Share

Summer Job

Author: meowym9chi
last update publish date: 2026-10-21 05:04:05

Humugot ako ng isang malalim na paghinga at saka sinilip ang caller ID at laking ginhawa ko nalang ng makita ko na si Nana Mila pala, maniningil na naman siguro sa utang ko.

Napabuga ako ng hangin.

Nang sumapit ang araw ng interview ko ay nakapaghanda naman ako ng maayos, wala ng ibang iniisip kung hindi ang mangyayari at kalalabasan nito.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga at saka tumingala para pagmasdan ang napakalaking building ng Esquivel Corporation na siyang nasa harapan ko.

Sa unang tingin ay parang abot na abot ko na ito, pero kapag pinagmasdan mong mabuti ay napakalayo niya sakin, nakakalula.

The employees going in and out of the building exude pride and elegance, as if they belong to a different world, it's unlike anything I'm accustomed to.

I gulped.

Kaya ko ba?

Of course, kakayanin…

“Miss? Okay ka lang ba?”

Napatigil ako sa pag-iisip ko ng may narinig na boses sa gilid ko. Nilingon ko ang pinanggalingan non, isang lalaki na naka uniform na pang guard.

Ang lahat ba ng gwardya dito ay gwapo din na kagaya niya?

Tumikhim ako para alisin iy9n sa isip ko.

“Okay lang po,” may pagtataka na sagot ko. “Bakit po?”

“Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa security ng building na may may kahina-hinalang babae ang nakatayo at pinapanood ang buong building.”

“Po?” nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla sa narinig. “May interview pa ako ngayon sa Esquivel Corporation, kinakabahan lang po kaya napatigil ako dito.”

Ipinakita ko pa dito ang white folder na hawak ko.

“Ganon ba? Ay nako, pumasok na kayo Ma'am, baka ma-late ka pa. Marami nang applicant ang nasa loob.”

“O-okay Sir, thank you at pasensya na po sa abala.”

Matapos tumango ay nakita ko pa siyang tumawag gamit ang radio niya at narinig na nireport ang nangyari.

Kagaya ng sinabi niya ay pumasok na ako sa building at nagtanong sa receptionist kung saan ang interview. Mabilis naman akong binigyan ng instructions para marating ang hallway kung nasaan ang conference room.

Nang marating ko ang hallway ay kaagad bumungad sa akin ang medyo may karamihan na na aplikante na kagaya ko ay nag babaka sakali din.

Sa mga kasuotan nila ay mahahalata na talagang pinaghandaan nila ito. Ang ilan pa nga ay tila ba galing sa mga may kayang pamilya, kagaya nalang nung isang applicant na may kasama pang maid? Ang isa naman ay may security?

Wow!

I'm feeling more pressure now, surely they have connections, para bang unti-unting lumiliit ang chance ko.

Pero ayon sa mga narinig ko ay hindi basta-basta nakakapasok sa kompanyang ito, may connection o wala at sana nga ay tama sila.

Halos dalawang oras ang hinintay ko bago nasalang sa interview. Kagaya ng inaasahan ko ay mga pamilyar na tanong ang nandon at may iilan na out of the box na sa tingin ko ay nasagot ko naman ng buong kumpyansa.

They said that they'll call within the next two days kaya naman ito ako ngayon, naglalakad papalabas ng building. Matapos kong itext si Hari na pwede na niya akong sunduin ay kaagad akong nag-angat ng tingin.

Dahil sa pagmamadali kanina ay hindi ko nagawang pagmasdan ang lobby pero ngayon na meron na akong pagkakataon ay halos mapahinto nanaman ako dahil sa paghanga sa napaka eleganteng lugar.

Sa gitna ng reception area ay may nagniningnig na chandelier, it lookse so glamorous, and it was like reflecting the company's image, elegant and proud.

Everything in this place looks expensive, from small to big details.

The waiting area looks inviting at sa part naman ng front desk ay makikita ang mga well-dressed receptionist ng kompanya.

Habang patuloy ang paglakad ko ay patuloy din ang paglibot ng mga mata ko kaya naman hindi ko na napansin ang nagmamadaling lalaki at nagkabanggaan kami dahilan para sumabog ang mga papel na hawak niya sa marble floor.

“I'm sorry, sorry Sir,” paulit-ulit na paghingi ko ng pasensya habang tinutulungan siyang pulutin ang mga papel na dala niya at ang mga documents kong nahulog din.

“It's fine miss, nagmamadali din kasi ako kaya hindi kita kaagad nakita.”

Ng matapos sa pag-aayos ng mga iyon ay sabay kaming tumayo at dito ko lang napansin na nakakuha na pala kami ng atensyon.

“Sorry po ulit,” sabay abot ko sa kanya ng folder na nakuha ko.

Tumango siya. “Gotta go.”

Matapos yon ay mabilis siyang nawala kaya naman nagpatuloy na din ako at nagmamadaling lumabas ng building kasunod ng mga nanonood na mga mata.

Uhg! Ilang kapalpakan ang nagawa ko ngayong araw sa company?

Come on, Elle! Get yourself together!

Plano ko sana na sa waiting area na ako ng building maghintay kay Hari pero dahil sa nangyari ay sa bus stop nalang ako naghintay.

Nang nakaupo ako ay muling bumalik sa hindi kalayuang building ang mga mata ko. Mula dito ay kitang-kita ang napakalaking pangalan ng kumpanya.

ESQUIVEL CORPORATION

At kasunod nito ay ang biglang pag-flash sa isip ko ng mga nangyari noong nakaraang gabi, but this time ay malinaw ang mukha niya.

Napalunok ako.

What am I thinking?

Hindi ka pa magpasalamat na hindi mo sya nakasalubong! And two months, ang misyon ko sa loob ng two months ay hindi magkrus ang landas namin sa building niya.

I can do that right?

I am just a normal employee anyway.

Bago makapag patuloy sa mga iniisip ay tumunog na ang cellphone ko na agad ko ding sinagot.

“Miss Velasco?”

“Yes ma'am, speaking…”

“This is from the Esquivel Corporation, are you still in the area?”

“Yes ma'am, may I ask why?”

“We would like you to come back ma'am, ASAP.”

“Okay, I'll be there in a minute.”

Bago nagsimulang lumakad ay tinext ko si Hari na sa malapit na coffee shop nalang kami magkita.

Nang makabalik ako sa building ay kaagad ako sinalubong ng isang lalaki na may matipunong pangangatawan na naka black tuxedo. Kapansin-pansin ang earpiece na suot niya kaya naman kaagad kong napagtanto na isa siyang bodyguard. Hindi security guard dahil iba ang uniform ng nakita kong guard kanina.

“Miss Velasco?” tanong nito na sinagot ko lang ng isang pagtango. “Follow me please.”

Napalunok ako at saka ginawa ang gusto niya.

What's going on? Why do I feel like this is not good?

Dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon ay kaagad akong nag-send ng message kay Hari para alam niya kung nasaan ako. Matapos yon ay tumigil ako sa paglalakad na mabilis naramdaman ng lalaki, napatigil din siya at saka ako nilingon.

“What's going on? Where are you taking me?” may takot na tanong ko habang napapatingin sa paligid.

Hindi kagaya kanina ay mangilan-ngilan na lang ang nandito kaya naman wala nang nanonood sa nangyayari.

“This way,” sa halip na sagutin niya ako ay gumilid lang siya at itinuro sakin ang isang elevator.

Lumunok ako.

“O-okay… Just so you know sir, I already sent a message to my friend, she'll expect me at the lobby…”

Wala pa rin siyang sagot, sa halip ay pumindot siya ng floor number at tahimik na naghintay.

Dahil sa tindi ng pagkabog ng dibdib ko na hinaluan pa ng takot ay nararamdaman ko ang unti-unting panlalamig. Ang mga kamay ko na mahigpit na nakahawak sa white folder ko ay nagpapawis na.

Is this it?

But I was drunk! Hindi ko naman sinasadya ang nangyari at hindi ko rin naman ginusto na magkaiskandalo dahil don.

What should I do?

Plead?

At ano pa ang kailangan niya sakin? It's not like may maitutulong o magagawa ako para burahin ang nangyari.

We're in the company, wala naman siguro silang gagawin sakin…

Yon na lamang ang inisip ko hanggang sa makarating kami sa 64th floor.

This is not the top of the building, kaya naman malabo na ang CEO ang ipinunta namin dito, pagpapalakas ko ng loob.

Nang makalabas kami sa elevator ay iginiya ako ng lalaki sa isang front desk kung nasaan nakaupo ang isang sexy na babae. Nang makita niya kami na papalapit ay kaagad siyang tumayo at nakangiti kaming sinalubong.

Wow, she's really beautiful.

“Good morning Sir Marcus, he's been waiting for you inside,” anito na tinanguan lang ng lalaki.

Ilang beses na pagkatok ang ginawa ng lalaking tinawag na Marcus sa isang mukhang mamahalin na wooden door. At huli na ng napansin ko ang nakasulat don, nagbukas na ang p***o ng rumehistro ito sa isipan ko.

CEO

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ooops! I Kissed The CEO   Little Miss Assistant

    Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng building, ang huling natatandaan ko na lang ay ang nag-aalalang mukha ni Hari habang naghihintay sa akin sa malapit na cafe.Ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko na nasundan pa ang lahat matapos ang suhestyon ng lalaking yon na gawin akong assistant because after that ay may ilan silang taong tinawagan to prepare me as an assistant. I mean… As the CEO's executive secretary's assistant. This is crazy!Sa loob lang ng ilang araw ay napakarami ng nangyari at kapag nasundan pa to ay baka ikabaliw ko na.Napabuga ako ng hangin at pabagsak na naupo sa sofa ng bahay, habang si Hari ay nakasunod sa akin na mukhang hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ng maikwento ko sa kanya ang mga nangyari.Pareho kaming parang lutang na nakaupo ngayon sa tahimik na salas, at tila ba walang gustong bumasag ng katahimikan.This is so messed up!Ano ba tong napasok ko?I can't believe that I'll be an assistant to the Executive Secretary of the Esquivel Corpo

  • Ooops! I Kissed The CEO   Second Time Meeting

    Nang makapasok ako sa loob ay kaagad tumambad sakin ang napakalawak na opisina na may floor to ceiling na salamin kung saan makikita ang kalakawakan ng buong syudad. At nakatalikod sa engrandeng tanawin na iyon ay ang lalaki na kinakatakutan kong makita.Alejandro Russ EsquivelHe is comfortably leaning on his desk, ang kaliwang kamay ay may hawak na dokumento na abala namang sinusuri ng mga mata niya habang ang isang kamay naman ay nakatukod sa mahogany table.Ang suot niya ay puting polo na nakatupi ang mga sleeve hanggang siko na tinernuhan ng black slacks na mahahalatang mamahalin. Ang gold watch na nasa kaliwang braso niya ay ay nagsusumigaw ng pinaghalong kapangyarihan at otoridad.Napalunok ako.Ang tanawin na nakikita ko ay para bang hinango sa isang pelikula. And him standing above everything looks really good. Na para bang ginawa siya para lang tingnan ang lahat ng nasa ibaba mula sa napakataas na lugar.Habang pinapanood siya ay para naman akong itinulos na kandila sa kinat

  • Ooops! I Kissed The CEO   Summer Job

    Humugot ako ng isang malalim na paghinga at saka sinilip ang caller ID at laking ginhawa ko nalang ng makita ko na si Nana Mila pala, maniningil na naman siguro sa utang ko.Napabuga ako ng hangin.Nang sumapit ang araw ng interview ko ay nakapaghanda naman ako ng maayos, wala ng ibang iniisip kung hindi ang mangyayari at kalalabasan nito. Humugot ako ng isang malalim na paghinga at saka tumingala para pagmasdan ang napakalaking building ng Esquivel Corporation na siyang nasa harapan ko.Sa unang tingin ay parang abot na abot ko na ito, pero kapag pinagmasdan mong mabuti ay napakalayo niya sakin, nakakalula.The employees going in and out of the building exude pride and elegance, as if they belong to a different world, it's unlike anything I'm accustomed to.I gulped.Kaya ko ba?Of course, kakayanin…“Miss? Okay ka lang ba?”Napatigil ako sa pag-iisip ko ng may narinig na boses sa gilid ko. Nilingon ko ang pinanggalingan non, isang lalaki na naka uniform na pang guard.Ang lahat ba

  • Ooops! I Kissed The CEO   Taste of His Lips

    “What have you done now Elle! What the hell?!”“Sh*t! Sh*t! Sh*t! Sa tingin mo natandaan nila mga mukha natin?”“I'm sure they can check the CCTV footage!”“We are so done!”“Oh my gosh! How can I tell my parents?!”“What are we going to do now?!”What are they talking about? What happened? Why are they panicking like they committed some sort of a crime?Ugh! Why can't I walk straight?“Com here Elle!”Naramdaman ko na may umalalay sakin patungo sa sasakyan at pagkatapos non ay katahimikan ang bumalot sa amin.Habang nakapikit ako ay unti-unti na akong kinakain ng antok ng biglang pumasok sa isip ko ang ginawa ko kanina with that stranger.Ang pagkabog ng dibdib ko ay kaagad na bumalik at ang hindi maipaliwanag na sensasyon ay muling nabuhay. Was it because it was my first kiss kaya ganito ang reaction ko?Unti-unti kong itinaas ang kanang kamay ko para hawakan ang pang-ibabang labi ko na ramdam pa rin ang ginawang pagkagat ng lalaki dito.I could still taste him and the alcohol… It'

  • Ooops! I Kissed The CEO   Fisrt Kiss

    "What does a kiss taste like anyway?" Lahat ng kaibigan ko ay napatingin sakin ng bitiwan ko ang mga katagang 'yon. Kanina pa mga ex o present boyfriend nila ang usapan ng mga ito kaya naman hindi ako maka-relate because I never had one. So they make me wonder… What does a kiss taste like that makes them all giggling and chattering? “You see… Wala pa ako non,” pagpapatuloy ko pa. Oh no, lasing na yata ako… Ito ang dahil kung bakit ayokong sumama mag-clubbing sa mga ito eh. I can't really hold my alcohol. Laging ako yung talo sa aming apat pagdating sa inuman. “Masarap syempre! Wait, nakakailan na ba yan? Mukhang may tama na…” pagpuna ni Sarah sa akin at saka ako inabutan ng malamig na tubig. "Tatlo? Apat na ba?" nasabi naman ni Hari na nasa tabi ko. “Lasing ka na hindi pa tayo nagsisimula!” "No. I'm not, I'm just curious," mabilis na sagot ko at saka muling nilagok ang huling laman ng hawak kong shot glass. "Then, do you want to try it, Elle?" Jamie asked. "Huy! 'Wag!"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status