Compartilhar

CHAPTER 20: WELCOME HOME

Autor: horngry0rl_y
last update Data de publicação: 2026-07-22 20:04:51

Hindi ko na alam kung mag-e-enjoy pa ba ako sa loob ng VIP room na iyon. Habang tumatagal, lalo akong nakakaramdam na parang hindi ako nababagay roon. Lahat kasi sila ay nagtatawanan.

May mga nagkukuwentuhan tungkol sa trabaho.

May mga nagkakantahan.

May mga nagto-toast gamit ang kani-kanilang baso.

Samantalang ako, tahimik lang.

Paminsan-minsan ay napapangiti kapag may kinakausap, pero sa totoo lang, wala na ang isip ko sa club. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang nangyari sa hallway
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 21: MI-MIKO!?

    Hindi ordinaryong katok ang narinig namin.Parang bawat kalabog ay kayang wasakin ang lumang pinto ng bahay namin.BANG! BANG! BANG!Napapitlag kaming dalawa ni Miko.Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay niya habang mahigpit siyang kumapit sa braso ko.Ramdam ko ang takot ni Miko, at maging ako man ay hindi rin ma alis sa isipan ko ang bagabag.Kung si papa man ito, sana hindi siya manggulo. Kasi sawang-sawa na ako sa mga pambubugbog niya sa akin.Wala na nga siyang naitulong sa pamilyang 'to, tapos puro sugal at pag-iinom pa ang iniisip."A-Ate..."Mahinang tawag ni Miko sa akin. Ramdam ko ang pangangamba niya sa boses palang.Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti kahit bumibilis na rin ang tibok ng puso ko."Don't worry, Miko."Hinaplos ko ang buhok niya."Nandito naman si Ate Kaye. Hindi kita pababayaan."Kahit ako mismo ay hindi sigurado sa mangyayari, kailangan kong magpakatatag.Kung may dapat matakot...Hindi dapat si Miko.Isa pang malakas na kalabog ang umalingawngaw

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 20: WELCOME HOME

    Hindi ko na alam kung mag-e-enjoy pa ba ako sa loob ng VIP room na iyon. Habang tumatagal, lalo akong nakakaramdam na parang hindi ako nababagay roon. Lahat kasi sila ay nagtatawanan. May mga nagkukuwentuhan tungkol sa trabaho.May mga nagkakantahan.May mga nagto-toast gamit ang kani-kanilang baso.Samantalang ako, tahimik lang.Paminsan-minsan ay napapangiti kapag may kinakausap, pero sa totoo lang, wala na ang isip ko sa club. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang nangyari sa hallway.Ang malalim na tingin ni Dylan.Ang katahimikan niya.At ang paraan ng pagtingin niya sa akin bago ako bumalik sa loob kasama si Doctor Rigel.Napabuntong-hininga ako."Hindi na dapat ako nagpapaapekto.""Wala na kami.""Boss ko lang siya noon.""At ngayon... wala na siyang karapatan sa buhay ko."Pinilit kong ituon ang pansin sa mga taong nasa paligid.Ngunit habang tumatagal, lalo lang akong naiilang.Parang hindi talaga ako kabilang sa mundong iyon.Kaya tumayo ako at nilapitan si Doctor Ri

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 19: GULO NA NAMAN!

    Pumasok ako sa isa sa mga pinakasikat na club sa siyudad kasama si Doctor Rigel.Kahit pangalawang beses ko pa lang makapasok sa ganitong lugar, hindi pa rin ako sanay sa malalakas na ilaw, nakabibinging tugtog, at halo-halong amoy ng pabango at alak.Napabuntong-hininga ako."Sana matapos agad ang gabing ito."Ang sabi ni Doc ay may nakareserba na raw na VIP room para sa mga bagong empleyado at interns ng hospital. Kami na lang daw ang hinihintay.Nakayuko lang akong naglalakad sa mahabang hallway.May mga taong nagtatawanan.May mga sumasayaw.May mga halatang lasing na.Ganito ba talaga ang club? Lahat na yata ng tao pumupunta riro para mag-enjoy. May katulad kaya sa akin? Na puno ng problema at kung ano oang ligalig na gusto ko ng takasan?Pero sa totoo lang, hindi ko maiwasang mapaisip na sana wala rito ang gagong lalaking 'yon. Porket mayaman gusto niya angkinin na niya ako? Hell no!"Sana wala rito si Dylan. Kasi kapag nagkataon... sigurado na namang magugulo ang gabi ko." mahi

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 18: CLUB NA NAMAN?

    Tahimik akong naglalakad sa makipot na eskinita.Bitbit ang maliit kong maleta sa isang kamay at ang bag ko naman sa kabila.Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta.Wala na akong trabaho.Wala na rin akong matutuluyan.Ang alam ko lang...Kailangan kong lumayo.Lumayo kay Dylan.Huminga ako nang malalim.Napatingala ako sa langit.Madilim na.Unti-unti nang nagsisindi ang mga ilaw sa mga bahay habang ang ibang tao naman ay abala sa pag-uwi mula sa trabaho.Samantalang ako...Pakiramdam ko ay nagsisimula na naman ako sa wala.Napangiti ako nang mapait."Kaya mo 'to, Kaye."Mahina kong sabi sa sarili."Kinaya mo dati.""Kakayanin mo ulit."Napagdesisyunan kong umuwi muna sa bahay namin.Sigurado akong wala roon si Mama.Alam kong nasa ospital na naman siya at binabantayan si Miko.Ganoon naman palagi.Halos doon na siya nakatira.Biglang nang ring ang cellphone sa bulsa ko.Napahinto ako sa paglalakad.Kinuha ko ito.Dr. Rigel.Napakurap ako.Binuksan ko ang mensahe."Pwede ka na ba

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 17: SAMPAL

    Parang may kung anong hangin ang dumapo sa tenga ko. Ang init.Ano bang gusto niyang ipahiwatig? Na isa lang akong babaeng kayang diktahan nino man? Na wala akong choice?Hindi ko na kinaya ang katahimikan.Pakiramdam ko, kapag hinayaan ko pang tumagal ang sandaling iyon, ako rin ang unang bibigay.Huminga ako nang malalim bago ko siya diretsong tiningnan."Anong ibig mong sabihin, Dylan?"Bahagyang nanginig ang boses ko."Gusto mo ba akong maging babae mo?"Mabigat ang bawat salitang lumabas sa bibig ko."Gano'n ba 'yon?"Hindi siya agad sumagot.Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.Parang pinag-iisipan ang isasagot.Pero ang katahimikan niya...Mas masakit pa kaysa anumang salita.Ilang segundo ang lumipas.Pagkatapos ay marahan siyang nagsalita."Hindi naman na bago sa atin..."Mahina ang boses niya."May nangyari na sa atin. Nakita ko na lahat ng tinatago ko sa katawan ko, Kaye Collins. Wala ka ng dapat na itago pa sa akin."Para akong binuhusan ng malamig na tubig.Unti-unti a

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 16: AKIN KA!

    "Apprentice?"Mahina ngunit mabigat ang boses ni Dylan."Ikaw, Kaye?"Hindi ko agad nasagot ang tanong niya.Pakiramdam ko kasi, anumang sabihin ko ay baka lalo lang lumala ang sitwasyon.Tahimik akong tumango."B-Bale... internship lang naman po."Bago pa ako makapagpaliwanag, si Doctor Rigel na ang sumagot."Oo."Kampante siyang sumandal sa upuan."Plano kong magpatayo ng sarili kong private hospital."Napatingin siya sa akin at ngumiti, at talagang kampante siya na makukuha niya ako bioang apprentice niya.Gusto ko rin naman, kaso baka hindi ako payagan ni Dylan. Malaking pabor na ang binigay niya sa akin, ayaw ko naman mawala lahat ng 'yon ng gano'n na lang."At gusto kong maging isa si Kaye sa mga unang trainees. Matututo siya roon. At tutulungan ko rin siya."Tahimik na nakatingin si Dylan at puno ng pang-uusisa ang mukha niya. Ang daming tanong siguro sa ulo niya ngayon, and I hope maging mabait siya for the rest of the day."What do you mean?"Mahinahon ang tanong niya, pero m

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status