SKY POV
Kinabukasan, matapos magtanghalian, sinundo kami ng family driver ng mga Villanueva. Sakto namang nakapag-impake na kami kaya matapos maikarga ang iilang maleta at kahon ng mga gamit namin, nilisan na namin ang Gaviola subdivision. Buti nalang din at Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho.
Habang nasa loob ng sasakyan, paulit-ulit kong iniisip kung paano ko haharapin si Zach. Hindi ko alam kung paano magpanggap na normal lang, lalo na’t bawat titig niya kagabi ay parang may ibang kahulugan para sa akin. Pero kailangan na talagang matigil 'tong kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Sa ilalim ng batas, 'magkapatid' na kami, kaya pamilya ko na sila ni Tito Nick.
Pagdating namin sa malaking gate ng mansion, halos mapanganga ako. Ang lawak ng bahay. Moderno ang disenyo, mataas ang bubong at may malawak na bakuran. Sa gitna, naroon ang swimming pool na parihaba ang hugis.
Agad naman kaming sinalubong ng mga kasambahay para kunin ang mga gamit namin sa sasakyan.
Samantalang nakatayo naman sa malawak na pintuan si Tito Nick. Nang makalapit na kami, hinalikan niya si Mama bilang pagbati, at saka yumakap sa akin.
"Welcome to our home."
Napangiti si Mama at kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya, kaya natutuwa na rin ako para sa kanya.
Mayamaya'y lumabas ng pintuan si Zach, suot ang simpleng gray shirt at itim na pantalon. Muli na namang bumilis ang tibok ng aking puso.
“Hi, Tita. Sky.” May bahagyang ngiti sa labi niya habang lumalapit sa amin.
“Hi Zach!” masiglang sagot ni Mama. “Ang gwapo mo naman kahit simpleng damit lang.”
Bahagyang natawa si Zach saka sumulyap sa akin.
Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya dahil hindi ko talaga mapigilan ang maasiwa.
"Iho, pakisamahan mo si Sky sa kwarto niya." Utos ni Tito Nick.
Tumango lang si Zach at pagkatapos iginiya na niya ako paakyat sa hagdanan.
Lalo akong namangha sa kabuuan ng bahay. Maaliwalas, malinis, elegante ang dating, at halatang mamahalin ang mga kasangkapan.
“Sky, this will be your room,” wika ni Zach habang itinuturo ang isang pintuan sa itaas ng hagdan. “Right across from mine.”
Parang biglang lumamon ng hangin ang paligid. Across from his room? Ibig sabihin, magkatapat kami ng kwarto.
Bigla akong pinagpawisan.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at binuksan ang pinto ng kwarto. Napasinghap ako sa ganda ng loob. Malawak ito, may queen-size bed na may puting bedsheet, mga kurtinang kulay cream na malambing sa mata, at isang malaking bintanang tanaw ang swimming pool sa ibaba.
“Wow…” mahina kong usal.
Narinig kong bahagyang natawa si Zach sa likod ko. “Glad you like it,” aniya. “Kung may kulang o gusto kang ipabago, just tell me.”
Tumango lang ako, pilit iniwas ang paningin ko sa kanya. Pero nang maramdaman kong lumapit siya nang kaunti, para bang biglang lumapit din ang hangin sa pagitan namin. Amoy ko ang pamilyar niyang pabango na tila nakakakuryente sa balat.
“May kailangan ka pa ba?” tanong niya, mababa ang boses, halos parang bulong.
“W-wala naman,” mabilis kong sagot sabay lakad palayo, kunwari abala sa pagtingin sa mga gamit sa loob ng kwarto. Pero sa totoo lang, halos mabaliw ako sa bilis ng tibok ng puso ko.
Tahimik siyang tumango, saka tumalikod. Pero bago siya lumabas, bahagya siyang huminto sa may pinto.
“Sky,” tawag niya. Napalingon ako.
“Welcome home,” sabi niya sabay ngiti, yong ngiting tipid pero nakakayanig ng tuhod.
Pagkasara ng pinto, napahawak ako sa dibdib. “Ano ba ‘tong nararamdaman ko?” bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung paano ko kakayaning makasama siya sa iisang bubong araw-araw lalo pa’t magkatapat pa ang mga kwarto namin.
Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.
Hindi pwede ‘to, Sky… kailangan mong kontrolin ‘to.
Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi ko maalis sa isip ko ang ngiti niya kanina. ‘Yong tipid pero nakakaapekto nang sobra.
Naglakad ako papunta sa salamin na bintana at pinagmasdan ang swimming pool sa ibaba. Malamig ang aircon sa kwarto pero pakiramdam ko mainit pa rin ang pisngi ko.
“Magkapitbahay kami ng kwarto… at ang hirap pa niyang iwasan,” mahina kong bulong sa sarili. Muling akong naupo sa kama habang iniisip pa rin kung ano kaya ang magiging buhay ko dito kasama si Zach.
Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako at hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta na lang akong nagising dahil sa mahihinang katok sa pintuan.
Si Mama siguro. Agad ko itong binuksan, pero hindi si Mama kundi si Zach.
Nakatayo siya sa harap ng pinto, nakasuot ng itim na sleeveless shirt at boxer short. Mukhang kagagaling lang sa shower. Para akong natulala sandali.
“Bakit?” agad kong tanong na pilit pinapakalma ang sarili.
“Dinner's ready,” sagot niya. “Sabi ni Dad, sabay-sabay daw tayong kumain.”
“Ah, okay,” tugon ko at tumango. Pero hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya dahil… Diyos ko, bakit ang gwapo niya kahit simpleng ayos lang?
“By the way…” Bahagya siyang yumuko para mapantayan ang mukha ko. “Don’t overthink.”
“Ha?” kunot-noo kong tanong.
“Kanina pa kita napapansin, parang ang lalim ng iniisip mo,” sabi niya sabay ngiti. “Relax. I'm doing this because you're now my sister."
Biglang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Kapatid nga lang talaga ang turing niya sa akin. Ano pa ba ang ini-expect mo Sky? Tanong ng isang bahagi ng aking utak.
"Okay, susunod lang ako."
“Good.” Tapos ay ngumiti siyang muli bago lumakad palayo. “See you downstairs, Sky.”
Pagkasara ng pinto, napaupo ako sa gilid ng kama at napasabunot sa buhok ko. Bakit parang ang hirap maging normal kapag siya ang kaharap ko?
At mas masama pa… pakiramdam ko, ito pa lang ang simula ng mas komplikadong araw ko sa bahay na ‘to.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago bumaba. Huminga ako nang malalim, inayos ang buhok ko sa salamin, at nginitian ang sarili ko. Kaya mo ‘to, Sky. You're just having a dinner with your family.
Lumabas ako ng kwarto at nagsimula nang bumaba sa hagdan. Mula sa itaas, tanaw ko na agad ang dining area. Naroon na sina Mama at Tito Nick masayang nag-uusap. Nakaupo na rin si Zach sa isang upuan sa tabi ng ama niya, nakasandal nang kampante habang nakatingin sa cellphone, pero nang mapansin niyang pababa ako, agad siyang tumingala.
Parang bumagal ang paligid nang magtama ang aming paningin. Ngumiti siya. Ay, bakit kailangang ngumiti pa siya ng ganyan?
“Sky! Halika na, hija!” tawag ni Mama na nakangiti nang maluwang. “Upo ka rito sa tabi ko.”
"Feet at home, iha." Wika naman ni Tito Nick. "Kumusta pala ang bago mong kwarto?"
"Uhm, okay lang naman po, Tito. Medyo naninibago lang po dahil mas maluwag at magara kaysa sa dati kong kwarto sa Gaviola."
"Basta kung anong kailangan mo, sabihin mo lang kay Zach ha."
"Yes, Tito. Thank you."
Tahimik akong kumakain at iniiwasang magtagpo ang mga mata namin ni Zach. Pinilit kong kumilos ng natural para hindi mahalata nina Mama ang kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Uhm, Oo nga pala iho." Wika ni Tito Nick habang nakatingin kay Zach. "Aalis kami papuntang Paris ng Tita Elena mo, for our honeymoon. Kaya ikaw na muna ang bahala rito at kay Sky."
“Sure, Dad,” sagot ni Zach habang kalmado pa rin ang ekspresyon. Para bang wala lang sa kanya ang sinabi ng ama. “Don't worry Dad."
Ako naman, parang biglang nanigas sa kinauupuan ko. Ano raw? Kami lang ni Zach… sa bahay?
“Talaga, Tito?” halos pabulong kong tanong.
Ngumiti si Mama, halatang excited para sa biyahe nila. “Oo, anak. Two weeks lang naman kami. Besides, nandito naman si Zah kaya safe ka rito."
Pinilit kong ngumiti kahit ramdam kong kumakabog ang dibdib ko. Two weeks... kami lang ni Zach dito sa bahay?
“May mga kasambahay naman dito, iha,” dagdag pa ni Tito Nick. “Pero mas maganda pa rin na may kasama kang kapamilya habang wala kami.”
“Wala ’yang problema, Dad,” sagot ni Zach sabay tingin sa akin. Simple lang ang tingin na 'yon, pero may kung anong kilabot na dumaloy sa buong katawan ko. “I’ll take care of her.”
“O, ayan ha,” masayang sabi ni Mama. “Magkakasama kayo nang matagal kaya dapat magkasundo kayo palagi.”
Tumango lang ako, pilit na ngumiti. Pero hindi ko mapigilang mapalunok ng laway. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang dalawang linggong magkasama kami ni Zach sa iisang bubong lalo na’t sa unang araw pa lang, nahihirapan na akong maging normal kapag kasama siya.
SKY POV“Zach?” halos pasigaw kong sambit, pero agad niyang hinawakan ang braso ko at marahang hinila palayo sa mesa. Ramdam ko ang bigat at lalim ng tingin niya sa akin—mahigpit, seryoso, at halatang pinipigil ang galit.“Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong pumunta rito? Akala ko nasa bahay ka na. Yon, pala...pagdating ko, wala ka roon,” madiin niyang sabi habang matamang nakatitig sa akin. “At naglasing ka pa!"Napansin ko ang pag-igting ng panga niya saka tinapunan ng masamang tingin sina Rica at Maye. Tahimik lang ang dalawa habang nakayuko.“Hindi ako lasing,” depensa ko, pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko. “Nag-eenjoy lang kami. Hindi naman ako bata, Zach.”“Talaga? Kasi sa nakikita ko, para kang batang hindi alam na delikado itong lugar na pinupuntahan ninyo.” Hinila niya ulit ang kamay ko. “Uuwi na tayo.”“Bitawan mo nga ako! Wala kang karapatang diktahan kung anong gusto kong gawin!” singhal ko. "Responsibilidad kita, Sky kaya sa ayaw at sa gusto mo, uuwi na t
SKY POV“Ayoko nang paulit-ulit, Sky. Bumaba ka na.” Malamig niyang sabi habang nakasandal sa hamba ng pintuan, naka-cross arms, at nakatingin nang diretso sa akin. Hindi ko naman kayang makipagtitigan sa kanya. “Zach, hindi naman ako gutom—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil marahan siyang lumapit, hanggang sa halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko. Nakatayo ako sa tabi ng vanity mirror, nakabalot pa ng tuwalya ang katawan ko, at pakiramdam ko, hindi ako makakatakas sa kanya.“Sky…” aniya sa mababang boses. “Let's eat."Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa kung anong hindi ko maipaliwanag na tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ito katulad ng dati. May kung anong kakaiba ngayong kami lang sa bahay. Walang Mama. Walang Tito Nick. “Fine,” bulong ko. “I’ll go.”Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya, ‘yong tipid pero may bahid ng kapilyuhan. “Good girl,” aniya bago siya lumingon at bumaba ng hagdan. Naiwan akon
SKY POVUnang araw ng pag-alis nina Mama at Tito Nick papuntang France. Habang nasa trabaho ako, hindi ko maiwasang isipin na kami lang ni Zach sa bahay. May mga katulong naman pero, ngayon pa lang nararamdaman ko na ang matinding tensyon."Sky, ba't ang lalim naman ng iniisip mo?" untag ng kaibigan kong si Maye, na isa ding Marketing Specialist."Oo nga gurl, anong problema?" sabat naman ni Rica, ang kasamahan kong bakla.Magkakatabi lang mga office cubicles namin kaya nakakapag-usap kami, lalo na kapag breaktime."Uhm...may nakalap akong balita," aniya at ngumiti sa akin. "Oy, ano naman 'yon? Kaw talagang bakla ka, hindi ka talaga nahuhuli sa balita kahit kailan," wika naman ni Maye.Actually, narinig ko lang naman ito kanina sa reception. Bigla naman akong na-curious sa sasabihin niya kaya saglit akong tumigil sa pagtipa ng keyboard ng computer."Sabihin mo na 'yan, bakla. Masyado ka namang pa-thrilling dyan," nakangusong saad ni Maye."Uhm..stepbrother mo raw si sir Zach? I mean
SKY POVKinabukasan, matapos magtanghalian, sinundo kami ng family driver ng mga Villanueva. Sakto namang nakapag-impake na kami kaya matapos maikarga ang iilang maleta at kahon ng mga gamit namin, nilisan na namin ang Gaviola subdivision. Buti nalang din at Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho.Habang nasa loob ng sasakyan, paulit-ulit kong iniisip kung paano ko haharapin si Zach. Hindi ko alam kung paano magpanggap na normal lang, lalo na’t bawat titig niya kagabi ay parang may ibang kahulugan para sa akin. Pero kailangan na talagang matigil 'tong kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Sa ilalim ng batas, 'magkapatid' na kami, kaya pamilya ko na sila ni Tito Nick. Pagdating namin sa malaking gate ng mansion, halos mapanganga ako. Ang lawak ng bahay. Moderno ang disenyo, mataas ang bubong at may malawak na bakuran. Sa gitna, naroon ang swimming pool na parihaba ang hugis. Agad naman kaming sinalubong ng mga kasambahay para kunin ang mga gamit namin sa sasakyan.Samantalang n
SKY POV"OHHHHHHH.." Isang mahinang ungol ang kumawala sa aking bibig habang napakagat ako sa aking labi.Mabilis na nahubad ni Zach ang saplot ko sa katawan, at mayamaya pa'y naramdaman ko na lamang ang matigas na pagkakalalaki niya sa aking kaselanan."Harder, please....aaahhh..." muli kong ungol.Ngunit bigla akong napatikwas nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Hingal na hingal ako habang tumatagaktak ang pawis sa aking noo. Namamasa na ang pagitan ng aking mga hita, epekto ng panaginip na masyadong totoo sa pakiramdam."OMG, I had a wet dream....with Zach Villanueva, my boss sa ZV Cybertech," usal ko sa sarili.Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang pumalit siya bilang bagong CEO ng kumpanya. Actually, ang pamilya ni Zach ang may-ari ng Cybertech, kaya ZV kasi it stands for Zach Villanueva.Hindi maitatangging napakagwapo niya, at malakas ang sex appeal, pero napakataas ang standard at masyadong perfectionist sa trabaho. Akala ko hindi na ako magkakagusto pa sa isang lal