Share

CHAPTER 41

"Anak, hindi mo ba e-enroll si Ava? Sa isang linggo na ang pasukan," ani mama. Nagtitiklop siya ng mga damit ko sa kwarto, iyong mga dapat na pina-laundry niya kahapon.

"Mamaya na po, mama. Tulog pa po si Ava."

Pasadong alas otso palang nang umaga, nangangalampag na si mama sa kwarto. May sarili na akong pamilya pero parang teenager pa rin ang turing niya sa akin. Isa ito sa mga na-miss ko noong pumuna ako sa Canada.

"Si JM pala saan pumunta? Nagpaalam iyon sa akin kanina habang nagluluto ako ng breakfast, aalis daw siya. Hindi na tuloy siya nakakain ng breakfast."

"May meeting po with his clients. Ni-refer po kasi siya doon sa kakilala ni Kenneth kaya mukhang magiging busy na po iyon," turan.

"Sayang, hindi niya kayo masasamahan ni Ava sa enrollment."

"Okay lang iyon. Pupunta rin siya sa parents house niya after ng meeting, his mom invited him." Umayos na ako ng upo at tinulungan si mama sa pagtitiklop ng mga damit.

"Hindi ka kasama? Hindi ka pa rin ba tanggap ng parents niya?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status