Share

Chapter 04

TAHIMIK NA NAKAUPO SI Lyla sa egg swing sa loob ng silid habang ang kanyang mommy ay nakaupo sa kama na dalawang hakbang laman ang pagitan niya at ng kama kaya naman kitang-kita niya ang ekspresyon ng kanyang ina.

“What is it, Mom?” bagot niyang tanong. “Kung wala ka pong sasabihin, matutulog na ako.”

“I love your Tito Hades so much, Lyla.”

Wala sa sarili siyang napatingin sa ina at seryoso itong nakatingin sa kanya na para bang inoobserbahan ang kanyang ekspresyon. She bit her lower lip and looked away.

“I know,” she mumbled.

“That’s why I want you to be civil on him,” sambit nito. “Anak, your Tito wants to have a daughter. Kaya naman laking tuwa niya nang malaman niyang puro babae ang anak ko.”

Nangunot ang kanyang noo at tumingin sa kanyang ina. “Bakit? Sawa na siya sa anak niyang si Satanas?”

Pinandilatan siya ng mga mat anito at mahinang umiling. “Lyla, don’t say that.”

“Bakit? I’m just telling the truth, Mom.” Her jaw clenched and she gritted her teeth. “Sobrang nakakairita ng lalaking ‘yon, Mom. He’s acting so immature! Nakita mo ba kanina? Pati pagkamay ko, hindi niya tinanggap. Who knows magkaugali sila ng ama niya?”

She knows acting like this is so immature. Ngunit nakakainis na rin at hindi niya ugali ang magtimpi para sa ibang tao. Sa ina niya at kay Mirabella, pwede pa. Pero sa ibang tao? Lalong-lalo na sa Satanas na ‘yon? Hell, no!

Tumayo ang kanyang mommy at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at tipid na ngumiti. Shirley squatted on the floor and looked at her.

“I know,” sambit nito. “And he just needs some love, anak. Hindi niya naranasang magkaroon ng kapatid at isang ina. He’s just acting rude to test us. Hindi ganoon ang pag-uugali ni Hades, maniwala ka sa ‘kin. Hades is the most caring, loving, and kindest person I ever met.”

Gustong-gusto niyang kontrahin ang sinabi ng kanyang ina. She just met her! Magdadalawang-taon pa lang ang mga ito na magkakilala. Even a person she knows for five years still has a lot of secrets under their sleeves!

Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi. “To test us? Mom, we’re not kid anymore. We’re not teenagers. He’s just rude and you’re just defending him.”

Naiinis siya sa kanyang ina dahil pinaglalaban pa nito ang Satanas na ‘yon. He’s really just rude. He’s even used that kissing incident to get into her nerves! Sadyang ginagampanan niya nang maayos ang kanyang pangalan.

“Anak, please.” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. “For me?”

Tinitigan niya nang mariin ang kanyang ina. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Ang dami niyang gustong sabihin dito na ayaw na niya sa magiging pag-iisang dibdib nil ani Hades ngunit tama naman si Lucifer.

Mapipigilan niya ba ang kasal kung sasabihin niyang naiirita siya sa kanyang magiging step-sibling? Probably, not.

Humugot siya ng malalim na hininga at hinilot ang kanyan sintido. Pinilit niya ang sariling tumango at ngumiti. “Okay.”

Ano pa nga ba ang kanyang laban sa kanyang ina? She won’t listen to her anyway. Siguro, mas mainam na lang na h’wag niyang pansinin ang binata dahil mas lalo lamang gugulo ang sitwasyon. Mas lalo lamang siyang mapipikon.

“Thank you so much, Bliss.” Matamis na ngumiti ang kanyang ina sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. “Don’t worry, sweetheart. Darating ang panahong magkakasundo kayong dalawa. Hindi kami magpapakasal ng iyong Tito Hades hangga’t sa hindi kayo nagkakasundo ng kapatid mo, okay?”

She bit her lower lip and forced herself to nod. Tama nga naman. Baka sakaling naiirita lang siya sa binata dahil sa pagkakaalam niya, isa itong tanyag na negosyante at isa rin itong bilyonaryo. And when it comes to the word billionaire, kalakip na sa isipan ni Lyla na puro ito mapagmataas.

Maybe that’s why Lucifer is just acting like that because of the way she glares at him. She’s the first one being rude here. Maybe that man just gave back the energy she’s giving off.

Humugot siya ng malalim na hininga. Nagpaalam na rin ang kanyang ina na aalis na dahil kailangan na nitong magpahinga. At nang siya na lang ang naiiwan sa kanyang silid ay tumayo na siya saka niya binagsak ang sarili sa kama.

She stared at the ceiling, weighing everything she has to do and the decisions she’s about to make.

Somehow, may point naman ang kanyang ina. At saka, sa oras na ikakasal na ang kanyang mommy at si Hades, pwede na rin siyang umuwi sa New York at magpatuloy sa kanyang mapayapang buhay niya roon kasama ang kapatid.

That’s right! Bakit hindi niya agad naisip ‘yon? She’s good at that anyways. Tulad na lang ng makipagplastikan sa mga taong ayaw na ayaw niya pero para sa kapakanan ng kanyang kompanya ay magiging mabait siya.

Bahagya siyang napaigtad nang mag-ring ang kanyang phone. She immediately frowned after seeing her sister’s name on the screen. Bella’s calling her through Instagr*m. Lyla tilted her head a bit before lifting the call.

“What?”

“Good morning, my prettiest sister. How’s meeting up with our new family?” energetic nitong tanong.

Humikab muna siya at pinikit ang mga mata. “I’m pretty sure you already know our time difference, right?”

“I know. This is why I’m calling you. It’s still ten there, duh? I’m not stupid, sis.”

Mahina siyang napailing. “It didn’t go as what I expect it to be?”

“Did you meet his son? Lucifer?”

Agad na nangunot ang noo ni Lyla sa sinabi ng kapatid. “How did you know him?”

Bella scoffed from the other line. “Hello, Sis? Are you still with us? You didn’t know about Lucifer Russo at all? You’ve got to be kidding me.”

Mas lalong nakaramdam ng pagkalito ang dalaga. Bakit pakiramdam niya ay sobrang laki ng pangalang Lucifer Russo para sa iba? Even her sister is asking as she’d known that satanic for years!

“Who the hell is he really?” sambit niya. “He’s annoying as hell. He was so rude!”

“Why don’t you try to dig up about him on the interner?” suhistyon ni Bella. “And anways, may klase pa ako. I’m gonna call you again later, okay? I love you, Ate. Bye!”

Napahilot si Lyla sa kanyang sintido at agad na bumangon. She started looking for her laptop. Nang mahanap niya ito ay agad siyang umupo sa kama at binuksan. Lyla immediately typed Lucifer’s name and the results made her jaw parted.

Bukod sa mga imahe ng mga totoong Satanas, unang-una sa listahan ang tungkol sa binata at ang mga iba pang basic information dito. She continued scrolling and reading everything about him.

Maraming babae ang na-li-link sa lalaking ito at bawat babaeng nakapangalan ay mga sikat na personalidad. Mapa-artista man, modelo, fashion designer… and even a p*rn star!

“Grabe, ang landi naman pala ng lalaking ‘to,” wala sa sariling sambit niya.

She continued scrolling. Mukhang ganoon na pala talaga ang pag-uugali ng binata. A site even called him heartless and a shark, shark in business. Kaya siguro mabilis na lumago ang negosyo nito. Napapailing siya sa tuwing na sa part na siya ng mga babaeng na-li-link dito.

Ngunit ni isa sa mga news articles na ‘yon at mga link, walang ni isang kinumpirmang babae si Lucifer. He didn’t admit any girls that they are his girlfriend. So maybe he’s really just seeing women for fun and for pleasure.

“Boys,” she mumbled and scoffed.

Nang magsawa na siya kaka-scroll ay sinarado na niya ang kanyang laptop at pinatong ito sa ibabaw ng nightstand. Humiga na siya sa kama at pinikit ang kanyang mga mata. Lihim siyang nagdarasal na sana…

Sana bigyan siya ng mahabang pasensya para bukas dahil baka sa halip na maging mabait dito, baka masapok niya pa ito sa sobrang pagkapikon.

Kinabukasan ay alas sais pa rin siya nagigising kahit na alam niyang hindi siya papasok sa kanyang opisina. Nasanay na ang kanyang katawan na magising nang ganitong oras. Gustuhin niya man matulog ulit ngunit alam niyang hindi na siya makakatulog ulit.

Pinilit niya na lang ang sariling bumangon at nagtungo sa shower para maligo. Habang na sa loob ng shower room ay hindi siya maiwasang mapaisip kung paano niya iignorahin ang tulad ni Lucifer.  But why is he even here in the first place?

Mariing pinikit ni Lyla ang mga mata at tinapos na ang pagligo. Ngunit nang makalabas siya ng silid ay namilog ang kanyang mga mata sa gulat sabay hawak nang mahigpit sa kanyang suot-suot na roba.

“What the hell are you doing in my room?” sikmat niya rito.

Sa halip na sagutin siya ay pinasadahan siya nito ng tingin. He eyed him from head to toe and raised a brow. “That’s why you’re not around.”

“What the hell are you doing in my room, pervert?!” sikmat niya rito at tinakpan ang dibdib. “Get lost!”

Napatingin naman ang binata sa parteng kanyang tinakpan at umismid. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama at muli siyang pinasadahan siya muli ng tingin bago ito tumingin sa kanyang mga mata.

His eyes… are cold.

“Don’t do things that will make me mad, woman. I am warning you,” sambit nito. “Obey me so your mother can marry my father peacefully.”

Umigting ang kanyang panga. “How dare you to tell me that?”

Be kind and ignore him? Well, forget it. Kung ganitong umaga pa lang ay pinapakulo na nito ang kanyang dugo, baka masuntok na niya ito.

Ngumisi lamang ito at tinalukuran siya. Naikuyom ni Lyla ang kanyang kamao at humugot ng malalim na hininga. “Can you, at least, for once, act civil with me?”

She’s lowering her pride right now para kahit papano ay makaalis agad siya rito at makauwi nang matiwasay dahil ayaw na niya pang manatili pa sa bansang ito. This place, this country to be exact, is suffocating her. She doesn’t want it here.

“No,” sagot nito at iniwan siya sa silid.

Her lips parted as she watched the door closed. Napakurap-kurap pa siya para gisingin ang sarili sa reyalidad. Agad namang nangunot ang kanyang noo at bumuntong hininga. Kinapa niya ang kanyang dibdib dahil sa sobrang bilis ng pagpitik nito.

Kaninong dibdib ba ang hindi kakabog nang ganito kalakas kung sa paglabas niya ng banyo ay na sa kama na si Satanas? And take note, she’s not wearing anything underneath her bathrobe right now.

At higit sa lahat, paano kapasok ang lalaking ‘yon dito sa loob ng kanyang silid. Ang huling naalala niya ay ini-lock niya ang pinto kagabi pagkatapos makalabas ng kanyang mommy. Or did she really lock it?

Lumapit siya sa kanyang pinto at binuksan ito para sumilip sa labas. Baka kasi sakaling na sa labas pa ang lalaking ‘yon at balak siyang silipan, ‘di ba? He didn’t even bother to knock!

Nang masiguro niyang wala ng tao sa labas ay agad niya itong sinara at ini-lock saka siya naglakad patungong walk in closet. Yes, there’s a walk-in closet inside this room. Mukhang mayaman nga ang Hades na ito.

Well, may sarili rin naman siyang walk in closet sa kanyang bahay sa New York ngunit mas malaki ang walk-in closet niya rito. May vanity dresser din sa gilid na alam niyang hindi na kakasya sa kanyang walk-in closet sa kanyang bahay.

Habang namimili ng kanyang susuotin, napansin niya ang pag-ring ng kanyang phone. Tinignan niya kung sino ang caller at umangat ang kanyang kilay nang makita ang pangalan ng kanyang kaibigang si Jona.

Kahit nakakunot ang kanyang noo ay sinagot niya pa rin ang tawag ng kaibigan. “What?”

“Sabi ni Nics, na sa Pinas ka raw?”

She frowned even more. “How did she know?”

“I don’t know? Bella?” patanong ding sambit ng kaibigan. “Anyways, anong ginagawa mo rito? Are you busy? Do you want to come over?”

Umupo siya sa upuan sa harap ng vanity dresser. “Saan?”

“Sa ospital? Obviously? I am here because I am a doctor,” sagot ng kaibigan.

“Anong gagawin ko riyan? Tuturukan ko ng injection ang batok mo?” pamimilosopo niya rito. “Nah. I have some plans today.”

“Sumaglit ka lang dito. I’m going to share you my location, okay? Bye!”

Hindi pa man siya nakapagsalita ngunit agad na siya nitong pinatayan ng tawag. Hindi niya maiwasang mapailing at bumuntong hininga. Nilapag niya ang phone sa ibabaw ng vanity at muling tumayo para magpatuloy sa paghahanap ng damit.

Maybe she’ll go and have a morning coffee outside. Wala rin naman sigurong mawawala kung maglilibot siya rito sa lugar kung saan siya lumaki, ‘di ba?

PILIT NA SINUSUPIL NI LUCIFER ang ngisi sa kanyang labi habang naglalakad pababa ng hagdanan. He’s off to work. Gusto niya sanang kausapin ang dalaga kanina tungkol sa mga gusto niyang gawin nito ngunit hindi niya naman inaasahang early bird din ito. Mukhang mas nauna pa itong magising sa kanya.

“Aalis ka na ba, anak?”

Nangunot ang kanyang noo at bumaling sa nagsalita. It was Shirley. May hawak itong sandok at nakasuot ng apron. Mas lalo pang nangunot ang noo nito nang mapansin kung paano siya nito tawagin.

“Anak?” malamig niyang sambit.

He saw how the woman looked away. “Sabi kasi ng daddy mo, pwede kitang tawaging anak─”

“Lucifer,” he cut her. “Call me Lucifer.”

Ayaw niya sa lahat ay ang tinatawag siya sa mga pangalang hindi niya gusto. Not even Hades can call him anak. Minsan lang siya nito tinatawag ngunit hinahayaan niya na lang dahil matigas din ang ulo nito. But not Shirley.

“S-sorry, Lucifer. Aalis ka ba?”

Hindi na siya umimik dito. Dire-diretso na siyang lumabas ng bahay at sumakay sa loob ng kanyang sasakyan. Wala siyang balak na maging malapit kay Shirley. Nandito lamang siya para bwisitin ang anak nitong si Lyla.

Well, let’s just say… this is her punishment for kissing him that night.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status