MasukParang may kung anong hangin ang dumapo sa tenga ko. Ang init.Ano bang gusto niyang ipahiwatig? Na isa lang akong babaeng kayang diktahan nino man? Na wala akong choice?Hindi ko na kinaya ang katahimikan.Pakiramdam ko, kapag hinayaan ko pang tumagal ang sandaling iyon, ako rin ang unang bibigay.Huminga ako nang malalim bago ko siya diretsong tiningnan."Anong ibig mong sabihin, Dylan?"Bahagyang nanginig ang boses ko."Gusto mo ba akong maging babae mo?"Mabigat ang bawat salitang lumabas sa bibig ko."Gano'n ba 'yon?"Hindi siya agad sumagot.Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.Parang pinag-iisipan ang isasagot.Pero ang katahimikan niya...Mas masakit pa kaysa anumang salita.Ilang segundo ang lumipas.Pagkatapos ay marahan siyang nagsalita."Hindi naman na bago sa atin..."Mahina ang boses niya."May nangyari na sa atin. Nakita ko na lahat ng tinatago ko sa katawan ko, Kaye Collins. Wala ka ng dapat na itago pa sa akin."Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Unti-unti a
"Apprentice?"Mahina ngunit mabigat ang boses ni Dylan."Ikaw, Kaye?"Hindi ko agad nasagot ang tanong niya.Pakiramdam ko kasi, anumang sabihin ko ay baka lalo lang lumala ang sitwasyon.Tahimik akong tumango."B-Bale... internship lang naman po."Bago pa ako makapagpaliwanag, si Doctor Rigel na ang sumagot."Oo."Kampante siyang sumandal sa upuan."Plano kong magpatayo ng sarili kong private hospital."Napatingin siya sa akin at ngumiti, at talagang kampante siya na makukuha niya ako bioang apprentice niya.Gusto ko rin naman, kaso baka hindi ako payagan ni Dylan. Malaking pabor na ang binigay niya sa akin, ayaw ko naman mawala lahat ng 'yon ng gano'n na lang."At gusto kong maging isa si Kaye sa mga unang trainees. Matututo siya roon. At tutulungan ko rin siya."Tahimik na nakatingin si Dylan at puno ng pang-uusisa ang mukha niya. Ang daming tanong siguro sa ulo niya ngayon, and I hope maging mabait siya for the rest of the day."What do you mean?"Mahinahon ang tanong niya, pero m
"Dy-Dylan?"Halatang nagulat si Doctor Rigel nang makita ang lalaking nakatayo sa likuran ko.Napakurap ako.Hindi lang pala ako ang nagulat.Pati si Doc."Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya habang nakangiti, pero halata kong may pagtataka sa boses niya.Napalingon naman ako kay Dylan.Nakatayo lang siya roon, kalmado gaya ng dati.Suot niya ang puting long sleeves na bahagyang nakatiklop ang manggas at itim na slacks. Mukha na naman siyang CEO na galing sa meeting."Ma... magkakilala kayo?"Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.Parang ang liit-liit ng mundo.Napatingin sa akin si Dylan."Magkaklase kami noon."Simple lang ang sagot niya."Bakit?"Bahagya siyang ngumiti."Is there a problem, Kaye?"Napakamot ako sa ulo."W-Wala naman. Nagulat lang ako."Napailing ako habang napapabuntong-hininga.Grabe.Ang liit pala talaga ng mundo.Napatawa si Doctor Rigel."So..."Lumingon siya sa akin."Magkakilala rin pala kayo?"Tumango lang ako."O-opo."Hindi ko na dinagdagan pa.
"Bakit kailangan mo ng pera, Kaye Collins?"Tahimik ang buong dining room.Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig.Hindi ko agad siya sinagot.Diretso lang siyang nakatingin sa akin."Bakit kailangan mo pang isakripisyo ang pag-aaral mo para lang makaipon?"Napayuko ako.Bakit kailangan pa niyang itanong ang lahat ng 'yon?Akala ko ba...Isa siyang Montenegro?At kung totoo ang sinabi niya noon na "walang bagay na hindi ko nalalaman," bakit kailangan pa niyang tanungin ako?O baka...Sinusubukan niya lang akong magsabi ng totoo.Pero hindi puwede.Hanggang boss ko lang siya.Malaki na ang naitulong niya sa akin.Pinabalik niya ako sa kolehiyo.Dinoble pa niya ang sahod ko.Ayokong dagdagan pa ang utang na loob ko.Kaya pilit akong ngumiti."Wala naman po, Sir Dylan."Bahagya siyang tumaas ang kilay."Gusto ko lang pong makaipon."Humawak ako sa baso ng tubig."Alam n'yo naman po...""Mabuti nang handa.""Baka may emergency."Napansin kong hindi siya agad nagsalita.Parang alam
"Ang sabi ni Sir Dylan, alagaan ko raw kayo, Miss Kaye. Sabihin n'yo lang po kung may kailangan kayo."Magalang na sabi ng lalaking nasa edad singkuwenta habang nakatayo kami sa harap ng isang napakalaking bahay.Tahimik lang akong tumango.Hindi dahil sa suplada ako.Kundi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyayari.Napatingala ako sa bahay."Hala..."Mahina akong napabulong."Bahay pa ba 'to?"Tatlong palapag.Floor-to-ceiling glass windows.Napakalawak na hardin.May fountain pa sa gitna at mga halamang halatang araw-araw inaalagaan.Kung ang Montenegro Mansion ay parang kastilyo...Ito naman ay parang modernong palace."Grabe..."Napailing ako."Ganito ba talaga kayaman ang mga Montenegro?"Hindi ko mapigilang mapangiti."Miko...""Kapag gumaling ka, ipapasyal talaga kita sa ganitong bahay. Kahit sa labas lang tayo magpapicture."Napatawa ako sa sarili kong naiisip.Iniabot ng matanda ang isang susi."Ito po ang susi ng bahay."Maingat ko i
"Kesh Montenegro!"Umalingawngaw ang galit na boses sa buong silid. Ngayon sigurado na ako na si Dylan Montenegro 'yon. Kilala ko na ang boses niya. I heard it so close to my ears, at kagit mga ungol niya kabisado ko ma rin."Ano'ng ginagawa mo sa katulong namin?" Ang lamig ng boses niya. Halatang kanina pa may kinikimkim na sama ng loob.Nanigas ako habang napayakap nalang sa sarili. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng lamig. Tumayo si Kesh Montenegro dahilan upang mas makita ko pa ng derito si Dylan.Matalim ang tingin niya kay Kesh. Hindi nawala ang kalmadong tindig niya, pero sapat na ang ekspresyon ng mukha niya para maramdaman ang matinding galit na pilit niyang kinokontrol.Mabilis niyang nilapitan si Kesh at hinila ito palayo sa akin."Kesh."Mababa ang boses niya."Enough."Napayuko nalang ako habang iniisip ko ang mga pangyayari. If Dylan didn't show up, siguro nakuha na rin ni Kesh ngayon ang pagkababae ko.Mahigpit kong niyakap ang sarili ko habang pilit kong pinapakalma







