Share

Chapter 22

last update Last Updated: 2025-04-17 23:52:24
Ysla

“Nakakainis ka!” bungad ko agad pagkapasok ni Nathan sa kwarto namin, agad ko na siyang sinalubong ng inis. Galing siya sa trabaho. Ako naman, nauna nang dumating dahil naka-motor ako. Katunayan ay nakapagpalit na ako ng damit at ilang minuto na ring naghintay sa kanya.

Napahinto siya sa may pinto, parang napag-isipan kung tatakbo na lang pabalik palabas. Pero tuloy-tuloy pa rin siyang naglakad papasok habang inaalis ang kanyang coat at ipinatong iyon sa ibabaw ng kama.

“Ano na namang ginawa ko?” tanong niya habang tinatanggal ang necktie, kita sa mukha niya ang pagod pero mas kita ko ang inis ko.

“Hindi pa nga ako nakakaupo, sinalubong mo na agad ako ng sermon.” Tumagilid siya para ilapag ang necktie sa ibabaw din ng kama, katabi ng kanyang coat.

“Bakit, kailan ba kita ginaganito? Ngayon lang, ‘di ba?” malakas kong sagot. Tumayo ako sa gitna ng kwarto para harapin siya nang buo ang loob. “At hindi ko ‘to gagawin kung hindi dahil sa sinabi mo kanina.”

“Ano na naman ang sinabi ko?”
Lovella Novela

Tuksuhan na ba 'yan?

| 12
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
bhandin
oiiii si ysla nahuhulog na ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 75

    YslaHindi ko akalain na mabibigla ako nang gano’n at mapapayakap kay Nathan. Mabilis ang tibok ng puso ko, parang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa gulat. Kakawala sana ako, pero mahigpit niya akong hinapit pa, y'ung tipong ramdam ko ang init at bigat ng mga bisig niya, na para bang sinasabi niyang hindi niya ako hahayaang lumayo kahit anong mangyari.Napatingin ako sa paligid at agad kong nahuli ang ilang pares ng matang nakatutok sa amin. Mga empleyado niyang tila nagulat sa nasaksihan, nakatitig na may halong pagkabigla at pananabik. Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko sa atensyong iyon.“I’m sorry,” mabilis na sabi ko kay Nathan, may bakas pa ng inis sa tono ko. “Nagalit kasi ako sa ginawa ni Lizbeth. She went here and—”“It’s okay,” putol niya sa akin bago pa ako tuluyang makapagsalita. At bago pa ako makahuma, naramdaman ko na lang ang malambot ngunit matatag na paglapit ng kanyang mga labi sa akin. Sa una’y banayad, parang tinitimbang kung paano ko

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 74

    YslaDalawang linggo na ang mabilis na lumipas mula noong huli naming makausap ni Nathan si Atty. Rafael. Sinabi nitong siya na raw ang bahala sa lahat. Mga legalidad, papeles, at proseso, kaya’t buong tiwala naming ipinagkatiwala sa kanya ang lahat. Ayon sa kanya, iyon din ang utos ng kanyang ama, na masiguro raw na mapupunta sa akin, o sa taong tunay na may karapatan, ang lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang.Abala ako sa pag-asikaso ng isang proposal para sa isang high-profile client, nakatutok ang atensyon sa screen, nang bigla na lang akong magulantang sa biglang pagdating ni Lizbeth. Humahangos siya, litaw na litaw ang galit sa kanyang mukha, habang nakasunod sa kanya si Arnold na animo'y hindi alam kung paano hahabol o pipigil.“How dare you!” sigaw ni Lizbeth sabay duro sa akin, rinig na rinig sa buong opisina ang boses niyang parang pinagsamang yabang at takot.Nag-angat ako ng tingin mula sa screen ng aking computer at tiningnan siya nang diretso. Ang ilang miyembro n

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 73

    NathanBakas na bakas sa mukha ni Ysla ang pinaghalong sakit at galit, isang ekspresyong tila sumisigaw ng pagkadismaya at pagkabigo. Hindi ko siya masisi. Sino ba naman ang hindi magwawala kung mismong taong itinuring mong pamilya, ang tiyuhin mong pinagkatiwalaan mo, ay siya palang mismong dahilan ng pagkaguho ng tiwala mo sa buong mundo?Si Sandro. Ang taong akala ni Ysla ay kakampi niya hanggang dulo, ay siya palang matagal nang may lihim na motibo.Tahimik kaming umuwi ng bahay, ngunit kahit walang salitang namutawi sa kanyang labi ay ramdam ko ang bigat ng nadarama niya. Halos hindi siya umiimik sa biyahe, at ang mga mata niya’y waring pagod na pagod hindi lang sa mga nangyari, kundi sa paulit-ulit na sakit na kailangang indahin.Kahit ako, kung ilalagay ang sarili ko sa sitwasyon niya, marahil ay hindi ko rin kakayanin.Pagdating sa bahay, hinayaan ko siyang makapagpahinga. Ayokong pilitin siyang magsalita. Alam kong kailangan niya ng katahimikan, ng sandaling siya lang ang may

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 72

    YslaTahimik ang biyahe namin ni Nathan papuntang San Mateo. Nakatingin ako sa bintana ng kotse habang tinatahak namin ang paakyat na kalsada patungo sa bahay ni Rafael, ang anak ng dating abogado ng aking mga magulang. Ang bawat kurbada ay tila mas nagpapabigat sa dibdib ko na parang palapit kami nang palapit sa isang lihim na matagal nang nakatago sa likod ng katahimikan.Hawak ni Nathan ang manibela, ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam kong alerto siya sa lahat lalo na sa emosyon ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Hindi ko kailangang sabihin pa, pero alam niyang nagpapasalamat ako sa pagsama niya.Pagdating namin sa isang gate na yari sa kahoy at bakal, bumaba si Nathan para tumawag gamit ang maliit na doorbell sa tabi. Hindi nagtagal, bumukas iyon, at lumitaw ang isang lalaki sa edad na humigit-kumulang trenta’y singko. Maayos ang postura nito, nakasuot ng simpleng puting polo, ngunit makikitaan ng pagod sa mga mata.

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 71

    Ysla“Sir Nathaniel,” hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumigil ako sa paghinga habang binabanggit ang kanyang pangalan, at kasabay noon ay nabaling ang tingin ng mag-ama sa akin. “Alam ko pong wala akong karapatan na pagsabihan kayo sa paraan ng pagpapalaki ninyo sa anak ninyo. Hindi ko rin hangad na pangunahan ang anumang desisyon ninyo. Pero gusto ko lamang ipaunawa... na malaki na si Nathan. Alam na niya ang gusto niya. May sarili na siyang isip at damdamin.”Tumikhim si Nathaniel, halatang pinipigilan ang galit, ngunit hindi naging dahilan 'yon para hindi siya tumugon.“Paano mong nasabing alam niya ang gusto niya? Pinatulan ka nga niya!” matalim niyang sabi, tila kutsilyong bumaon sa hangin sa pagitan naming tatlo.“Dad!” mariing sigaw ni Nathan, puno ng galit at sama ng loob. Ngunit marahan ko siyang hinawakan sa braso, pinigilan.“Hayaan mo ako,” bulong ko, at marahang tumango siya, saka umatras ng bahagya.Humarap ako kay Nathaniel. Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mat

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 70

    YslaBago kami matulog ni Nathan, palagi muna kaming nag-uulayaw, walang palya, walang mintis. Parang ritwal na namin iyon tuwing gabi, isang tahimik ngunit maalab na paalala ng koneksyon naming dalawa. Minsan, kahit sa paggising pa lang, lalo na kung nauuna pa kaming magdilat ng mata kaysa sa pagtunog ng alarm, ay inuulit namin ito na parang hindi sapat ang gabi para iparamdam ang init at uhaw ng isa’t isa.Oo, ako mismo ang kadalasang nag-i-initiate. Wala na akong hiya o pag-aalinlangan. Sa dami ng ginagawa ni Nathan para sa akin, sa trabaho, sa tahanan, sa buhay ko bilang kabiyak niya, pakiramdam ko ay iyon lang ang konkretong paraan para maipadama ko ang pasasalamat ko. Iyon ang tanging bagay na kaya kong ibalik sa kanya ng buong loob, ng may kasamang damdamin at hindi lang dahil obligasyon.Hindi naman siya kailanman humiling o nanghingi ng kapalit. Pero bilang asawa niya, gusto ko talagang may naiaambag ako, kahit sa paraang alam kong ako lang ang makakagawa para sa kanya. At hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status