ВойтиYsla
Pagdating namin sa mansyon ni Lola Andrea, sinalubong kami ng isang masarap na tanghalian. Pinili naming kumain muna bago pumunta sa silid kung saan siya nagpapahinga. Sa kabila ng tila eleganteng ambiance ng bahay, may hindi maipaliwanag na tensyon sa paligid, lalo na sa ekspresyon ni Nathan.
Pagpasok namin sa silid, hindi ko naiwasang mapatigil sa paghakbang. Para akong natulala sa nakita ko, ang matanda na tinutukoy ni Nathan bilang kanyang lola. Ngunit hindi lamang ako ang nabigla. Kita sa mukha ng lola ni Nathan ang gulat bago ito napalitan ng isang matamis na ngiti.
“She’s your wife?” tanong ng matanda, hindi inaalis ang tingin sa akin. Titig na titig siya na tila sinisiguro kung tama ba na ako ang nakikita niya.
“Yes, Lola. Why? Is there something wrong?” sagot ni Nathan, halatang naguguluhan sa naging reaksyon ng matanda. Kita sa mukha niya ang bahagyang pag-aalala, at sa loob-loob ko, siguradong kung anu-anong masamang bagay na naman ang naiisip niya tungkol sa akin.
“I met her before,” sagot ng matanda na may ngiti sa mga labi. “And I like her. Salamat, apo, dahil siya ang napili mong maging asawa.”
Parang nabunutan ng tinik ang aking dibdib nang makita ang kagalakan sa mukha ng matanda. Bakas sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Para ngang gusto pa niyang bumangon mula sa pagkakahiga upang lalo akong makita nang malapitan.
Agad akong lumapit sa kanya at naupo na sa kama sa kanyang tabi. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay, animo'y may iniisip siyang malalim na alaala.
“Kamusta ka, hija?” tanong niya nang may pag-aalalang lambing.
“Okay naman po,” nakangiti kong sagot habang marahan kong hinaplos ang likod ng kanyang kamay.
“Sinabi ko na sa’yo noon na hindi kayo magkakatuluyan ng kasintahan mo. Naniniwala ka na ba sa akin ngayon?”
Natawa ako sa sinabi niya, at lalo pang lumalim ang tawa ko nang marinig ko ang mahina niyang halakhak. Kahit pa may kahinaan na ang kanyang katawan, dama ko ang kasiglahan niya sa aming usapan.
“Siguro nga po, dahil iba ang nangyari. Nakilala ko si Nathan,” sagot ko nang may malalim na kahulugan. Ramdam ko ulit ang marahang pagpisil niya sa aking kamay, tila may nais iparating na hindi ko pa lubos na nauunawaan.
“Pakiramdam ko ay lumakas ako, apo,” wika niya kay Nathan na noon pa man ay tahimik lamang na nakikinig sa aming dalawa.
“Mabuti naman po kung ganoon, La.” Napatingin ako kay Nathan. Para akong nabigla sa kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. Isang ngiti na hindi ko nakita sa kanya simula ng umagang magising ako sa cottage niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip... may kakayahan palang ngumiti ang lalaking ito?
“Masayang-masaya ako, apo. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kay Ysla, pero pakiramdam ko ay napapagod na ako.” Unti-unti nang bumibigat ang kanyang mga mata, halatang dinadala na siya ng antok.
“No problem, La. Magpahinga na muna kayo,” sagot ni Nathan bago hinawakan ng matanda ang aking kamay at pinisil ito nang mahina.
“My dear, Ysla. Sana ay dalasan mo ang pagbisita rito kasama si Nathan.”
“Huwag ho kayong mag-alala. Ako mismo ang hihila sa kanya papunta rito kung sakaling tamarin siya,” biro ko, dahilan upang mapangiti ang matanda. “Pero sigurado akong hindi ko na kailangang gawin iyon, dahil mahal na mahal kayo ni Nathan.”
“I know, dear. I know.” Mahina na ang boses ng matanda, unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata. Sinabi ng nurse kanina na kakatapos lang niyang uminom ng gamot, kaya siguro mabilis siyang inantok.
Nang tuluyan na siyang makatulog, niyaya ako ni Nathan na lumabas ng silid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang tahimik ngunit marangyang paligid ng mansyon. Napag-alaman kong dito rin nakatira ang kanyang stepmother at half-sister, ngunit hindi ko pa sila nakikilala.
“Let’s go to the living room,” sabi ni Nathan habang patuloy kaming naglalakad.
Tumingin ako sa kanya bago sumunod. Pagdating sa sala, pinaupo niya ako. “Sit down.”
Sumunod ako kahit may bahagyang pag-aalinlangan. Nang bigla siyang tumabi sa akin, nakaramdam ako ng kaunting pagkailang ngunit hindi ko ito pinahalata.
“Kagaya ng sinabi ko sa’yo sa sasakyan kanina, kasama ni Lola sa bahay na ito ang aking stepmother at half-sister. Pati na rin ang ama ko, pero wala siya ngayon sa bansa.”
“Kailangan ko rin ba silang pakisamahan?” tanong ko.
“Si Lola lang ang kailangan mong intindihin. But I have to warn you, ibang klase si Blesilda.”
“Blesilda?” tanong ko, tila inuulit upang tandaan ang pangalan.
“My stepmother.”
“How about your half-sister?”
“She’s fine, pero ini-spoil ni Blesilda.”
Napakunot ang noo ko. Iyon lang ba? Wala nang iba pang detalye? Ano kaya ang ibig sabihin niya?
“Madalas wala si Dad dito, kagaya ngayon, kaya wala ka rin dapat alalahanin tungkol sa kanya. Pero kagaya ni Blesilda, iba rin ang ugali niya.”
Magtatanong pa sana ako nang biglang may nagsalita mula sa entrance door.
“And who are you?” matigas ang boses ng isang ginang na halatang may istriktang personalidad. Katabi niya ang isang dalagang sa tingin ko ay mas bata sa akin.
“Mabuti at dumating na kayo,” sagot ni Nathan sabay tayo mula sa pagkakaupo. Dahil nakatayo silang lahat, napilitan na rin akong tumayo.
“Siya si Ysla,” diretsong sabi ni Nathan. “Madalas siyang pupunta rito para kay Lola, kaya ayaw ko nang makarinig ng kung ano-ano o may gumawa sa kanya ng hindi maganda.”
Ramdam ko ang awtoridad sa kanyang boses. Kita ko rin ang pagtataka sa mukha ng dalawang babae, ngunit mabilis na nakabawi ang mas batang dalaga.
“Okay, Kuya Nathan. Walang problema,” nakangiti ang dalaga, ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang kung anong laman ng kanyang isip.
“Mabuti kung gano’n,” tugon ni Nathan bago bumaling sa akin. “Ysla, siya si Blesilda at Nathalie.”
Tumango lang ako bilang pagbati. Wala naman akong kailangang pakisamahan maliban kay Lola Andrea, ayon sa aking ‘contracted husband,’ kaya hindi ko na inisip pang magpakitang-gilas sa kanila.
“Aalis na kami. Make sure na maayos ang lagay ni Lola sa lahat ng oras. Nag-hire ako ng isa pang nurse para may kapalitan siya ngayon. A new doctor will also be coming over from time to time.”
“Okay, hijo. Ako na ang bahala kay Mama.”
“Donya Andrea. You address her as Donya Andrea because you’re not her daughter,” malamig na sagot ni Nathan. Halatang napahiya ang ginang, ngunit wala akong balak makialam sa kanila.
“Sige na, Kuya Nathan. Baka may kailangan ka pang puntahan,” malambing na sabi ni Nathalie.
Tumango si Nathan at saka ako nilingon na tila sinasabi sa akin na "halika na".
Putik ‘yan. Hindi ba siya pwedeng magsalita nang maayos? Ano bang klaseng asawa ang meron ako?
YslaPatuloy kami sa kwentuhan ni Grace at kahit na nasa opisina si Nathan ay hindi naman niya nakakalimutan na i-text ako mayat-maya. Busy daw siya, pero gusto niya na maramdaman niya na kasama niya ako kahit wala siya through messages.“Love na love ka talaga ni Nathan ha, I’m sure hindi rin siya mapakali at gusto nang umuwi para makita ka.” May halong panunukso ang pagkakasabi ni Grace. Syempre pa, kinilig naman ako.Napahawak ako sa aking tiyan na agad niyang napansin. “Excited ka na ba?”“Oo. Hindi ko na mahintay ang paglabas niya sa mundo.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa biglang pagpasok ni Nathan sa isip ko.“Grabe ang nangyari sa inyo ng baby mo. Talagang sobrang salamat sa Diyos. Siguro yung kaba ni Nathan habang pinagmamasdan ka niya sa hospital na walang malay ay sobrang lakas.”“Kaya nga. Ngayon, hindi lang ang kumpanya niya at ang Cheatime ang kailangan niyang harapin. Pati ang pagsampa ng kaso sa pagkakaaksidente ko ay nadagdag na rin sa dal
YslaIlang araw pa akong nanatili sa ospital bago tuluyang pinayagang umuwi. Sa wakas, nakahinga rin ng maluwag si Nathan. Pero kahit na naka-discharge na ako, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya. Halos ayaw niya ngang ilayo ang katawan niya sa akin ng higit sa tatlong hakbang. Para siyang sariling personal bodyguard na talagang bantay-sarado.Kasalukuyan kaming nasa lanai at nag-aalmusal. Maaliwalas ang hangin, malamig pa kahit sumisikat na ang araw. Naririnig ko mula sa loob ang tahimik na paggalaw ng mga katulong, at si Lola Andrea, sa awa ng Diyos ay nasa kanyang silid pa rin, malakas pa rin at paminsan-minsan ay nagpapatawag kung gusto niyang makibalita sa lagay ko.“May trabaho ka pa,” sabi ko habang naglalagay ng butter sa tinapay ko. “Kawawa naman si Damien. Baka mamaya tuluyan nang hindi magka-love life ‘yon dahil ikaw ang unang taong hinahanap niya araw-araw.”Tumigil si Nathan sa pagbabalat ng orange at tiningnan ako na parang sinasaktan ko siya emotionally. “Bakit pa
YslaPakiramdam ko ay parang binuhusan ng tingga ang buong katawan ko—mabigat, nananakit, at para bang may kung anong humihila pabalik sa pagkakahiga ko. Pero nang marinig ko ang boses ni Nathan, ‘yong paos pero pamilyar na timbre na kay tagal kong nakasanayan, bigla akong parang umangat mula sa kailaliman. Nang maramdaman ko pa ang kamay niya—mainit, magaan, pero nanginginig nang kaunti—para bang gumaan ang lahat ng hindi ko maipaliwanag.Pero nang tuluyan kong makita ang mukha niya… doon ako nilamon ng lungkot.Pumayat ang pisngi niya, halos lumiit na parang hindi kumain nang isang buwan. Nangangalumata, nangingitim ang ilalim ng mata, at ang facial hair niya—dati ay laging trim at malinis—ngayon ay halos parang balbas ng isang taong nakipagsuntukan sa pagod. Para siyang nagbantay ng ilang gabi nang hindi umuuwi. At alam kong ako ang dahilan.Hindi ko isinatinig ang kahit isang napansin ko. Ayaw kong maramdaman niyang iyon agad ang nakita ko pagkadilat ko pa lang. Kahit hindi niya sa
NathanDahan-dahan kong minulat ang aking mga mata dahil sa banayad na paghagod sa ulo ko. Hindi agad sumagi sa isip ko kung gising ba ako o nananaginip pa. Magaan ang haplos at masyadong pamilyar para balewalain, pero masyado ring imposible para paniwalaan nang agad-agad.Sa loob ng ilang segundo, hindi ko muna tuluyang inangat ang aking tingin. Nanatili lang akong nakayuko, nakasubsob sa braso ko, habang pilit kong iniintindi kung totoo ba ang nararamdaman ko.Parang may mabigat na buhol sa dibdib ko na unti-unting humihigpit. Hindi ko alam kung matatakot ba ako… o iiyak… o tatakbo papalayo dahil baka isa lang itong malupit na ilusyon na gawa ng pagod at pag-aalala.Tumigil ang kamay.At sa pagtigil na iyon, may bahagyang pag-atras, parang natakot ang kamay na iyon na baka nagising ako.Doon mas lalo akong napahigpit ng kapit sa emotion ko, half terrified, half hopeful. Ang daming sensasyon ang sabay-sabay na umatake: Kaba na parang bubulusok palabas ang puso ko na may halong pag-a
NathanAgad kong pinindot ang maliit na button na nasa kanang side ko para tumawag sa nurse's station. Halos nanginginig pa ang daliri ko, parang doon nakasabit ang huling piraso ng pag-asa ko. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pintuan ng silid, kasunod ang mahinang tunog ng malamig na hangin mula sa hallway.“Mr. Del Antonio, may nangyari po ba?” tanong ng nurse, halatang nagulat sa ekspresyon ko.Tinignan ko siya at itinuro ang kamay ni Ysla na ngayon ay mahigpit pa ring nakahawak sa akin na mas mahigpit kaysa kanina, na para bang may desperasyon na gusto niyang iparating.“I'll call her doctor.” Pagkasabi ay agad na umalis ulit ang nurse. Halata ang pagmamadali sa bawat hakbang niya, para bang ramdam din niya na maaaring ito na ang pinakahihintay naming senyales.“Hey, Ysla. It's me, Nathan…” bulong ko, halos pumipigil sa panginginig ng boses. Lumapit ako nang kaunti, inilapit ang mukha ko sa kanya na para bang mas maririnig niya ako kung mas malapit ako. Naghintay ako saglit at
Third PersonHabang nagkakagulo sa social media dahil sa pagkakadakip kay Blythe Borromeo na kinikilalang magaling na designer at sa mag-amang Sandro at Lizbeth ay nasa hospital pa rin si Nathan at nagbabantay sa asawa.Ilang araw nang walang malay si Ysla at ang tanging pag-asang meron si Nathan ay ang ilang beses na nakita niyang gumalaw ang kamay nito. Bukod doon ay wala na.Sa kabila non, hindi pa rin sumusuko si Nathan pati na ang doktor ni Ysla naniniwala na muling magigising ang babae.“My love,” sabi ni Nathan habang pinupunasan ang kamay ng asawa. “‘Yan na ang itatawag ko sayo lagi para hindi mo makalimutan. Kung ayaw mo pang gumising ay okay lang, magpahinga ka muna.”Muntik ng pumiyok si Nathan kaya kailangan niyang tumigil sa pagsasalita. Ayaw niyang marinig siya ni Ysla na umiiyak lalo nakaratay pa ito. Hindi niya gustong pag-alalahanin pa ang asawa. “Habang nandito ka, ginagawa ko na ang lahat upang mahuli ang lahat ng may kagagawan nito sayo. Pangako ko sayo na hindi ako







