Don't forget to like, comment and gem votes po. Salamat.
NathanNasa opisina ako ngayon, nakaupo sa likod ng desk na tila mas mabigat kaysa karaniwan. Kailangan kong asikasuhin ang ilang mahahalagang bagay na hindi ko pwedeng ipagpaliban, kahit pa ang isip ko’y paulit-ulit na bumabalik kay Ysla.Naiwan siya sa ospital para bantayan si Lola, salamat sa Diyos at ligtas na ito sa kritikal na kondisyon. Ngunit kahit nakalagpas na sa panganib, kailangan pa rin ng matinding pag-aalaga at masusing monitoring mula sa mga doktor.Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok si Damien, dala ang isang folder. Diretsong nilapag niya ito sa ibabaw ng aking mesa.“Sir, may share po talaga si Mr. Borromeo sa kumpanya,” seryoso niyang sambit habang pinapanood akong kunin ang dokumento.Kinuha ko ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang nilalaman. Habang lumalalim ang binabasa ko, unti-unting nabuo ang koneksyon, si Dad. Si Dad mismo ang naging daan upang makabili ng shares si Andres Borromeo.Kumirot ang sintido ko. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng
YslaNasa ospital kami ngayon, at pakiramdam ko'y parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Wala akong ibang magawa kundi sundan ng tingin si Nathan habang pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng pintuan ng emergency room, kung saan kasalukuyang nilalapatan ng lunas si Lola Andrea.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba kaming narito. Tila huminto ang mundo habang naglalaban sa loob ko ang kaba, galit, at awa. Siguro ay hindi na talaga kinaya ng katawan ng matanda ang sunod-sunod na tensyon na binigay ng mag-ama.Napailing na lamang ako habang dumadako ang paningin ko kay Nathaniel, ang ama ni Nathan. Kahit bakas sa mukha nito ang pagkabalisa at pag-aalala, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis o baka galit na rin lalo na at siya ang puno’t dulo kung bakit nangyari ang lahat ng ito.Today was supposed to be Lola Andrea’s 70th birthday. Dapat sana’y masaya kami ngayon na sine-celebrate iyon, nakikipagdaupang palad ang matanda sa kanyang mga kaibigan.Pero h
YslaAno raw? Engaged to be married?Napakunot ang noo ko. Anong kabaliwan na naman ito? Hindi ba’t malinaw na malinaw na tapos na sina Nathan at Blythe? Ano ang iniilusyon ng ama niyang si Nathaniel?Napailing na lang ako habang lihim na pinipigilan ang inis na bumalot sa akin. Kung patuloy na pangungunahan ng matandang iyon ang anak niya, malabo talagang magkaayos pa silang mag-ama. Hindi ba niya alam kung gaano kasalimuot ang emosyon ni Nathan tuwing siya ang usapan?At si Blythe? Gosh, ilang beses na siyang tinanggihan ni Nathan, diretsahan, harapan, walang pasikot-sikot. Pero andito parin siya, nakangiti, umaasa, at parang walang naririnig. Ang tibay ng mukha, ‘ika nga.Nagtama ang mga mata namin ni Nathan sa gitna ng kaguluhan. Hindi pa pwedeng ipagsigawan ang totoo tungkol sa amin, hindi pa panahon. Pero kilala ko siya. Alam kong makakaisip siya ng paraan para pabulaanan ang mga kalokohang binitiwan ng kanyang ama.“Nathaniel, anong kalokohan ‘yan?” singhal ni Lola Andrea. “Baki
NathanPagkarating namin sa hotel ay dumiretso kami ni Ysla sa waiting area kung saan naroon si Lola na nakaupo, nakaayos ang buhok, at may banayad na ngiti sa labi. Sa kabila ng kanyang edad ay nanatili pa rin ang likas niyang karisma. Agad kaming sinalubong ng kanyang mga mata, at bahagyang kumislap ang mga ito nang makita kaming mag-asawa.“Mabuti naman at nakasama ka, hija,” masayang bati ni Lola kay Ysla, at kitang-kita sa kanyang mukha ang saya ng tumayo ito para salubungin kami.“Happy birthday po, Lola,” nakangiting tugon ni Ysla habang marahang yumuko bilang paggalang. Napansin kong pinisil niya pa ang kamay ni Lola, isang simpleng kilos pero puno ng pagmamahal at respeto.Paglingon ko sa direksyon ng pamilya ng aking ama, agad kong napansin ang mabigat na hangin sa paligid nila. Pawang mga nakakunot-noo at halatang pilit ang mga ngiti. Walang nagsalita, pero sapat na ang mga tinginan nila upang iparamdam na hindi nila kami gustong makita, ako man o si Ysla.Napabuntong-hinin
Ysla“Sigurado ka ba na okay lang na magsabay tayo ng punta sa venue?” tanong ko kay Nathan habang nagbibiyahe kami papunta a hotel. Kaarawan ngayon ni Lola Andrea, at sa totoo lang, mas gusto ko sanang sumabay na lang sa matanda. Mas panatag sana ang loob ko kung siya mismo ang kasama ko. Pero ayon sa asawa ko, kasama na raw ng kanyang Lola ang kanyang ama, si Blesilda, at ang kapatid nitong si Nathalie.Napakunot ang noo ko. Kung ako lang ang masusunod, matapos ang huling pagtatalo nilang iyon, hinding-hindi ko na hahayaang makalapit pa ang mga ‘yon kay Lola. Hindi ko alam, o baka ayoko na lang talagang malaman kung ano pa ang kayang gawin ng mga taong ‘yon sa isang matanda.Pero si Nathan, kampanteng-kampante. Aniya, hinding-hindi magagawang saktan ng kanyang ama ang Lola niya. At sa kabila ng lahat, hindi naman talaga umalis ang pamilya sa poder ng matanda. Kahit papaano, kahit konting porsyento lang, napapanatag din ang loob ko sa tiwalang iyon ng asawa ko.Kung meron man magpapa
YslaAng kabang saglit na sumilay sa kanilang mga mukha ay mabilis na naglaho matapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Ngunit sa kabila ng kanilang pilit na pagpapanatili ng composure, hindi ko na naiwasang mapansin ang bahagyang pagkislot ng kanilang mga labi at ang panlalalim ng hininga ni Lizbeth.Mas lalo kong napatunayan na marahil nga ay tama ang hinala ni Nathan, may tinatago sila na tungkol sa akin, at ayaw nilang mabunyag ito. Ngumiti ako, hindi lang basta ngiti, kundi isang ngiting puno ng lambing, kumpiyansa, at bahagyang panunuya. Parang sinasabi ng aking mata, “Alam ko na ang totoo.” Nagpatuloy ako sa pagsasalita, ngunit hindi pinilit kong huwag magpahalata.Kung sakaling tama nga ang tingin namin ni Nathan, hindi ko pwedeng ilantad sa kanila na may alam na ako. Hindi pwede hangga't wala pa akong matibay na katibayan. Sa ngayon, tanging panunukso lamang ang pwede kong maibigay sa kanila. Threat sa vlogging career ni Lizbeth.“Tsaka, hindi naman totoo na maliit ang sah