“Guys, double time!” sigaw ng make-up artist at pumalakpak para makuha ang atensyon ng mga empleyado. “Importanteng tao ang aayusan natin, ’wag kayong magkilos pagong. Nakakahiya!”
Kinuha niya ang isang bungkos ng brush sa ibabaw ng vanity table. Nang makumpleto niya ang mga kakailanganin ay ipinaubaya na niya ’yon sa katrabaho. Kinuha niya ang bag sa ibabaw ng upuan at pumunta sa dressing room ng kanilang aayusan.
“Chanel...” Nakangiting pagbati niya.
Dahil sa ginawa niya, lumingon sa kanya ang babaeng nag ngangalang Chanel. Nilapitan siya nito at nakipag-beso.
“How are you, Zari?” nakangiting tanong ni Chanel. “Look at you, napaka-successful mo na! Parang dati lang ay wala kang ibang ginawa kundi mag-boy hunting.” Malanding napahagikhik si Zari.
“Ano ka ba... Ikaw nga ’tong sobrang successful na at ang ganda-ganda mo pa!”
Hinawakan niya ang nalaglag na buhok ng dalaga at pinisan ulit ’yon sa tainga ng kaibigan.
Napayuko naman si Chanel dahil sa sinabi nito at nahihiyang ngumiti nang patago. Inangat niya ang paningin at akmang magsasalita nang bumukas ang pinto at iniluwa n’on ang mga kasamahan ni Zari.
“Ma’am Zari, magsisimula na ba tayo?” nakangiting tanong ng babaeng may hawak na brush. Walang nagawa si Zari kundi umirap dahil naputol ang bonding nila ni Chanel.
Sinimulan na nila ang pag-aayos kay Chanel. Kung titingnan, para itong prinsesa habang inaayusan ng mga tagapagsilbi. Habang may nag-aayos sa kanyang mukha ay meron din sa buhok niya. May isa ring babae na may hawak na mga damit, sapatos at bag. Pinapapili siya nito kung ano ang mga gagamitin niya.
Matapos ang halos isang oras, natapos na rin ang pag-aayos. Napakaganda nito at aakalain mong walang pinagdaanan sa buhay. Nakatingin lang siya sa repleksyon ng sarili at hindi makapaniwalang nakatingin sa mukha niya. ’Yon ang unang beses na nakapag-ayos siya ng gano’n kaganda. Matagal na mula nang maranasan niya ’yon dahil napabayaan na ang sarili nitong mga nakaraang taon.
Tumayo si Chanel at hinarap ang kaibigan. Nakangiti itong nakatingin sa kanya dahil mukhang pati ito ay namamangha rin sa kagandahan niya.
“Throughout your life, you’ve gone through a lot; problems and depressions, and yet, you overcame it. You’re still standing in front of me. You deserve happiness, Chanel,” nakangiting ani Zari. Muli niyang inipit ang nalaglag na buhok ni Chanel sa tainga nito at muling ngumiti sa kaibigan. “Happy birthday, my dear bestfriend. I’m always here for you whenever you need a bestfriend. Don’t forget that I’m always rooting for your success.”
“Ma’am Chanel, lumabas na po kayo at magsisimula na ang program,” utos ng isang organizer.
“Yes, I’m coming,” sagot ni Chanel at tumingin kay Zari. “Lalabas na ako, hinahanap na ako roon.” Tumango naman si Zari kaya umalis na siya.
Nang lumabas siya, inasikaso agad siya ng mga organizers. Nang maayos na ang lahat, ang unang lumabas ay M.C para manguna sa mga magaganap para sa gabing ’yon. Nagkaroon ng pagdarasal at kaunting speech bago tawagin ang celebrant.
“Let us all welcome, a successful writer and entrepreneur, our birthday celebrant, Miss Jchanella Heather Ganza!” pag-aanunsyo ng M.C, dahilan upang mabalot ng palakpakan ang venue.
Naglakad si Chanel papunta sa gitna habang nakangiti sa mga bisita niya. Mostly ay mga kaklase niya noong college at mga business partner ng parents niya ang mga dumalo.
Sa kabilang banda, lingid sa kaalaman ni Chanel na mayroong isang taong pinapanood siya mula sa malayo. Nabitawan pa nito ang hawak na tray ng mga baso kaya naagaw niya ang atensyon ng ibang bisita. Ang iba ay pinagtatawanan siya at ang iba naman ay nagalit dahil sa ginawa niya. Mayamaya lamang ay may babaeng galit na galit na lumapit sa kanya.
“Ano ba ’yan! Kabago-bago mo rito at ’yan na nga lang ang gagawin mo ay pumalpak ka pa!” sigaw ng matabang babae at padabog na hinablot ang tray na hawak ng lalaki. “Lumayas ka na’t hindi namin kailangan ng katulad mo. Nakakahiya sa mga bisita at sa mga Ganza.”
Walang pakialam at hindi nakikinig ang lalaki sa sinasabi ng matabang babae dahil ang buong atensyon niya ay na kay Chanel lang na nakangiting nagbibigay ng speech sa stage.
“That’s all. Enjoy the party.” Ngumiti si Chanel at naglakad pabalik sa backstage.
Nang hindi na niya makita si Chanel ay muli siyang bumalik sa katinuan. Ilang sandali ay nakaramdam siya ng kirot sa batok dahil parang may bumato roon. Nilingon niya ang direksyon kung saan nanggaling ’yon.
“Are you deaf? I said, give me another glass of wine!” nanggagalaiting sigaw ng halos nakapikit na binata at mukhang nakarami na dahil wala na ito sa tamang wisyo. Medyo gumegewang-gewang na rin ito tuwing humahakbang.
Kumuyom ang kamao ng lalaki dahil sa inasta ng kilalang binata. Pilit niyang hinabaan ang pasensya at nagpipigil ng sarili na masuntok ang lalaking nasa harap niya.
“Geo!” sigaw ng isang babae kaya sabay silang napatingin sa pinanggagalingan n’on.
Nanlaki ang mga mata ng lalaki at mabilis na tumalikod para hindi siya makita ng babae. Parang may mga kabayong nangangarera sa loob ng kanyang dibdib at lumalalim din ang kanyang paghinga habang pinapakinggan ang bawat yabag ng babae palapit sa kanila. Nanginginig ang kanyang kamay habang nagkunwaring may inaayos sa buffet table upang mapakinggan ang mga pag-uusapan ng dalawa.
“What’s up, Heather?” nakangiting tanong ni Geo at mababakas boses nito ang pagka-husky. Muling kumuyom ang kamao ng lalaki dahil sa narinig niya. Maraming tumatakbo sa utak niya pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili para hindi siya magdala ng gulo sa espesyal na araw ni Chanel.
“I’m good. How ’bout you? I heard na umuwi ka pa ng Pilipinas para lang maka-attend sa birthday ko. Na-touched naman ako roon,” nakangiting ani Chanel.
“Yeah. Pwede ko ba namang ma-missed ang birthday mo?” natatawang ani Geo. “Oo nga pala, kumusta na si Dean?”
“Dean? Sino naman ang Dean na ’yon? Asawa niya ba?” bulong ng lalaki sa sarili.
“He’s still in the hospital,” sagot ni Chanel. Kahit simple lang ang sagot na ’yon ay mababakas pa rin ang lungkot sa kanyang boses. Bahagya pa siyang napatingala para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
Hinila ni Geo si Chanel palapit sa kanya at niyakap ito. Narinig ’yon ng lalaking palihim na nakikinig sa kanilang dalawa. Hindi nito namalayan na nabasag na sa kamay niya ang baso at naglikha ’yon ng tunog.
Tumingin si Chanel sa pinanggalingan n’on. Nang makita niyang may tumutulong dugo sa kamay ng lalaki ay mabilis niya itong nilapitan. Hinawakan niya ang kamay nito at natatarantang humihingi ng tulong.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Chanel habang nakatutok pa rin ang paningin sa sugat ng lalaki.
Kinapa niya ang bulsa ng damit at nilabas ang isang panyo bago ito itinapal ng pansamantala sa sugat ng lalaki. “Masakit pa–” natigilan sa pagsasalita si Chanel nang inangat niya ang paningin sa lalaki.
Nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaki. Nanginginig din ang kamay niya dahilan upang mabitawan ang sugatang kamay nito.
Unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib kaya kumapit siya roon at ginawa ang relaxation process na itinuro ng kapatid. Ang mga luhang pinipigilan niya kanina ay tuluyan nang tumulo.
“Chanel...” pagtawag ng lalaki sa kanyang pangalan at akma sana siyang hahawakan nito pero umiwas siya.
“W-why did you do that? Why did you t-trade me for wealth, Dior?”
One week after we arrived in my home country, Philippines. Marami kaming ginawang pagbabago tulad na lang ng pag-aayos ng bahay, pag-transfer sa anak ko at paghahanao ng informations about the GutZales company.And according to my research, their company was freshly established pero sila na agad ang nangunguna sa lahat ng book companies. Mukhang mataas ang pinag-aralan ng CEO nito at marami ring connections kaya gano'n na lang ang paglago ng company nila.Tomorrow will be my best day. Pupunta na ako sa company nila to accept their offer. At kapag maganda ang performance ko sa kanila, sa tingin ko pwede na kaming mag for good dito sa Pilipinas. After all, matagal na rin naman kaming nanirahan sa New York."I'm home, Mom."Napatingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng boses at nakita ko ang aking anak na pagod na pagod na humiga sa sofa ng sala. Nang lapitan ko siya, nakita kong pikit na ang kanyang mga mata at hindi na nagawang alisin ang pagkakasabit ng bag sa balikat at pagkakasuot
"So, kelan ang flight n'yo ni Dean pabalik sa Pilipinas?" tanong ni Geo habang tumutulong sa pag-iimpake ng mga gamit namin ng anak ko."Day after tomorrow," simpleng sagot ko, at nilagay ang huling damit sa bag."How will you explain to your parents about Dean? Baka atakihin sa puso si Tito Harley kapag nalaman nilang nag New York ka lang, pag-uwi mo meron ka ng Dean.""Don't worry, hindi ko naman sila bibiglain pagdating namin doon. Hindi muna ako magpapakita sa kanila hangga't hindi pa malapit ang birthday ko," sagot ko, at napatango-tango na lang siya bago ako iniwan mag-isa sa kwarto ko.Nang matapos ako sa pag-aayos, pinuntahan ko si Dean sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog habang yakap ang paburito niyang unan.Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya upang hindi siya magising."I know it's hard na hindi mo makilala ang tunay mong ama, but I'm only doing this for you. Ayokong dumating ang panahon na makita mo siya pero hin
4 years later..."Congratulations for your success, Ms. Co," ani Hans, my best friend and also my business parter."No, thank you for giving me the opportunity to sign here in your company and work with these two young and successful entrepreneurs," nakangiting papuri niya, and we humbly giggle."Make us... our company proud, Ms. Co," nakangiting ganti ko at umalis na rin siya pagtapos."So, how did you convince her to work with us?" natatawang tanong ni Hans at lumagok ng wine na hawak niya."It just happened, Hans. Wala ka yatang bilib sa karisma ko," tumatawang sagot ko.Napapailing na lang siyang umalis at in-entertain ang mga bisita ng kumpanya.Nang mawala siya sa paningin ko, I just roam my eyes habang tinitingnan ang mga naipundar namin ni Hans this past few years. After all these things that happened to me... to us, we're still fighting for our dreams. And now, nagbunga na lahat ng pinaghirapan namin.After all the sacrifices and pain, my wounds were healed. Pain motivated me
Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ng doctor. Wala akong ibang nakikita kundi madilim at tahimik na paligid."I-Im pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ang doctor dahilan upang mapatakip ako sa bibig ko. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Dior. Ang huling gabi namin sa Alemanya Leona na itinuring kong pinakamagandang araw sa buhay ko ay nagbunga. Ang mas malala pa nito, ang tatay ng dinadala ko ay ang taong sobra kong minahal ngunit nasilaw sa yaman at iniwan ako.Paano ko maipagpapatuloy ang buhay at pag-aaral ko kung buntis ako? Dapat ko bang tanggapin at buhayin ang batang ito gayong bunga lamang siya ng hindi namin pag-iingat? Dapat ko bang dalhin 'to sa sinapupunan ko gayong mag-isa na lang ako?Lumong-lumo akong umuwi sa bahay. Wala akong mapagsabihan ng dinadala kong problema dahil for sure, oras na malaman nila ito ay isususmbong nila 'to sa parents ko. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang makatulog ako."Miss Heathe
Cold breeze greeted my face as I came out of the plane. I roamed my eyes and saw a new environment for me to move on and start a new beginning. This will be a perfect place to heal and forget all the awful memories. "Miss Chanel Ganza?" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko dahilan upang lingunin ko siya. I saw a man wearing a suit with shades above his head. He's smiling but I just look at him."It's Heather Ganza," I said at ginantihan din siya ng ngiti. "Oh, sorry, Miss Heather. By the way I'm your new bodyguard. Ipinadala ako rito ni Mr. Ganza to keep an eye on you since hindi ka pa sanay dito sa New York," he said, as my forehead furrowed. "Don't worry. Once na masanay ka na rito, tapos na ang kontrata ko. You'll live on your own and have your privacy." Tumango na lang ako.Iginaya niya ako papunta sa kotseng naghihintay sa amin sa labas ng airport. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay roon.Habang nasa byahe, I tried to familiarize my eyes with this place para naman hindi a
Makalipas nang tatlong linggo, sa wakas ay pinayagan na rin ako ng mga doctor na umalis na ng hospital. Nakakasawa na rin kasi roon dahil puro hospital foods lang ang nakakain ko at bawal pang magdala ng mga pagkain galing sa labas."Heather, kakain na tayo," ani Mommy na kasalukuyang naka silip sa siwang ng pinto ng kwarto ko. Ngumiti naman ako at tumango kaya umalis na rin agad siya.Nakakapanibago sina Mom and Dad ngayon. Mag mula kasi noong naaksidente ako, palagi na silang nasa tabi ko. Noong naka recover naman ako, lagi na silang nasa bahay at work at home na rin ang ginagawa nila sa trabaho nila. I know na gusto nilang bumawi... but I'm not used to this kind of situation. Lumaki akong walang magulang, physically.Bumaba na rin ako pag tapos nang ilang minuto. Naabutan ko naman sina Mommy and Daddy sa dining area. May mga pagkain na sa hapag kainan, pero hindi pa rin nila iyon ginagalaw at mukhang hihintay pa