LOGIN
“ELIJAH tama na! Ang dami mo ng nainom!”
Inilalayo na ng kaibigan ni Elijah ang kaniyang alak na iniinom ngunit pilit pa ‘rin itong kinukuha ng lalaki.
“Stop or else I’m gonna k!ll you both.”
Napalunok ang dalawa nitong kaibigan dahil sa pagbabanta nito. Ano pa nga ba ang aasahan, kilala ang kaibigan nila sa pinakang kinakatakutan na negosyante sa mundo.
Ang tawag nga ng karamihan sa kaniya ay ‘Demon Lord’ lalo na ng mga employees nito.
Siya si Elijah Smith, anak ng pinakang mayaman na pamilya sa mundo. Ngunit ang kamayanan nila na ‘yun ang pinakang kinaiinisan niya.
Nang dahil sa kayamanan na iyon ay nawala ang magulang nilang magkapatid.
Mayroon siyang kapatid na babae, malaki ang agwat ng kanilang edad dahil na ‘rin hindi inaasahan ng magulang nila na magkaka anak pa sila. Pero exactly one year ago, pinasok ang bahay nila ng hindi kilalang mga tao at tanging ang kapatid niya lang ang nabuhay.
Dahil sa trahedyang iyon, naging dahilan ito para ma-trauma ang bunso niyang kapatid at hindi makapagsalita. Tila wala ito sa sarili at palaging nagwawala.
Iyon ang dahilan kung bakit naroroon siya ngayon sa bar. Nawawalan na siya ng gana mabuhay at mag trabaho.
Kung hindi nga lang dahil sa kapatid niya ay baka tuluyan na siyang sumuko.
Tuwing makikita niya itong tulala at nakaupo lang sa harap ng bintana nito napupuno ng awa ang puso niya at tila mayroong boses na nagsasabi sa kaniya na kailangan pa siya nito.
Masyado pang bata ang kapatid para makaranas ng ganoong buhay.
Wala ng nagawa ang mga kaibigan ni Elijah kundi hayaan siyang uminom lalo na death anniversary ng magulang nito ngayong araw.
Sa kabilang parte naman, nakita ng bartender na mayroon ng humihila sa babaeng customer niya kanina pa.
“Sir, hindi po ata tama ‘yan. Bitawan niyo po siya o tatawag ako ng security?”
Dahil sa sinabing iyon ng bar tender, walang nagawa ang lalaki kundi ang bitawan ang babae. Masama pa ang tingin nito sa bar tender ngunit hinayaan nalang nito ang titig ng lalaki.
“Ma’am dito po tayo,” sabi niya dito na ikinangiti nito sa kaniya.
Naaninaw pa siya ng dalaga at namukaan dahil kanina pa ito nanghihingi dito ng alak.
“1 glass of tequila pa please!” lasing na sabi nito at itinaas pa ang kamay sa ere.
“Ma’am lasing ka na po,” naiiling na sabi ng bartender.
“S-shinong lasing?! Walang lasing dito!” sabi nito at kamuntikan ng matumba mabuti at nasalo siya ng kausap.
Napangiwi ang lalaki dahil doon at inakay nalang ang babae papunta sa mga private room na naroroon.
Ang dalaga naman hindi na niya alam ang nangyayari at hilong hilo na. Nagsabi pa nga siya na bakit umiikot ang mundo o kung lumilindol ba.
Napapailing nalang ang bar tender sa sinasabi ng lasing na magandang babae na iyon.
Mayroon ‘din kasing kapatid na babae ang lalaki at nakikita niya ito sa customer na iyon kung kaya tinutulungan niya ito.
“Ma’am dito ka na muna, may banyo doon kapag nasusuka ka,”
Naririnig nang babae ang sinasabi ng lalaki ngunit hindi na niya iyon alam.
Iniwan na siya doon ng bartender at buntong hininga na lumabas. Bago siya mag out bukas kakamustahin nalang niya ito.
Samantalang sa kinalalagyan nila Elijah, Nikko at Andrew, lasing na lasing na ang kanilang kaibigan. Naghahamon na nga ito ng away sa mapapadaan na lalaki sa kanilang table kung kaya todo hingi ng pasensya ang mga ito.
“Kumuha ka na ng room Nikko! Dito na natin to patulugin!”
Tumango naman si Nikko sa sinabing iyon ni Andrew. Hindi na talaga nagbago ang kanilang kaibigan, kapag malaki ang problema at nalasing ng ganon manghahamon talaga ng suntukan.
Mabilis naman nakakuha si Nikko ng room para kay Elijah at inakay na nila ito papunta sa tutulugan nito. Pero sa daan nila papunta sa silid na kinuha ay sumuka ang kaibigan kay Andew.
“What the f, dude!”
Natawa naman si Nikko dahil doon na ikinasama lang ni Nikko ng tingin dito.
“Wag mo akong tawanan! Hanapin mo ang room ng makapasok na tong lasing na to!”
Tatawa tawang sumunod si Nikko at nagmadali na. “Dito!”
Tawag niya sa dalawa ng makita niya ang room. Dahil hindi makaalis si Andrew sa kinalalagyan ay nilapitan niya ang dalawa at tinulungan.
Ngunit muling sumuka si Elijah at this time si Nikko naman ang nasukahan.
Dahil doon si Andrew naman ang tumawa sa kaibigan.
“Hayst! Dito na nga tayo bago pa tayo maligo sa suka nito!” inis na sabi ni Nikko at pumasok sa nahawakang pinto at bumukas ito gamit ang card key na dala.
Ang totoo hindi iyon ang silid ng kaibigan nila dahil silid iyon ng dalagang lasing na tinulungan ng bartender.
Bukod sa maling room ang pinasukan nila maling card key din ang dala ni Nikko dahil nagkapalit ang bigay nung staff sa kaniya.
Nang makapasok sila sa loob ay basta nalang nilang hiniga sa loob ang kaibigan.
“Ang lamig naman dito, binuksan mo ba aircon?” tanong ni Andrew sa kaibigan.
“Baka binubuksan talaga nila para sa gagamit. Hayaan mo na yan at umuwi na tayo amoy suka na ako!”
Tumango si Andrew sa sinabi ng kaibigan at iniwan na doon si Elijah. Bukas nalang nila ito babalikan siguradong bukas matino na itong kausap hindi yung maghahamon ng away.
Nang mga oras na iyon nasa pinakang sulok ng higaan ang dalaga habang yakap yakap ang sarili sa lamig. Doon lang kasi hindi direclty tumatama ang aircon kung kaya doon siya pumwesto.
Nakasuka na ‘rin ito sa banyo kanina kaya kahit papaano akala niya mawawala ang lasing niya ngunit hindi pala.
Naramdaman niya na lumundo ang higaan at tila mayroong nag uusap ngunit hindi niya madilat ang mata sa antok at hilo kaya kusang nakatulog ang dalaga.
Sa gitna ng pagtulog nito naramdaman niyang mayroong yumakap sa kaniya dahilan para uminit ang pakiramdam niya dahil sa lamig ng aircon. Naging kumportable ang dalaga sa init na nabibigay niyon sa katawan niya kaya muli siyang nakatulog at nagising nalamang ng nakaramdam siya ng sarap na hindi niya maipaliwanag.
“Hmmm…” mahinang sambit niya.
Dahil sa kalasingan hindi niya alam na mayroon nang nangyayari sa kanila ng lalaki na katabi.
Hindi niya alam na iyon ang magpapabago ng takbo ng kaniyang buhay kapag nagising siya bukas.
Sa ngayon, pareho silang nag eenjoy ni Elijah na siyang nasa itaas niya ngayon. Dala na ‘rin ng alak nangyari ang isang gabi na hindi nila inaasahan.
NAPAILING nalang siya sa sarili dahil nainis siya sa wala. Malamang na pagod ito dahil sa dami nitong inaasikaso maging ang pag pasok ng mga anak niya na siya naman talaga dapat ang gumagawa niyon.Hinayaan nalang niyang matulog ang dalaga habang siya’y tahimik na minamaneho ang sasakyan. Mas nilaksan niya pa ang aircon dahil nainitan na siya.Inabot pa sila ng traffic sa daan kung kaya madilim na ng makauwi sila sabahay niya.“Gwen we’re here.” Malakas na sabi niya sapat na para marinig nito ngunit naalis na niya ang seatbelt niya hindi pa ‘rin ito kumikibo.“Hey Gwen!” mas malakas sa boses niya kanina.Still wala pa ‘rin itong kibo.Naisip niya na grabe naman pala ka-mantika matulog ang babae. Tapos titili kapag nakita niya na magkayakap silang dalawa sa pag tulog.Napailing siya sa naisip na iyon at dahil nga hindi ito magising, hindi na siya nakatiis at hinawakan ang braso nito para sana yugyugin upang magising.Pagkahawak na pagkahawak niya sa sa braso nito naramdaman niya ang in
LUMIPAS ang dalawang araw, kahahatid lang ni Gwen ng lunch ni Elijah sa office nito at kumakain na siya sa kaniyang table. Iniintay niya ang email back ng school ng kambal kaya kanina pa ‘rin siya naka monitor sa screen.Nang matapos siyang kumain kinuha na ‘rin niya ang pinagkainan ng boss niya at hinatid iyon sa baba. Sumula niyon palagi na ‘ring kumakain ng rice ang boss niya at kita naman niya na mas lalong nakakapag isip ito ng maayos dahil sa marami nitong kinakain.ANg relasyon naman niya sa dalawang bata mas naging okay ngunit katulad nung una hindi pa siya ganong kinakausap ni Erickson. Ngunnit kahit papaano kapag inaya siya ng kambal nito sumasama naman ito sa kanila.Madalas lang sila mag bonding doon sa may sala since gabi na ang uwi nila ni Elijah. Hindi pa niya sinasabi sa kambal na maaari na silang pumasok sa susunod na linggo since gusto niyang surpresahin ang mga ito.Sa ilang araw niya ‘rin sa trabaho mayroon na siyang nakikilala kahit papaano lalo na mula sa ibat-ib
I want to help her. Kapag free ako baka pwede ko siyang ilabas kahit sa garden manlang. Tapos sa park malapit sa inyo para makalanghap siya ng hangin. Maganda makakita siya ng bukod sa kwarto niya lang para mas ma develop ang mind niya.”Napahigpit ang kapit ni Elijah sa manibela dahil sa sinabing iyon ng dalaga. Naalala niya ang bilin sa kaniya ng doctor ng kapatid, ilabas ‘daw ito para makakita ng ibang bagay bukod sa kwarto niya.Pero paano naman niya iyon gagawin kung wala siyang time? Bukod sa wala siyang time walang gagawa niyon para dito.Pare pareho ‘din naman silang busy ng mga kaibigan niya kaya hindi nila magawang ilabas ang kapatid. Isa pa number one na doon wala siyang tiwala sa mga tao sa paligid.Ano bang alam niya na baka may mangyari nanamang masama dito? Paano kung maging ito’y mawala sa kaniya?Iyan ang kaagad na pumapasok sa isip ni Elijah kapag tungkol sa kapatid na ang pinag uusapan.Dahil hindi nakasagot si Elijah sa tanong ni Gwen, napaisip ang dalaga sa dahila
HINDI niya alam ngunit iyon ang pakiramdam niyang tamang gawin. Matapos iyon malaki ang ngiti sa labing nahiga na siya upang matulog. Ang kaso hindi siya mapakali sa kinahihigaan niya. Hindi niya alam kung dahil ba ngayon nalang ulit siya nagkaroon ng katabi o higit pa doon. Ilang beses ‘din siyang nagpabaling baling hanggang sa humarap siya sa kinalalagyan ni Gwen. Nagulat siya ng pagharap niya dito humarap ‘din sa kaniya ang babae at niyakap siya. Akala siguro nito unan siya kaya niyakap siya nito. Imbes na tanggalin ni Elijah ang yakap nito sa kaniya niyakap ito pabalik ng lalaki. Sa ganoong ayos kumalma ang kaniyang sisteme at pinikit niya ang kaniyang mga mata hanggang siya ay makatulog na. *** NAGISING si Gwen ng nakayakap kay Elijah at ganon ‘din siya. Dahil doon hindi niya napigilan ang sarili na mapatili ng sobrang lakas. “Kyahhhh!” Kaagad na nagising si Elijah dahil doon at dali daling tumayo. Mayroon na itong dinudukot sa ilalim ng higaan ng maramdaman niya na wal
“SON…” malambing na tawag niya dito at hinawakan ang kamay nito. Naramdaman niya ang pag pitlag nito ngunit hindi na nito inalis ang kamay niya katulad kanina ng una niyang kita dito. “Mommy is saying sorry for that. Besides hindi pa huli ang lahat para bumawi ako. Yes I left you too for a long time but now I am here. Marami pa tayong dapat na bawiin na oras na magkasama, kayong dalawa ng kambal mo.” Hindi nakasagot si Erickson sa sinabing iyon ni Gwen sa kaniya. “Tandaan niyong dalawa na kapag nagkamali kayo, hindi pa huli ang lahat para maitama iyon.” Tumingin siya kay Erica at pinalapit niya ito sa kanila. Kaya napapagitnaan na nilang dalawa ngayon si Gwen at hawak nito ang dalawang kamay ng mga bata. “Best example niyan kapag nadapa kayo, matuto kayong bumangon at ipakita sa lahat na parang wala lang iyon at kaya niyo pa. Hindi niyo kailangan maging perfect all the time, lahat ng tao nagkakamali, lalo pa kaya kayong mga bata pa? Kaya nga ang mali ni mommy, aayusin na niya ng
NATIGILAN si Gwen sa sinabing iyon ni Erica. Tila hindi manlang nito pinag isipan ang sinabi niyang iyon dahil sa bilis ng sagot niya.“H-ha? Pag isipan mo muna anak kung kailan ba,” Tumango si Erica at hinawakan ang kaniyang sentido na tila nag brain storming kung kaya napatawa si Gwen ng mahina. Nakapikit pa niyon si Erica habang hawak ang sentido niya. Kaya ng dumilat ito inalis agad ni Gwen ang pag ngiti niya. “Wala talaga akong maisip mommy. Never pa kasi kaming nakakalabas dito bukod sa school.”Kung kanina napapangiti pa si Gwen ngayon hindi na. Mukang seryoso nga talaga ang bata sa sinasabi nito. Ibig sabihin wala silang ibang nakaka laro at wala silang ibang karanasan sa mga ganap sa labas. Ang laki ng mundo? Bakit hindi manlang naisip ni Elijah na samahan sa labas ang mga anak niya? Takang tanong ni Gwen sa isipan niya. “Okay anak. I promise you one day, you and your kuya will come with me at the mall.”“Really mommy?! Pupunta tayo doon sa may mga rides?! Yung pwedeng







