Share

22

Penulis: Miss A.
last update Terakhir Diperbarui: 2023-12-16 15:09:41

Liah

"Eto bagay to sayo ohh" tinapat ni Kara ang napili niyang puting dress sa akin

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at napa-ngiti, bumabagay sa aking porselanang kutis ang kulay ng damit

"Para kang artista Juliet sana all, ang puti puti mo pa tapos ang laki laki pa nang suso at pwet m---" hindi natuloy ni Kara ang kaniyang sasabihin ng sitahin siya ni Aling Myrna

Ako naman ay napa iling nalang at hinayaan si Kara sa gusto niya, patuloy ang pag-iikot ng aking mata sa paligid. Nasa loob kamk ng isang affordable na bilihan ng mga damit sa loob ng mall at kakatapos lang namin mamili ng mga grocery's

"May napili kana ba Juliet?" Tanong ni Aling Myrna nang lapitan niya ako

Ngumiti ako at umiling

"Wala pa po pero susubukan kong maghanap pa" sagot ko sa kaniyang tanong

"Sige, sa labas muna ako para hintayin kayo. Ikaw na muna ang bahala kay Kara" ani niya

"Sige po, susunod kami sa labas" aniko bago siya nagpaalam saamin

"Hoyy bakla, bagay sayo to" napatingin ako kay Kara ng tawagin n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Owned By My Devil Husband    41

    LiahHalos hindi ko na alam ang gagawin habang pilit kong hinihila si Manang Ana palabas ng boutique. Pero bago pa man kami makalayo, tumigil siya. Bakas sa mukha niya ang galit na pilit niyang pinipigilan.“Manang, alis na tayo, please,” pakiusap ko habang hawak ang braso niya.Tumingin siya sa akin, pero parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko. Bigla niyang hinarap ang saleslady.“Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal?” tanong niya, mahigpit ang boses.Napangisi ang babae, halatang iniinsulto kami. “Asal? Eh paano ko irerespeto ang tulad n’yo? Obvious namang wala kayong pambili!”Halos gusto kong itulak si Manang Ana palabas, pero bigla niyang itinaas ang kamay niya. Isang malakas na plak! ang narinig ko. Sinampal niya ang saleslady.Napatigil ang lahat. Ang ibang customer ay tumingin sa amin, habang ang ibang staff ay hindi makapagsalita.“Manang! Bakit mo ‘yun ginawa?” tanong ko, gulat na gulat habang hinawakan ang kamay niya.“Hindi ko kayang makita na binabastos ka,” sagot niya

  • Owned By My Devil Husband    40

    LiahPagkatapos naming mag-grocery, ngumiti si Manang Ana sa akin habang sinisiguradong maayos ang mga pinamili sa trunk ng sasakyan. "Liah, gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi? Parang kanina ka pa tahimik ah," sabi niya, bahagyang nakakunot ang noo.Ngumiti ako nang mahina at tumango. "Opo, Manang. Kahit saan po... basta may chicken."Napahagikhik siya at inalog ang ulo. "Chicken? Sige, sa Jollibee tayo. Alam kong magugustuhan mo."Habang nasa sasakyan kami, tila hindi maiwasan ni Manang Ana na mapansin ang pananahimik ko. Bumaling siya sa akin nang saglit habang maingat na nagmamaneho. "Liah, okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo."Saglit akong nagdalawang-isip bago ngumiti. "Wala naman po, Manang. Nag-e-enjoy lang po ako. Ang dami nating nabili."Ngumiti siya nang mas malaki. "Ay oo naman. Siguradong magugustuhan ni Elijah ang mga pinamili natin. Saka, mas mabuti na ring nasasanay ka na dito sa lugar."Tahimik akong tumango at tumingin sa bintana. Ang dami palang ta

  • Owned By My Devil Husband    39

    LiahMaagang umalis sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan, kaya nagdesisyon akong gumala sa garden para maglibang. Tahimik ang paligid, ang hangin ay banayad na humahaplos sa balat ko. Pero kahit na wala si Elijah, parang nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya, gaya ng dati—palaging nandiyan kahit wala naman sa harap ko."Liah," tawag ni Manang Ana mula sa likuran. "Samahan mo ako mamaya. Mag-grocery tayo. Maganda rin siguro na makalabas ka at makita mo ang paligid dito."Napatingin ako sa kanya, at may bahagyang excitement akong naramdaman. Matagal ko na rin gustong makalabas sa malaking bahay na ito. "Talaga po? Sige po! Gusto ko rin pong makapaglibot."Ngumiti siya, halatang natuwa sa sagot ko. "Aba, ayos! Pero ayusin mo na ang sarili mo, hija. Hindi tayo pwedeng magtagal kasi may mga kailangan pang bilhin para sa bahay."Pagkatapos naming mag-ayos, handa na kaming umalis nang biglang dumating ang isa sa mga bodyguard ni Elijah. May seryosong ekspresyon ang mukha niya, h

  • Owned By My Devil Husband    38

    LiahMaaga pa lang ay bumangon na ako, naligo, at nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, naisipan kong maglakad-lakad muna sa garden. Doon ko nakita sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan—sina Drex, Dark, at Endrick. Nasa ilalim sila ng puno, nagtatawanan habang hawak ang mga tasa ng kape.Napansin ko agad si Elijah. Habang abala sa kwentuhan ang mga kaibigan niya, nanatili siyang tahimik, malamig ang ekspresyon, pero hindi maikakaila ang presensiya niyang nangingibabaw sa grupo. Mukhang may iniisip siya, gaya ng dati.Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga tanong sa isipan ko. Sa halip, nagdesisyon akong bumalik sa loob at pumunta sa kusina.“Good morning, hija,” bati ni Manang Ana, abala sa paghahanda ng almusal.“Good morning po, Manang,” sagot ko habang lumapit. “Mukhang marami po kayong ginagawa. Tulungan ko na po kayo.”Napangiti si Manang Ana. “Naku, kaya ko ‘to, hija. Pero sige, kung gusto mo talagang tumulong, ikaw na lang ang maghiwa nitong sibuyas at bawang.”Habang nagh

  • Owned By My Devil Husband    37

    Liah Pagkatapos naming mag-ayos mula sa mahabang biyahe, bumaba kami ni Elijah para maghapunan kasama si Manang Ana. Ang mahabang dining table ay punong-puno ng masasarap na pagkain—tinolang manok, sinigang na baboy, at iba't ibang ulam na parang niluto mula sa isang espesyal na okasyon. Tahimik lang si Elijah habang inaasikaso ako. Siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko, at pinunasan pa ang gilid ng labi ko nang hindi ko namalayang may sabaw ng sinigang doon. "Eat properly, baby," seryosong sabi niya, pero halata sa boses niya ang lambing. Napangiti ako nang bahagya. "Kaya ko naman mag-ayos mag-isa," sagot ko, pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Habang kumakain kami, nagsimula nang magkuwento si Manang Ana. Mukha siyang masaya, na parang sa wakas ay bumalik ang isang nawawalang kapamilya. "Alam mo, hija," simula niya habang nagsasandok ng tinola, "noong nandito ka pa sa mansiyon, napakasipag mong tumulong sa gawaing bahay. Kahit sinasabi ko n

  • Owned By My Devil Husband    36

    Liah Sa biyahe papunta sa mansion ay hindi na maalis ni Elijah ang kamay niya saakin, humahaplos na ang palad niya sa aking mga hita at braso. Hindi ko tuloy mapigilang mag-init dahil sa mga haplos niya, dagdag pang tumatama ang mainit niyang hininga sa aking balat habang nagpapahinga ang ulo nito sa aking leeg Pagkarating namin sa mansiyon, hindi ko mapigilang humanga sa lawak at ganda ng lugar. Parang palasyo ang dating nito, may malalaking bintana at malalawak na hardin sa paligid. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin. Para akong batang lumilinga linga habang hila hila ni Elijah ang kamay ko"Careful baby" ani niya ng muntikan na akong madapa dahil sa kapabayaan ko, mabuti nalang at nasapo niya kaagad ang aking bewang "S-sorry" nahihya akong ngumitiPagpasok sa loob, agad kong napansin ang masiglang atmospera ng lugar. Mula sa magagarbong chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa mabangong amoy ng mga bulaklak na nakaayos sa malalaking paso, parang ang saya ng lugar na it

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status