Ysla
Wala na akong nagawa kundi makipagkasundo kay Nathan. Kailangan niya ng asawa na maipapakilala sa kanyang lola, at ako naman ay kailangan kong ibangon ang aking puri, pati na rin ang sarili kong buhay.
Wala na akong ibang matatakbuhan. Kailangan kong makaalis sa poder ni Tito Sandro bago pa tuluyang malunod ang sarili ko sa pait ng paninirahan doon.
Isa pa, tumugma sa akin ang kasabihang, "Kung saan ka nadapa, doon ka bumangon." Masakit mang aminin, pero totoo. Nakita na ni Nathan ang lahat-lahat sa akin.
Ang buong katawan ko at hindi ko man alam kung ano ang mga nasabi ko ng gabing 'yon, sapat na ang narinig ko mula sa T.V. upang makaramdam ng sobrang kahihiyan. Sa puntong ito, hindi ko na kayang isipin na may ibang lalaking hahawak pa sa akin.
Sa kabila ng lahat, hindi ko rin maitatanggi na may kung anong kakaiba sa lalaking pinakasalan ko. Hindi siya basta-basta. Ang paraan ng kanyang pagdadala sa sarili, ang tikas ng kanyang tindig, at ang paraan ng kanyang pananalita, lahat iyon ay nagpapatunay na may mataas siyang pinag-aralan at may malalim na pinagmulang pamilya.
Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit, kahit papaano, pasok na pasok na siya sa banga. Hindi ko akalaing darating ang araw na mag-iisip ako ng ganito tungkol sa isang lalaki, lalo na sa isang estrangherong napilitan kong pakasalan.
“Didiretso tayo sa bahay ni Lola,” malamig na sabi ni Nathan matapos kong umayos ng upo sa kanyang tabi at nagsimula ng umandar ang sasakyan.
Bahay ni Lola. Parang title ng isang horror film.
"Okay," sagot ko nang hindi siya nililingon. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana at sinsikap mag-isip sa kung ano ang kahihinatnan ko pagkatapos nito.
Bago tuluyang mawala sa paningin ko ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng maraming taon, nilingon ko pa ito sa huling pagkakataon. Isang iglap lang, ngunit sapat para balikan ang lahat ng sakit at hinanakit na naiwan ko roon.
Galit ako.
Galit na galit.
Mula noong namatay ang aking mga magulang noong ako ay limang taong gulang pa lamang, napilitan akong manatili sa pamilya ni Tito Sandro. Sa takot na hindi ako tanggapin, sinikap kong maging mabuting pamangkin. Masunurin, walang reklamo, laging nagpapakabait. Pinaniwalaan ko na bahagi ako ng kanilang pamilya, at sa mahabang panahon, nagawa nila akong lokohin sa kanilang pagbabalatkayo.
Itinuon ko sa kanila ang buong mundo ko. Sila ang naging prioridad ko, sapagkat naniwala akong tinatrato nila ako ng mabuti. Pinag-aral nila ako, binigyan ng matutuluyan at mga bagay na ipinagpapasalamat ko noon.
Pero pagkatapos ng lahat ng narinig ko... pagkatapos ng mga nalaman ko...
Sigurado akong ang lahat ng kabutihang ipinakita nila sa akin ay isa lamang malaking pagpapanggap. Isang ilusyon na hinayaan kong yakapin ko nang buong-buo.
Ang tanong ay bakit?
Bakit nila ginawa iyon? Ano ang dahilan sa likod ng lahat ng pagpapanggap na iyon?
Malalaman ko rin. Hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi ko natutuklasan ang sagot.
Ngunit sa ngayon, may mas mahalaga pa akong dapat pagtuunan ng pansin. Kailangan ko munang harapin ang kasunduan namin ng lalaking tahimik na nakaupo sa tabi ko.
At simula ngayon, wala nang atrasan.
“I would like to remind you about our contract.”
Lumingon ako nang marinig ang malamig at seryosong tinig ni Nathan. Ang matigas na guhit ng kanyang mukha at ang matalim niyang tingin ay nakatutok sa akin, waring binibigyang-diin ang bigat ng kanyang mga salita.
“Titira ka kasama ko sa iisang bahay. Hindi kailangang malaman ninuman na mag-asawa tayo, maliban kay Lola,” patuloy niya, walang bahid ng emosyon.
Pinilig ko ang ulo ko at bahagyang tumawa nang mapakla. “Alam ko na ‘yan.”
“Hindi mo ako pakikialaman sa mga ginagawa ko, lalo na sa trabaho ko. Gano’n din naman ako sa’yo. But, if you need anything, para lang maiwasan ang masira ang pangalan ko, you are free to come to me and ask for help.”
Napairap ako. “I hope that never happens.” Totoo naman, napaka-akala mo kung sino! Hmp!
Hindi ko namalayan ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga bago siya muling nagsalita. “Once Grandma dies, we’re over.”
Mas matindi pa sa hampas ng hangin ang pagkakapukpok ng katotohanang iyon sa akin. Parang wala lang sa kanya, parang isang kontrata lang talaga ang lahat.
“Got it,” sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Dumilim ang tingin niya, tila pinapakiramdaman kung may sasabihin pa ako. Pero sa halip, isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago tuluyang bumaling palayo.
“And don’t ever fall in love with me.”
Napangisi ako nang mapait. Kayabangan! Akala niya siguro lahat ng babae mahuhulog sa kanya. Matapos ang nangyari sa amin ni Arnold? Maniniwala pa ba ako sa pag-ibig?
“Hindi ko na rin gustong ma-in love pa, so rest assured. Kung makaramdam ako ng kakaiba, ako na mismo ang lalayo. Hindi ko pa kukunin ang compensation na ibibigay mo at the end of the contract.”
Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. “Mabuti na ang malinaw. Ang unang beses na nangyari sa atin ay hindi na kailangang masundan. Unless hilingin ni Lola na magka-apo sa tuhod. But as stated in our contract, as much as possible, no kids.”
Napalunok ako. Mga bagay na hindi ko pa lubusang pinag-iisipan ay tila biglang bumagsak sa harapan ko. Hindi ako agad nakasagot. Pero nang magtagpo ulit ang mga mata namin, naramdaman ko ang pangangailangan kong ipaglaban ang sarili ko.
“If I ever get pregnant at wala na ang lola mo, aalis akong kasama ang anak ko.”
Saglit siyang natigilan bago mabagal na ngumisi. Isang ngising alam kong may iniisip na naman siyang kung ano. Ayaw kong mabigyan siya ng maling ideya kaya pinutok ko na agad ang lobong nagsisimula nang lumobo sa utak niya.
“Hindi ko siya gagamitin para sa pera mo. Kung gusto mo, gumawa ka na rin ng prenuptial agreement. Isama mo na na walang mahahabol ang anak ko kung sakali. May tiwala ako sa sarili at hindi ako tamad kaya alam ko na kaya kong buhayin ang sarili kong anak.”
Unti-unting nawala ang ngisi niya. Napalitan iyon ng matinding seryosong ekspresyon, tila sinusukat ang sinseridad ng sinabi ko.
“Kung ganon, iwasan natin ang magkaroon ng anak.”
Napakuyom ang mga palad ko. Ang kapal talaga ng mukha niya! Para bang siya pa ang agrabyado? Sa panahon ngayon, ibang klase na talaga ang mga lalaki.
Dahil sa sinabi niya, mas lalong tumibay ang desisyon ko. Kailangan kong magtrabaho. Hindi ako dapat umasa sa kanya dahil alam kong wala akong mapapala.
Napag-usapan na namin ito ngunit talagang pinaulit-ulit pa niya ngayon.
NathanTahimik ang pasilyo ng ICU nang ihatid ako ng nurse. Tanging tunog lang ng makina at mahihinang yabag ng mga nagmamadaling doktor ang bumabalot sa paligid. Sa bawat hakbang ko, mas lalong bumibigat ang dibdib ko na para bang may nagbabantang pwersa na gustong pumutol sa hininga ko.“Mr. Del Antonio, hanggang sampung minuto lang po muna ang pahintulot,” sabi ng nurse, sabay bukas ng pinto.Tumango lang ako, halos hindi ko na marinig ang sinasabi niya.Pagkapasok ko, parang gumuho ulit ang mundo ko.Nandoon si Ysla, nakahiga sa kama na para bang hindi siya ang babaeng masayahin at puno ng sigla na nakilala ko. May benda sa ulo, tubo sa bibig, mga aparatong nakakabit sa katawan niya, at makina na nagbabantay sa bawat tibok ng puso niya. Ang mahinang beep... beep... ay tila ba musika at sumpa sa iisang tunog.Lumapit ako dahan-dahan, nanginginig ang kamay ko habang hinawakan ang malamig niyang daliri. “Ysla...” bulong ko, mahina, puno ng takot.Naupo ako sa gilid ng kama, halos map
Nathan“Hello,” sagot ko nang itapat ko ang cellphone sa tainga. Hindi ko sana sasagutin dahil hindi naka-save ang numero sa akin, ngunit landline 'yon.“Is this Mr. Nathan Del Antonio?”“Yes,” maikli kong tugon..“Nurse po ako sa Lanuza Medical Hospital po ito.” Ramdam kong tumigil ang mundo ko nang marinig ang pangalan ng ospital; bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kumakalam sa dibdib. “Nandito po ngayon si Ms. Ysla Caringal at nasa kritikal na kondisyon—”Parang bumuhos ang lahat nang sabay-sabay. Hindi ko na narinig ang susunod na sinabi ng babaeng nasa kabilang linya; naghalo-halo ang pumapasok sa isipan ko: Ysla. Kritikal. Ysla. Kritikal. Umiikot ang ulirat ko. Ang mga salita ng nurse ay naging tinig na malabong nagmumula sa malayo.Bigla akong nanlumo. Humahaba ang mga sandali, ang oras ay tila nag-inat. Nasa bahay na ako; nasa loob pa rin ng kwarto ni Lola nang tanggapin ko ang tawag. Hindi ko alam kung paano ako nakapagpaalam, isang makahina, maigsi na “Lola, aalis muna
Third PersonMasaya ang pagla-livestream ni Ysla. Ang kanyang ngiti ay hindi mapawi, at sa bawat awit na lumalabas sa kanyang labi ay ramdam ng lahat ng nanonood ang saya at husay niya. Sa bawat minuto, dumarami ang nanonood, at walang tigil ang pagbuhos ng moon gifts. Ang screen ay kumikislap sa dami ng nagdo-donate, tila ba nagsasayaw ang mga icon ng buwan kasabay ng kanyang tinig.Pinakamasaya sa lahat ay ang kaibigan niyang si Grace, na nakaupo sa di kalayuan sa kaniya, hindi mapigilan ang matuwa sa nakikita.“Grabe, my bestfriend,” bungad nito ng matapos ang streaming, kumikislap ang mga mata. “Talagang hindi na paawat ang mga followers mo! Kahit sina Mommy ay natutuwa sa nangyayari sa page natin. Aba, hindi ko na siya naririnig na pinipilit akong lumabas ng bahay.”Natawa si Ysla sa sinabi ng kaibigan. Sa totoo lang, ilang beses na niyang narinig ang kwento kung paano madalas pagsabihan si Grace ng mga magulang nito dahil mas pinipili nitong manatili sa silid at mag-edit ng kani
Third Person“Isoli mo ang binayad ko sa’yo kung ayaw mong lumiit ang mundo mo!” malamig ngunit puno ng pagbabanta ang boses ni Mr. Bustamante sa kabilang linya.“Mr. Bustamante, nagkabayaran na tayo at—” pilit na paliwanag ni Sandro, nanginginig pa ang kamay habang hawak ang cellphone.“Wag mo akong subukan, Dela Peña!” singhal ng matandang negosyante. “Alam mong niloko mo ako. Hindi pala sa’yo ang share. Huling sabi ko na ito sa’yo.” At bago pa makapagsalita si Sandro ng depensa, basta na lang pinatay ni Mr. Bustamante ang tawag, iniwan siyang nakatulala at nanggagalaiti.“Bwisit!” napasigaw si Sandro sabay hampas ng kamao sa mesa. Umuga ang basong nakapatong malapit lang sa kanya kaya medyo natapon pa ang lamang tubig. Nagsisimula ng magtawagan ang mga negosyanteng pinagbentahan niya ng shares at ari-arian ni Ysla. Isa-isa nilang binabawi ang mga bayad, at ramdam niya ang unti-unting pagguho ng mundong akala niya’y hawak niya sa leeg.“Paano na tayo, Dad?” umiiyak na tanong ni Lizb
Nathan“Sir, nai-file na ang lahat ng kaso. Handa na rin si Atty. Rafael at ang hearing na lang ang hinihintay,” maingat na ulat ni Damien habang iniaabot sa akin ang folder ng mga dokumento. Kita ko ang bakas ng pagod sa kanyang mukha, ngunit mas nangingibabaw ang determinasyon doon.Tumango ako at bahagyang lumuwag ang pagkakakrus ng mga braso ko. “Kung ganon, may kailangan pa ba tayong gawin? May dapat ba tayong paghandaan bukod sa hearing?”Sandaling nag-isip si Damien bago muling nagsalita. “Ang bilin ni Atty. Rafael ay mag-ingat si Ma’am Ysla. Hindi raw natin alam ang mga galaw ni Sandro. Kapag gipit ang isang tao, kahit imposible ay gagawa ng paraan. Mas mabuti raw na lagi tayong nakabantay.”Bahagya akong napatingin sa labas ng aking opisina kung saan tanaw ang mga nagtataasan din na mga building. Naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad. “Tama siya,” mahina kong sagot, saka muling bumaling k
Nathan“Pupunta ako sa bahay nila Grace, may schedule ako ng live streaming para sa masked singer,” aniya habang abala sa pagscroll sa kanyang cellphone. Kita ko sa mukha niya ang halo ng excitement, talagang pagdating sa pagkanta ay nagkakaroon ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata.“Magtatagal ka ba?” tanong ko habang palapit ako sa kanya, kahit ang totoo ay gusto ko lang malaman kung hanggang anong oras ko siya hindi makikita. Galing ako sa silid ni Lola para kamustahin and I'm glad na maayos naman ito. Higit na masigla lumpara sa karaniwan.“Uuwi din ako agad pagkatapos,” tugon niya, bahagyang ngumiti pero agad ding nagseryoso. “And please, stop sending me moon gifts.”Napataas ang kilay ko. “Alam mo naman na kaligayahan ko na iyon kaya ‘wag mo na akong pagbawalan pa,” sagot ko na may kasamang buntong-hininga. Ewan ko ba sa kanya kung bakit palagi pa niya akong sinasaway tungkol sa bagay na ‘yon, gayong alam naman niyang hindi ako magpapaawat. Para bang isang bata na pinagkakai