CHAPTER 6
JEALOUS?!?Nagsimula na rin ang meeting dahil kami na lang pala ang hinihintay dito sa conference room. May mga kapitan ng barko pa talaga kaming kasama, hindi ko na kailangan itanong dahil halata naman sa mga suot nila. Kasama rin namin ang nagpakilalang representative ng Europa Yachts. Hindi ko alam sobrang pogi rin pala ng isang ‘to, kung hindi ko lang siguro gustong gusto si Jeo ay baka sa kanya na lang ako nahulog. “Can you stop looking at him? You’re future husband is right beside you,” masungit na sita nito kaya naman napaayos ako ng upo. “Kaya bawal na ako magkagusto sa iba? May equality na ngayon, Jeo kaya hindi lang dapat ikaw ang may ibang mahal no,” sagot ko pabalik kaya mas lalong sumungit ang mukha nito. “Whatever, do you job,” utos nito kaya wala na akong nagawa. Baka kapag mas lalo ko siyang binwisit ay hindi ko na ma-explore ang mga yate dito sa Europa Yachts. Sayang naman ang pagpasok namin kung sandali lang kaming mananatili rito. Pagkatapos ng meeting ay maayos naman ang deal sa pagitan ng DISAM Industries at Europa Yachts. Isa rin ako sa tuwang tuwa sapagkat palagi na akong makakakita ng mga yate at galing pa talaga sa isa sa pinakamagaling at matagal ng kumpanya sa Pilipinas. “Let’s go, pupunta pa tayo sa fitting ng gown mo,” maikling aniya at nauna ng naglakad papunta sa sasakyan niya. “Jeo! Isa lang please, titignan ko lang yung pinakamalaki,” pakiusap ko sa kanya habang magkadikit pa ang dalawang kamay ko. “Kanina ka pa nang-uusisa sa mga yate na ‘yan! Kaya tara na!” seryosong saad ni Jeo kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya papunta sa sasakyan niya. Habang naglalakad wala akong ibang ginagawa kundi busugin ang mata ko sa mga yateng nasa harapan ko. Kung hindi lang kami baon sa utang ay mas uunahin kong bumili ng yate kesa bahay e. Mas gusto ko pang tumira sa dagat at maghanap ng isla para doon matulog. “Aray!” sigaw ko ng bumunggo ako sa likod ni Jeo. Hindi ko napansin na huminto na pala siya paglalakad. Kitang kita ko pa ang lipstick ko na dumikit sa coat niya. Pupunasan ko sana ito ng bigla naman siyang humarap kaya binaba ko na lang ang kamay ko. “Sorry,” hingi ko ng paumanhin dahil nakikita ko na naman ang mukha niyang parang sasabog na naman sa galit. “Fine, just 10 more minutes, Ysobelle. Pagkatapos nun ay pupunta na tayo sa boutique,” aniya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong tumalon sa sobrang saya. “Thank you! Thank you talaga, Jeo,” tuwang tuwa kong sigaw hawak-hawak ang dalawa niyang kamay at tumatalon sa gitna ng daan. Mabilis akong tumakbo sa isa sa napakalaking boat nila rito. Worth it naman yung pagkakauntog ko sa matigas niyang likod kase paikot ikot na ako sa loob ng mamahaling yate na ‘to. “Imamanifest ko na sa susunod, ako na ang captain ng yacht na ganito,” pagdadasal ko habang hinahangaan ang napakagandang yacht na ito. “You must really have to work harder, Ysobelle. Hindi lang maliit na halaga ang ilalabas mo sa ganitong bagay,” saad ni Jeo habang nasa likod ko lang siya at nagmamasid. Parang hindi man lang naaantig ang puso ng isang ‘to kahit sobrang ganda na ng boat sa harapan namin. “Syempre naman, pero matagal tagal pa yun mangyayari,” natatawang saad ko. Tuluyan na rin kaming umalis sa Europa Yacht dahil gumagabi na rin. Tumuloy na rin kami sa boutique na sinasabi ni Jeo. “I like this na, super simple lang pero ang ganda,” ani ko at pinakita kay Jeo ang damit na nakasabit sa dulo ng rack. “Find another one, Ysobelle. That’s her choice of wedding dress also,” wika ni Jeo at hinablot ang wedding dress na pumukaw sa atensyon ko. Maging sa wedding dress, pareho pa rin kami ng choice?CHAPTER 42: Moments“Jeo….w-wait Jeo! Ano ba!?” sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanya. “Nauna kang makipaglaro, Belle,” sigaw pabalik ng lalaki. Kahit tirik pa ang araw ay tuloy tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Paglingon ko ay malayo pa siya kaya naman huminto muna ako para huminga ng malalim. “Hah! Grabe nakakahingal tumakbo. Parang napasukan na ng buhangin yung paa ko,” hinihingal na ani ko at tinignan ang paa kong pagaling pa lang ang sugat.“Got you, Belle,” bulong ni Jeo bago niya iniyakap ang braso niya sa katawan ko. Napasigaw naman ako sa biglang pagyakap niya ngunit wala na siyang hinintay na panahon at inikot pa talaga ako. Natawa na lang ako dahil mukhang honeymoon namin ang araw na ‘to. I never really expect or imagine any honeymoon with him. But this is kinda way great….much greater than what I could think of. Kasi all this time, ang alam ko lang ay ang inisin at kamuhian niya. “Ang bilis mo naman tumakbo, Jeo,” natatawang ani ko ng bitawan niya na ko pero nakaya
CHAPTER 41: BETAAnong oras na pero mukhang hindi pa rin bumababa ang energy ng mga taong ito. Naalala ko ang binake kong banana loaf. “Sandali, kukunin ko lang yung banana loaf sure ako malamig na yun,” nakangiting ani ko at bumaba mula sa pinag-uupuan naming lahat. Pagdating sa kitchen ay tama nga ako dahil malamig na ang mga banana loaf. Nilabas ko ito sa baking tray nila at hiniwa na parang katulad ng tasty bread. Paakyat na sana ako ng marinig ko ang usapan nilang pito. Mukhang seryoso iyon kaya hindi ko muna inistorbo ang usapan nila. “Hindi mo ba ‘to ginagawa para gumanti? Matagal ng patay si tukayo, pinatawad ko na rin siya sa lahat ng ginawa niya,” rinig kong ani Mang Tonyo at muli kong narinig ang katahimikan sa pagitan nila. “Marangyang pamumuhay ang nararapat sa inyo, Mang Tonyo,” wika ni Jeo gamit ang boses na may halong pighati? M-may nanakit o lumapastangan ba kay Mang Tonyo? Bakit tila galit na galit si Jeo sa mga iyon? “Akala ko dati ay kapag sinabi mong marangy
CHAPTER 40: MEN NEEDS CARE“No! Hindi nga maayos ‘yan yung paglilinis mo,” sabi ko ng pasinghal dahil kita ko pang may dumi pa sa pinasugat niya sa noo. Napakamot naman sa ulo si Jeo ng pinaupo ko na siya para lagyan ng alcohol ang noo niya. “Parang kulang pa yata ang alcohol na nilagay mo, Yso?” tanong naman ni Mang Tonyo at nasa itaas na pala malapit sa amin. “Tay naman, madami ng binuhos si Belle diyan kanina e,” simangot nitong aniya na kinatawa ni Mang Tonyo. “Sakto, makakapagfocus na si Yso kasi binaba na ni Kuya Rex yung angkla,” pagpaparinig naman ni Kuya Arvie kaya nagtawanan silang lahat. “Tara na nga lang dun sa kwarto, Belle. Nanggagatong pa ‘tong mga isdang nahuli ko,” ani Jeo kaya naman napakunot ang noo ko. “A-anong isda ang pinagsasabi mo?” tanong ko pero natawa na lang sina Kuya Rex at tinuro si Kaloy. “Si stone fish ba kamo? Heto na nahuli ko na!” masayang ani ni Kuya Arvie at hinawakan pa ang ulo ni Kuya Arnie. Hindi ko na napigilang humalakhak dahil nagulat
CHAPTER 39: Revenge“This is a small bruise, Belle. Don’t worry, I can even swim from here to there,” pagyayabang niya kaya naman natawa ang iba naming kasama pero nag-walk out lang ako. “Ohhhhh! Mukhang may manunuyo ah,” asar nila Kuya kaya naman kita kong napakamot ng ulo si Jeo. “Paano ba manuyo ang isang Jeo Ezekiel?” asar naman ni Kaloy sabay takip ng bibig niya. Ang jejemon pala ng lalaking ‘to, kulang na lang ng sumbrero at shades e.“Tigilan niyo na nga at baka lalong pagpasuyo,” pakikipagbiruan naman ni Jeo kaya padabog na akong pumasok at nakita ang mga banana loaf na nakalabas na sa oven. Mukhang toasted na papunta na sa sunog dahil hindi ko na talaga naalala sa kakahanap kay Jeo. Mamaya ko na lang aayusin at ipapatikim kina Kuya kasi kukuha muna ako ng medicine kit para sa sugat ni Jeo sa noo. I remember na meron nun sa rooms kaya mabilis akong pumunta sa room pero napatigil ako ng makita ang kama. Gulo gulo pa iyon dahil hindi ko pa naaayos, napahawak na lang ako sa
CHAPTER 38: Help“H-hindi Kuya! K-kailangan natin iligtas si Jeo,” umiiyak na sigaw ko habang nagpupumiglas umalis mula sa mga hawak nila. Mahigpit ang hawak ni Kuya Arnie at Kaloy sa magkabilaang braso ko. Kanina pa ako pumipiglas para tumalon at sagipin si Jeo. “Gusto mo bang pati ikaw ay hanapin namin?” biglang ani Kaloy at binitawan ang braso ko. Nanlaki naman ang mata ni Kuya Arnie at inginuso na hawakan ako pero umiling lang si Kaloy. “Hayaan mo siya Kuya, parang iniisip niya na wala tayong ginagawa para sagipin si Sir,” nakapamewang pa niyang sabi kaya naman nagulat ako. “I-i didn’t mean it like that, Kaloy,” pabulong kong ani at napayuko na lang sa kinatatayuan ko. Umalis si Kaloy at tinulungan na mag-ikot sa boat sina Kuya Gary para hanapin ang asawa ko. Naiwan kami ni Kuya Arnie sa unahan ng boat ng dahan dahan niyang binitawan ang braso ko. “P-pasensya na po kayo,” mahinang bulong ko na tinanguan niya lang. Kahit nagsilbi iyong pagpapatawad o pagkakaintindi, alam kon
CHAPTER 37: Storm “W-why? May mali ba sa tanong ko?” tanong ko kay Jeo na nagligpit na rin ng pinagkainan kasunod lang nila Kuya. Napasimangot naman ako kasi pakiramdam ko ay sinira ko ang hapunan namin dahil sa tanong ko. Kaya naman nakapag-decide akong ipag-bake sila para naman makabawi. Kasi kitang kita ko talaga na ayaw nilang sagutin ang tinanong ko kanina. Habang nililigpit ko ang pinagkainan ko ay sinusubukan kong makipag-usap pero madami silang ginagawa. “Kuya Gary patulong naman po, paabot po nitong mga bowl,” mahinang ani ko ng dumaan siya sa gilid ko galing sa likod. Ramdam ko ang paglapit niya at dahan dahang kinuha ang mga bowls na gagamitin ko sa pag-bake. “Galit po ba kayong lahat sa ‘kin, Kuya?” mahinang tanong ko habang pinapadaanan ng water ang bowl para malinis. “Ay hindi, Yso. Ayaw lang talaga naming pag-usapan ang bagay na iyon,” mabilis na saad ni Kuya at bahagyang ngumiti sa gawi ko kaya parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. “Pasensya na po kayo, Kuya