Share

New Master

Author: Marghie
last update Last Updated: 2026-02-23 17:33:21

NOEL

Pagpasok ko sa loob ng mansion, hindi ko maiwasang mapangiti. Nasa bulsa ko pa rin ang sobre. Ramdam ko ang kapal nito. Limampung libo. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakahawak ng ganoong kalaking pera nang isang bagsakan.

Tahimik akong dumaan sa likod, sa may kusina. Ayokong may makakita na nakangiti ako mag-isa. Baka magtaka pa sila.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mag-isip.

Buti pa si Miss Janella.

Hindi ko siya boss. Hindi ko siya amo. Hindi siya ang nagbibigay sa akin ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Year Contract with my Boss   Get Ready

    JANELLAPagbalik ko ng bahay, deretso akong pumasok sa sala. Ramdam ko pa ang pagod sa pagmamaneho pero mas nangingibabaw ang kaba at galit na matagal ko nang kinikimkim. Nandoon si Jamilla, paikot-ikot ang lakad, halatang hinihintay ako.Pagkakita niya sa akin, agad siyang lumapit. “Ano na? Pumayag ba si Noel?” tanong niya, halos hindi makahinga sa kakaisip.Napangisi ako habang inaalis ang sapatos ko. “Jamilla,” sabi ko, sabay upo sa sofa, “walang tao ang aayaw sa tatlong milyon.”Nanlaki ang mata niya. “Ibig mong sabihin, pumayag?”Tumango ako. “Oo. Tatlong milyon, wala nang tanong-tanong. Alam mo naman ang mga taong tulad ni Noel. Hindi sila tapat sa kahit sino. Tapat lang sila sa pera.”Umupo siya sa tapat ko. Tahimik siya sandali, parang iniisip ang mga susunod na mangyayari. “Kelan mo planong isagawa ang plano?”Huminga ako nang malalim. “Ngayon linggo. Hindi pwedeng matagal. Habang tahimik pa ang lahat, doon tayo gagalaw.”Tinitigan niya ako. “At kapag mo nakuha na si Nancy at

  • One Year Contract with my Boss   Not ordinary task

    NOELHindi na ako nakatulog nang maayos matapos ang tawag kagabi. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Miss Janella.Tahimik pa ang buong mansion. Wala pang ilaw sa sala. Wala pang gising sa kusina. Maingat akong lumabas sa likod, dala ang maliit kong bag. Sinabi ko sa guwardiya na magja-jogging lang ako sa may kakahuyan. Sanay na sila na minsan tumatakbo ako para mawala ang stress.Pagkalabas ko ng gate, mabilis akong tumakbo papunta sa isang panig ng kakahuyan. Doon ang usapan namin. Malayo sa mga mata ng tao ni Sir Shane.Habang tumatakbo, ramdam ko ang tibok ng puso ko. Hindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang ipapagawa niya. Pero alam kong hindi iyon maliit na bagay.Pagdating ko sa lugar, huminto ako at naghintay. Tahimik ang paligid. Madilim pa ang langit. Maya-maya, may ilaw ng kotse na papalapit.Itim na kotse. Si Miss Janella.Huminto siya sa tabi ko. Binuksan niya ang pinto. “Sakay,” sabi niya.Sumakay ako agad. Mabango ang loob ng kotse. M

  • One Year Contract with my Boss   New Master

    NOELPagpasok ko sa loob ng mansion, hindi ko maiwasang mapangiti. Nasa bulsa ko pa rin ang sobre. Ramdam ko ang kapal nito. Limampung libo. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakahawak ng ganoong kalaking pera nang isang bagsakan.Tahimik akong dumaan sa likod, sa may kusina. Ayokong may makakita na nakangiti ako mag-isa. Baka magtaka pa sila.Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mag-isip.Buti pa si Miss Janella.Hindi ko siya boss. Hindi ko siya amo. Hindi siya ang nagbibigay sa akin ng utos araw-araw. Pero kaya niyang magbigay ng ganoong pera nang parang maliit lang na bagay.Samantalang si Boss Shane… araw-araw ang utos. Linis dito. Hugas doon. Bili nito. Hatid iyon. Pero ang sahod ko? Labinlimang libo lang isang buwan. Minsan pa nga, delayed pa dahil kinukupot ng mga gagong tauhan niya ng hindi nito alam.Napabuntong-hininga ako.Hindi ko sinasabi na masama si Boss Shane. Pinakain niya ako. Pinatulog dito sa likod ng mansion. Pero minsan, pakiramdam ko kulang pa rin.Pagdati

  • One Year Contract with my Boss   Who to pay?

    JANELLAPero habang nakatayo ako sa tabi ng bintana, isang tanong ang paulit-ulit sa isip ko. Sino ang babayaran ko para mapasunod sa plano?Hindi puwedeng basta na lang ako pumili. Isang maling galaw lang, tapos na ako. Kapag nalaman ni Shane na may balak akong gumalaw sa mga tao niya, baka ako naman ang unahin niya.“Hindi puwedeng si Tito Bernard,” mahina kong sabi.Napatingin sa akin si Jamilla. “Oo. Huwag siya.”“Hindi pa niya tuluyang naibabalik ang tiwala niya sa akin,” dagdag ko. “Malaki ang atraso ko sa kanya kaya pwede niya akong tradorin.”“Kapag siya ang nilapitan mo, siguradong kay Shane ka dadalhin,” sabi ni Jamilla.Tumango ako. “At ayokong mangyari iyon.”Tahimik sandali si Jamilla. Tapos dahan-dahan siyang nagsalita.“Dapat yung hindi masyadong napapansin sa grupo nila Shane,” sabi niya. “Yung utusan lang. Yung hindi pa sobrang loyal.”Napatingin ako sa kanya. “Utusan?”“Oo,” sagot niya. “Yung gumagawa lang ng mga simpleng trabaho. Taga linis, taga hugas. Yung hindi n

  • One Year Contract with my Boss   No Rights

    JANELLA“Bwisit kang bata ka! Pahamak ka!” sigaw ko habang nakatingin sa maliit na katawan ni Dwyane Jr. sa crib. Halos kumulo ang dugo sa ulo ko sa sobrang inis.Walanghiya kasi si Tito Bernard. Mabuti nalang ay nauto ko siyang magkita kami sa susunod kaya nagawa kong makauwi na.Lumapit ako sa crib, “Kahit ayoko sa’yong tiyanak ka, kailangan mong manatili sa akin bilang anak ko. Dahil sa’yo makukuha ko ang lahat ng gusto ko. Kung mawawala ka, wala na akong karapatan sa kahit ano. Wala na akong leverage… at hindi puwede iyon. Kaya kahit hindi kita anak, kailangan paniwalaan ni Dwayne na ako ang ina mo.”Bumukas ang pinto nang malakas kaya napalingon ako agad. Kakauwi lang ni Jamilla. Kita ko pa sa mukha niya ang pagod. Bigla akong nakaramdam ng inis na kanina pa nakatago sa dibdib ko.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko siya at hinampas ko ang braso niya. “Ano ba, Jamilla! Bakit ngayon ka lang umuwi?” galit kong sabi. Halos nanginginig ang boses ko. “Pinahamak mo ako!”

  • One Year Contract with my Boss   Hidden Sanctuary

    DWAYNEBuong magdamag akong gising. Hindi ako nakatulog kahit isang oras. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama, hawak ang cellphone, paulit-ulit tinitingnan ang screen. Hinihintay ko ang tawag ni Carlton.Kagabi pa ako balisa. Isang miss call lang pero parang may kung anong gumagalaw sa loob ko. Hindi iyon normal. Hindi iyon basta maling tawag. May kutob akong hindi ko matiyak.Nang biglang tumunog ang cellphone ko, halos agad ko iyong sinagot. Hindi ko na hinintay ang pangalawang ring.“Carlton?” agad kong sabi, hindi ko na hinintay ang pagbati niya. “Ano ang nalaman mo?”Narinig ko ang maikling paghinga niya sa kabilang linya. “Boss—”“Bilis na,” putol ko. “Saan galing ang tawag?”“Na-trace namin ang huling signal,” sagot niya, “Mula ito sa isang private villa.”Napatayo ako. “Villa? Saan lugar?”Ibinigay niya ang lugar. Tahimik ako sandali habang iniisip ko ang lokasyon. Medyo liblib. Hindi basta napupuntahan.“Sigurado ka?” tanong ko.“Oo, boss. Doon tumama ang signal bago na-off ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status