LOGINStay tuned. Kung nagustuhan po ninyo ang story, pwede kayong mag-iwan ng mga komento, gem votes, at i-rate po ang mismong libro. Salamat!
Kabanata 91Third Person’s POV“Vanessa?” Mahinang tawag ni Sebastian habang nakatayo sa labas ng locked nilang bedroom.Sinubukan niyang iikot ang doorknob pero naka-lock iyon mula sa loob. Dahan-dahan siyang kumatok.“Vanessa, it’s me. Open the door.”Hindi sumagot si Vanessa. Tanging mahinang hikbi lang ang naririnig niya mula sa loob ng kwarto.“Vanessa, please,” mas mahina niyang sabi habang nakasandal ang noo sa pintuan. “Let me in.”“I can’t.” Basag at mahina ang boses ni Vanessa mula sa loob.“I can’t let you see me like this.” Mariing napapikit si Sebastian. “I’ve seen you in every way possible,” mahinahon niyang sagot. “There’s nothing you can show me that will change how I feel.”“You haven’t seen the videos,” umiiyak na sabi ni Vanessa. “You haven’t seen what I did. What I let him do.”“I don’t need to see them.”“But everyone else did.”“I don’t care.”“You should care, Sebastian!” halos pasigaw nitong sagot habang muli na namang napahikbi. “Everyone cares. Your investor
Kabanata 90Third Person’s POVTinanggap ni Sebastian ang buong nakaraan ni Vanessa. Minahal niya ito kahit alam niya ang lahat.Hindi dahil wala siyang pakialam sa nakaraan nito kundi dahil naiintindihan niya kung bakit naging ganoon ang buhay ni Vanessa noon. Ang mga pinagdaanan nito ang humubog sa babae. Ang sakit, kahihiyan, at pagkakamali nito ang dahilan kung bakit ito naging matatag.Pero hindi lang basta inilalabas ni Gerald ang nakaraan ni Vanessa.Binabaluktot niya ito.Pinapalabas niyang si Vanessa ang lumapit sa kaniya. Na si Vanessa ang may gusto ng relasyon nila noon. Na isa itong gold digger na ibinenta ang sarili para sa pera.At mas masakit, maraming naniniwala.Sunod-sunod ang tawag ni Sebastian kay Vanessa habang mabilis siyang nagmamaneho pauwi.Nag-ring nang apat na beses ang phone bago napunta sa voicemail.Tumawag siya ulit.Voicemail.Pangatlong tawag.Voicemail pa rin.Mariing napahawak si Sebastian sa manibela habang bumibilis ang tibok ng dibdib niya.Pagkat
Kabanata 89Third Person's POVSunod-sunod ang pagpasok ng notifications sa cellphone ni Sebastian pagkatapos ng meeting nila para sa pinakamalaking project ng kompanya ngayong taon. Maganda ang naging resulta ng meeting at masaya siya dahil may mga bagong investors na gustong makipagtrabaho sa kanila.Mas maganda ang naging takbo ng meeting kaysa sa inaasahan niya.Nakatayo si Sebastian malapit sa malaking bintana ng conference room habang tanaw ang skyline ng lungsod. Pumirma na sa kontrata ang mga investors mula Singapore. Fully funded na ang project. Lalago na naman ang kompanya nila.Lumapit si Raven at iniabot ang isang tasa ng kape.“Congratulations, Sir,” sabi nito. “Masaya ang buong team.”“Good,” sagot ni Sebastian habang tinatanggap ang kape. “Tell everyone to take the rest of the day off. They earned it.”Tumango si Raven at agad na umalis para ibalita iyon sa iba.Napabuntong-hininga si Sebastian habang inilalabas ang cellphone niya.Gusto niyang tawagan si Vanessa. Gusto
Kabanata 88 Third Person's POV Muling natahimik ang reporter. Naririnig ni Gerald ang mabilis nitong pagta-type sa keyboard. Malamang ay naghahanap na ito ng impormasyon o iniisip na kung paano ilalabas ang istorya. “If what you’re saying is true, this is huge,” sabi ng reporter. “The Montefalco family has a lot of enemies. Maraming gustong makita silang bumagsak.” “I don’t care about the Montefalcos,” malamig na sagot ni Gerald. “Si Vanessa lang talaga ang pakay ko. Gusto kong maranasan niya ang pinagdaanan ko. Gusto kong malaman ng lahat kung ano talaga siya.” “And what is she?” Ngumisi si Gerald. “A slut. A gold digger. Isang babaeng ibinibigay ang sarili niya sa kung sino ang may pinakamaraming pera.” Ipinakita ni Gerald sa reporter na naging secretary at parausan niya si Vanessa sa loob ng tatlong taon dahil lang daw sa pera. Inutusan niya ang reporters na palabasing mukhang pera si Vanessa at pera lang ang habol nito kay Sebastian. Ibinigay ni Gerald ang lahat ng detalye
Kabanata 87 Third Person's POV Pinagmasdan ni Gerald sina Vanessa at Sebastian na masayang kumakain sa isang mamahaling restaurant. Ngumisi siya habang nakatingin kay Vanessa. Nagkataon lang na nakita niya ang dalawa. Naglalakad siya malapit sa isang high-end restaurant sa business district, isa sa mga lugar na mas mahal pa ang isang meal kaysa sa sahod ng karamihan sa loob ng isang linggo. Malalaki ang glass windows nito. Dim ang ilaw sa loob. Magkakalayo ang mga mesa para pribado ang bawat customer. At doon niya nakita sina Vanessa at Sebastian. Magkasama ang dalawa sa bandang likod ng restaurant. Nagtatawanan. Nakasuot si Vanessa ng asul na dress habang nakalugay ang buhok niya. Ang gaan ng mukha nito habang nakangiti. Mukha itong masaya. Mas masaya kaysa sa kahit anong panahon na nakita niya ito noon. Hawak naman ni Sebastian ang kamay ni Vanessa sa ibabaw ng mesa. Marahang gumagalaw ang hinlalaki nito sa balat ng babae habang titig na titig dito na parang wala nang ibang t
Kabanata 86 Third Person's POV Lubog na sa utang si Gerald mula nang bumagsak ang kompanya ng Watson Group. Siya ang sinisisi ng mga magulang niya kung bakit ganoon na lang kadaling nawala ang lahat. Ang Watson mansiyon na dati ay simbolo ng kapangyarihan at kayamanan ay parang kulungan na ngayon. Tahimik ang buong bahay at wala na halos mga kasambahay dahil karamihan ay pinatanggal na. Kahit ang mga mamahaling paintings sa dingding ay parang pinapaalala sa kaniya ang pamilyang legacy na siya mismo ang sumira. Naupo si Gerald sa dati niyang kwarto. Parehong kwartong pinangarap niyang balang araw ay siya ang mamamahala sa negosyo ng pamilya nila. Pero abo na lang ngayon ang pangarap na iyon. Ang kompanyang itinayo ng lolo sa tuhod niya, pinalago ng lolo niya, at inalagaan ng ama niya sa loob ng ilang dekada ay tuluyan nang nawala. Isa-isang ibinenta ang assets para mabayaran ang mga utang. Tatlong buwan nang walang maayos na salitang sinasabi sa kaniya ang ama niyang si Gregory Wat
Kiara’s POVNapasigaw ako sa gulat nang biglang may bumangga sa akin.Hindi ko namalayang napaatras ako at muntik nang mawalan ng balanse kung hindi ako agad nasalo ni Clyde. Napakapit ako sa kanya nang kusa. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa baywang ko habang pinipigilan niya akong tuluyang matu
Chase’s POVHindi ko kayang bitawan ang kamay ni Kiara matapos niyang amining may gusto siya sa akin kagabi. Nasa kwarto niya pa rin ako. Hindi ako lumabas hanggang sa nakatulog na siya, pagod sa maghapong kaganapan.Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Finally, may karapatan na ako sa kanya. Hindi ba
Chase’s POVIsang malakas na sampal ang natanggap ko galing kay Mama nang umuwi ako sa bahay matapos tumawag ang personal doctor niya. Si Eliza na raw ang kukuning personal doctor niya. Kanina pa kami nagtatalo habang kausap ko siya sa biyahe. Hindi ako pumayag na si Eliza ang papalit kay Dr. Kevin.
Kiara’s POVMag-a-alas onse na ng gabi nang nagpasya akong magpahinga sa silid ko sa bahay namin. Tahimik na ang buong paligid. Isa-isang umuwi na rin ang mga kaibigan at katrabaho ko dahil may pasok pa sila bukas. Ramdam ko ang pagod sa katawan ko. Hindi lang dahil sa maghapong pakikipag-usap, kund







