LOGINSKY"Hmm...At kanino naman galing ang mga pulang rosas na 'yan at abot tenga ang ngiti mo, girl?" tanong ni Maye habang inaayos ko ang mga bulaklak sa flower vase. "Oo nga naman girl. I've never seen you like this before, kahit noong kayo pa ng walanghiya mong boyfriend, hindi kita nakitang ganito kasaya. Meron ka talagang tinatago sa amin, sure na yan." Sabat naman ni Rica."Naku, kayo talagang dalawa, napakausyusera niyo noh?""Eh kasi naman, wala kang sinasabi sa amin, kaya panay ang tanong namin sa 'yo," nakangusong saad naman ni Rica."Basta. Saka ko nalang sasabihin sa inyo 'pag okay na," nakangiti kong sabi saka kumindat sa kanila.Napailing na lang ang dalawa at muling nagconcentrate sa kani-kanilang ginagawa.Nagiging magaan ang bawat oras na lumilipas dahil sa kaligayahang nararamdaman ko. Sa simpleng pagpapadala ni Zach sa akin ng bulaklak, I feel how special I am. Just a simple sweetness from him makes my heart skip a beat. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Kaya la
SKYKinabukasan, sama-sama kaming apat na kumakain ng almusal. Para talaga kaming tunay na magkakapamilya kaya mas lalo kaming nahihirapan kami ni Zach na sabihin sa mga magulang namin ang totoo."Sky, anak. Okay ka lang ba?" untag ni Mama. "Ba't ang tahimik mo?""Uhm. wala naman po, Ma. Iniisip ko lang ang report na gagawin ko sa opisina." Pagsisinungaling ko."Bakit binibigyan ka ba ng maraming trabaho nitong kapatid mo, Sky?" sabat naman ni Tito Nick.Kapatid? Diyos ko. Magkapatid talaga ang tingin nila sa amin. Wika ko sa aking isipan."Hindi naman, Dad. Tama lang naman, di ba, Sky?" nakangiting saad ni Zach habang nakatingin sa akin.Tumango lang ako at bahagyang ngumiti. "Pero nakakatakot pa rin po 'tong boss ko Tito," pabiro kong sabi, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Sabay na nagtawanan sina Mama at Tito Nick."Bakit naman, iha?""Masyado po siyang mahigpit at napaka-perfectionist." Mas lalong napabungisngis sina Mama. "Oh really?" natatawang sambit ni Tito Nick.Napakuno
SKY"Mama!" masiglang tawag ko nang matanaw ko na sila ni Tito Nick sa arrival area ng NAIA terminal 2. Agad ko silang sinalubong at yumakap ako kay Mama. At pagkatapos kay Tito Nick. Sumunod naman si Zach at bumati din sa kanila."Ma, I missed you.""I missed you too, iha." At bumaling ito kay Zach. "Kumusta kayo rito, iho?""Okay lang naman po, Tita.""How's the company, iho?" tanong naman ni Tito Nick."Maayos naman, Dad. Marami kaming na close na deal dahil sa mga marketing strategy na ginawa ni Sky." Nakangiting saad naman ni Zach."Glad to hear that, iho. Pero, Sky. Hindi ka naman ba pinapahirapan ni Zach sa trabaho? Baka masyado siyang mahigpit sa 'yo, sabihin mo lang.""Naku, hindi naman po, Tito." Masyado nga lang seloso. Bulong ng aking isipan."O sya, sa bahay na natin ipagpatuloy 'tong kwentuhan natin," wika ni Mama. Pagdating namin sa sasakyan, ako ang naupo sa likod kasama si Mama habang sina Zach at Tito Nick ang nasa unahan. Habang nasa biyahe, inuubos ko ang lakas n
SKYMuling sumiklab ang init sa pagitan namin nang maglapat ang aming mga balat sa maligamgam na tubig sa bathtub. Ang mga halik ni Zach ay parang apoy na gumagapang sa katawan ko—nakaka-adik na parang hinahanap-hanap ko sa bawat minutong lumilipas.Pero saglit akong napatigil nang maisip na posibleng magbunga ang ginagawa namin."Zach, kailangan tayong maging maingat. We really have to use contraceptives. Remember, hindi pa ito alam ng lahat lalo na ng mga magulang natin."Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, mababa at parang nang-aakit habang hinahaplos ang aking beywang sa ilalim ng tubig.“Baby, don’t worry,” bulong niya, malapit sa aking tenga. “I know what I’m doing.”Napapikit ako nang bahagya nang bumaba ang labi niya sa aking leeg.“Seryoso ako, Zach,” pinilit kong lumayo ng bahagya, kahit tumitibok nang mabilis ang puso ko. “For now, I am safe, pero paano sa ibang araw?"Umangat ang tingin niya, at seryosong tumitig sa akin.“Kung mangyari man 'yan, pananagutan kita."Napalu
SKYHuminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pintuan ng opisina ni Zach."Yes come in." Pagkapasok ko ng opisina, bumungad sa akin ang malagkit niyang tingin. Ngumiti siya na parang may ibig sabihin. Pinandilatan ko siya ng mata, habang humakbang papalapit sa kanya."S-sir, nandito na po 'yong hinihingi niyong reports," nanginginig kong wika at inabot sa kanya ang folder.Mayamaya, bumukas ang pinto at pumasok si Loraine. "G-good morning, Ma'am." Magalang kong bati at bahagyang yumuko.Nilagpasan lang niya ako at dumiretso sa kinauupuan ni Zach. Sumulak naman ang dugo ko nang mapansin ang magpapa-cute niya kay Zach."Uhm babe, tungkol sa bagong campaign, maybe we could discuss this later, over coffee?"Naikuyom ko ang aking mga kamao. "Calm down, Sky. Hindi ka dapat magselos. Professional setting ‘to." Bulong ko sa aking isipan.Si Zach na nakahalata sa reaksyon ko, hindi sumagot sa inalok ni Loraine, sa halip iba ang sinabi niya."Uhm, Loraine. Here's the monthly report from
SKYKinabukasan, nagising ako na nakaunan pa rin sa braso ni Zach. Pareho kaming walang saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa aming katawan. Mahimbing pa siyang natutulog at hindi man lang nagising sa tunog ng alarm clock.Nang magsink-in sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi, bigla akong nakaramdam ng guilt sa puso. Ano ang mukhang maihaharap ko kina Mama at Tito Nick?Iginalaw ko ang aking katawan, ngunit bahagya akong napangiwi sa sakit na parang may napunit sa kailaliman ko. Maingat akong bumangon at tumambad sa aking paningin ang pulang mantsa sa bedsheet. Dahan-dahan akong tumayo ngunit biglang nagising si Zach at marahan niyang hinila ang kamay ko kaya napahiga ako sa dibdib niya.""Good morning, baby," nakangiting bati niya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi. "Ba't ang aga mo namang nagising?""Hoy, alas singko na kaya, maaga pa ba 'yon sa 'yo? May trabaho ngayon baka nakalimutan mo.""Okay lang naman 'yon, kahit late na tayong pumunta ng opisina," nakangiti







