Our Ceaseless Love

Our Ceaseless Love

last updateLast Updated : 2022-06-09
By:  Queen AssassinateOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
75Chapters
3.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

"Endless pain for an endless love.” Past childhood memories, broken hearts, and present tragedy. Those are the experiences that Jchanella Heather Ganza; the only heiress of the Ganza clan and Dior Fennier Gonzales; a simple living man, have in common. No matter how fate continues to separate both of them, they still found ways to prevail and fight for their ceaseless love. What will happen to their lives if fate begins to test their relationship?

View More

Chapter 1

Prologue: Ceaseless Love

Isang batang babae ang walang humpay sa pagtakbo habang hinahabol ng tatlong batang lalaki. Panay ang tingin niya sa likuran upang masiguro na hindi siya maabutan nito, ngunit laking panlulumo niya nang makitang medyo malapit na ang mga humahabol sa kanya kaya mas binilisan pa niya ang pagtakbo.

“Habulin ninyo ako!” pang-aasar ng batang babae at dinilaan pa ang mga kalaro. Kahit tumatakbo, hindi nakatakas sa pandinig niya ang tawanan ng mga lalaki.

“’Wag kang masyadong tumakbo, Nelle, baka atakihin ka ng asthma mo!” sigaw ng kapatid niya pero hindi niya ’yon pinansin, sa halip ay tinawanan lang niya ito at nagpatuloy sa pagtakbo.

Takbo lang siya nang takbo hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo. Nang makakita siya ng malaking basurahan ay agad niyang nilapitan ’yon at nagtago sa likod habang patawa-tawang sumisilip para tingnan kung nasundan ba siya, pero wala siyang nakita kaya nakahinga na siya nang maluwag.

“They’re such a weakling, hindi nila ako mahanap at maabutan,” humahagikhik na aniya habang nakahawak sa dibdib dahil medyo sumisikip na ito na animo’y aatakihin ng asthma. 

Agad niyang kinapa sa bulsa ang inhaler pero nabigo siya nang walang makapa roon. Sinubukan niyang tumayo pero parang mas nanghihina siya dahil sumisikip lalo ang kanyang paghinga.

Kahit gano’n, pinilit pa rin niyang maglakad habang nililibot ang paningin para madali niyang mahanap ang inhaler. Ginawa rin niya ang tinuro ng kapatid na kumalma habang isinasagawa ang ‘inhale and exhale’ tuwing inaatake ng asthma, ’yon ang pansamantalang makakatulong sa kanya para huminga. Muli siyang nabigo dahil wala siyang nakita at habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang pagsikip ng dibdib niya.

Naglakad siya nang naglakad hanggang makarating sa tabing kalsada. Mula sa ’di kalayuan, nakita niya na may nagkukumpulang tao at kasabay n’on ay may naririnig din siyang mga bulungan, na-curious siya at naglakad palapit doon. Nang makalapit, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa nakita. 

Isang batang lalaki ang nakahiga sa magaspang na kalsada at ang dugo ay walang tigil na umaagos sa ulo nito. Nasa gitna ito ng nagkukumpulang tao na nakikiusisa sa nangyari.

Hindi na niya napigilan ang panlalambot ng tuhod at tuluyan itong bumigay. Ang dibdib niyang kanina pa sumisikip ay tuluyan na ring hindi makahinga. Nandidilim na ang kanyang paningin at pakiramdam niya ay nakikita na niya ang pag-ikot ng mundo. 

Muling nagsigawan ang mga tao nang biglang bumagsak ang batang babae katabi ng duguang lalaki. Bago niya tuluyang ipikit ang mga mata, muli niyang sinulyapan ang lalaki. Kasabay ng pagtulo ng luha ay muli niyang nasulyapan ang paligid. Mula sa ’di kalayuan, may naaninag siyang rebulto ng batang lalaki na tumatakbo palayo sa area kung nasaan sila. Nang makita niyang lilingon sana ang batang lalaking, tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.

“K-kuya…”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
75 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status