Share

Chapter Eleven: Community Service

"Bakit mo ginawa 'yon?!" galit kong sigaw sa kaniya. Lumapit ako kay Dior at itinulak siya sa kaniyang dibdib na naging dahilan ng kaniyang bahagyang pag-atras. 

Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin na parang hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon sa kaniya. Binaba niya ang kaniyang kamao na hawak niya kanina at sumulyap kay Geo bago muling tumingin sa akin. Gamit ang hintuturo, tinuro niya si Geo ngunit nasa akin pa rin ang kaniyang paningin.

"Hindi mo ba alam na siya ang may pakana ng lahat nang ito?" galit na tanong niya sa akin. Agad na kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Nagtataka kong tiningnan si Geo ngunit umiiling lang siya habang hindi pa rin nakakabawi mula sa pagsuntok sa kaniya ni Dior.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Nagtitiwala ka sa lalaking 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya at suminghal pa. "Mukha pa lang niyan, hindi na mapapagkatiwalaan. Sigurado ako na siya ang

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status