Share

Owned by the Devil
Owned by the Devil
Author: SenyoritaAnji

Prologue

“Lyla?”

Napatingin siya sa kanyang Mommy nang tawagin siya nito. Tinigil niya ang pagbabasa sa kanyang dokumentong hawak at bumaling sa kanyang Mommy na may malawak na ngiti sa labi.

“What is it, Mom?”

Tipid na ngumiti ang kanyang ina at umupo sa visitor’s chair ng kanyang opisina. It’s very unusual for her mom to visit her during working hours. Alam nito ang schedule niya kaya naman nakakapagtakang pinuntahan siya nito ngayon lalo na’t may meeting siya thirty minutes from now.

“Uhm, I know you’re busy, anak, but I want to give you this…”

Nilapag ng kanyang ina ang isang invitation card at ganoon na lang ang pagparte ng kanyang labi sa gulat. She looked at the card and looked at her mom. Hilaw itong nakangiti sa kanya na para bang alam nitong hindi siya ini-expect ang bagay na ito.

“You’ve got to be kidding me, Mom.” Pinulot niya ang invitation card at binasa ito. “Wedding? Mr. and Mrs. Russo? Mom? You just met that guy!”

“I know, sweetie. But I just knew it’s him.”

Natampal ni Lyla ang kanyang noo sa narinig. “Mom, you can’t marry a guy you just met. That man looks dangerous! It’s as if he run a mafia organization or some illegal stuffs.”

Her mother met this man named Hades Russo during their vacation in Maldives. She must admit, that man is gorgeous as hell. Pero hindi niya naman inaasahang mag-ki-click ang kanyang mommy rito.

“You’re being judgmental again, Lyla. Why don’t you come and meet him. I mean, get to know him. Right? And besides, he has a son too. He’s three years older than you,” sambit ng kanyang mommy.

She rolled her eyes heavenwards. She’s not being disrespectful, okay? Sanay na ang kanyang mommy sa ganitong klaseng reaction niya. Lyla can be a little sassy and bitchy whenever she hates the topic, just like now.

“Meet him? Are you serious, Mom? And your wedding is approaching. Paano kung masama pala ang ugali niya pero tapos na ang kasal niyo?”

Her mother looked at her, her eyes are begging. Agad naman siyang napaiwas ng tingin. She hates it when her mother is acting like this. Lyla loves her mom so much. After their father left them, ang mommy niya ang sumuporta sa kanila at bumangon sa kanila sa hirap kaya naman mahal na mahal niya ito.

“Please? Ayaw mo ba akong maging masaya?” mahinang tanong nito.

There she goes again.

Lyla took a very deep breath and looked at her mother. Well, wala na rin naman siyang mapagpipilian. It seems like her mother has her final decision already. Ano pa bang magagawa niya?

“Fine,” nakabusangot niyang pagpayag. “But please, don’t disturb me for wedding march practices. I am not interested.”

Binuksan niya ang invitation card at binasa ang laman nito. She has to know when the wedding would be and where it will happen. Just like always, she has squeeze it up on her time schedule. She’s a busy person.

“You’re always busy, Lyla. Hindi ba pwedeng mag-vacation leave ka muna? Let your business run without you for a week or two.”

Bago pa man siya makasagot ay may kumatok na sa kanyang pinto. Tinaasan niya muna ng kilay ang kanyang mommy para sabihing saglit lang. She cleared her throat before speaking.

“Come in,” saad niya na punog-puno ng professionalism.

Agad namang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang sekretarya na si Pammy. Nakangiti ito sa kanya at sa kanyang ina. “Greetings, Mrs. Abrenica. Miss Lyla, your next meeting is twenty-five minutes from now. Shall I ready the car?”

Kumirot ang sintido ng dalaga sa narinig. Muntik na niyang makalimutang may meeting pa pala siyang pupuntahan. Masyado kasi siyang na-distract sa usapan nilang mag-ina.

She took a deep breath and looked at her secretary. “What will be the agenda of the meeting again?”

“I believe it’s in your iPad, Miss.”

Wala sa sariling napatingin si Chandria sa kanyang iPad at mariing pinikit ang kanyang mga mata. Tumango siya at hilaw na nginitian ang sekretarya. “I’m sorry, I forgot. Thanks for reminding me, Pammy. And please ready the car now. I’ll be out in five minutes.”

Pammy nodded her head and immediately excused herself, leaving her and her mother again. Napatingin siya sa kanyang ina na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya. Muli niya itong tinaasan ng kilay.

“Is there something wrong?” she can’t help but ask.

“You’re not talking good care of yourself, aren’t you?” seryosong tanong nito. “Your concealer can’t hide those dark bags under your eyes, Bliss.”

Napangiwi siya nang tawagin siya ng kanyang mommy sa kanyang second name. Good heavens, she hates that name so much. Her father used to call her that because he said she’s a blessing to him. But then he left.

May blessings bang iniiwan?

Tipid siyang ngumiti sa kanyang mommy. “My company went to a very hard time last month, Mom. I wasn’t able to sleep on-time. But no worries, I am taking care of myself now. Just like how I’m taking care of Bella.”

Bella is her younger sister. Limang taon ang gap nilang dalawa at malapit ang loob nila sa isa’t isa. Sa makatunayan, Bella is now studying Law and one of the Harvard’s Dean Lister. Kaya naman super proud siya para sa kapatid.

“Really?” Tumaas naman ang kilay ng kanyang in ana para bang ginagaya siya. “Why don’t you take this wedding of mine as an advantage to take a break from work, anak? Go home to the Philippines and have some fun there. Don’t exhaust yourself. Tatanda kang dalaga niyan.”

Parang mas lalong kumirot ang ulo niya sa sinabi ng kanyang mommy. Going back to that country is not part of her plans. Ayaw na ayaw na niyang bumalik pa ng Pinas. May mga branches siya ng kanyang jewelry roon ngunit ni isa sa mga roon ay wala siyang pinuntahang opening. Kahit nang nagkaproblema ang isa niyang branch sa Cebu dahil sa nakawan ay hindi siya pumunta. She sent Pammy instead.

“No, Mom. I’m not interested. Marami pa namang magagandang lugar na pwedeng bisitahin. H’wag lang sa Pilipinas,” she said and shrugged her shoulders. “Anyways, I have to go. May interview pa ako mamaya so I guess I’ll just meet you tonight?”

She needs to drop the topic. Alam na alam niyang kukulitin na naman siya ng kanyang mommy na magtungo ng Pinas. Ayaw niya nga roon. That country broke her heart.

Mukhang napansin naman ng kanyang Mommy na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa pagbabakasyon sa Pinas kaya naman ay tumango na lang ito at humugot ng malalim na hininga. Her mother stood and she immediately walked up to her and kissed her on the cheeks.

“I have to go now. I love you.”

HINILOT NI LUCIFER ang kanyang sintido at sinamaan ng tingin ang kanyang ama na ngayon at mapang-aasar na nakangiti sa kanya. Hindi niya makuha-kuha sa kanyang ama na kung bakit parang hindi ito apektado kahit gaano pa kasama ang tingin na binibigay niya rito.

“Are you fucking serious, right now? You’re fvcking fifty-five. You’re an old man, and you still want to get married?” iritado niyang sambit sa ama.

Mahinang natawa ang kanyang ama at dumekwatro sa couch. “Ako na ang magpapakasal dahil mukhang wala kang plano.”

He sighed. Mukhang wala rin naman siyang mapagpipilian. Bakas sa mukha ng kanyang ama na desidido na ito sa kanyang desisyon. Kaya naman labag sa loob niyang kinuha ang invitation card na nasa mesa niya at binasa ito.

“Who fvcking agree that I’m going to be the best man?” sambit niya.

Humalakhak ang kanyang ama. “You’re my only son, of course you’re going to be the best man.”

Mahina siyang napailing. “Make sure she’ll sign the pre─”

“She’s not after my money, son. If that’s what you think. Her daughter is a famous brand jewelry owner.”

“Then maybe you’re after the money.”

“What the hell?”

Mahina siyang natawa at humugot ng malalim na hininga. “Get lost. I have something more important business to deal with.”

“And before anything else, I want you to be kind to her daughter and to her once you meet them. I don’t want to give them a bad impression. Don’t show off your asshole attitude, Lucifer. H’wag mo masyadong gampanan ang pangalan mo.”

Umirap lamang siya sa kanyang ama at tumayo na para puntahan ang kanyang susunod na meeting. Wala na siyang panahon pa para magkaroon ng diskusyon sa kanyang ama tungkol sa nalalapit nitong kasal.

He doesn’t mind if his father gets married so many times. Marami naman itong pera na kayang buhayin ang sampung pamilya kaya hindi na siya interesado pa. Pero nakakasakit lang sa ulo na malapit na itong mag-senior citizen pero nagagawa pa ring mangharot.

Pagkalabas niya ng kanyang opisina at hinugot ng phone sa kanyang bulsa. He immediately dialed a friend’s number while walking towards the elevator.

“I thought hell finally wants to meet me,” bungad ng kaibigan niyang si Stone.

Napairap siya sa hangin. “I want you to investigate someone for me.”

“Woah, don’t tell me it’s a girl.”

His jaw clenched. “Shirley Abrenica. And no, she’s not my girl. My dad’s. I want the results tonight.”

“Okay. Where you at?”

“New York,” he replied. “You gonna hand it to me?”

“Yeah. I’m in London and heading to New York right now. Just send me your location later,” sagot nito.

He hummed before turning off the call. He has to make sure. Mahirap na sa panahon ngayon. Everything is all about money. Alam niya ‘yon dahil na sa larangan siya ng pagnenegosyo.

Pagkapasok niya sa loob ng elevator ay agad niyang pinindot ang ground floor button para diretsong parking lot na siya. Nandoon na kasi sa meeting place ang kanyang sekretarya kaya naman siya na lang ang pupunta.

And as he got inside his car, he immediately turned on the engine.

“Alexa, can you read my schedule for today?” bagot niyang sambit sa kanyang artificial intelligence na nakapatong sa dashboard ng sasakyan.

Habang sinusuot ang kanyang seatbelt ay pinapakinggan niya ang kanyang device na si Alexa. He tilted his head a bit when he realized he’s vacant tonight at nine in the evening. Siguro ay diyan na niya kikitain si Stone.

“YOU’VE GOT TO be kidding me,” sambit ng kanyang kaibigang model na si Nicole. “I mean, dude? What the hell? Hades Russo? Are you serious right now? Ibig sabihin, magiging kapatid mo na si Lucifer Russo?”

Nangunot ang kanyang noo at muling sumimsim sa alak na kanyang iniinom. “Who the hell is that devil?”

Ang weird naman ng pangalan, Lucifer. Ganon ba ka-atheist ang mommy niya para pangalanan siya ng ganun?

“Ayan, pati isang hot na si Lucifer ay hindi mo kilala kakasubsob mo sa trabaho mo.”

Nicole Lewis is a good friend of hers. Isa itong modelo na lumaki sa Pinas. She met her way back during her college days. Isa si Nicole sa tumutulong sa kanya noon nang naghihirap siya lalo na sa mga school projects. Kaya naman malaki ang utang na loob niya rito.

They’re in a famous club here in New York. Tapos na ang kanyang huling meeting at hindi na rin siya nakakuha pa ng pagkakataong kausapin ang kanyang mommy dahil umuwi na ito ng Pinas kaya naman nang ayain siya ni Nicole ay hindi na siya tumanggi pa.

Besides, she needs to breathe.

“I don’t know him. I’m not interested.” She shrugged off her shoulders.

Muli siyang sumimsim sa kanyang iniinom na alak. Sa totoo lang ay hindi pa rin naalis sa isipan niya ang usapan nila ng kanyang mommy. She’s worried, okay? Baka kasi masaktan na naman ang mommy niya. Ayaw na niya itong makitang umiiyak.

Minsan na niyang makita ang mommy niya na umiyak dahil lang sa isang lalaki, sana lang ay h’wag na ‘yun maulit pa.

“You know what, this party is so boring.” Tinunga ni Nicole ang alak sa baso nito at tumingin sa kanya. “How about we go to the dance floor? Let’s go hunt some boys to get laid tonight.”

She cringed at that. “I’m not here for that.”

Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan. “Do you know what you should worry? Your love life, Lyla. Buti pa si Tita may nahanap na, e ikaw? Come on. Here, drink. Then let’s play truth or dare.”

Bago pa man siya maka-hindi ay dumating na ang kanilang mga kaibigan. Napairap sa hangin si Lyla dahil sa sobrang kukulit ng mga ito. Thank goodness, this bar keeps those paparazzi away. Kaya naman malaya silang gumalaw rito sa loob.

“Oh, the beautiful bitch is here! Hi, Lyla!” pagbati sa kanya ng kaibigang si Wynonna at hinalikan siya sa pisngi.

Tipid niya lang itong nginitian. Mukhang wala na siyang mapagpipilian pa kundi ang sumabay sa kanila.

Habang papalalim ang gabi ay padami na rin ang kanilang iniinom. Kaya naman nang magsimula na ang pakulo na naisip ni Nicole ay siya ang pinagtripan nito.

“Lyla will go first,” sambit ni Nicole at tumingin sa kanya. “Hey, girl. Dare or dare?”

Nangunot ang kanyang noo. “Truth.”

“There’s no truth between the choices, bitch. Are you high?” lasing na sambit ng kaibigan.

Napailing ang dalaga. “Okay, dare.”

Nicole clapped her hands happily and said, “Kiss the gorgeous guy you see in five minutes.”

Hindi na siya nagulat pa sa narinig. She immediately roamed her eyes all over the place and her eyes landed on a handsome man, sitting on the other side of the club with his friend.

He’s gorgeous she must admit. Especially the way he clenched his jaw. Kaya naman agad siyang tumayo. Naghiyawan naman ang kanyang mga kaibigan dahil alam nilang gagawin na niya ito.

Nahihilo na siya sa dami ng kanyang ininom kaya naman medyo pasuray-suray na ang kanyang lakad. Sakto namang tumayo ang lalaki kaya agad niya itong nilapitan. Mabilis ang kanyang mga hakbang na tinawid ang distansya nila ng binata at nang malapit siya rito ay walang pagdadalawang isip niya niya itong kinabig at hinalikan.

It was just supposed to be a smack one, but when she was about to pull away, the man held her waist still and deepened the kiss making her eyes grow wide.

Shit!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Debbie Gabriel
i like the beggining of the story it is suspence
goodnovel comment avatar
_M A R Y A.
Hala. Nagstart na pala ang story Ni Lucy. sorry naman po Senyorita na late Ako. hihi Ito na po maghahabol basa na.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status