Owning the Hottest Island Executive

Owning the Hottest Island Executive

last updateLast Updated : 2025-08-08
By:  GELAYACEUpdated just now
Language: English
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

How can a love be so patient but suddenly lose its will when the right time finally comes? “G-gusto kita, Jeo!” “Higit pa nga yata don. H-hindi ba pwedeng kahit s-subukan mo? Kahit ngayon lang iparanas mo naman sakin na akin ka,” nagmamakaawa kong bulong. Walang kaalam alam ang lahat na kasal na ang poging CEO na si Jeo sa nag-iisang sekretarya nitong si Ysobelle. Isang taon— isang taon ang hinintay ni Ysobelle pero si Kaela pa rin ang minamahal nito. Dito na tuluyang napagod si Ysobelle, umalis siya ng walang paalam at ang tanging iniwan sa asawa ay kapirasong papel ng divorce paper na may pirm niya. Simula ng umalis sa poder ni Jeo ay sinimulan niya ang pagdiskubre sa magagandang tanawin sa Pilipinas. Ngunit napadpad siya sa Palawan, sa lugar na ito nagtagal si Ysobelle dahil sa ganda ng mga tanawin. Ngunit masyadong mapaglaro ang tadhana, ang pamilyang napamahal na sa kanya puso ay ang pamilya rin ng dati niyang asawa. Ito na ba marka ng tuluyan nilang paghihiwalay? O ito na ang magiging simula ng pag-usbong ng pagmamahalan nilang dalawa. Can love really bloom from a man’s broken heart and a woman’s pierced heart? Or will waves keep on pushing them apart?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

CHAPTER 1

BE MINE

“B-bakit ngayon pa, Jeo?” unang tanong ko matapos kong marinig ang mga katagang kahit kailan ay hindi ko naisip na maririnig ko galing sa kanya.

“Pakasalan mo ‘ko, Ysobelle,” walang pagdadalawang isip na pag-uulit niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

I should be happy and jumping because finally he sees me more than a friend —bestfriend to be exact.

“How cruel are you, Jeo? Hindi ka man lang humanap ng maayos na lugar para alukin ako ng kasal. O kahit maayos na araw kasi itinapat mo talaga kung kailan ililibing si Dad?” masakit na tanong ko sa kanya.

Ito naman ang hinahangad ko noon pa. Ang maikasal sa lalaking gustong gusto ko, kaya hindi nko lubos maproseso kung ano dapat kong maramdaman.

Kung magiging masaya ba ako dahil sa puntong akala ko ay wala na akong pag-asa kay Jeo, ngayon ay inaalok niya ako ng kasal. O nanamnamin ko muna ang sakit ng pagkawala ng unang lalaking minahal naming magkakapatid.

“Alam kong baon kayo sa napakadaming utang. Isang taon lang —isang taon na kontrata lang ang titiisin mo, Ysobelle. Kapalit nun, ay maaasahan mong ibibigay ko lahat ng kailangan niyo pinansyal,” seryosong wika ni Jeo sa tila nabatong si Ysobelle.

Nabato si Ysobelle mula sa kaniyang kinatatayuan sapagkat ang akala niyang pagpapakasal ay dahil sa wakas na-realize nitong may feelings rin siya sa ‘kin.

Ngunit kahit pag baliktarin ang mundo ay hinding hindi magbabago ang nararamdaman niya para sa babaeng una nitong minahal at patuloy nitong minamahal.

“A-anong kontrata? G-gusto mong magpakasal ako sayo para sa pera?” gulantang na tanong ni Ysobelle kay Jeo.

Ngayon ko lang narinig ang ganoong transaksyon, akala ko dati ay nangyayari lang yun sa mga telenovela.

Ngunit ngayon ay nasa gitna na rin ako ng ganoong sitwasyon. Hindi ko alam ang gagawin pero pikit mata ko na lang na nilunok ang magiging desisyon.

“T-tinatanggap ko, Jeo. Pero sa isang kondisyon,” saad ni Ysobelle habang nakatingin sa mga mata ni Jeo.

“W-we can talk about it next time. May kailangan pa kong asikasuhin,” aniya gamit ang nanginginig na boses.

That’s the first time he showed emotions. Wala pa mang kumpirmasyon kung sino ang may dahilan kung bakit nanginig ang boses ni Jeo.

Alam na kaagad ni Ysobelle na si Kaela ang pupuntahan nito. Isang tawag at pagmamakaawa lang ni Kaela lilipad at tatakbo kaagad si Jeo papunta sa kanya.

Sa mga nakalipas na araw ay hinayaan ni Ysobelle ang kanyang sarili na magluksa para sa kanyang ama. At ipinangako na sa araw ng kanyang unang trabaho kailangan niyang maging matatag.

“Kaya mo ‘to self, para sa pamilya!” sigaw ni Ysobelle upang lumakas ang kanyang loob na pumasok para sa unang araw ng trabaho.

“Dito ka na lang muna, Ysobelle. Habang wala pa si boss pero may magtuturo naman sayo kung anong mga gagawin mo,” saad ni Gabriel. Siya pala ang kaibigan kong matagal na ring nagtatatrabaho para sa DISAM Industries.

“Thank you, Gab ha. Buti na lang nandiyan ka para may mapagtanungan ako,” I said sincerely.

Sa mga nakaraang araw talaga, masyado akong nanlulumo pero kailangan natin magpatuloy sa buhay. Kailangan kong kumayod para may maipangbayad kami sa utang dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung saan kukunin ang 10 milyon na utang ng aking ama.

Mabuti na lang din at napunta ako kay ate Mariel. Sobrang bait at matagal na talagang nagtatrabaho dito sa kumpanya.

“Naku, sobrang dami ng sumuko diyan kay Sir. Napakasungit kase, naalala ko pa yung isang sekretarya niya dati na umiiyak paalis dahil nasigawan ni Sir,” pagkukwento nito na nagpangiwi sa akin.

Napangiwi na lang ako dahil ako mismo ang nakaranas kung gaano kabuti si Jeo. Syempre ibang usapan nga lang nung nag-confess ako na gusto ko siya. Kulang na lang ay ipagtabuyan niya ako. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status