Share

Chapter 03

She tilted her head and bit her lower lip. Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking hinalikan niya sa New York! Pero baka naman magkamukha lang? Maybe she’s just overthinking things. Sobrang coincidental naman siguro kung ito nga ang lalaking hinalikan niya.

And she was drunk that time, okay? Hindi siya sigurado sa kanyang nakita. Baka sadyang namamalik-mata lang talaga siya. It would be really so awkward kung ito ang lalaking nakahalikan niya, ‘di ba?

“It’s so nice to finally meet you, Lyla.”

Wala sa sarili siyang napatingin sa lalaking may edad niya. It was Hades, ang gustong mapangasawa ng kanyang ina. She wanted to smile to him but she can’t help not to look at the handsome man beside him.

Sa tindig at postura nito, mahahalata ang pagiging arogante nito. At sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ng pagkairita si Lyla. She hates men who thinks high of themselves. Lalo na ‘yung mga nagiging customer niya na gustong bigya ng regalo ang kanilang mga babae.

“Lyla?” pukaw ng kanyang ina sa kanyang malalim na pag-iisip.

Pinilit ni Chandria na ngumiti si Lyla sa ginoo at inabot ang kanyang kamay para pormal na magpakilala rito. “It’s nice to meet you too.”

Ngumiti ito at laking gulat ng dalaga nang bigla siya nitong yakapin. For a moment, she felt awkward. Ni minsan ay wala pang lalaking nakayakap sa kanya, not even her own father. Kaya naman para siyang tuod na nakatayo habang yakap-yakap ng ginoo.

She doesn’t know how to respond to a man’s hug kaya naman hinayaan niya na lang ito. Mukhang napansin ni Hades na wala siyang balak sagutin ang yakap nito ay dahan-dahan na itong kumalas at ngumiti.

“I’m sorry. I was just excited to finally have a daughter,” sambit nito.

Gustong ngumiwi ni Lyla sa narinig. Finally have a daughter? Sino bang nagsabi sa taong ito na magiging ama na niya ito sa oras na ikasal ito sa kanyang ina? Well, in papers, yeah. Ngunit wala na siyang balak kumilala pa ng bagong ama. She’s already twenty-three. Hindi na niya kailangan pa ng kalinga ng isang ama.

“Anyways, this is my son, Lucifer,” pakilala nito sa anak niyang na sa tabi.

Doon na binaling ni Lyla ang paningin sa binata at napansin ang mapang-uyam nitong pagtingin sa kanya na para bang may kung anong naglalaro sa isipan nito. She took a deep breath to calm herself.

“Hey,” she greeted and extended her hands. “I’m Lyla.”

“I know,” malamig nitong sambit. “Lucifer.”

Ngunit ang gago, ni hindi nito tinanggap ang kanyang nakalahad na kamay. She clenched her jaw as she slowly lowered her hand. Mukhang napansin ito ng kanyang ina kaya naman agad itong tumikhim para kunin ang kanilang atensyon.

But not her. Lyala’s eyes remaine on Hades’ son, Lucifer. Mukhang pinapanindigan nga nito ang kanyang pangalan, Lucifer.

“Uhm, let’s have a seat?” her mother cleared her throat.

Hindi pa sana siya uupo ngunit hinawakan siya ng kanyang mommy sa balikat at giniyang maupo sa kanyang bakanteng upuan. Umupo naman ang kanyang ina sa kanyang tabi at pasimpleng bumulong.

“Stop with those deadly glares, Lyla. Be nice.”

Saka niya pa lang napansing masamang tingin na pala ang kanyang ginagawad niya sa binata. She immediately looked away and bit her lower lip to calm herself down. Paano siya mapapanatag kung ganito angp pag-uugali ng anak ni Hades?

Hindi ba’t mayroong kasabihan noon na kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Hades is nice but who knows he’s hiding something under his sleeves, right? Paano kung kaugali niya pala ang diablo niyang anak at ipapakita niya lang ito kapag kasal na sila ng mommy niya.

That’s why she needs to keep a close eye to them. There’s something off about this Lucifer, so as this Hades. Kung may tinagago mang kademonyohan ang dalawang ito, dapat ay mabuking na niya ito bago pa man dumating ang araw ng kasal nila ng kanyang ina.

Isa-isang nilapag ng dalawang kasambahay ang mga pagkaing niluto raw ng kanyang ina. Sa halip na mas lalong mairita sa lalaking kanyang kaharap ngayon sa hapag, pinilig niyang ibaling ang paningin sa mga putaheng inihain sa mesa.

It’s been a while since she last tasted her mother’s recipe. Minsan lang kasi silang mag-bonding mag-ina at minsan, sa mga mamahaling restaurant sila kumakain kaya naman sobrang tagal na mula nang huli niyang matikman ang luto ng kanyang ina.

“I also cooked your favorite dish, Lyla.” Nakangiting nilapit ng kanyang ina ang bicol express.

Tipid siyang ngumiti rito at bumuntong hininga. “Thanks, Mom.”

Nahihiya siyang sabihin sa kanyang ina na hindi na ito ang paborito niyang pagkain. Ngunit kahit na ganoon, hindi niya pinahalata rito. She doesn’t want to hurt her mother’s feelings. Pero kailangan din nitong malaman na hindi lahat ay tulad noon.

“Bliss?”

Wala sa sarili siyang napakurap-kurap at tumingin sa kanyang in ana nakakunot noong nakatingin sa kanya. She raised a brow. “Yes, Mom?”

“Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo,” sambit nito. “Are you okay?”

Doon pa lang napansin ni Lyla na muli na naman siyang napatulala. Pinilit niya ang sariling ngumiti at tumango. “Yes, Mom. I’m okay. M-may iniisip lang.”

Tahimik siyang nagsandok ng pagkain habang ramdam na ramdam niya ang titig ng lalaking na sa kanyang harapan. But does she care? No, she doesn’t. Wala nga siyang pakialam kahit pa lumuwa ang mata nito kakatitig sa kanya. Ang mahalaga ay hindi siya tumingin dito dahil mabilis siyang makaramdam ng pagkairita.

“Don’t tell me it’s about your work again?” tanong ng kanyang mommy at mahinang umiling. “Lyla, nandito ka na sa Pilipinas. Hindi naman siguro babagsak ang negosyo mo kapag isang buwan kang mag-leave, ‘di ba?”

“That’s true, Lyla.”

Wala sa sarili siyang napatingin kay Hades nang bigla itong magsalita. She frowned. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at bumuntong hininga. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ‘yung mga nakikialam sa kanilang usapan ng kanyang ina.

Mukhang nakuha agad nito sa paraan ng kanyang pagtingin kaya naman agad itong ngumiti.

“I don’t mean to pry, but your mom’s right.” Tipid itong ngumiti sa kanya. “You need to temporarily take a break from work and have some fun while you’re still young.”

Mariing kinagat ni Lyla ang ibabang labi at pilit na ngumiti. “I will.”

Ayaw na niyang humaba pa ang usapan kaya naman hindi na siya kokontra sa kung ano ang sasabihin nito. Napatingin naman siya kay Lucifer nang mag-ring ang phone nito. He immediately excused himself and left the dining table to answer the call.

“I’m so sorry for my son’s rude behavior towards you,” Hades smiled at her apologetically. “He’s just like that. I hope you two can get along.”

Bago pa man siya makasagot ay naunahan na siya ng kanyang ina.

“Oh, I’m sure they will,” nakangiting sambit nito. “Hindi na rin naman sila bata para magbangayan pa na parang aso at pusa.”

Umismid siya at piniling h’wag na lang kontrahin ang sinabi ng kanyang ina. Just like what she said, ayaw niyang mapahaba ang usapan na hindi naman siya interesado.

GUSTONG MAPANGISI NI LUCIFER habang nakatingin sa dalagang masama ang tingin sa kanya. If only looks can kill, he’s probably dead right now. Sa paraan ng pagtingin ng dalaga sa kanya, alam agad niyang naiirita ito sa kanya.

‘That’s right, woman. Get more irritated with me,’ saad ni Lucifer sa kanyang isip-isip.

Aliw na aliw siyang makita ang pagkainis ng dalaga. Kahit nang makaupo na sila ay pamatay pa rin ang tingin nito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang matawa nang mahina at humugot ng malalim na hininga.

Tahimik siyang nakikinig sa kanilang usapan nang biglang mag-ring ang kanyang phone. He immediately excused himself to answer the call. There’s nothing more important than his business. He’s not here to impress them by being a family-oriented person anyways.

“What?” malamig niyang bungad sa kanyang sekretarya.

“Uhm, good evening, Sir. Mr. Tiballa just called me and he wanted to have a meeting with you tomorrow,” sambit nito. “I have checked your schedules, and you’re full tomorrow.”

“And?”

Saglit muna bago nakasagot ang kanyang sekretarya. “I told him I could set an appointment with you in the next two months, but he keeps insisting on it tomorrow. He won't stop ringing my phone.”

His jaw clenched. “Block him if you have to.”

Matapos niyang sabihin ‘yon ay agad niyang pinatay ang tawag. Umupo siya sa isang sun lounger at pinanood ang pool. Yes, he’s in the pool area. He wanted to cool down a bit, para rin makahinga kahit papano si Lyla.

It’s pretty obvious. Mukhang sa lahat ng babaeng nakilala niya, si Lyla lang ang na-hate at first sight sa kanya. Bakas naman sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. But well, maybe she’s just in denial or something.

Humugot siya ng malalim na hininga at tinignan ang kanyang pambisig na relo. Agad siyang napatingin sa entrance ng pool area nang biglang lumitaw roon ang isang bulto. Napangisi naman si Lucifer. Mukhang tapos na ang kanilang dinner time.

Tumaas ang kilay niya na para bang hindi siya nito napansin. Na sa may parteng madilim kasi siya kaya naman talagang hindi siya agad mapapapansin. At ganoon siguro si Lyla, hindi siya nito napansin.

Umupo ito sa gilid ng pool at nilublob ang paa sa tubig. He tilted his head and stared at her. She has a face of an angel, pero halata naman sa mukha nito ang pagiging masungit. And who knows she’s a liberated kind of person, right?

Hindi tanga si Lucifer para hindi maalala ang mukha ni Lyla. And he thinks… this is the perfect time to mock her. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya nitong i-deny para lang hindi ito mapahiya.

Tumayo ang binata at naglakad palapit sa dalaga. Nang makarating siya sa likuran nito ay nakatitig pa rin ito sa tubig ng pool at mukhang na sa malalim na pag-iisip. Kakakilala pa nga lang nila mukhang alam na agad niya ang hobby nito.

“How’s the kiss?” he asked.

Agad itong napalingon sa  kanya at namilog ang mga mata nito sa gulat. He smirked at that. Umupo siya sa tabi nito at nag-indian sit. Wala siyang  balak ilublob ang mamahaling niyang sapatos sa tubig.

“What the hell are you talking about?” she frowned.

Pero anong pagkunot ng noo nito, kitang-kita niya pa rin ang pamumula ng pisngi nito kasabay ang pag-usog nito palayo na para bang iniiwasan siya. That made him smirk.

“So you’re playing forgetful now?” he asked. “After kissing and slapping me?”

Umiwas ito ng tingin sa kanya at napatingin muli sa paa nitong na sa tubig. “You deserve it anyway.”

“Why do I deserve that?”

“Because you’re rude!” sagot nito na para bang naiirita na sa kanya. Masamang tingin ang pagbaling nito sa kanya. “You know what, I think you really deserve that slap. How dare you not accept my formalities a while ago?”

Nanliit ang mga mat ani Lucifer. Kanina pa siya nagtitimping papakin ang labi nito ngunit nagtitimpi lang siya. Labis siyang nanggigil sa labi nito matapos ng paghalik nito sa kanya at umalis. And to accept her hand a while ago will only make him kiss her.

“Because I don’t like you,” he said.

Lie! Isang malaking kasinungalingan. He wanted to know more about her. About her personalities, her behavior, and most of all, her past. He wanted to know everything about her. There’s something about this woman.

“And I don’t like you, too.” Tumayo ito at masama ang tingin sa kanya. “I don’t like you at all. Their wedding should stop.”

“Because of what? Because you hate me?” Tumayo rin siya at nginisihan ang dalaga. “That’s so immature for someone who’s handling a huge business. Do you think you can stop them from marrying each other just because you hate me?”

Her jaw clenched. Gusto niya itong tawanan ngunint pinipigilan niya ang kanyang sarili. Sa halip ay blanko niya itong tinignan. Hinintay niyang sumagot ito ngunit nagmamartsa itong pumasok sa loob ng bahay.

Mahina siyang napailing.

Dapat niya na bang ipakita ang kanyang tunay na pag-uugali rito?

NAGDADABOG NIYANG NILAPAG ang kanyang phone at umupo sa kama. Biglang sumakit ang kanyang puson na mas lalo niyang ikinairita. Ang galing talagang mamikon ng lalaking ‘yon. Ito nga, si Lucifer nga ang lalaking hinalikan niya dahil sa dare.

Pero bakit kailangan pa nitong ingudngod sa kanyang pagmumukha na hinalikan niya ito? If there’s a right thing she did that night, iyon ay ang pagsampal niya sa diablo na ‘yon. He’s a pure evil! Pinapanindigan niya nga talaga ang kanyang pangalan!

“Lyla?”

Nag-angat siya ng tingin sa pinto nang may kumatok dito. She stood and walked to the door. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang kanyang ina na mukhang papatulog na rin dahil naka-sleeping wear na ito.

“What is it?” she asked.

“Can we talk?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status