Share

KABANATA 3

Author: Spinel Jewel
last update Last Updated: 2025-10-19 16:15:13

SKY POV

Unang araw ng pag-alis nina Mama at Tito Nick papuntang France. Habang nasa trabaho ako, hindi ko maiwasang isipin na kami lang ni Zach sa bahay. May mga katulong naman pero, ngayon pa lang nararamdaman ko na ang matinding tensyon.

"Sky, ba't ang lalim naman ng iniisip mo?" untag ng kaibigan kong si Maye, na isa ding Marketing Specialist.

"Oo nga gurl, anong problema?" sabat naman ni Rica, ang kasamahan kong bakla.

Magkakatabi lang mga office cubicles namin kaya nakakapag-usap kami, lalo na kapag breaktime.

"Uhm...may nakalap akong balita," aniya at ngumiti sa akin. 

"Oy, ano naman 'yon? Kaw talagang bakla ka, hindi ka talaga nahuhuli sa balita kahit kailan," wika naman ni Maye.

Actually, narinig ko lang naman ito kanina sa reception. 

Bigla naman akong na-curious sa sasabihin niya kaya saglit akong tumigil sa pagtipa ng keyboard ng computer.

"Sabihin mo na 'yan, bakla. Masyado ka namang pa-thrilling dyan," nakangusong saad ni Maye.

"Uhm..stepbrother mo raw si sir Zach? I mean, bagong asawa ng Mama mo ang Daddy niya."

"Oo. Hindi ko rin ini-expect eh. He is now my family," matamlay kong sabi.

"Wow, ang yaman mo na pala ha," komento ni Maye. "Pero paano yan, hindi ka na maariing magkagusto sa kanya gurl."

Saglit akong natahimik. Alam ko na hindi na ako dapat magkaroon ng romantic attraction sa kanya, pero parang hindi naman maawat 'tong puso ko na magustuhan siya.

Makalipas ang ilang oras, biglang nagring ang telepono na nasa desk ko.

"Hello, Sky, Will you please show to me the latest Marketing Strategy na nabuo ng team ninyo last Quarter? Please bring the documents in my office."

"Uhm. Yes, sir."

Muli na namang lumakas ang kabog sa aking dibdib. Iniisip ko pa lang na pupunta ako sa opisina niya, parang hindi ko na kayang humarap sa kanya.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at inayos ang blouse ko. Pilit kong pinakalma ang mabilis na tibok ng puso ko habang kinuha ang mga dokumentong hinihingi niya. Relax, Sky… trabaho lang ‘to, paulit-ulit kong sabi sa sarili ko kahit alam kong hindi lang trabaho ang dahilan ng kaba ko.

Habang naglalakad ako papunta sa opisina niya, pakiramdam ko ay mas lalo pang bumibigat ang bawat hakbang ko. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na aircon at ng pamilyar niyang presensya.

“Come in,” malamig pero authoritative niyang sabi habang nakaupo siya sa swivel chair. Naka-suot siya ng puting long sleeves na bahagyang nakabukas ang itaas na butones . At ito na naman… hindi ko mapigilang mapatingin.

“Here’s the file, sir,” halos pabulong kong sabi habang iniabot ang folder.

Ngumiti siya, at kinuha ang folder sa kamay ko.

"You're too formal, my dear sis. Di ba sabi ko, you can call me Zach kapag tayong dalawa lang?"

"Uhm, s-sir.  Nasa trabaho tayo, at b-boss k-ko k-kayo. 

"Okay. It's up to you," nakangiti niyang sabi.

"Sige sir, lalabas na ako."

Hindi ko na hinintay na magsalita siya at tinungo ko na ang pintuan, ngunit bigla namang bumukas ito at pumasok ang isang maganda, at sopistikadang babae.

"Zach...babe!" nakangiting wika nito saka yumakap kay Zach.

"Loraine! K-kailan ka pa dumating?"

"Uhm, kaninang umaga lang. I miss you so much, babe." 

Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko lalo na nang halikan ng babae si Zach.

"Uhm, Loraine. This is Sky, my stepsister." 

"Sky, this is Loraine, a family friend."

"Hi," bati ko. Pero umirap lang siya sa akin.

"Not just a family friend, but his fiancee," wika ng babae.

Fiancee?

Parang may matulis na bagay na tumarak sa puso ko nang mga sandaling 'yon. Ikakasal na pala si Zach?

"Sir, lalabas na ako." 

Pagkasabi ko dali-dali akong lumabas ng opisina at nagtungo sa elevator. Parang biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa aking nalaman.

Pagkapasok ko sa elevator ay halos mapaupo ako sa sulok. Bigla akong napaluha. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasakit, gayong wala namang namagitan sa amin. Stepbrother ko siya. Hindi ko siya pwedeng mahalin.

Pero bakit parang dinudurog ang puso ko nang marinig kong may fiancee na siya?

“Sky,” mahina kong bulong sa sarili ko, pilit pinapakalma ang sarili habang nakatingin sa kisame ng elevator. “Wala kang karapatan. Tandaan mo ‘yan.”

Nang makabalik na ako sa department namin, nagkunwari akong parang walang nangyari. Buti nalang din at abala ang mga kaibigan ko kaya hindi na nila nagawang tumingin sa akin.

Kinahapunan, pagka-off sa trabaho nagpaalam ako kina Rica na mauna na. 

"Hindi ba kayo sabay uuwi ni sir Zach?" tanong ni Maye.

"Oo nga gurl, ba't hindi mo nalang siya antayin, para sabay na kayo, tutal iisang bahay lang naman ang uuwian niyo," wika naman ni Rica.

"Naku, h'wag na. Baka may date pa 'yon. Dumating 'yong fiancee niya kanina."

Sabay na napakunot-noo sina Rica at Maye at sabay ding nagsalita.

"Fiancee? Sino naman?"

"Loraine, daw. Hindi ko alam ang apelyido niya," sabi ko, pilit na pinapagaan ang kalooban. "O sige, mauna na ako sa inyo ha, masakit din kasi ulo ko."

Matapos akong makapagpaalam, lumabas na ako ng building at nag-abang ng taxi.

Pagdating ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto at pasalampak na nahiga sa kama. Gusto kong matulog para makalimutan ko ang sakit. Pero ayaw namang mag-cooperate 'tong isip at puso ko, Nakapikit nga ako, pero ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Bakit ba ako nagkagusto sa kanya?

"Stop it, Sky. Hindi ka na nadala. Nasaktan ka na noon, gusto mo pa rin bang masaktan ngayon?" sigaw ng aking isipan.

Bumangon ako at nagsuot ng tankini swimsuit. Pagkatapos, kinuha ko ang tuwalya at lumabas ng kwarto. 

Tahimik ang paligid nang bumaba ako patungong pool area. Ang tanging maririnig lang ay ang mahina at tuloy-tuloy na lagaslas ng tubig mula sa fountain sa gilid ng pool. Nilapag ko ang tuwalya sa isang recliner chair at dahan-dahang lumusong sa malamig na tubig.

Napasinghap ako sa lamig na dumampi sa balat ko, pero sa totoo lang, iyon ang gusto ko. Mas mabuti nang lamig ng tubig ang maramdaman ko kaysa sa init ng sakit na nakabaon sa puso ko.

Maya-maya pa’y tuluyan na akong lumangoy. Para akong bata, walang pakialam, basta lang mailabas ang bigat ng loob. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, paulit-ulit kong sinasabi sa isip, “Wala kang karapatan. Stepsister ka lang niya. Stepsister.”

“Can I join you, sis?"

Biglang bumalikwas ang puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran.

Lumingon ako, at naroon si Zach. Nakasuot lang ng gray sweatpants at white shirt, bahagyang basa ang buhok niya na para bang kagagaling lang din sa shower. Hindi ko namalayan ang pagdating niya dahil sa lagaslas ng tubig mula sa fountain.

“W-what are you doing here?” halos pautal kong tanong habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

“This is my house too, remember?” nakangiti niyang sagot habang dahan-dahang lumalapit sa poolside.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng tubig o dahil sa presensiya niya, pero bigla akong kinabahan. Lalo na nang tanggalin niya ang suot niyang shirt at itapon lang ito sa isang upuan sa tabi.

“Z-Zach…” mahina kong bulong.

“Relax, Sky,” sabi niya habang nakatingin ng diretso sa akin. “I just need to clear my head too. Hindi naman ako nangangagat eh."

Bago pa ako muling makapagsalita, tumalon siya sa pool. Sumabog ang malamig na tubig sa paligid, at ilang segundo lang ay lumangoy na siya papalapit sa akin.

“Why are you so nervous?” tanong niya habang magkalapit na ang mga mukha namin. 

"Hindi naman sa ganu'n. Akala ko lang mamaya pa ang uwi mo. I just thought may date kayo ng fiancee mo."

Tumingin siya sa akin at bahagyang natawa.

"Date with who? You mean, Loraine?"

"Yes, kasi fiancee mo siya di ba?"

"No, she's not." Mabilis niyang sabi, at lumangoy papunta sa gilid ng pool.  Mayamaya'y lumangoy na naman ito pabalik sa kinaroroonan ko.

"Matagal ng canceled ang engagement namin."

Saglit akong natahimik. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Pero, kung canceled, bakit hindi man lang siya umiwas noong hinalikan siya ng babae?

Sinungaling!

Hindi ko mapigilang mapasinghap sa inis na biglang bumalot sa akin.

"Ganu'n ba, o sige mauna na ako. Kanina pa ako dito eh. Giniginaw na ako." Matapos kong sabihin 'yon, umahon na ako sa tubig at inabot ang tuwalya ko.

Dali-dali akong umakyat sa taas at pumasok ng banyo para makapagshower. 

Ilang sandali ang lumipas at habang pinapatuyo ko ang buhok ko, biglang may kumatok sa pintuan. Nang pagbuksan ko, si Aling Marta pala, isa sa mga kasambahay.

"Ma'am, kakain na raw po kayo ni sir Zach."

"Uhm, Manang. Pakisabi nalang po, hindi na ako kakain, kasi busog pa naman ako."

Tumango naman ang katulong at pagkatapos, lumabas na ng kwarto. Pero ang totoo, nagugutom talaga ako. Ayaw ko nalang makasama si Zach. Naiinis ako dahil nagsisinungaling siya.

Ngunit makaraan ang ilang minuto, bumukas ang pinto at malamig na ekspresyon niya ang bumungad sa akin.

"Kakain na tayo, Sky."

"Uhm, b-busog ako Z-Zach."

"Busog ka, o ayaw mo lang sumabay sa akin?" seryosong saad nito. "Baka nakalimutan mong ibinilin ka sa akin ng Mama mo?"

"Ayaw ko ng matigas ang ulo. Kaya, halika ka na at kakain na tayo."

"Pero—"

"Sky, I am your older brother, kaya susundin mo ako," mariin na wika ni Zach.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 16

    SKY"Hmm...At kanino naman galing ang mga pulang rosas na 'yan at abot tenga ang ngiti mo, girl?" tanong ni Maye habang inaayos ko ang mga bulaklak sa flower vase. "Oo nga naman girl. I've never seen you like this before, kahit noong kayo pa ng walanghiya mong boyfriend, hindi kita nakitang ganito kasaya. Meron ka talagang tinatago sa amin, sure na yan." Sabat naman ni Rica."Naku, kayo talagang dalawa, napakausyusera niyo noh?""Eh kasi naman, wala kang sinasabi sa amin, kaya panay ang tanong namin sa 'yo," nakangusong saad naman ni Rica."Basta. Saka ko nalang sasabihin sa inyo 'pag okay na," nakangiti kong sabi saka kumindat sa kanila.Napailing na lang ang dalawa at muling nagconcentrate sa kani-kanilang ginagawa.Nagiging magaan ang bawat oras na lumilipas dahil sa kaligayahang nararamdaman ko. Sa simpleng pagpapadala ni Zach sa akin ng bulaklak, I feel how special I am. Just a simple sweetness from him makes my heart skip a beat. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Kaya la

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 15

    SKYKinabukasan, sama-sama kaming apat na kumakain ng almusal. Para talaga kaming tunay na magkakapamilya kaya mas lalo kaming nahihirapan kami ni Zach na sabihin sa mga magulang namin ang totoo."Sky, anak. Okay ka lang ba?" untag ni Mama. "Ba't ang tahimik mo?""Uhm. wala naman po, Ma. Iniisip ko lang ang report na gagawin ko sa opisina." Pagsisinungaling ko."Bakit binibigyan ka ba ng maraming trabaho nitong kapatid mo, Sky?" sabat naman ni Tito Nick.Kapatid? Diyos ko. Magkapatid talaga ang tingin nila sa amin. Wika ko sa aking isipan."Hindi naman, Dad. Tama lang naman, di ba, Sky?" nakangiting saad ni Zach habang nakatingin sa akin.Tumango lang ako at bahagyang ngumiti. "Pero nakakatakot pa rin po 'tong boss ko Tito," pabiro kong sabi, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Sabay na nagtawanan sina Mama at Tito Nick."Bakit naman, iha?""Masyado po siyang mahigpit at napaka-perfectionist." Mas lalong napabungisngis sina Mama. "Oh really?" natatawang sambit ni Tito Nick.Napakuno

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 14

    SKY"Mama!" masiglang tawag ko nang matanaw ko na sila ni Tito Nick sa arrival area ng NAIA terminal 2. Agad ko silang sinalubong at yumakap ako kay Mama. At pagkatapos kay Tito Nick. Sumunod naman si Zach at bumati din sa kanila."Ma, I missed you.""I missed you too, iha." At bumaling ito kay Zach. "Kumusta kayo rito, iho?""Okay lang naman po, Tita.""How's the company, iho?" tanong naman ni Tito Nick."Maayos naman, Dad. Marami kaming na close na deal dahil sa mga marketing strategy na ginawa ni Sky." Nakangiting saad naman ni Zach."Glad to hear that, iho. Pero, Sky. Hindi ka naman ba pinapahirapan ni Zach sa trabaho? Baka masyado siyang mahigpit sa 'yo, sabihin mo lang.""Naku, hindi naman po, Tito." Masyado nga lang seloso. Bulong ng aking isipan."O sya, sa bahay na natin ipagpatuloy 'tong kwentuhan natin," wika ni Mama. Pagdating namin sa sasakyan, ako ang naupo sa likod kasama si Mama habang sina Zach at Tito Nick ang nasa unahan. Habang nasa biyahe, inuubos ko ang lakas n

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 13

    SKYMuling sumiklab ang init sa pagitan namin nang maglapat ang aming mga balat sa maligamgam na tubig sa bathtub. Ang mga halik ni Zach ay parang apoy na gumagapang sa katawan ko—nakaka-adik na parang hinahanap-hanap ko sa bawat minutong lumilipas.Pero saglit akong napatigil nang maisip na posibleng magbunga ang ginagawa namin."Zach, kailangan tayong maging maingat. We really have to use contraceptives. Remember, hindi pa ito alam ng lahat lalo na ng mga magulang natin."Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, mababa at parang nang-aakit habang hinahaplos ang aking beywang sa ilalim ng tubig.“Baby, don’t worry,” bulong niya, malapit sa aking tenga. “I know what I’m doing.”Napapikit ako nang bahagya nang bumaba ang labi niya sa aking leeg.“Seryoso ako, Zach,” pinilit kong lumayo ng bahagya, kahit tumitibok nang mabilis ang puso ko. “For now, I am safe, pero paano sa ibang araw?"Umangat ang tingin niya, at seryosong tumitig sa akin.“Kung mangyari man 'yan, pananagutan kita."Napalu

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 12

    SKYHuminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pintuan ng opisina ni Zach."Yes come in." Pagkapasok ko ng opisina, bumungad sa akin ang malagkit niyang tingin. Ngumiti siya na parang may ibig sabihin. Pinandilatan ko siya ng mata, habang humakbang papalapit sa kanya."S-sir, nandito na po 'yong hinihingi niyong reports," nanginginig kong wika at inabot sa kanya ang folder.Mayamaya, bumukas ang pinto at pumasok si Loraine. "G-good morning, Ma'am." Magalang kong bati at bahagyang yumuko.Nilagpasan lang niya ako at dumiretso sa kinauupuan ni Zach. Sumulak naman ang dugo ko nang mapansin ang magpapa-cute niya kay Zach."Uhm babe, tungkol sa bagong campaign, maybe we could discuss this later, over coffee?"Naikuyom ko ang aking mga kamao. "Calm down, Sky. Hindi ka dapat magselos. Professional setting ‘to." Bulong ko sa aking isipan.Si Zach na nakahalata sa reaksyon ko, hindi sumagot sa inalok ni Loraine, sa halip iba ang sinabi niya."Uhm, Loraine. Here's the monthly report from

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 11

    SKYKinabukasan, nagising ako na nakaunan pa rin sa braso ni Zach. Pareho kaming walang saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa aming katawan. Mahimbing pa siyang natutulog at hindi man lang nagising sa tunog ng alarm clock.Nang magsink-in sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi, bigla akong nakaramdam ng guilt sa puso. Ano ang mukhang maihaharap ko kina Mama at Tito Nick?Iginalaw ko ang aking katawan, ngunit bahagya akong napangiwi sa sakit na parang may napunit sa kailaliman ko. Maingat akong bumangon at tumambad sa aking paningin ang pulang mantsa sa bedsheet. Dahan-dahan akong tumayo ngunit biglang nagising si Zach at marahan niyang hinila ang kamay ko kaya napahiga ako sa dibdib niya.""Good morning, baby," nakangiting bati niya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi. "Ba't ang aga mo namang nagising?""Hoy, alas singko na kaya, maaga pa ba 'yon sa 'yo? May trabaho ngayon baka nakalimutan mo.""Okay lang naman 'yon, kahit late na tayong pumunta ng opisina," nakangiti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status