CHAPTER 1
BE MINE“B-bakit ngayon pa, Jeo?” unang tanong ko matapos kong marinig ang mga katagang kahit kailan ay hindi ko naisip na maririnig ko galing sa kanya. “Pakasalan mo ‘ko, Ysobelle,” walang pagdadalawang isip na pag-uulit niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. I should be happy and jumping because finally he sees me more than a friend —bestfriend to be exact.“How cruel are you, Jeo? Hindi ka man lang humanap ng maayos na lugar para alukin ako ng kasal. O kahit maayos na araw kasi itinapat mo talaga kung kailan ililibing si Dad?” masakit na tanong ko sa kanya. Ito naman ang hinahangad ko noon pa. Ang maikasal sa lalaking gustong gusto ko, kaya hindi nko lubos maproseso kung ano dapat kong maramdaman. Kung magiging masaya ba ako dahil sa puntong akala ko ay wala na akong pag-asa kay Jeo, ngayon ay inaalok niya ako ng kasal. O nanamnamin ko muna ang sakit ng pagkawala ng unang lalaking minahal naming magkakapatid. “Alam kong baon kayo sa napakadaming utang. Isang taon lang —isang taon na kontrata lang ang titiisin mo, Ysobelle. Kapalit nun, ay maaasahan mong ibibigay ko lahat ng kailangan niyo pinansyal,” seryosong wika ni Jeo sa tila nabatong si Ysobelle. Nabato si Ysobelle mula sa kaniyang kinatatayuan sapagkat ang akala niyang pagpapakasal ay dahil sa wakas na-realize nitong may feelings rin siya sa ‘kin. Ngunit kahit pag baliktarin ang mundo ay hinding hindi magbabago ang nararamdaman niya para sa babaeng una nitong minahal at patuloy nitong minamahal. “A-anong kontrata? G-gusto mong magpakasal ako sayo para sa pera?” gulantang na tanong ni Ysobelle kay Jeo. Ngayon ko lang narinig ang ganoong transaksyon, akala ko dati ay nangyayari lang yun sa mga telenovela. Ngunit ngayon ay nasa gitna na rin ako ng ganoong sitwasyon. Hindi ko alam ang gagawin pero pikit mata ko na lang na nilunok ang magiging desisyon. “T-tinatanggap ko, Jeo. Pero sa isang kondisyon,” saad ni Ysobelle habang nakatingin sa mga mata ni Jeo. “W-we can talk about it next time. May kailangan pa kong asikasuhin,” aniya gamit ang nanginginig na boses. That’s the first time he showed emotions. Wala pa mang kumpirmasyon kung sino ang may dahilan kung bakit nanginig ang boses ni Jeo. Alam na kaagad ni Ysobelle na si Kaela ang pupuntahan nito. Isang tawag at pagmamakaawa lang ni Kaela lilipad at tatakbo kaagad si Jeo papunta sa kanya. Sa mga nakalipas na araw ay hinayaan ni Ysobelle ang kanyang sarili na magluksa para sa kanyang ama. At ipinangako na sa araw ng kanyang unang trabaho kailangan niyang maging matatag. “Kaya mo ‘to self, para sa pamilya!” sigaw ni Ysobelle upang lumakas ang kanyang loob na pumasok para sa unang araw ng trabaho. “Dito ka na lang muna, Ysobelle. Habang wala pa si boss pero may magtuturo naman sayo kung anong mga gagawin mo,” saad ni Gabriel. Siya pala ang kaibigan kong matagal na ring nagtatatrabaho para sa DISAM Industries. “Thank you, Gab ha. Buti na lang nandiyan ka para may mapagtanungan ako,” I said sincerely. Sa mga nakaraang araw talaga, masyado akong nanlulumo pero kailangan natin magpatuloy sa buhay. Kailangan kong kumayod para may maipangbayad kami sa utang dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung saan kukunin ang 10 milyon na utang ng aking ama. Mabuti na lang din at napunta ako kay ate Mariel. Sobrang bait at matagal na talagang nagtatrabaho dito sa kumpanya. “Naku, sobrang dami ng sumuko diyan kay Sir. Napakasungit kase, naalala ko pa yung isang sekretarya niya dati na umiiyak paalis dahil nasigawan ni Sir,” pagkukwento nito na nagpangiwi sa akin. Napangiwi na lang ako dahil ako mismo ang nakaranas kung gaano kabuti si Jeo. Syempre ibang usapan nga lang nung nag-confess ako na gusto ko siya. Kulang na lang ay ipagtabuyan niya ako.CHAPTER 42: Moments“Jeo….w-wait Jeo! Ano ba!?” sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanya. “Nauna kang makipaglaro, Belle,” sigaw pabalik ng lalaki. Kahit tirik pa ang araw ay tuloy tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Paglingon ko ay malayo pa siya kaya naman huminto muna ako para huminga ng malalim. “Hah! Grabe nakakahingal tumakbo. Parang napasukan na ng buhangin yung paa ko,” hinihingal na ani ko at tinignan ang paa kong pagaling pa lang ang sugat.“Got you, Belle,” bulong ni Jeo bago niya iniyakap ang braso niya sa katawan ko. Napasigaw naman ako sa biglang pagyakap niya ngunit wala na siyang hinintay na panahon at inikot pa talaga ako. Natawa na lang ako dahil mukhang honeymoon namin ang araw na ‘to. I never really expect or imagine any honeymoon with him. But this is kinda way great….much greater than what I could think of. Kasi all this time, ang alam ko lang ay ang inisin at kamuhian niya. “Ang bilis mo naman tumakbo, Jeo,” natatawang ani ko ng bitawan niya na ko pero nakaya
CHAPTER 41: BETAAnong oras na pero mukhang hindi pa rin bumababa ang energy ng mga taong ito. Naalala ko ang binake kong banana loaf. “Sandali, kukunin ko lang yung banana loaf sure ako malamig na yun,” nakangiting ani ko at bumaba mula sa pinag-uupuan naming lahat. Pagdating sa kitchen ay tama nga ako dahil malamig na ang mga banana loaf. Nilabas ko ito sa baking tray nila at hiniwa na parang katulad ng tasty bread. Paakyat na sana ako ng marinig ko ang usapan nilang pito. Mukhang seryoso iyon kaya hindi ko muna inistorbo ang usapan nila. “Hindi mo ba ‘to ginagawa para gumanti? Matagal ng patay si tukayo, pinatawad ko na rin siya sa lahat ng ginawa niya,” rinig kong ani Mang Tonyo at muli kong narinig ang katahimikan sa pagitan nila. “Marangyang pamumuhay ang nararapat sa inyo, Mang Tonyo,” wika ni Jeo gamit ang boses na may halong pighati? M-may nanakit o lumapastangan ba kay Mang Tonyo? Bakit tila galit na galit si Jeo sa mga iyon? “Akala ko dati ay kapag sinabi mong marangy
CHAPTER 40: MEN NEEDS CARE“No! Hindi nga maayos ‘yan yung paglilinis mo,” sabi ko ng pasinghal dahil kita ko pang may dumi pa sa pinasugat niya sa noo. Napakamot naman sa ulo si Jeo ng pinaupo ko na siya para lagyan ng alcohol ang noo niya. “Parang kulang pa yata ang alcohol na nilagay mo, Yso?” tanong naman ni Mang Tonyo at nasa itaas na pala malapit sa amin. “Tay naman, madami ng binuhos si Belle diyan kanina e,” simangot nitong aniya na kinatawa ni Mang Tonyo. “Sakto, makakapagfocus na si Yso kasi binaba na ni Kuya Rex yung angkla,” pagpaparinig naman ni Kuya Arvie kaya nagtawanan silang lahat. “Tara na nga lang dun sa kwarto, Belle. Nanggagatong pa ‘tong mga isdang nahuli ko,” ani Jeo kaya naman napakunot ang noo ko. “A-anong isda ang pinagsasabi mo?” tanong ko pero natawa na lang sina Kuya Rex at tinuro si Kaloy. “Si stone fish ba kamo? Heto na nahuli ko na!” masayang ani ni Kuya Arvie at hinawakan pa ang ulo ni Kuya Arnie. Hindi ko na napigilang humalakhak dahil nagulat
CHAPTER 39: Revenge“This is a small bruise, Belle. Don’t worry, I can even swim from here to there,” pagyayabang niya kaya naman natawa ang iba naming kasama pero nag-walk out lang ako. “Ohhhhh! Mukhang may manunuyo ah,” asar nila Kuya kaya naman kita kong napakamot ng ulo si Jeo. “Paano ba manuyo ang isang Jeo Ezekiel?” asar naman ni Kaloy sabay takip ng bibig niya. Ang jejemon pala ng lalaking ‘to, kulang na lang ng sumbrero at shades e.“Tigilan niyo na nga at baka lalong pagpasuyo,” pakikipagbiruan naman ni Jeo kaya padabog na akong pumasok at nakita ang mga banana loaf na nakalabas na sa oven. Mukhang toasted na papunta na sa sunog dahil hindi ko na talaga naalala sa kakahanap kay Jeo. Mamaya ko na lang aayusin at ipapatikim kina Kuya kasi kukuha muna ako ng medicine kit para sa sugat ni Jeo sa noo. I remember na meron nun sa rooms kaya mabilis akong pumunta sa room pero napatigil ako ng makita ang kama. Gulo gulo pa iyon dahil hindi ko pa naaayos, napahawak na lang ako sa
CHAPTER 38: Help“H-hindi Kuya! K-kailangan natin iligtas si Jeo,” umiiyak na sigaw ko habang nagpupumiglas umalis mula sa mga hawak nila. Mahigpit ang hawak ni Kuya Arnie at Kaloy sa magkabilaang braso ko. Kanina pa ako pumipiglas para tumalon at sagipin si Jeo. “Gusto mo bang pati ikaw ay hanapin namin?” biglang ani Kaloy at binitawan ang braso ko. Nanlaki naman ang mata ni Kuya Arnie at inginuso na hawakan ako pero umiling lang si Kaloy. “Hayaan mo siya Kuya, parang iniisip niya na wala tayong ginagawa para sagipin si Sir,” nakapamewang pa niyang sabi kaya naman nagulat ako. “I-i didn’t mean it like that, Kaloy,” pabulong kong ani at napayuko na lang sa kinatatayuan ko. Umalis si Kaloy at tinulungan na mag-ikot sa boat sina Kuya Gary para hanapin ang asawa ko. Naiwan kami ni Kuya Arnie sa unahan ng boat ng dahan dahan niyang binitawan ang braso ko. “P-pasensya na po kayo,” mahinang bulong ko na tinanguan niya lang. Kahit nagsilbi iyong pagpapatawad o pagkakaintindi, alam kon
CHAPTER 37: Storm “W-why? May mali ba sa tanong ko?” tanong ko kay Jeo na nagligpit na rin ng pinagkainan kasunod lang nila Kuya. Napasimangot naman ako kasi pakiramdam ko ay sinira ko ang hapunan namin dahil sa tanong ko. Kaya naman nakapag-decide akong ipag-bake sila para naman makabawi. Kasi kitang kita ko talaga na ayaw nilang sagutin ang tinanong ko kanina. Habang nililigpit ko ang pinagkainan ko ay sinusubukan kong makipag-usap pero madami silang ginagawa. “Kuya Gary patulong naman po, paabot po nitong mga bowl,” mahinang ani ko ng dumaan siya sa gilid ko galing sa likod. Ramdam ko ang paglapit niya at dahan dahang kinuha ang mga bowls na gagamitin ko sa pag-bake. “Galit po ba kayong lahat sa ‘kin, Kuya?” mahinang tanong ko habang pinapadaanan ng water ang bowl para malinis. “Ay hindi, Yso. Ayaw lang talaga naming pag-usapan ang bagay na iyon,” mabilis na saad ni Kuya at bahagyang ngumiti sa gawi ko kaya parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. “Pasensya na po kayo, Kuya