Share

Chapter 85

last update Huling Na-update: 2025-10-22 12:33:00

Third Person

Tumayo si Sandro sa gilid ng sala, nakapikit sandali habang umasang lumalamig ang boses niya. Nang muling magsalita, mabigat at may halong pagbabanta ang tono. “Sabihin mo na wala kang kinalaman sa ginawang iyon ni Blythe kay Ysla.” Madiin ang salita, ngunit kontrolado, may tinatagong pangamba sa ilalim ng galit.

Kumalat na ang balita tungkol sa orchestrated accident na kinasangkutan ni Ysla; ang mga pulis ay nagsagawa na ng imbestigasyon at nahuli na raw si Blythe. Tila naubusan ng dugo sa katawan si Lizbeth at namutla ang mukha ng marinig ang sinabing iyon ng ama. Kitang-kita sa mata niya ang pag-aalangan.

Nag-aalala si Sandro hindi lang dahil sa pangalan na nabanggit, kundi dahil alam niyang nagkita sina Lizbeth at ang babaeng sangkot. Kaya hindi siya mapalagay hanggat hindi sinisiguro ng anak na wala itong kinalaman doon.

Tumango si Lizbeth nang pilit niyang hinahanap ang pagkakabalanse ng boses. “Ano naman ang magiging papel ko doon?” Mabilis ang mga salita, sinusubu
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lissa Yanto
thanks sa update
goodnovel comment avatar
Evelyn Roque
thank you po sa update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 85

    Third PersonTumayo si Sandro sa gilid ng sala, nakapikit sandali habang umasang lumalamig ang boses niya. Nang muling magsalita, mabigat at may halong pagbabanta ang tono. “Sabihin mo na wala kang kinalaman sa ginawang iyon ni Blythe kay Ysla.” Madiin ang salita, ngunit kontrolado, may tinatagong pangamba sa ilalim ng galit.Kumalat na ang balita tungkol sa orchestrated accident na kinasangkutan ni Ysla; ang mga pulis ay nagsagawa na ng imbestigasyon at nahuli na raw si Blythe. Tila naubusan ng dugo sa katawan si Lizbeth at namutla ang mukha ng marinig ang sinabing iyon ng ama. Kitang-kita sa mata niya ang pag-aalangan.Nag-aalala si Sandro hindi lang dahil sa pangalan na nabanggit, kundi dahil alam niyang nagkita sina Lizbeth at ang babaeng sangkot. Kaya hindi siya mapalagay hanggat hindi sinisiguro ng anak na wala itong kinalaman doon.Tumango si Lizbeth nang pilit niyang hinahanap ang pagkakabalanse ng boses. “Ano naman ang magiging papel ko doon?” Mabilis ang mga salita, sinusubu

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 84

    Nathan“Mr. Del Antonio, sa ngayon, masasabi ko na ligtas na sa kritikal na kalagayan si Mrs. Del Antonio. Ngunit hindi pa rin tayo maaaring makampante. Hindi pa siya nagsasalita at saglit na saglit lang ang naging pagdilat niya.”Mahigit apatnapu’t walong oras na ang nakalipas at kakalabas lang ng doktor nang bigla kong mapansin na gumalaw ang mga pilik-mata ni Ysla. Agad akong napatayo, halos tumilapon ang upuang kinauupuan ko, at mabilis ko siyang tinawag pabalik.Ngunit gaya ng sinabi ng doktor, sandali lang iyon. Dumilat siya, oo, pero ni hindi niya ako tinignan kahit na paulit-ulit kong binanggit ang pangalan niya. Para bang wala akong halaga sa paningin niya. Nakatingin lang siya sa kisame, walang ekspresyon, bago muling pumikit na para bang napagod lang sa paghinga.“Pero... dumilat na siya,” halos pabulong kong sabi, pilit na kumakapit sa maliit na pag-asang iyon.“Hindi pa rin ibig sabihin non ay magaling na siya,” mahinahon ngunit matatag na paliwanag ng doktor. “Maraming d

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 83

    Nathan“Sir.”Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Damien na nakatayo sa may pintuan ng pribadong silid kung nasaan si Ysla. Halos hindi ko na namalayang gabi na pala. Ang ilaw sa kwarto ay maputla at malamlam, at tanging tunog lang ng makina ang maririnig, sumasabay sa bawat mabagal na tibok ng puso ko.Hanggang ngayon, halos apatnapu’t walong oras na ang lumipas, at hindi pa rin siya nagigising. Magdadalawang araw na akong halos hindi natutulog, nakaupo rito, hawak ang kamay niya.Bawat oras, umaasa akong kikilos siya, na bubukas ang mga mata niya, na tatawagin niya ulit ang pangalan ko. Pero tahimik pa rin siya. Para siyang natutulog sa pagitan ng buhay at kamatayan, at ako naman ang nakakulong sa bangungot na hindi ko matakasan.“Any news?” tanong ko nang tuluyan na siyang makalapit. Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko, habang pinagmamasdan si Ysla, ang maamong mukha niya na ngayon ay maputlang-maputla, ang labi niyang halos walang kulay.Hinaplos ko ang kamay n

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 82

    NathanTahimik ang pasilyo ng ICU nang ihatid ako ng nurse. Tanging tunog lang ng makina at mahihinang yabag ng mga nagmamadaling doktor ang bumabalot sa paligid. Sa bawat hakbang ko, mas lalong bumibigat ang dibdib ko na para bang may nagbabantang pwersa na gustong pumutol sa hininga ko.“Mr. Del Antonio, hanggang sampung minuto lang po muna ang pahintulot,” sabi ng nurse, sabay bukas ng pinto.Tumango lang ako, halos hindi ko na marinig ang sinasabi niya.Pagkapasok ko, parang gumuho ulit ang mundo ko.Nandoon si Ysla, nakahiga sa kama na para bang hindi siya ang babaeng masayahin at puno ng sigla na nakilala ko. May benda sa ulo, tubo sa bibig, mga aparatong nakakabit sa katawan niya, at makina na nagbabantay sa bawat tibok ng puso niya. Ang mahinang beep... beep... ay tila ba musika at sumpa sa iisang tunog.Lumapit ako dahan-dahan, nanginginig ang kamay ko habang hinawakan ang malamig niyang daliri. “Ysla...” bulong ko, mahina, puno ng takot.Naupo ako sa gilid ng kama, halos map

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 81

    Nathan“Hello,” sagot ko nang itapat ko ang cellphone sa tainga. Hindi ko sana sasagutin dahil hindi naka-save ang numero sa akin, ngunit landline 'yon.“Is this Mr. Nathan Del Antonio?”“Yes,” maikli kong tugon..“Nurse po ako sa Lanuza Medical Hospital po ito.” Ramdam kong tumigil ang mundo ko nang marinig ang pangalan ng ospital; bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kumakalam sa dibdib. “Nandito po ngayon si Ms. Ysla Caringal at nasa kritikal na kondisyon—”Parang bumuhos ang lahat nang sabay-sabay. Hindi ko na narinig ang susunod na sinabi ng babaeng nasa kabilang linya; naghalo-halo ang pumapasok sa isipan ko: Ysla. Kritikal. Ysla. Kritikal. Umiikot ang ulirat ko. Ang mga salita ng nurse ay naging tinig na malabong nagmumula sa malayo.Bigla akong nanlumo. Humahaba ang mga sandali, ang oras ay tila nag-inat. Nasa bahay na ako; nasa loob pa rin ng kwarto ni Lola nang tanggapin ko ang tawag. Hindi ko alam kung paano ako nakapagpaalam, isang makahina, maigsi na “Lola, aalis muna

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 80

    Third PersonMasaya ang pagla-livestream ni Ysla. Ang kanyang ngiti ay hindi mapawi, at sa bawat awit na lumalabas sa kanyang labi ay ramdam ng lahat ng nanonood ang saya at husay niya. Sa bawat minuto, dumarami ang nanonood, at walang tigil ang pagbuhos ng moon gifts. Ang screen ay kumikislap sa dami ng nagdo-donate, tila ba nagsasayaw ang mga icon ng buwan kasabay ng kanyang tinig.Pinakamasaya sa lahat ay ang kaibigan niyang si Grace, na nakaupo sa di kalayuan sa kaniya, hindi mapigilan ang matuwa sa nakikita.“Grabe, my bestfriend,” bungad nito ng matapos ang streaming, kumikislap ang mga mata. “Talagang hindi na paawat ang mga followers mo! Kahit sina Mommy ay natutuwa sa nangyayari sa page natin. Aba, hindi ko na siya naririnig na pinipilit akong lumabas ng bahay.”Natawa si Ysla sa sinabi ng kaibigan. Sa totoo lang, ilang beses na niyang narinig ang kwento kung paano madalas pagsabihan si Grace ng mga magulang nito dahil mas pinipili nitong manatili sa silid at mag-edit ng kani

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status