Share

CHAPTER 14: WHEREVER YOU ARE

“Hindi pa po siya lumalabas sa kuwarto. Kanina pa po namin siyang kinakatok, pero parang wala po siyang balak lumabas.” May pag-aalalang sabi ng isa pang kasambahay.

Napilitang umuwi si Harry. Napakunot - noo ni Gabby kumbakit nagmamadali na namang umalis ang lalaki.

“Saan pupunta si Sir?” tanong niya sa guwardiya. Kumibit-balikat lang ang lalaki.

“Cindy! Cindy!” Kinabog ni Harry ng malakas ang pinto. “Get me the duplicate keys, dali! Bakit hindi ninyo binuksan kanina pa?”

Abut-abot ang kaba ni Harry ngunit sumalubong sa kanila ang magulong kuwarto ng babae. Bukas pa ang lampshade niya. Nakatabing pa ang kurtina ng mga bintana. Natadyakan pa ni Harry ang bote ng beer sa carpeted na sahig.

Nasa carpet ang kumot at unan. Nakalislis ang mahabang pantulog ni Cindy at kita ang kanyang itim na panty. Pasimpleng lumapit ang matandang kasambahay at inayos ito.

“Anglikot namang matulog ni Ma’am. Parang bata.”

“Damn! Bakit puro bote ng beer dito?”

“Lasing po yata si Ma’am.”

“Maglinis kayo rito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status