CHAPTER 5
WEDDING GOWNTumalon ako mula sa kama ko papunta sa closet ko para mamili ng susuotin ko bukas. I just chose an all white outfit para clean at professional looking pa rin. Habang pinaplantsa ang damit ko ay umilaw ulit ang cellphone ko. Pagtingin ko ay may mensahe ulit galing ka Jeo. “Prepare also for a gown fitting after the conference.” Shit! Totoo na talagang ikakasal ako sa kanya? Huwag ka masyadong excited, Ysobelle! Alam mo namang temporary ka lang. “At least I experience na maikasal sa kanya diba? Kahit civil lang, kahit isang taon lang, basta matatawag ko siyang akin ng isang taon,” pagpapalakas ko sa loob ko. Sa isang taon na iyon, gagawin ko na lang ang mga bagay na magpapasaya sa akin. Ayun lang naman ang gusto ko, alagaan siya hanggang sa makakaya ko. At magagawa ko na yun habang nakatira kami sa iisang bahay. Hindi niya mararanasan na walang mainit na pagkain sa hapag habang nandiyan ako sa tabi niya. “Are you that excited? Bakit ang aga mo?” inis na tanong ni Jeo ng makita ako sa harapan ng company at may hawak na kape.“Ofcourse, pangarap ko magka-yacht no,” masayang saad ko sa kanya at pumasok na sa passenger seat kahit hindi niya sinasabi.7 pa lang ay nakaalis na ako sa bahay. Halos hindi ako makatulog kase baka hindi ako magising ng inalarm ko.
“Nakakabusog ba ‘yan? Matagal yung conference, get the meal in the backseat,” utos nito kaya naman napalingon ako sa pagkain sa likod. Galing sa Jollibee, sa pagkakaalala ko ay hindi naman ‘yan ma-fastfood kasi greasy daw. Pero mukhang napapadalas na ang pabili niya ngayon. “Pahingi ako ha! Mas masarap pala ‘to kesa sa kape,” bulalas ko ng makita ang chicken, peach mango at madaming yum burger. “Fast Food monster,” natatawang bulong niya na umabot sa pandinig ko. “Sa liit kong ‘to ako pa talaga yung monster? Ikaw nga ‘tong maraming binili, Jeo,” sisi ko sa kanya pero natawa na lang siya. “Kumain ka na?” tanong ko sa kanya habang kumakain ako ng chicken. Nang umiling ito ay iniumang ko sa kanya ang chicken na bagong kuha mula sa bucket. “Here! Eat! Baka mamaya nasa hospital na ako kase wala ka pang kain. Pampalakas ng resistensya boss,” pangungulit ko sa kanya kaya wala na itong nagawa kundi kumagat sa chicken. “Hindi ko naman hahayaan na masaktan ka, di katulad ng dinedate mo,” mahinang bulong nito. “Binubulong mo diyan, Jeo?” tanong ko pero umiling lang siya. Nag-focus na lang ako sa pagkain dahil hindi na ako makakakain mamaya. Sakto naman na pagkatapos kong kumain ay malapit na kami sa lugar kung saan may maraming klase ng yate at kung saan ang meeting ni Jeo. Nandito kami ngayon sa Europa Yachts, alam ko ay gustong mag-venture ni Jeo sa mas malalaking boats na hindi lang fishing or gatherings. “What the fuc— I mean shhhh, sobrang ganda rito!” bulalas ko habang tinitignan ang iba’t ibang klase ng yate. Sobrang dami ring choices ng brands dito like axopar, lagoon, aquila tsaka iba’t ibang uri ng yachts like motor yachts, sailing yachts and even powerboats. May nakita rin akong sobrang laki siguro kahit ilang buwan ka sa dagat kayang kaya ng yate na yun. Pero alam ko rin kung paano makakabutas ng bulsa ang mga ganoon kalalaking yate. Gusto ko pa nga sanang tignan ng mas malapitan kaso hindi man lang nag-aabala si Jeo na tawagin ako. Kaya ang nangyayari ay kailangan kong tignan kung nasaan na siya para makasunod ako. “Bawal bang balikan mo na lang ako dito, Jeo?” tanong ko sa kanya habang nagb-beautiful eyes pero umiling lang ito. “Bahala ka umuwi mag-isa mo kung hindi ka susunod.”Edi wala na akong ibang nagawa kundi kuhanan ng picture ang nadadaanan naming yate. Kesa naman hindi ako makauwi ng libre ang sasakyan, sayang din kaya ang pamasahe.CHAPTER 11THEIR CHORESKinabukasan, madaling araw pa lang ay gising na ako. Hindi ko alam kung excited ba ako kase makikita ko siya. O susungitan niya na naman ako magdamag, pinaglihi ata sa sama ng loob ‘tong asawa ko e. Asawa?! First time ko naisip yun ha. Pero ang sarap pala sa feeling na yung dati mong crush ngayon ay nakatira na kayo sa iisang bahay. At hindi lang yun kase pinakasalan pa talaga ako kahit fake lang. “Ano ba ‘yan ang aga aga para magdrama ka Yso!” pagalit ko sa aking sarili at pinagtuunan na lamang na ubusin ang ginawa kong matcha latte. Hindi ko pa pala nasasabing I’m not a coffee person. Mas gusto ko yung matcha na more on sweeter side. Sabi nga ng iba mas authentic yung lasang damo pero para sa ‘kin mas masarap yung mild lang ang damo effect. Unlike, Jeo na kahit anong kape yata ay iinumin niya. Akala ko nga ay mag-iinarte ito sa 3-in-1 na tinimpla ko sa kanya e. “Hmmm? Tulog pa kaya si Jeo? Ano kayang pwede kong gawin?” nag-iisip kong tanong sa sarili ko.
CHAPTER 10LITTLE FIGHTS“Anak ka ng tipaklong!” sigaw ko at napasandal sa gilid ng elevator. Paano ba naman at nakadukwang siya, iniiwasan ko na ngang hindi siya makita. “What a handsome tipaklong, Ysobelle,” sarkastiko nitong wika. Totoo naman ngunit sa inis ko ay hindi maiwasan ng mukha ko magkaroon ng subtitle. I frowned habang nakaharap ako sa kanya. Napakunot noo siya ng makita ang pagpangit ng mukha ko dahil sa sinabi niya. “Nagsasabi lang ako ng totoo, kaya nga gustong gusto mo akong makita, Ysobelle.”Kahit kailan hindi ko siya narinig na magyabang, ngayon lang talaga. Ang hot, cool, liquid, solid niya magyabang pero dahil naaalala ko ang ginawa niya kagabi nagkunyari akong nasusuka. “Ang lakas ng hangin nun ha, baka mamaya yung mabahong bibig na yung maamoy ko,” saad ko pero lumapit lang siya sa ‘kin. Sa sobrang lapit niya ay hindi ko na alam pero nagiging dalawa na siya sa paningin ko. Itutulak ko sana ang noo niya ng manlaki ang mata ko ng dumapo ang labi niya sa labi
CHAPTER 9HIS RAGE“Wag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita, Ysobelle!” dumagundong ang boses nito sa kabuuan ng bahay. Isang storey lang ang bahay na ito. Saktong sakto lang sa dalawang tao, pero hindi ko alam kung may titira ba rito. Unang araw pa lang naming dalawa ay witness na kaagad ang bahay na ‘to sa hindi pagkakasundo namin. “At sinabi ko ring pagod na ‘ko Jeo! Kung hindi ka nakuntento sa sinabi ko, mukhang problema mo na yun!” matapang kong sagot sa kanya. Hindi porket asawa ko siya ay may kapangyarihan na siyang pagtaasan ako ng boses. Kahit kailan ay hindi ko ginustong manigaw sa kahit kanino pero masyado akong drained at nasasaktan ngayong araw. Kaya siguro naman ay understandable yun kahit papaano. “Kaya kahit kailan hindi ko nakikita yung sarili kong magkagusto sayo! Kasi ganyan ka! Ano pa bang tinatago mo bukod sa pagbabar ha?” pang-iinsulto nito kaya mabilis na lumagapak ang kamay ko sa pisngi niya. “Naiintindihan ko kung hindi moko magustuhan, Jeo. Per
CHAPTER 8START OF THEIR MARRIED LIFE“No! Walang magaganap na honeymoon kase sa akin siya uuwi-” Pinatay ko na ang tawag dahil ayoko na masyadong magpa-apekto sa pinagsasabi niya. Pero hanggang sa tawagin na ako ng kapatid ko ay natutulala ako sa mga sinabi ni Kaela. “Ate? Nandito na ang make up artist mo,” tawag sa akin ni Aika. Lumabas na rin ako sa banyo at bumungad nga sa akin ang make up artist na hi
CHAPTER 7HUSBAND AND WIFENawala na rin ako sa mood at pinili na lang ang sinuggest ng designer. Muntik ko ng makalimutan na kontrata lang pala ang nag-uugnay sa aming dalawa kaya bakit ba sobrang invested ako sa pagpili ng wedding dress?“Wear that tomorrow, bukas na ang kasal,” malamig na aniya at mabilis na humarurot ang sasakyan niya paalis. Ang galing! Kung kailan pa talaga birthday ko. “I pronounce you husband and wife!” mali
CHAPTER 6JEALOUS?!?Nagsimula na rin ang meeting dahil kami na lang pala ang hinihintay dito sa conference room. May mga kapitan ng barko pa talaga kaming kasama, hindi ko na kailangan itanong dahil halata naman sa mga suot nila. Kasama rin namin ang nagpakilalang representative ng Europa Yachts. Hindi ko alam sobrang pogi rin pala ng isang ‘to, kung hindi ko lang siguro gustong gusto si Jeo ay baka sa kanya na lang ako nahulog. “Can you stop looking at him? You’re future husband is right beside you,” masungit na sita nito kaya naman napaayos ako ng upo