Share

Chapter Two: Elaina - Stripped

“Brett,” sambit ko, lumingon ito sa akin saka bahagyang yumuko. Kahit pa man para akong alila dito sa bahay, ni minsan ay hindi ako tinuring ni Brett na nakakababa sa kanya, “nasaan si Silas?” tanong ko dito.

“Master Silas left an hour ago, young miss.” Napakunot noo ako, hindi pangkaraniwan na mahiwalay si Brett kay Silas. Marahil ay napansin nito ang katanungan sa aking mukha at nagkusa na itong magpaliwanag, “I came back to get the documents that he needed for today's corporate meeting,” paliwanag nito.

Para naman akong nakahinga nang masiguradong wala nga si Silas sa bahay at ako nanaman mag-isa ang maiiwan. Tulad nang aking nakagawian matapos maglinis ng bahay ay nagbihis ako upang gumala sa labas. Hindi naman ako pinagbawalan ng aking Ninong na lumabas kung kaya't halos gabi-gabi ako sa paborito kong bar, gamit ang perang allowance nito sa akin.

“Elaina!” mula sa kabilang dulo ng bar ay dinig na dinig ko ang sigaw ng kaibigan kong si Lauvrice na nakilala ko lang rin sa bar. Nang makalapit ako dito ay agad niya akong inabutan ng baso ng alak na siya ko namang tinanggap.

“Elaina, akala ko ba nakauwi na ang ninong mo?” tanong nito sa akin.

“Nakauwi na nga, pero may business trip daw kaya ako nanaman mag-isa sa bahay.' Napalingon ako nang may narinig akong hiyawan malapit sa stage. “Anong meron?” tanong ko kay Lauvrice.

Ngumiti ito saka ako hinila papunta sa harap ng stage. “Paano mo nga pala nalaman na nakauwi na ang ninong ko?” tanong ko dito.

“Hello, nakalimutan mo na ba kung sino ang ninong mo? Elaina, he is Silas Desmond. Wala ni isang nilalang sa bansa ang hindi nakakakilala sa kanya. Baka gusto mo ng ninang, willing ako.” Kumindat pa ito sa akin. Napangiwi ako sa narinig mula dito. “O, ba't ganyan reaksyon mo? Capable naman akong maging ninang mo.”

“Tumahimik ka na, ayoko sa 'yo.” Tinaasan niya lang ako ng kilay saka ako hinila papunta sa harap ng stage at nakisiksik sa kumpol na mga tao.

Napamaang ako nang makita ang tatlong lalaki na walang damit pang-itaas at sumasayaw sa gita ng stage. Gumigiling ang mga ito sa pole na para bang mga uod habang inuulan ito ng pera. Napatingin ako sa itaas kung saan nalalaglag ang sandamakmak na mga perang papel at nakita ko ang mga nakadungaw na mga tao mula pa sa pangatlong palapag habang nagpapaulan ito ng mga pera.

“Tunay ba to?” tanong ko, hindi naman kasi ako makapaniwalang may magsasayang ng mga pera para lang sa mala-uod na mga sayaw nito. Pumulot ako ng isang papel at sinuri ito. “Tunay nga,” bulalas ko nang mapatunayan na hindi nga peke ang mga ito.

“Hi, bunny.” Napaigtad ako nang marinig ang bulong ng isang lalaki mula sa aking likuran. Agad akong napalayo nang makita ko ang isang lalaki na titig na titig sa akin, agad akong nagpalinga-linga upang hanapin si Lauvrice ngunit nawala ito. Dulot nang kakaatras ko ay nasadlak ako sa paanan ng stage.

Napasigaw ako nang hilain ako paakyat ng dalawang lalaking nagsasayaw kanina sa itaas. “Teka, hindi ako sumasayaw,” saad ko habang kinakaladkad nila ako papunta sa gitna ng stage. “You got the wrong person--” agad akong binara ng isang babae na kakalapit lamang.

“Honey, sa bar na 'to ay walang tama o mali, kapag narito ka sa loob ibig sabihin ay game ka sa kahit na ano mang kasayahan ang mayroon dito.”

“I said no.” Masungit kong turan saka akmang aalis nang mapatigil ako dahil nakaposas na ang isa kong kamay sa pole. Kasabay ng kalansing ng posas ay ang sabay-sabay at nakakabinging hiyawan ng mga tao sa loob ng bar.

Pinanlakihan ako ng mata nang punitin ng babae ang suot kong bodycon dress hanggang tuhod. “Shorter! Shorter! Shorter!” sigaw ng mga ito habang nagtatapon ng mga pera sa akin.

“Shorter?!” sigaw ng babae. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid at nagtapon ulit ng pera. Natameme ako nang punitin nitong muli anhg himlayan dahilan upang malantad ang aking hita. Mas umigting ang sigawan.

“Undress the top!” sigaw ng isang lalaki na sinang-ayunan naman ang iilan sa mga naroon. Agad kong naiyakap ang isang kamay sa sarili nang dumako ang tingin ng mga ito sa aking dibdib.

Nagpalingo-lingo ako. “I am Silas Desmond's woman. You will pay if you touch me!” Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig. Pwede ko namang sabihin na inaanak ako ni Silas pero sa dinamirami nang pwede kong sabihin, iyon pa ang nabanggit ko.

Nabalot ng katahimikan ang buong lugar saka nagsalita ang babae. “Oh, another Silas Desmond's woman!” Sarkastiko nitong turan habang tumatawa na sinundan naman ng tawa ng lahat ng naroon. “Dear, Silas Desmond has a lot of women, alin ka run?” mapanuyang turan ng babae.

“Top! Top! Top!” SIgaw ng mga tao sa paligid. Hinarap ako ng babae at saka hinablot ang strap ng suot kong dress. Wala akong nagawa kundi ang pumikit.

Napakunot noo ako nang mapansin na tila ba tumahimik ang paligid, maging ang musika ay tumigil din. “Go and tear her dress and I'll tear your throat, woman.” Agad akog napadilat ng mata nang marinig ang pamilyar na boses.

“Godfather.” Sambit ko dito nang magtagpo ang mga tingin namin. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip nito ngunit ramdam ko ang tensyon sa paligid at ang panginginig ng babae habang tinatanggalan ako ng posas.

“We're going home.” May diin ang salita nitong turan mukhang galit ito. Hinubad ni Silas ang coat at ibinalot sa akin saka nito hinarap ang dalawang lalaking humila sa akin kanina paakyat sa stage at sinipa ang mga ito. Tumilapon ang mga ito sa ibaba ng stage papunta sa mga mesang may mga inumin.

Matapos iyon ay bumaba kami ng stage na wala siyang binibitawang salita habang karga-karga ako. Nang marating namin ang sasakyan ay pinagbuksan kami ni Brett sa backseat. Ipinasok niya ako sa loob saka siya naman ang sumunod.

Habang bumabyahe ang sasakyan ay tahimik kong pinagmamasdan si Silas na prenteng nakaupo. Nakapangalumbaba ito habang nakapikit ang mga mata. Dahil sa tulog ito ay nagawa kong matitigan ang detalye ng kanyang mukha. Mahaba at makapal ang kanyang mga pilik-mata habang kulay rosas naman ang kanyang mga labi. Halatang kaka-shave niya pa lang dahil sa fine outline ng balbas nito. Hindi ko maipagkakailang napaka-hot nga ng aking ninong. Agad akong nag-iwas ng tingin nang bigla itong magdilat ng mata. Umiwas ako ng tingin sa pamamagitan ng pagtingin sa labas ng bintana. Pasimple ko namang sinasampal ang pisngi dulot ng pag-iinit nito at ang abnormal na tibok ng puso ko.

Nang marating namin ang bahay ay pinagbuksan kami ni Brett, nauna akong bumaba saka siya. Hindi naman ako mapakali habang naglalakad kami papasok. “Follow me,” untag nito. Dahil sa mahaba ang kanyang mga binti at mabilis ito kung maglakad ay halos lakad takbo na ang ginagawa ko upang makasabay lang dito. Nang dumiretso siya sa elevator ay nagtanong na ako.

“Saan tayo pupunta, Ninong?” tanong ko. Silas naman talaga ang tawag ko sa kanya, tinatawag ko lang siyang Ninong o Godfather kapag may kasalanan o kailangan ako.

“To hell, Elaina.” Napalunok ako sa naging sagot nito. Bakas sa kanyang mga mata ang galit. “Sasakay ka ba o hihilain kita?” Agad akong sumampa sa elevator at tumayo sa kanyang likuran.

Bumukas ang elevator sa ikapitong palapag at narating namin ang lugar na hindi ko pa napupuntahan-- ang kanyang Den. Hindi agad ako nakalabas ng elevator nang makita ko ang lugar. “Elaina, lalabas ka ba o hihilain kita?” Dahan-dahan akong lumabas nang elevator saka tumayo sa isang sulok. Sinundan ko ng tingin si Silas na pumasok sa isang silid at paglabas nito ay may dala na itong bote ng alak.

“Silas,” sambit ko habang nagsasalin ito ng alak sa baso. Hindi ito sumagot sa halip ay niluwagan nito ang kurbata at naupo sa couch sa aking harap.

“Strip.” Tila nabingi ako sa sinabi nito kahit malinaw naman ang katagang binitawan niya.

“I'm sorry?”

“I said Strip.” His voice is firm, He is serious.

“I can't,” saad ko habang maluha-luha ang mga mata.

“Why, Elaina? You let those strangers strip you. You let them see what's underneath that f*cking thin fabric. We have an agreement, it was clearly stated that you are giving yourself to me-- the whole you. So technically speaking, you are mine, Elaina.” Napaawang ang aking bibig sa narinig at may kung anong bultahe ng mumunting kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan na siyang gumulo sa aking kalamnan.

“What if I will not do it? Will you force me?” mapanghamon kong turan. I know Silas won't force himself on me.

“I won't force you, Kitten. You'll force yourself to do it.” Napakunot noo ako dahil hindi ko makuha kung ano ang ibig nitong sabihin. Ilang segundo rin akong nakatingin dito bago nag-sink in sa akin ang estado ng buhay ko. Ako nga pala ang nagmakaawang lumapit dito. I can't leave without the life na nakamulatan ko and only Silas can provide that life.

Dahan-dahan kong ibinaba ang strap ng suot kong bestida habang si Silas naman ay titig na titig sa akin. Dumulas sa aking balat ang damit at bukod tanging ang pang-ilalim ko na lang ang natira. Hawak-hawak pa rin ni Silas ang walang laman na baso habang tagos na tagos sa katawan ko ang mga titig nito. Napalunok ako saka nanginginig ang mga kamay na inabot ang lock ng aking bra. I unhooked it saka ito inihulog sa sahig. Kasunod kong hinubad ang aking saplot pang-ibaba.

Silas' eyes darkened. I saw how his Adam's apple moved as he swallowed. Naging malikot ang mga mata nito habang naglalakbay sa buo kong katawan, nagtagis din ang mga panga nito na animo'y nagpipigil ito. Ang aking atensyon ay nasa kanya lang din nakatuon habang gumagapang ang init sa buo kong katawan. Saka lang ako nahila pabalik sa kasalukuyan nang ibinagsak nito ang baso sa mesa. Tumayo siya at nilapitan ako. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay nararamdaman ko na ang init ng kanyang hininga. Napakaganda rin ng kanyang mga malagintong mga mata.

“Very good, Kitten. Now get out,” saad niya sa mababang tono. “Get out!” Sigaw nito nang hindi agad ako kumilos. Dali-dali kong pinulot ang mga damit saka sumakay ng elevator.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status