Share

Chapter Two

“Chanel, this is your time to escape from your parents. Come on, let’s celebrate! After all, you’re our batch valedictorian and you deserve this!” pangungulit ni Zari habang pilit akong hinihila papasok sa club kung saan gaganapin ang farewell party namin.

“Are you sure about this? Baka magalit sina Mom kapag nalaman nilang pumunta ako sa ganitong klase ng lugar.”

“Ano ka ba. Makakapag-party ba naman tayo kung hindi ito in-approved ng board?” napapairap na sabi ni Zari, at sa huli ay tuluyan na niya akong nahila papasok sa loob ng club.

Maingay, dim and disco lights at amoy ng pinaghalo-halong alak, pawis at pabango ang bumungad sa amin pagpasok. May mga nagsasayawan din sa dance floor at ang iba naman ay nakaupo habang umiinom ng alak.

So, this is how teenagers live their life, huh? It’s miles away from how I live these past few years. I think Zari was right. This will be my perfect escape after all the sacrifices that I’ve done for my studies.

Almost all of them was wearing short skirts like mine. Sa tingin ko tuloy ay isa na ako sa kanila, and just for today, I’m no longer the nerd Chanel Ganza.

“Hey! Look who’s here!” sigaw ng isang lalaki, dahilan upang maagaw niya ang atensyon ng lahat. “Our nerdie Ganza is here!”

Agad bumalot ang bulungan at mas malakas pa ito kaysa sa music ng club.

“Don’t mind me, just enjoy your own company,” naiilang na sabi ko. ’Tulad ng sinabi ko, muli na silang bumalik sa ginagawa nila kanina.

Naglakad naman kami ni Zari papunta sa second floor where the VIPs are. Scholars in the first floor and we, rich and heiresses of our own legacy belong at the VIP floor.

Even though Zari was a scholar, isinama ko pa rin siya sa akin at wala namang nagreklamo roon. Because knowing them, takot sila sa kaya kong gawin if they try to interfere with my decisions.

“Uupo na lang ba tayo rito forever at panonoorin ang mga scholars na mag-celebrate sa dance floor? Oh come on, Chanel, why don’t you enjoy the night? Sayang naman ang outfit mo kung hindi mo magagamit sa gwapo,” natatawang pang-aasar niya, dahilan upang mapairap ako.

“Mind your own business, Zari. Kung gusto mo makisali sa kanila, then join. Walang nagsasabi na ’wag kang mag-enjoy,” inis na sagot ko.

Nagkibit-balikat lang siya at bumaba na sa dance floor. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang mawala siya sa dagat ng tao.

Nang maiwan na lang ako mag-isa, I roamed my eyes and saw how people were enjoying the party, while me, nakaupo lang sa isang tabi at pinanonood lang silang magsaya.

“Nag-iisa ka lang ba?” tanong ng isang tinig mula sa aking likuran. Nilingon ko ito at nakita ang lalaking nakasuot ng all black na outfit.

“Do I know you? Mukhang hindi ka naman nag-aaral sa school namin. Why are you here anyway?” pang-uusisa ko, dahilan upang bahagya siyang mapatawa.

“Nandito kasi ang kapatid ko, bantay niya ako. Kung ano-ano kasi ang ginagawa n’on kapag lasing kaya pinasama na ako ni Mommy para sure na wala siyang gagawin na ikasisira ng buhay niya,” he answered. “By the way, why are you here? Tara, sayaw tayo.”

Wala na akong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko at hinila pababa sa dance floor. Nabitawan ko pa nga ang glass of wine ko dahil sa paghila niya sa akin.

Pagdating sa dance floor, agad kaming humalo sa dagat ng nagsasayawang kabataan. Dahil doon, nawala sa paningin ko ang lalaki. Nilinga-linga ko ang aking ulo para hanapin siya ngunit nabigo ako.

I was about to go back upstairs nang may humawak sa braso ko. Nakangiti ko itong tiningnan ngunit agad itong nawala nang makitang hindi ito ang lalaking kasama ko kanina.

He held my waist and hand at marahan akong isinayaw sa gitna ng mga taong walang pakialam sa amin at patuloy lamang sa pagsayaw. Dahil sa wine na nainom ko kanina, unti-unting lumabo na ang tingin ko nang tiningnan ko muli ang mukha ng lalaki.

Nang luminaw uli ito, I was him genuinely smiling at me. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay parang ako na ang pinakamagandang babae na nakilala at nakita niya.

“W-who are you?” medyo nauutal na tanong ko.

Agad nawala ang ngiti sa labi niya at huminto rin ang marahan naming pagsayaw, hanggang unti-unti na rin niya akong binitawan.

I was about to speak again, when he turned his back at me. Tinawag ko siya ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Out of curiosity, sinundan ko siya hanggang makarating kami sa likod ng club.

“Hey!” pagtawag ko sa kanya at huminto naman siya sa harap ng basurahan ngunit nanatili pa rin siyang nakatalikod sa akin. “Ano ba’ng problema mo? Isinayaw mo ako out of nowhere ‘tapos bigla mo na lang akong iiwan?”

Ilang segundo ang lumipas bago niya napagdesisyonan na humarap sa akin. Disappointment was all over his face, but in a blink of an eye, ngiti na ang bumungad sa akin.

“Sorry, medyo nakainom na rin kasi ako at nagkakaroon na ng hallucinations. Akala ko kasi ikaw ’yong childhood girlfriend ko,” paghingi niya ng tawad, dahilan upang kumunot ang noo ko.

“Kamukha ko ba siya kaya mo ako nilalapitan o lumalapit ka lang sa akin dahil may masama kang balak? Look where you brought me, sa walang tao pa,” taas-kilay kong tanong, dahilan upang matawa siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Sorry to disappoint you, but I don’t eat flat tops,” natatawang aniya.

At first, hindi agad ’yon nag-process sa utak ko, but when I realized what he meant, sinamaan ko siya ng tingin.

“First impression pa lang sa ‘yo ang sama na. Kaya ka siguro iniwan ng girlfriend mo,” pang-aasar ko rin pero mukhang hindi siya natuwa. Nawala rin ang malaking ngiti sa labi niya noong inaasar niya ako kanina.

“Wala kang alam,” he said, and left me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status