Mag-log inStay tuned. Kung nagustuhan po ninyo ang story, pwede kayong mag-iwan ng mga komento, gem votes, at i-rate po ang mismong libro. Salamat!
Kabanata 111 Vanessa's POV Makalipas ang ilang oras, inilipat kami sa isang private room. Soft blue ang kulay ng mga dingding. Malaki ang kama at mula sa bintana ay tanaw ang city skyline. Naupo si Sebastian sa isang upuan sa tabi ng kama. Si Conrad naman ay mahimbing na natutulog sa maliit na bassinet sa tabi niya. Mula nang umalis kami sa delivery room, hindi niya halos inaalis ang tingin niya sa baby. “Seb,” tawag ko. “Hmm?” “Look at me.” Agad siyang tumingin sa akin. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Halatang hindi siya nakatulog nang maayos sa loob ng halos dalawampu't apat na oras. “You need to rest,” sabi ko. “I’m fine.” “You’re exhausted, baby.” “I’m fine.” “Sebastian.” “I don’t want to miss anything.” Napailing ako. “Nothing is going to happen. He’s sleeping.” “What if he wakes up?” “Then I’ll wake you up.” “What if he cries?” “Then I’ll wake you up.” “What if he—” “Sebastian. Go to sleep. Ang OA ha.” Nag-atubili siya sandali bago tumango. Sinandal niya
Kabanata 110 Vanessa's POV Napakapit ako nang mahigpit sa kamay ni Sebastian dahil malapit nang lumabas ang anak namin. Nagsimula ang sakit alas-tres ng madaling-araw. Nagising ako dahil sa kakaibang pananakit ng ibabang bahagi ng likod ko. Noong una, akala ko mali lang ang pagkakahiga ko. Sinubukan kong matulog ulit. Pero hindi nawawala ang sakit. Mas lalo pa itong lumalakas. Mas nagiging madalas. Binilang ko ang pagitan ng bawat pagkirot. Agad kong ginising si Sebastian. "Seb. Seb, wake up." Mabilis siyang nagmulat ng mata. "What's wrong?" "The baby is coming." Napabangon siya nang sobrang bilis at muntik pang mahulog sa kama. "Now?" "Now." Napatingin siya sa orasan. Pagkatapos sa akin. Pagkatapos sa tiyan ko. Pagkatapos sa akin ulit. Namumutla ang mukha niya Malaki ang mga mata. At halatang nanginginig ang mga kamay niya. "Okay," sabi niya. "Okay. Okay." "Stop saying okay." "I'm trying to calm down." "It's not working." "I know." Agad niyang kinuha ang cellphone
Kabanata 109 Vanessa’s POV Umupo si Kimberly sa tabi ko at agad na ipinatong ang kamay niya sa tiyan ko. "Hi, baby," sabi niya. "It's your favorite auntie. Ang dami kong binili para sa'yo today. Galit na galit na sa akin ang parents mo, pero ikaw? Mahal na mahal mo ako." Parang sinagot naman siya ng baby dahil agad itong sumipa. Napanganga si Kimberly. "See? Kilala niya ako." Napatawa ako. "Feeling ko sinasabi niya, 'Please stop, Auntie Kim.'" "No way." "Sure ka?" "Oo. Ang sinasabi niya, 'More, Auntie Kim. More gifts, please.'" "Delusional ka." "Generous lang." "Delusional." "Generous." Pareho kaming natawa. Hindi rin nagtagal ay bumukas muli ang pinto. Pumasok sina Mommy Kiara at Daddy Chase na may bitbit na mga paper bag at containers ng pagkain. "Good morning!" masayang bati ni Mommy Kiara. "Mom!" sigaw agad ni Kimberly. "Good morning po," bati ko. Agad namang lumapit sa akin si Mommy Kiara. Katulad ng dati, para siyang doktor na nagsasagawa ng check-up. Sinu
Kabanata 108Vanessa's POVNapatingin ulit ako kay Sebastian.Mahimbing pa rin ang tulog niya. Payapa.Walang kaalam-alam na kanina ko pa siya pinagmamasdan.Hindi ko maiwasang isipin kung anong klaseng ama siya para sa anak namin.At alam ko ang sagot.Magiging mabuting ama siya.Tuturuan niya ang anak namin kung paano maging matatag.Kung paano ipaglaban ang tama.Kung paano protektahan ang mga taong mahal niya.Tuturuan niya itong magsikap.Maging tapat.Maging mabait.At higit sa lahat, tuturuan niya itong maging tao.Alam kong sasabihin niya sa anak namin na okay lang umiyak.Okay lang matakot.Okay lang humingi ng tulong kapag nahihirapan.Hindi siya iyong tipong ama na naniniwalang kailangang itago ng lalaki ang emosyon niya.Hindi ganoon si Sebastian.Masyado siyang mapagmahal para doon.At alam kong magiging mas mabuti pa siyang ama kaysa sa inaasahan niya.Ipinatong ko muli ang kamay ko sa tiyan ko."You're so lucky," mahina kong bulong sa baby namin. "Hindi mo alam kung gaa
Kabanata 107Vanessa's POVKinakabahan ako dahil ngayong buwan na ang kabuwanan ko. Araw-araw, iyon ang una kong naiisip pagkagising ko. Paano kung hindi ko kayanin? Paano kung may mangyaring komplikasyon? Paano kung may mangyaring masama sa akin o sa baby?Pagmulat ko ng mga mata ko, kisame agad ng kuwarto namin ang bumungad sa akin.Sumisilip na ang liwanag ng umaga mula sa pagitan ng mga kurtina. Pero kahit tahimik ang paligid, hindi ganoon ang nararamdaman ko.Mabilis na naman ang tibok ng puso ko.Kung anu-anong bagay na naman ang pumapasok sa isip ko. Paulit-ulit kong iniisip ang panganganak.Ang sakit.Ang proseso.Ang posibilidad na may hindi inaasahang mangyari.Sabi ng doktor, maayos naman ang lagay ko. Malusog ang baby. Normal ang pagbubuntis ko. Wala ring komplikasyon. Pero kahit alam ko iyon, hindi pa rin nawawala ang takot.Alam kong normal lang matakot. Ilang beses na rin akong kinausap ng doktor tungkol doon. Maging si Sebastian, paulit-ulit akong pinapaalalahanan na m
Kabanata 106Sebastian's POVInihampas niya ang baril patungo sa ulo ko.Mabilis akong nakaiwas.Natisod siya. Nawalan ng balanse. Mahina na siya matapos ang ilang araw na pagtatago. Ilang araw na halos walang kain. Walang tulog.Nag-agawan kami sa baril.Pareho naming hawak iyon.Pareho kaming nakikipaglaban para makontrol ito.Malakas si Gerald.Mas malakas kaysa sa inaakala ko.Pinihit ko ang baril.Naitutok ko iyon sa dibdib niya at kinalabit ko ang gatilyo.Umalingawngaw ang putok sa buong warehouse.Naramdaman ko ang lakas ng recoil sa mga braso ko.Nanigas ang katawan ni Gerald. Lumaki ang mga mata niya. Bahagyang nakabuka ang bibig niya. Dahan-dahan siyang napatingin sa dibdib niya.May butas doon.Unti-unting kumalat ang dugo sa damit niya."S-Sebastian..." mahinang bulong niya."You should have walked away. Dapat hinayaan mo na lang kami ni Vanessa. Dapat tinanggap mo na lang ang katotohanang sinayang mo ang babaeng minsang naging sa iyo."Biglang nanghina ang mga tuhod niya
Chase’s POVHindi ko kayang bitawan ang kamay ni Kiara matapos niyang amining may gusto siya sa akin kagabi. Nasa kwarto niya pa rin ako. Hindi ako lumabas hanggang sa nakatulog na siya, pagod sa maghapong kaganapan.Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Finally, may karapatan na ako sa kanya. Hindi ba
Kiara’s POVIsang linggo na mula nang huli kong makita si Uncle Chase. Isang linggo ring parang may kulang sa loob ng bahay. Tahimik. Masyadong tahimik. Walang yabag ng sapatos niya sa umaga, walang tunog ng pagbukas ng pinto sa gabi, walang presensiyang sanay na sanay na akong maramdaman kahit hin
Kiara’s POV Nasa restaurant ako ngayon kasama ang isa sa pinakaimportanteng kliyente ko. Family dispute ang kaso nila, at ako ang kinuhang litigation lawyer. Matagal na kaming nag-uusap tungkol sa strategy, sa posibleng galaw ng kabilang kampo, at kung paano namin ihahanda ang sarili namin sakaling
Kiara’s POVNapasigaw ako sa gulat nang biglang may bumangga sa akin.Hindi ko namalayang napaatras ako at muntik nang mawalan ng balanse kung hindi ako agad nasalo ni Clyde. Napakapit ako sa kanya nang kusa. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa baywang ko habang pinipigilan niya akong tuluyang matu







