مشاركة

Kabanata 3

مؤلف: Duskara Morvane
last update آخر تحديث: 2026-01-20 13:06:30

Kiara’s POV

Pinulot ko agad ang mga gamit kong nagkalat sa sahig—damit, bag, cellphone—pati ang panty kong nasa unan niya. Hindi ko magawang tumingin nang matagal sa kama.

“This is so embarrassing,” bulong ko. “We crossed a line. For heaven’s sake.”

Narinig kong gumalaw si Uncle Chase sa likod ko. Nagbihis din siya, tahimik, halatang nag-iingat sa bawat kilos.

“Kiara,” tawag niya, mahinahon pero may bigat ang boses.

“Huwag,” mabilis kong sagot. “Huwag mo muna akong kausapin.”

Lumapit siya. Sinubukan niya akong abutin.

“Stop,” mariin kong utos. “Huwag mo akong sundan. Hindi tayo puwedeng lumabas nang sabay.”

Huminto siya. “I just want to make sure you’re okay.”

Napatawa ako, kahit walang saya. “Okay? My ex-fiancé cheated on me. And last night, I slept with my own uncle. Ano sa tingin mo?”

“Kiara, listen to me—”

“Listen?” tumaas ang boses ko. “We already did it, Uncle Chase. We crossed a boundary. This is forbidden.”

Hinawakan ko ang doorknob, pero bigla niya akong hinila palapit. Nawalan kami ng balanse at napaupo sa gilid ng kama. Napasubsob ako sa dibdib niya.

“Let go,” sabi ko, nanginginig ang boses. 

Hindi ko mapigilang titiganang maamo niyang mukha nang naramdaman ko ang malaking umbok na nagbigay init sa akin kagabi.

“Wait,” sagot niya. “Please.”

Mabilis akong tumayo. Hindi ko siya matingnan nang diretso.

“Don’t look at me like that,” sabi ko. “Huwag mo akong tingnan na parang… parang may ibig sabihin pa ito.”

Tinakpan niya ang sarili niya at humarap sa kabilang direksyon. “I didn’t know,” sabi niya, paos ang boses. “Kung alam ko lang kung sino ang pumasok kagabi, hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ito.”

Napapikit ako. “This is my fault,” sabi ko. “Kung hindi ako nagpadala sa galit, kung nag-ingat lang ako—”

“Hindi mo kasalanan lahat,” putol niya. “Pareho tayong nagkamali.”

“Hindi,” giit ko. “Ako ang pumasok. Ako ang hindi malinaw mag-isip.”

Humawak siya sa magkabilang balikat ko, dahan-dahan. “We need to be careful,” sabi niya. “We keep this a secret. Walang makakaalam. Not your mom. Not the family. Not anyone.”

Napalunok ako. “You’re asking me to pretend nothing happened?”

“I’m asking you to protect yourself,” sagot niya. “At protektahan din ako. Kapag nalaman nila, pareho tayong masisira.”

“Masira?” ulit ko. “Alam mo ba kung anong mangyayari kapag nalaman ni Mama?”

“Alam ko,” sagot niya. “That’s why we end it here.”

Natahimik ako sandali. “Yeah,” sabi ko sa huli. “We forget it. This is wrong, Uncle Chase.”

“Kiara,” tawag niya ulit.

“Enough,” putol ko. “Please.”

Lumabas ako ng silid nang hindi na lumilingon. Sa hallway, napahawak ako sa pader para lang makahinga. Gusto kong maglaho.

***

Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Mama.

“Anak, saan ka nanggaling?” tanong niya. “Hindi ka umuwi kagabi. Amoy alak ka pa.”

“Busy lang sa trabaho,” sagot ko, pilit na kalmado. “May konting celebration.”

Napansin ko si Kara sa gilid ng paningin ko, kasama ang Papa niya. Nag-iba ang pakiramdam ko agad.

“Good morning,” sabi ni Kara, nakangisi habang sumisimsim ng kape.

Hindi ko siya sinagot.

“Ma, magbibihis lang ako,” sabi ko. “May trabaho pa ako.”

“Kiara—”

“Later,” putol ko.

Pumasok ako sa kwarto at isinara ang pinto. Umupo ako sa sahig, yakap ang tuhod. Umiiyak ako nang tahimik.

“Get it together,” sabi ko sa sarili ko.

Naligo ako, pero ayaw mawala ng mga alaala. Pinilit kong itaboy ang mga iyon dahil maling-mali ang nangyari sa amin ni Uncle Chase. Kahit na hindi naman talaga sila tunay na magkadugo dahil ampon si Uncle Chase, tiyuhin ko pa rin siya.

***

Gabi na nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Uncle Chase.

Chase: Are you okay?

Tinitigan ko ang screen.

Me: Please don’t text me.

Ilang segundo ang lumipas.

Chase: I’m sorry.

Hindi ako sumagot.

Pinatay ko ang phone at humiga. Ngunit biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. 

Napamura ako at agad na bumangon upang buksan ang pintuan.

Nakita ko si Mama at ang stepfather kong si Carlito. Nakaakbay kay Mama.

“My brother is here, Kiara. Lumabas ka naman sa silid mo at batiin ang Uncle Chase mo. Sigurado akong miss—”

“Hell. No. I’m busy. Tell him, I’m busy.” 

“It’s okay, Ate… Anyways, hi, Kiara.”

Biglang bumigat ang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako lumingon agad. Parang ayokong makita ang mukha niya, dahil siguradong babalik sa isip ko ang lahat ng pilit kong kinakalimutan.

Napasinghap ako at dahan-dahang humarap sa kanila.

“Good evening, Uncle,” malamig kong sabi. “I’m busy.”

Nagkatinginan si Mama at si Carlito. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Mama, pero pinilit niyang ngumiti.

“Sandali lang naman,” sabi ni Mama. “Hindi ka naman kukunin ng buong gabi ng Uncle mo.”

“Five minutes lang, Kiara,” sabat ni Carlito. “Respeto na lang sa tiyuhin mo.”

Napabuntong-hininga ako. “Fine. Five minutes.”

Ngumiti si Mama na parang nanalo sa argumento. “Sa sala na lang kayo mag-usap.”

“Dito na lang,” mabilis kong sagot. “Ayokong bumaba.”

Tumango si Mama, kahit halatang may gusto pa siyang sabihin. Hinila siya ni Carlito pababa ng hagdan.

“Don’t stay up too late,” paalala ni Mama bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Naiwan kaming dalawa ni Uncle Chase sa hallway. 

“So…,” bungad niya. “I didn’t expect you to come out.”

“Hindi rin kita inaasahan,” sagot ko. “You shouldn’t be here, Uncle Chase.”

“I know,” aniya. “Pero hindi ako mapakali.”

“Then you should’ve stayed away,” diretso kong sabi. “That’s what I asked.”

“I know,” ulit niya. “I messed up.”

Napatawa ako nang walang saya. “You think?”

“Kiara—”

“Don’t,” putol ko. “Huwag mong banggitin ang pangalan ko na parang close pa rin tayo.”

Huminga siya nang malalim. “I just want to make sure you’re okay.”

“I’m fine,” sagot ko agad. “Clearly, buhay pa ako. Nakakatayo. Nakakapagsalita.”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”

“Then be clear,” sabi ko. “Because I’m done guessing.”

Tumahimik siya sandali. Nakita kong kinuyom niya ang mga kamay niya, parang may pinipigilan.

“Last night shouldn’t have happened,” sabi niya sa wakas.

Nanlaki ang mga mata ko. “You don’t get to say that now.”

“I know,” mabilis niyang sagot. “I’m not excusing myself.”

“Good,” sagot ko. “Because I won’t accept any excuse.”

“Kiara, I was drunk. You were drunk. That doesn’t make it right.”

“Stop,” mariin kong sabi. “Huwag mong gawing mas madali para sa sarili mo.”

“Hindi ko ginagawa iyon.”

“Then why are you here?” tanong ko. “Para humingi ng tawad? Para gumaan ang pakiramdam mo?”

“Para ayusin ang nangyari,” sagot niya.

“May inaayos pa ba?” tanong ko. “Tapos na iyon.”

“Hindi ganoon kadali,” sabi niya.

“Para sa akin, oo,” sagot ko. “Because I have to move on. Ikaw dapat ganoon din.”

Lumapit siya nang isang hakbang. Agad akong umatras.

“Don’t,” babala ko. “Huwag kang lalapit.”

“Sorry,” sabi niya agad. “I didn’t mean to—”

“Please,” putol ko. “Just stay there.”

Tumango siya. “Okay.”

“May hearing ako bukas,” sabi ko. “I can’t afford distractions.”

“I know how important your work is,” sagot niya. “I’m proud of you.”

Napailing ako. “Don’t say that.”

“Why not?”

“Because you don’t get to be proud of me anymore,” sagot ko. “Not after this.”

“Kiara, I care about you.”

“Stop caring,” sagot ko. “That’s the problem.”

Napapikit siya saglit. “If I could take it back—”

“But you can’t,” putol ko. “So please stop talking like that. Leave. That’s it.”

“Tonight?”

“Now,” mariin kong sabi.

“Kiara, please,” aniya. “I don’t want this to end badly.”

“Then it has to end now,” sagot ko. “Habang may kontrol pa tayo.”

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 5

    Kiara’s POVHindi ko maalis ang mga mata ko sa contract marriage na hawak ko ngayon. Paulit-ulit kong binabasa ang bawat linya kahit kabisado ko na. Isang taon. Isang taon akong magiging asawa niya. Pagkatapos kong manganak, maghihiwalay kami. Walang pagmamahalan at walang emosyon na dapat pumasok.This is insane. I married my uncle for future protection ng anak namin.Hindi ko pa rin tanggap ang mga pangyayari. Para akong nasa maling buhay. Uncle Chase was adopted by my mother’s stepmother. Ulila siya noong bata pa. Si Lola Ivy ang umampon sa kaniya. Hindi pinalitan ang apelyido niya. Hindi rin kami kadugo ng mga Montefalco, pero mula pa noong bata ako, tiyuhin ang tingin ko sa kaniya. Iyon ang alam ng lahat. Iyon ang nakatatak sa utak ko.At ngayon, asawa ko na siya.“Sign here,” sabi niya kanina habang nakatingin lang ako sa papel.“Para kang robot,” sagot ko. “Parang business deal ang lahat.”“Because it is,” malamig niyang tugon. “This is to protect you.”“Hindi mo ba naiisip kun

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 4

    Kiara’s POVDalawang buwan na ang nakalipas mula nang may nangyari sa amin ni Uncle Chase. Dalawang buwang puno ng takot, pag-iwas, at gabi-gabing panalangin na sana hindi magbunga ang pagkakamaling iyon. Araw-araw kong sinasabi sa sarili ko na magiging maayos ang lahat, na lilipas din ang kaba sa dibdib ko. Pero ngayong hawak ko ang pregnancy test sa loob ng banyo ng opisina, alam kong nagsisinungaling lang ako sa sarili ko.Nakita ko ang dalawang guhit.Napaupo ako sa malamig na sahig at napasandal sa pader. Tinakpan ko ang bibig ko habang pilit pinipigilan ang hikbi. Ayokong marinig ng kahit sino sa labas. Ayokong may makaalam. “This can’t be happening,” bulong ko. “Hindi puwede.”Pinilit kong tumayo at naghilamos. Nanginginig ang kamay ko habang isinusuksok ko sa bulsa ang pregnancy test. Para akong lalagnatin sa kaba. Mula noong gabing iyon, iniwasan ko ang lahat ng family gatherings ng Montero at Montefalco. Lagi akong may dahilan. Minsan may trabaho. Minsan may hearing. Minsan

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 3

    Kiara’s POVPinulot ko agad ang mga gamit kong nagkalat sa sahig—damit, bag, cellphone—pati ang panty kong nasa unan niya. Hindi ko magawang tumingin nang matagal sa kama.“This is so embarrassing,” bulong ko. “We crossed a line. For heaven’s sake.”Narinig kong gumalaw si Uncle Chase sa likod ko. Nagbihis din siya, tahimik, halatang nag-iingat sa bawat kilos.“Kiara,” tawag niya, mahinahon pero may bigat ang boses.“Huwag,” mabilis kong sagot. “Huwag mo muna akong kausapin.”Lumapit siya. Sinubukan niya akong abutin.“Stop,” mariin kong utos. “Huwag mo akong sundan. Hindi tayo puwedeng lumabas nang sabay.”Huminto siya. “I just want to make sure you’re okay.”Napatawa ako, kahit walang saya. “Okay? My ex-fiancé cheated on me. And last night, I slept with my own uncle. Ano sa tingin mo?”“Kiara, listen to me—”“Listen?” tumaas ang boses ko. “We already did it, Uncle Chase. We crossed a boundary. This is forbidden.”Hinawakan ko ang doorknob, pero bigla niya akong hinila palapit. Nawal

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 2

    Kiara’s POVDumiretso ako sa paboritong bar na madalas naming puntahan ng mga kaibigan at katrabaho ko. Pagpasok pa lang, sumalubong agad ang malakas na tugtog at halakhakan ng mga taong halatang masaya. Umupo ako sa bar counter at agad kinausap ang bartender.“Give me a double shot of Johnnie Walker Black Label,” sabi ko, diretso ang tingin sa harap.“Sure, Ma’am,” sagot niya.Nilapag niya ang baso sa harap ko at agad kong ininom. Ramdam ko ang init sa lalamunan ko, pero hindi nito natabunan ang bigat sa dibdib ko.Niloko ako ng fiancé ko.Pinagpalit niya ako sa stepsister ko.Napatawa ako nang mahina, halos paos na ang boses dahil sigaw ako nang sigaw kanina sa loob ng taxi. “Ang galing mo, Jack,” bulong ko sa sarili ko. “Sa lahat ng tao…bakit si Kara pa?”“Another one?” tanong ng bartender.“Make it five,” sagot ko agad.Tumaas ang kilay niya pero hindi na siya nagtanong. Isa-isang dumating ang mga baso. Inubos ko ang lima na parang tubig lang. Hindi ko ininda kung gaano kapangit a

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 1

    Kiara’s POVSuccessful ang kasong hawak ko bilang litigation lawyer. Malinis ang naging desisyon, pabor sa kliyente ko, at malinaw ang naging epekto sa buong firm. Paglabas ko pa lang ng conference room, sinalubong na agad ako ng palakpakan at pagbati ng mga kasamahan ko. Alam kong inaasahan nilang sasama ako sa celebration, pero iba ang laman ng isip ko. Gusto kong umuwi agad. Gusto kong makita si Jack. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kaniya ng magandang balita.“Congratulations, Atty. Montero!” proud na sabi ni Joan, ang matalik kong kaibigan sa firm, sabay yakap sa akin. “Baka may award ka na naman ngayong taon. Mula nang pumasok ang 2026, wala ka talagang mintis.”“Salamat,” natatawa kong sagot. “Pero tama na muna ang trabaho. May mas mahalaga akong pupuntahan.”“Tama na ang trabaho?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Wow. Iba na talaga kapag engaged.”“Ikaw ha,” biro ko. “Basta ikaw ang bridesmaid ko. Walang kawala.”“Of course,” mabilis niyang sagot. “I’m so happy for you, Kiara.

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status