bumagay din sakanya.

Noong makarating kami sa dinning area ay nakagat ko ang labi ko. Mahaba ang dinning table nila, parang sa movie lang, 'yong sa mga mayayamang tao— muntik ko ma makalimutan, mayaman nga pala sila.

"Baby," pinaghugot niya ng upuan si Jana at tinulungan na makaupo bago tumingin sa'kin. Pinaghugot niya rin ako ng upuan kaya tipid akong ngumiti sakanya bilang pagpapasalamat.

"So, what's your name hija?" 

"I'm Solene Saldevias po, Sol for short." Tipid akong ngumiti sakanya.

"Solene Saldevias..." Pagbanggit niya ng pangalan ko na parang may inaalala. "I can't familiarize your surname. Usually, Khalil brings a girl here with a high class family. Ikaw? Anong trabaho ng parents mo? Saang pamilya ka nanggaling?"

"Trabaho ng parents ko?" Nakagat ko ang labi ko.

Hindi ko inaakala na iyon ang itatanong niya. Hindi rin nasabi sa'kin ni Khalil iyon. Kung minamalas ka nga naman, kailangan ko ba magsinungaling? Ang hirap naman nito.

"Well, hindi ako nanggaling sa magandang pamilya. Trabaho ng parents ko? Hindi ko po alam. Bata palang kasi iniwan na nila ako sa Lolo at Lola ko. To be honest, I didn't came from a good nor wealthy family." Hindi ko nagawang tumingin kay Khalil pagkatapos kong sabihin iyon dahil alam kong sasamaan niya lang ako nang tingin.

"Wow, Khalil, since when did you love dating a woman that under you? I mean— we know that you like a girl who's wild, fun, party girl and came from a good family," naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Khalil ng paa niya sa paa ko. "And Solene is a kind of girl you're not interested, I know that. She looks so innocent."

"I changed Mom. The Khalil you know is very different from now and thanks to this woman beside me," napatingin ako sakanya at kitang-kita ko ang pekeng ngiti niya.

"So, Solene, you already know the past of my son, right? The little girl beside him was his child, would you still accept him along with that? Matatanggap mo rin ba si Jana?" Napatingin ako sa anak niya na tahimik na kumakain.

"Of course Ma'am. Khalil is a good man and that's the reason why I love him. He accepted me for being who I am, sino ba ako para tumanggi at hindi tanggapin ang batang 'yan? She's so adorable and sweet," ngumiti ako. 

"You're so honest huh? I liked it." Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. "I want you to prove that, I want both of you prove to me that. Khalil, prove to me that you already changed, that you can be a good father to Jana. And Solene, prove to me that you can be a good mother to his daughter, patunayan mo na hindi ka lang sa salita magaling, na kaya mo nga alagaan at mahalin ang apo ko ng totoo."

Anong ibig niyang sabihin doon?

"Both of you will be living with Jana... here in my house. Ayokong ibigay siya sa'yo ng ganoon lang Khalil porket nagdala ka na ng maayos na babae. Patunayan mo sa'kin na pwede na kitang magpakatiwalaan kay Jana."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status