Share

Chapter One: Elaina - Punishment to the Unruly

Isang buwan na rin ang nagdaan magmula nang kupkopin ako ng aking Padrino. Naging collateral man ang mga papeles ay hindi iyon sapat sapagkat hindi naman nailipat sa kanyang pangalan ang mga titulo kung kaya't hindi libre ang pagtira ko sa bahay niya, inalis niya ang lahat ng tagapagsilbi at ako ang natira. Isang buwan na rin mula nang huli ko itong makita dahil ang sabi ng kanyang assistant ay may business meeting itong inaasikaso.

Matapos linisin ang buong silid at matupi ang lahat ng nilabhan ay pabagsak akong nahiga sa malaking sofa. Nakatingin lang ako sa kisame ng biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng aking Padrino. Walong taon ako nang huli ko siyang makita nang mga panahong iyon ay eighteen years old lang siya kaya nakakapanibago ang makita siya matapos ang sampong taon.

Dahil sa nakaupo ako malapit sa silid kung saan naroon ang surveillance monitor ng buong bahay ay narinig ko agad ang tunog ng monitor-- may tao sa labas ng gate. Agad akong tumayo at umakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay upang makita kung sino ang nasa labas. Nakita ko ang papalayong lalaki, base sa saklay-saklay nitong bag ay ito ang messenger na kadalasang pumaparito. Agad kong tinungo ang mailbox.

“To Silas Desmond, from Detroit Realty.” Napakunot noo ako sa nabasa, sandamakmak na ang natatanggap kong liham para sa kanya ngunit hindi pa rin siya nauuwi. “Tatawagan ko na ba siya?” Dahil na rin siguro sa kawalan ko ng kasama ay kadalasan ko nang kinakausap ang sarili.

Inayos ko ang pagkaka-file ng mga liham at dinala ito sa kanyang opisina na nasa ikatlong palapag. Kulay itim ang tema ng kanyang silid ngunit napakaliwanag pa rin nito, malawak at salamin ang mga pader dahilan upang kitang-kita ang mga nagtataasang puno na nakapaligid sa kanyang mansyon sa loob ng bente kwatro ektaryang lupain.

Sa edad na dyesinwebe ay ipinahawak na kay Silas ang kanilang negosyo at napalago niya ito kung kaya't sa edad niya ngayon na bente otso ay isa na siya sa mga prominenteng pangalan sa bansa. Hindi ko maiwasang hindi maikumpara ang sarili sa aking Padrino gayong dyesi-otso na ako at wala pa ring nararating sa buhay.

“Elaina,” napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang bariton nitong boses.

“Godfather!” nanlalaki ang mga mata kong turan, hindi ko inaasahan ang pagdating nito ngayon.

“What are you doing here in my office?” tanong nito sa magaspang na boses, nakita ko ang pagsulyap niya sa vault. Malinaw na habilin niya sa akin na hinding-hindi ako papasok sa loob ng opisina.

“I received mails from Detroit Realty and nag-file up na ang mga iyon so I decided na ilagay na sa opisina mo, pero wala--”

“There's the library, Elaina. No need to enter my office.” Base sa tono ng pananalita nito ay galit na ito.

“I'm sorry, Godfather.” Yumuko ako bilang paghingi ng tawad saka akmang hahakbang paalis nang magsalita ito.

“Kneel.” May kung ano sa boses nito na awtomatiko akong napaluhod nang utusan niya ako. Salamat sa makapal kong palda at hindi gaanong masakit ang aking tuhod habang nakaluhod. Naikusot ko ang dalawang mga daliri habang pinapanood ko itong nagtatanggal ng sinturon at inilukot iyon sa kanyang mga kamay habang nag-iwan ng dose pulgadang haba sa dulo nito. “Hands, Elaina.” Agad kong inilahad ang mga kamay sa harap niya, hinawakan niya ang aking mga kamay at pinagtabi ang mga iyon saka niya pinalo gamit ang sinturon ng tatlong beses.

Napapakagat ako ng labi sa bawat palong ginagawa nito. Nakita ko rin ang pamumula ng mga kamay ko. Napaigtad ako nang hawakan niya ang mga kamay ko, damang-dama ko ang pagdaloy ng iilang bultahe mula dito papunta sa aking kalamnan. “Does it hurt?” tanong niya. Napatingala ako sa kanya at saka nagpalingo-lingo. Tunay namang hindi ako nakaramdam ng ano mang sakit. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kanan nitong kilay at ang pagkurba sa isang sulok ng labi nito.

“You never learn, Elaina. You are not your Daddy's little girl anymore, Elaina, you will have to follow my rules. Behave and heed what I say.” Napalunok ako ng laway sa narinig.

Kinuha niya ang isang upuan at saka naupo sa aking harapan with his legs crossed. Niluwagan niya ang kanyang kurbata habang isa-isang tinatanggal ang mga butones nito.

"Elaina, there's no room for stubborn girls here." Aniya saka gamit ang dalawang daliri ay sumenyas siya, pinapatayo ako. Sinunod ko ito, tinanggal niya ang pagkaka-krus ng kanyang mga mahahabang mga binti at saka tinapik ang kanyang kandungan.

Gusto niya atang maupo ako sa kandungan niya. Nalamukos ko na lang ang sariling bestida saka akmang uupo nang iniharang niya ang kanyang kamay. “On your tum, Kitten.” Pinanlakihan ako ng mata sa narinig ngunit wala naman akong choice kundi ang sundin ito. Nag-aalangan akong dumapa sa kanyang hita, nalalapat ang aking t'yan sa kanyang kanlungan habang ang aking mga kamay ay pilit kong itinutukod sa sahig bilang suporta.

“Remember this day, Elaina.” Saad niya sa mababang tono. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang iniaangat nito ang laylayan ng aking suot na bestida. “Next time, shorts are not allowed under your dress.” Uminit ang aking pisngi sa tinuran nito lalo na nang hilain niya ang suot kong short pababa.

“Godfather!” Bulalas ko saka akmang tatayo but he pinned me at napanatili niya akong nakadapa. Napaliyad ako sa bigla nang paluin nito ang aking pang-upo.

“Say a word at dadagdagan ko ang parusa mo.” Bakas sa boses nito na hindi ito nagbibiro kung kaya ay kinagat ko na lang ang aking labi. Nasundan pa ng mas malakas na pagpalo ang nauna.

“Do you know what's your fault?” tanong nito. Sasagot sana ako kung hindi ko lang naalala ang sinabi nito na dadagdagan niya ang parusa ko kapag nagsalita ako. “Elaina,” he groaned. Sa halip na sagutin ay kagat labi akong napapikit ng mata. Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa na sinundan ng isang malakas na palo sa aking pang-upo.

Ramdam ko pa rin ang init ng aking mga pisngi habang nakatayo ako sa harap niya at tinataas ang nakababa kong short. “What have you learned, Elaina?” tanong nito sa akin.

“Not to enter your office,” tipid kong sagot, ikiniling niya ang kanyang ulo senyales na pinapalabas niya na ako. Hindi ko inaasahan ang pagbabalik nito. Sa aking paglabas ay naroon nakatayo si Brett, ang kanang kamay nito. Patakbo kong tinungo ang sariling silid at pabagsak na nadapa sa kama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status