Pa-add po sa FB: Lovella Novela IWrite
YslaKahit nagkasundo na kami ni Nathan na gawing totoo na ang aming relasyon, na hindi na ito isang palabas lang gaya noong una ay nanindigan pa rin ako sa isa kong kondisyon. Ayokong sumabay sa sasakyan niya tuwing papasok at uuwi galing sa opisina.Ang sarap kaya ng pakiramdam ng nakamotor lang. Presko, mabilis, at para bang may sariling mundo sa gitna ng masikip na trapiko ng BGC. Walang hassle, walang istorbo. Hihinto ka lang kapag may stoplight, at kahit papaano, may kaunting sense of freedom na hindi ko maramdaman kapag nasa loob ako ng kanyang sasakyan na parang masyadong seryoso sa buhay.Sinabihan ko si Nathan na huwag ipagsasabi sa office na mag-asawa na kami. Oo, kasal na kami, pero ayokong maging usap-usapan sa pantry, sa elevator, o sa mga team huddle. Sa akin na manggagaling kapag handa na ako.Natural, hindi siya sang-ayon sa ideya.“Gagawin na nga nating totoo ang pagsasama natin, bakit pa kailangang ilihim?” aniya habang nakakunot ang noo.Pero nagpumilit ako. Ayokon
NathanNatural, nauna na namang umuwi sa akin si Ysla. Gusto ko sanang pigilan siya pero alam ko na hindi rin niya ako susundin.Pagkatapos ng mainit na tagpo namin na 'yon sa boardroom ay napansin kong hindi niya malaman kung saan itutuon ang paningin. Ang damit niyang nahubad ko ay agad niyang dinampot at sinuot.Bahagya pa ngang nanginginig ang kanyang kamay at balak ko sana siyang tulungan ngunit pumiksi siya. Pulang pula ang kanyang mukha. Alam kong daghil iyon sa hiya."Hindi ka pa ba magbibihis?" nagtataka niyang tanong. Marahil ay napansin niya na nanatili lang akong nakatingin sa kanya kaya inayos ko na rin ang sarili ko.Fuck, ang init ng ulo ko dahil sa pamilya ni Dad. Pero dahil sa suportang pinadama niya sa akin ay tuluyan akong kumalma.Ang problema nga lang ay ang ulo ko naman sa baba ang nag-init kaya ayun, naangkin ko siya ng wala sa oras sa ibabaw mismo ng lamesa ng boardroom.Kung pagkatapos kong magalit ay siya naman ang haharapin ko, aba, baka gawin ko ng hobby ang
NathanTahimik. Para akong nasa gitna ng giyera matapos ang unang sigalot, lahat ay alerto, pero walang gumagalaw. Ramdam ko pa rin ang tensyon sa paligid habang nakatitig na ako kay Nathaniel, na halos hindi maitago ang pagkadismaya at galit sa mukha.“Hindi pa tayo tapos, Nathan,” malamig niyang sambit, bago tumalikod. “Ang pagpasok ni Nathalie sa kumpanyang ito ay hindi na isang tanong. Isa na itong dapat mangyari. Kaya ihanda mo na ang sarili mo. Hindi lahat ng laban ay kaya mong ipanalo kahit akala mong hawak mo ang lahat.”At sa isang mabilis na tikwas ng kanyang balikat, tuluyan siyang lumabas ng boardroom. Malakas ang bawat yabag niya, para bang sinusubukang ipabaon sa akin ang kanyang huling salita.Hindi pa man nagsasara ang pinto ay agad na sumunod si Nathalie. Nakataas ang baba, suot ang manipis na ngiting mapanghamon, parang sinasabi niyang magkikita pa kami sa isang mas brutal na round. Hindi ako natakot. Sanay ako sa mga katulad niya, mga taong sumusubok pero hindi kayan
NathanBullshit.Hindi ko na mapigilang mapailing habang pinapakinggan ko ang mga palusot nila tungkol kay Nathalie. Ayaw pa talaga nilang tapusin ang usapan na 'to. gusto ba talaga ng board na makita kung paano ako magalit kapag kinakalaban?Pilit nilang dini-degrade ang kakayahan ng asawa ko. Nagtaka siguro sila kung bakit nandito si ysla gayong ang akala nila ay si Lola lang ang dapat na concern niya.Magaling si ysla at siguradong walang binatbat sa kanya si Nathalie. Ngunit hindi ito tungkol sa potensyal. Hindi ito tungkol sa kompanya. Ito’y malinaw na maniobra para ipasok ang anak niya sa pwesto na hindi naman niya pinagpaguran. At alam kong si Dad, No. Si Nathaniel Del Antonio, kung gusto niyang ipaalala palagi na hindi ko siya ama ang siyang may pakana nito.“She’s my daughter, Nathan. At gusto kong mabigyan siya ng pwesto sa senior management. Hindi ba’t patas lang ‘yon?” tanong niya, habang nakahilig sa upuan at tila may ngiting nanunubok.“Patas?” nilingon ko siya, hinigpita
Ysla“Para saan ang meeting na ‘to?” malamig na tanong ni Nathan matapos makaupo ang lahat sa loob ng boardroom. Ako’y tahimik na nakatayo sa tabi niya, balak sanang manatili roon para huwag makaistorbo. Pero bago pa man ako makapalag, kinumpirma niyang kasama ako at pinalipat niya ng pwesto ang isa sa mga board members at iginiya ako paupo sa tabi niya. Ramdam ko ang gulat at tensyon sa paligid, lalo na mula sa ilang matatandang kasapi ng board.Naramdaman ko ang malamig na tingin na ibinato sa akin ng mag-ina ng tatay ni Nathan. Punong-puno iyon ng panghuhusga na para bang wala akong karapatang naroroon, na isa akong estranghera sa mundo ng mga may kapangyarihan. Pero hindi ko sila pinansin. Wapakels, ‘ika nga. Hindi na bago sa akin ang mapanuring mata. Sanay na ako sa ganitong laban at hindi ko hahayaang matalo ako ngayon.Isa pa, talagang magtataas sila ng kilay dahil hindi naman nila alam na asawa ako ng Chairman nila.“We know you’re busy—” Simula pa lang ng paliwanag ng isa sa m
YslaAno ba itong nangyayari sa akin? Bakit ba lagi na lang akong natatangay sa bawat halik niya? Parang nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko sa tuwing magkalapit kami. Ganito ba talaga ako karupok? O siya lang talaga ang may ganitong epekto sa akin?Kung hindi siya tumigil ay baka hindi lang halik ang nangyari sa amin. Baka... mas malalim pa. Nakakahiya, baka kung ano ang isipin niya tungkol sa akin.Napabuntong-hininga ako habang naupo sa aking upuan. Dinampot ko ang folder na nakapatong sa table sa harap ko at parang automatic na pinaypayan ko ang sarili ko gamit iyon.Pakiramdam ko’y naiwan pa ang init ng kanyang mga labi sa akin, parang apoy na hindi agad napapatay ng tubig. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong tumakbo ng ilang kilometro kahit wala naman akong ginagawa kundi... mahalikan at tumugon.Nang medyo kumalma na ang tibok ng dibdib ko, marahan kong hinawakan ang aking mga labi. Parang gusto kong siguraduhing nangyari nga talaga 'yon. Sinalat ko ito gamit ang aking
YslaAng pinakanaawa ako sa nangyari ay kay Lola Andrea. Seriously, matanda 1na siya para makita pa ang away na ‘yon ng mag-ama.Hindi ko na rin masisisi ang asawa ko dahil pinagtanggol lang niya ako kay Blesilda na hindi ko inasahan na gagawin niya. Pakiramdam ko tuloy ay may bahagi ako sa naging takbo ng pangyayari. Hindi na sana ako nagsalita pa.Buong weekend ay sa bahay ako ni Grace nag-stay at sa office na kinalunesan kami nagkita ni Nathan.Napansin kong seryoso pa rin siya ng hatiran ko ng kape at nagsisimula ng magtrabaho.“May kailangan ka pa?” tanong ko at doon lang siya nag-angat ng tingin.“You really didn’t go home sa buong weekend?” tanong niya. “Why? Dahil ba sa hindi ako tanggap ng sarili kong ama at—”“Wala akong iniisip na ganyan.” Putol ko agad sa gusto niyang sabihin dahil alam ko na hindi naman maganda ang lalabas sa bibig niya. “Nagpaalam ako sayo about this, may ginagawa kami ni Grace.”“Inaalam ko na ang tungkol sa dahilan ng pamilya ng tiyuhin mo kung bakit ni
NathanNaunang umuwi si Ysla at nakapaligo na siya nang dumating ako. Pagkapasok ko pa lang ng bahay, agad kong nakita ang motor niyang nakaparada sa gilid. Napailing ako, muling bumabalik ang inis ko tuwing makita ko ’yon. Paulit-ulit na lang.Kung bakit ba kasi naisipan pa niyang bumili ng motor. Hindi ba niya alam kung gaano ako nababahala tuwing sumasakay siya doon?“Hindi ba pwedeng sumabay ka na lang sa akin papasok at pauwi?” tanong ko habang nasa loob na kami ng sasakyan, sakto namang papasok na kami sa gate nila Lola.“Ha? Naku, hindi. Ang convenient kaya ng nakamotor,” sagot niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nakayuko siya sa cellphone niya, abala sa kung anuman ang binabasa o tinitingnan niya roon. Hindi ko mapigilang mapakunot-noo. Ano bang meron at sobrang tutok siya?“Ayan ka na naman. Tapos kapag nainis ka kay Lizbeth, ako ang nadadamay sa init ng ulo mo,” reklamo ko habang iniikot ko ang manibela papunta sa garahe para i-park ng maayos ang kotse.“Anong ida
“Malakas lang po ang kutob ko, Sir. Sa ganitong pagkakataon, hindi ko kailanman iniisangtabi ang nararamdaman ko, lalo na kapag naghahanap ako ng kasagutan at katotohanan sa isang bagay na sa tingin ko ay may malalim na kahulugan.”Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko siyang magpatuloy. Gusto kong marinig ang lahat, buo at walang putol. Ang tono ng boses ni Damien ay puno ng paninindigan at kumpiyansa.“Nang magpunta ako sa cottage ni Miss Ysla sa Batangas, agad kong sinuri ang buong silid. Doon ko nakuha ang mga camera na palihim na nakahanda at naka-install sa kuwarto kung saan siya iniwan ni Arnold.”Napakunot ang noo ko. “Paano kung hinahanap na nila ang mga camera na ‘yon?” tanong ko na may bahid ng kaba sa tinig. “Pwedeng may idea na sila sa ginagawang imbestigasyon.”“Wala po kayong dapat na ipag-alala,” mabilis niyang sagot. “Kinausap ko na mismo ang may-ari ng resort. Sinigurado kong walang impormasyon ang lalabas. Hindi ko na rin agad sin